Planned Maintenance The site will be unavailable for 10-30 minutes for scheduled maintenance.

FILI 101 – Kontekstwalisado ng Komunikasyon sa Filipino PDF

Summary

These lecture notes cover the subject of Filipino Communication. It provides an overview of the importance and uses of the Filipino language, discussing its role in communication, culture, and daily life. It also explores the history of the Filipino language and its development.

Full Transcript

FILI 101 – KONTEKSTWALISADO NG KOMUNIKASYON SA FILIPINO Inihanda ni : Lovelle G. Correa, LPT KABANATA I MGA BATAYANG KAALAMAN SA WIKA Sa lahat ng nilalang ng Diyos, tao lamang ang binigyan ng kapangyarihang makapagsalita kaya’t bawat pangkat ng mga tao sa daigdig ay may kanyakanyang wikang n...

FILI 101 – KONTEKSTWALISADO NG KOMUNIKASYON SA FILIPINO Inihanda ni : Lovelle G. Correa, LPT KABANATA I MGA BATAYANG KAALAMAN SA WIKA Sa lahat ng nilalang ng Diyos, tao lamang ang binigyan ng kapangyarihang makapagsalita kaya’t bawat pangkat ng mga tao sa daigdig ay may kanyakanyang wikang nagsisilbing pagkakakilanlan. Sa pagsasalita ng mga tao, anumang pangkat ang kinabibilangan ay may mga komong gamit, katangian at kahalagahan. Maliban sa pagsasalita, ginagamit din ang wika sa pagsusulat, ito man ay sa paraang makaluma o makabago. Sa kahit anumang transaksiyong personal, akademiko at panlipunan ay kaagapay natin ang wika sa pagsasakatuparan ng mga ito. Kung kaya’t masasabing hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika saan mang panig ng mundo. Sa Pilipinas, ang mga mamamayang Pilipino ay nagkakabuklod-buklod sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga wikain. Ito ay dahil sa pagkakaroon ng mga pambansang wikang Filipino na pinagsikapang itaguyod ng mga naunang batikang lider na may malasakit para sa pambansang pagkakaunawaan at pagkakaisa. Ang nasabing hakbangin ay isang malaking bahagi ng ating kasaysayan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang wika ay humaharap din sa mga pagsubok tulad ng tao. Isa sa mga halimbawa nito ay ang kinaharap ng wikang Filipino sa nakalipas na mga taon – ang muntik nang pagpaslang sa wikang tagapagbuklod ng mga Pilipino. Ngunit dahil sa kahalagahan ng wikang Filipino, ipinaglaban ito ng mga grupong may malasakit sa pambansang pagkakakilanlan. Kaya, bilang isang kabataang Pilipino, isang kaaya-ayang katangian ang pagkakaroon ng malawak at sapat na kaalaman tungkol sa wika. Kung kaya’t inihanda sa kabanatang ito ang mga mahahalagang kaalaman at impormasyon na magsisilbing inspirasyon ng mga mag-aaral (sa Filipino) na pahalagahan ang wikang kaloob ng Maykapal. ARALIN 1- MGA KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG WIKA Ang wika ay ang ginagamit sa komunikasyon. Isa ito sa iniingatang yaman ng isang kultura at lahi upang mapahusay at mapadali ang mga pangangailangan sa lipunan gayundin sa pagpapaunlad ng kanilang kalinangan. Sa araling ito, ating alamin ang mga kahulugan at kahalagahan ng wika upang ating mabatid ang natatagong kapangyarihan nito. ANO NGA BA ANG WIKA? “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa isang kultura,” ayon kay Henry Gleason. Lahat ng wika sa mundo ay magkatulad ng patern ng balangkas. Nagsimula ang wika sa mga set ng ponema. Ang mga ponemang ito ay pinagdugtong upang makabuo ng morpema. Ang mga morpema naman ang ginagamit upang makabuo ng pangungusap upang magamit sa diskurso. Nagiging arbitraryo naman ito sapagkat pinagkasunduan ng mga kasapi ng kultura ang katawagan at kahulugan sa mga konsepto. Higit sa lahat, ginagamit ito ng isang kultura dahil nag-ugat ang wika rito. Nakabatay sa kultura ang lahat ng mga salita at pahayag na matatagpuan sa isang wika. “Ang pagkatuto ng ibang wika ay pagkakaroon ng pangalawang kaluluwa,” pahayag ni Charlemagne. Kapag nakapagbasa, nakapagsalita at nakauunawa ng ibang wika ang tao maliban sa kaniyang unang wika, natututo siya ng bagong mga kaisipan, ideya, kultura at mga bagong sistema na makatutulong upang mapagaan at mapahusay ang kaniyang buhay Saad naman nina Sampson et.al., “ang wika ay isang obra maestra ni Picasso, isang komposisyon ni Beethoven o di kaya’y ang kahanga-hangang pagtatanghal ng mga gymast sa Olympic. Ito ay isang sining. Lumilikha ito ng kagandahan, pasalita man o pasulat”. Makulay, malikhain at malalim ang katangian ng wika dahil likha ito ng talino at aking talento ng tao. Bawat wika ay tumatatak ang gamit nito at nangingibabaw ang angking kakanyahan nito. Wika naman ni Prof. Virgilio S. Almario, “ang wika mismo ang patunay na tayo’y may katutubong kultura. Isang wika itong patuloy na nabuhay sa kabila ng mahanang pananakop na nagbigay kaalaman at karunungan tungkol sa ating lahi.” Buhay na buhay ang wikang Filipino na nagpapakita ng karanasan, mithiin, karanasan at kagalingan ng mga Pilipino. Sa mga ibinigay na pagpapakahulugan sa wika, mapapansinan na ang wika ay sining ng isang kulturang lumikha nito na nagiging tulay upang magkaunawaan, magkaroon ng karunungan at makamit ang mga mithiin at mga gumagamit nito kung kaya, tala rin ito ng kaalaman, paniniwala, lunggati, karanasan, pangarap at kalinangan. Samantala, hindi mapasusubalian ang papel ng wika sa sarili, lipunan, kultura, kapayapaan, pagkakaisa at iba pa. Narito ang sumusunod na mga tiyak na kahalagahan ng wika: a. Pinakapangunahing kailangan ito upang maipahayag natin ang damdamin, saloobin kaisipan at iba pa. b. Nagbubuklod ito ng bansa. c. Nag-iingat at nagpapalaganap ito ng kaalaman. d. Lumilinang ito ng malikhaing pag-iisip. e. Nagpapalaganap ng kaalaman paglalakbay, pagsasalin, pagtatala ng midyum ng karunungan. BUOD NG ARALIN Sa tinalakay na mga kahulugan ng wika ayon sa iba’t ibang dalubhasa, kapapansinan ito ng mga komong pananaw. Sa pangkalahatan, ang wika ay ang ginagamit sa komunikasyon. Isa ito sa iniingatang yaman ng isang kultura at lahi upang mapahusay at mapadali mga pangangailangan sa lipunan gayundin sa pagpapaunlad ng kanilang kalinangan. Nabatid din na talagang hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika na nabuhay sa kabila ng mahabang pananakop na nagbigay kaalaman at karunungan tungkol sa ating lahi. PAGTATAYA Panuto : Pumili ng isang kahulugan ng wika batay sa mga tinalakay at ipaliwanag ito. Magbigay ng dalawang tiyak na halimbawa upang maging lubos na kapani-paniwala ang iyong pagpapaliwanag. Makikita sa ibaba ang pamantayan. ARALIN 2- KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA ARALIN 2- KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA Alam mo ba ang pinagdaanan ng wikang pambansa ng Pilipinas? Marami sa ating mga Pilipino ang may kakapusan sa kaalaman pagdating sa ating wikang pambansa sapagkat mas lantad tayo sa paggamit ng wikang Ingles. Nakababahala ang ganitong pag-iisip nating mga Pilipino sapagkat hindi uunlad ang wikang Filipino kung salat tayo sa kaniyang pinagdaanan, tagumpay maging ng kanilang adhika. Sa araling ito, maglalakbay tayo sa kasaysayan ng ating wikang pambansa. PAGTALAKAY SA PAKSA Idineklara sa Saligang Batas ng Biak-na-Bato noong 1897 na ang Wikang Opisyal ng Pilipinas ay wikang Tagalog. Ginamit ang wikang ito sa mga opisyal na komunikasyon sa pamahalaang itinatag ng mga Pilipino. Ito rin ang naging simbolismo na nakawala na ang Pilipinas sa pananakop ng mga Espanyol. Nang masakop naman ng Amerikano noong 1901 ang Pilipinas, ginamit na panturo sa paaralan ang wikang Ingles ayon sa nakasaad sa Batas 74 ng Phil. Commission. Bunsod nito, nagkaroon ng kabatiran sa wikang Ingles ang mga Pilipino kung kaya marami na rin ang gumamit nito maging sa pagsulat ng mga panitikan. Sa panahon naman ng Komonwelt, naglibot sa buong Pilipinas si Pangulong Manuel L. Quezon upang malaman ang sitwasyon ng bansa. Walang isang wika na komon sa lahat ng mga Pilipino kung kaya hindi siya naunawaan ng kaniyang mamamayan. Kaya naman, isinaad sa Art. 9 Sek. 3 ng 1935 na Konstitusyon na magkakaroon ng pagpapatibay at Manuel Luis Quezon y Molina pagpapaunlad ng isang wikang pambansa. Upang maisakatuparan ito, itinatag sa ilalim ng Batas Komonwelt Blg. 184 noong Nobyembre 13, 1936 ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na siyang mamamahala sa pagpili ng isang wikang pambansa. Humirang si Pang. Quezon ng kapulungan na pinangunahan ni Jaime C. De Veyra na taga- Samar bilang Direktor, Cecilio Lopez (Tagalog) bilang Kalihim at Punong Tagapagpaganap, Santiago A. Fonacier (Ilokano) bilang Kagawad at mga kasamahang sina Filemon Sotto (Cebuano), Felix R. Salas Rodriguez (Hiligaynon), Casimiro F. Perfecto (Bikolano) at Hadji Butu (Muslim). Nagkaroon pa ng karagdagang kagawad na sina Lope K. Santos (Tagalog), Jose I. Zulueta (Pangasinense), Zoilo Hilario (Kapampangan) at Isidro Abad (Cebuano) dahil sa sumakabilang buhay si Hadji Butu at may kapansanan naman si Felimon Sotto. ANO ANG MGA NAGING PAMANTAYAN SA PAGPILI NG WIKANG PAMBANSA ANG SWP? 1. Nararapat na ginagamit ito sa sentro ng kalakalan, industriya at politika ng mayoryang mamamayang Pilipino. 2. Isa ring pamantayan ang paggamit ng wika sa pagsulat ng pinakadakilang panitikan. 3. Higit sa lahat, ang wika ay may pinakamaunlad na gramatika at mekanismo. Batay sa naging pamantayan, nakasaad sa ginawang resolusyon ng SWP noong Nobyembre 9, 1937 na ang Tagalog ang napiling wikang pambansa. Sinimulan ito sa pagtuturo sa paaralang pampubliko at pribado noong 1940. Dahil dito, bumuo si Lope K. Santos ng alpabeto na kaniyang tinawag na ABAKADA. Ang ABAKADA ay binubuo ng 20 letra na ibinatay sa Baybayin. Ang pagbigkas ng mga letra ay may kasamang patinig na “a”. Kalaunan, ang Wikang Pambansa ay naging Opisyal na Wika na rin ng bansa noong Hulyo 4, 1946. Nagkaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29 hanggang Abril 4 bilang pagbibigay ng pagpapahalaga kay Francisco Baltazar na tinaguriang “Ama ng Panitikang Pilipino”. Kalaunan, inilipat ang pagdiriwang ng wikang pambansa sa Agosto bilang pagkilala kay Manuel L. Quezon na “Ama ng Wikang Pambansa”. Tinawag naman na Pilipino ang Wikang Pambansa noong Agosto 13, 1959 sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 7. Pinalitan ang katawagan sa Wikang Pambansa upang tuluyang kumatawan ito sa mga Pilipino at hindi lamang sa isang pangkat-etniko. Tinawag naman na Filipino ang wikang pambansa sa Konstitusyong 1973. Ang letrang “F” ay kumakatawan sa mga iba pang wika sa Pilipinas maliban sa Tagalog. Nakabatay kung gayon ang Filipino sa mga wika sa Pilipinas kung kaya, nagkaroon ng pagpapapasok ng mga salita at pagkilala sa katangian ng mga wika sa bansa. Nagkaroon din ng pagpasok ng mga talasalitaan mula sa banyagang wika bunsod sa pagpasok ng teknolohiya at siyensiya. Ito ang naging sanhi ng pagrerebisa ng alpabeto. Dinagdagan ng 11 letra na C, CH, F, J, LL, N, Q, RR, V, X, Z upang mahiram ang mga salitang banyaga. Tinawag itong Pinagyamang Alfabeto na binubuo ng 31 letra. A B C CH D E F G H I J K L LL M N Ñ NG O P Q R RR S T U V W X Y Z Nagkaroon naman ng pagbabago sa SWP. Tinawag itong Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na may layuning pangalagaan, paunlarin, pag-aralan pa ang wikang Filipino upang tuluyan itong maging intelektuwalisado. Isinaad sa Artikulo XIV seksiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987 na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Fiipino. Ito ay lilinangin at payayabungin batay sa umiiral na mga wika sa Pilipinas. Nagkaroon naman ng pagbabago sa alpabeto upang mas mapahusay ito. Tinawag itong Alpabetong Filipino na binubuo ng ? letra. Binibigkas ang mga letra nito nang pa-Ingles maliban sa isang letra na binibigkas nang pa-Espanyol. Bago naabot ang adhikaing magkaroon ng pambansang wikang walang bahid ng rehiyunalismo, dumaan pa ito sa mahabang proseso. Tumatak sa kasaysayan ang naging ebolusyon ng wikang Filipino. Patunay lamang ito ng pagsisikap ni Pangulong Quezon para sa pagkakaroon ng wikang pambansa na tagapagbuklod ng buong sambayanang Pilipino. Tukuyin ang isinasaad sa bawat _3. Siya ang unang direktor ng Surian bilang. (2 puntos bawat bilang) ng Wikang Pambansa. a. Cecilio Lopez c. Jaime C. de Veyra _1. Siya ang “Ama ng Wikang b. Casimiro Perfecto d. Hadji Butu Pambansa”. a. Manuel Roxas c. Manuel Dialogo _4. Kailan tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ? b. Manuel Quezon d. Manuel Hidalgo a. Agosto 14, 1959 c. Agosto 13, 1959 b. Agosto 15,1959 d. Agosto _2. Ito ang artikulo ng Saligang 16,1959 Batas ng 1987 na nagsasaad ng wikang pambansa ng Pilipinas. _ 5. Ito ang pinagbatayan ng wikang Filipino. a. Artikulo XIV c. Artikulo XVI a. Tagalog c. mga wika sa Pilipinas b. Artikulo XV d. Artikulo XVII b. Pilipino d. mga dayuhang wika _ 6. Ito ang Saligang Batas na nagsasaad na Filipino ang kasalukuyang wikang pambansa ng Pilipinas. a. Saligang Batas ng 1935 c. Saligang Batas ng ng 1987 b. Saligang Batas ng 1973 d. Saligang Batas ng Biak na-Bato _7. Ito ang kasalukuyang alpabeto ng wikang Filipino. a. Baybayin c. Pinagyamang Alfabeto b. ABAKADA d. Alpabetong Filipino _8. Alin ang hindi wasto tungkol sa ABAKADA? a. Binibigkas ito na may kasamang patinig na “i”. b. Naging batayan ito ay Baybayin c. Binubuo ito ng 20 na titik. d. Binuo ni Lope K. Santos _9. Isinaad ditto na magkakaroon ng pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang wikang pambansa. a. Artikulo IV Sek. 5 ng 1936 na Konstitusyon b. Art. IX Sek. 3 ng 1935 na Konstitusyon c. Art. VI Sek. 3 ng 1935 na Konstitusyon d. Artikulo IX Sek. 6 ng 1936 na Konstitusyon _10. Ano ang kasalukuyang tawag sa Surian ng Wikang Pambansa? a. Linangan ng Mga Wika sa Pilipinas b. Komisyon ng/sa Wikang Filipino c. Kagawaran ng Wikang Filipino d. Linangan ng Umuunlad na Mga Wika ARALIN 3 - PAGTATAGUYOD NG FILIPINO SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA Nagkaroon ng mga hakbang ang pamahalaan na paslangin ang mga asignaturang Filipino at panitikan sa kolehiyo bilang pagbabawas ng mga kukuning asignatura ng mga mag-aaral. Ang hakbanging ito ay nakapagbigay ng pangamba sa mga guro sa Filipino at sa estado ng wikang Filipino lalo na ang paggamit nito sa akademya at sa pampropesyonal na larangan. Tatalakayin sa araling ito ang mga binuong konseptong papel at petisyon ng Tanggol Wika at mga unibersidad na nanguna upang manatiling pagaralan ang asignaturang Filipino at panitikan sa kolehiyo upang magamit pa sa mas mataas na antas ng edukayon. PAGTALAKAY SA PAKSA Sa simula ng pagpapatupad ng K-12 na kurikulum sa bansa, kumalat na ang balita tungkol sa plano ng pamahalaan na magkaroon ng pag-aalis ng mga aralin sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Kung kaya, may posibilidad na magkakaroon ng pagbubura ng Departamento ng Filipino sa kolehiyo. Bilang tugon sa nakaaalarmang balak, itinatag ang Tanggol Wika noong Oktubre 2, 2012. Ang unang hakbang na ginawa ng Tanggol Wika ay nagpalaganap ng petisyon na humihiling sa CHED at sa Department of Education (DepEd) na ipahinto ang implementasyon ng Senior High School, Junior High School at ng Revised General Education (RGEC) ng K-12. Dumating nga ang kinatatakutan ng Tanggol Wika sapagkat lumabas ang CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013 noong Hunyo 28, 2013 na naglalaman ng pagtatanggal ng mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo para mapagaan ang kurikulum dahil mababawasan ang kukuning asignatura ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Sa panawagan ng Tanggol Wika na agapan ang pagtatanggal ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo, nagpalabas ng mga posisyong papel ang mga unibersidad at kolehiyo sa bansa na kaisa ng Tanggol Wika sa pangangalaga sa kapakanan ng wikang Filipino. Nagbigay naman ng pahayag ang UP Diliman University Council tungkol sa pagpapanatili ng Filipino sa Kolehiyo. Ipinahayag nila ito sa isinagawang Midya Forum ng Tanggol Wika noong Hulyo 2014. Makikita sa sunod na slide ang buong hinalaw na pahayag mula sa https://upd.edu.ph/panatilihin-at- pagyamanin-ang-wikangfilipino-at-panitikan-sa-kolehiyo-pahayag-ng-up-diliman- university-council/. “…Nagkakaisa kaming tumitindig at nagpapahayag na dapat manatili – at patuloy na paunlarin – ang Wikang Filipino at Panitikan bilang mga batayang kurso sa General Education Curriculum sa kolehiyo. Naniniwala kami na napakahalaga ng wikang Filipino at panitikan sa pagpapalalim ng mapanuri, malikhain, malaya, at mapagpalayang kakayahan ng mga mag-aaral at mamamayan, anuman ang kanilang kurso, disiplina at larangan ng pagpapakadalubhasa. Hindi pag-uulit ang pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo, bagkus ay pagpapalawig sa teorya, praktika, at silbi nito sa pamantasan, bansa, at buhay. …” Dagdag pa rito, nagpalabas din ng apila ang Departamento ng Filipino ng DLSU, Manila na suriin at rebisahin ang desisyong pagtatanggal ng mga mandatoring asignaturang Filipino at Panitikan sapagkat may mga nalabag at nakaligtaan ito. Ginamit ng Tanggol Wika sa pag-apila ang posisyong papel ng DLSU. Makikita sa sunod na slide ang hinalaw na mga bahagi ng posisyong papel mula sa Tanggol Wika.  Una, hindi nagpatawag ng publikong pagdinig o oral arguments ang Korte Suprema hinggil sa kasong ito, kaya’t ang desisyon ay hindi nakasalig sa komprehensibong pagpipingkian ng mga argumento na maaari sanang naisabalikat sa pamamagitan ng publikong pagdinig.  Ikalawa, ang desisyon ng Korte Suprema ay tuwirang pagbalewala sa mandato ng Konstitusyong 1987 na nagbibigay-diin sa gampanin ng buong gobyerno sa pagtataguyod ng wikang pambansa, sariling kultura, kasaysayan, at nasyonalismo – mga paksang ubod at puso ng mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.  Ikatlo, naniniwala kami na ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng community engagement o pakikibahagi sa mga pamayanan ng iba’t ibang mga kolehiyo at unibersidad  Ikaapat, sa konteksto ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration, ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring disenyo ay isa sa ating mga potensyal na ambag sa proyekto ng globalisasyong pedagohikal at sosyo-kultural. Ano nga ba ang iaambag natin sa daigdig kung hindi natin pag-aaralan ang sarili nating wika at kultura? Paano haharapin ang mundo kung hindi kilala ang sarili?  Ikalima, ang wikang Filipino ay wikang global na itinuturo bilang asignatura o kaya’y komponent ng Philippine Studies sa mahigit 45 unibersidad at mahigit 100 hayskul sa buong mundo. Ang pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa mga kolehiyo sa Pilipinas ay tiyak na may negatibong epekto sa espasyo nito sa ibang bansa.  Ikaanim, ginagarantiyahan ng pagkakaroon ng Filipino sa mga unibersidad ang aktibong pakikisangkot ng mga guro ng Departamento at bawat mag-aaral sa mga kolaboratibong pananaliksik na isinusulong ng ibang mga departamento gaya ng Natural Language Processing Department  Ikapito, sa pamamagitan ng asignaturang Filipino sa unibersidad, inaasahang may sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng unibersidad sa bansa, sa mataas na antas ng pakikipagtalastasan sa iba’t ibang pangangailangan o kontekstong pangkomunikasyon pang-akademiko man o pangkultura.  Ikawalo, ang pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo ay nangangahulugan ding pagbura at paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sa buong bansa – na mga balwarte ng intelektwalisasyon ng Filipino, ng pananaliksik sa sariling wika sa iba’t ibang larangan.  Ikasiyam, sa diwa ng international benchmarking, dapat bigyang-diin na ang pag-aaral ng wikang sarili at/o panitikan ay pawang bahagi rin ng mga required na asignatura sa mga unibersidad sa mga bansang gaya ng Estados Unidos, Germany, Sweden, Norway, Thailand, at Indonesia.  Ikasampu, ang wikang English, Matematika, Siyensya, at Physical Education ay pawang itinuturo rin sa basic education, ngunit ngayo’y bahagi rin ng kurikulum sa kolehiyo sa ilalim ng K to 12, sa porma ng asignaturang Purposive Communication na sa esensya ay English for Specific Purposes; Mathematics in the Modern World; Science and Technology for Society; at Physical Education. Samakatwid, nararapat lamang na may Filipino at Panitikan din sa kolehiyo, sa diwa ng pagiging patas, balanse, at holistikong paghubog na siyang dapat ikintal sa General Education Nagsampa ng kaso ang Tanggol Wika sa Korte Suprema sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera at kaniyang mga kasamahan laban kina Pangulong Benigno Simeon Aquino III at Punong Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon Dr. Patricia Licuanan. Binigyan ng pansin ng apila ang mga nalabag na probisyon ng Konstitusyon tulad ng Artikulo XiV, Seksiyon 6; Artikulo XIV, Seksiyon 14, 15 at 18; Artikulo XIV, Seksiyon 3; Artikulo II, Seksiyon 17; at Artikulo XIV, Seksiyon 2 at 3; Artikulo II, Seksiyon 18; at Artikulo XIII, Seksiyon 3 ng Konstitusyon 1987. Kinatigan naman ng Korte Suprema ang apila ng Tanggol Wika kaya nagpalabas ito ng temporary restraining order (TRO) na pinalabas noong Abril 21, 2015. May mga pangkat na gustong kitlin ang bisa ng TRO. Subalit, hindi ito hinayaan ng mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino lalo na ng Tanggol Wika at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).  SAPAGKAT, minamahalaga na noon pang panahon ni Rizal ang pagbuo at pagpapatatag ng isang nasyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang wikang magbibigkis at magpapahigpit ng pagkakaisa ng mga mamamayan nito.  SAPAGKAT, itinakda na noon pa man sa 1935 Konstitusyon na dapat bumuo ng wikang pambansang batay sa mga wikang katutubo upang maging tulay na wika ng lahat ng Pilipino.  SAPAGKAT, itinatakda at kinikilala noon pa man sa 1973 at 1987 Konstitusyon ang gampanin ng wikang Filipino bilang wikang pambansa at wika ng edukasyon ng gamiting wikang panturo ang wikang Filipino at opsiyonal ang paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo.  SAPAGKAT, magkakapamilya ang mga katutubong wika ng Pilipinas, higit na epektibo ang wikang Filipino bilang tulay na wika ng bansa kaysa anumang banyagang wika.  SAPAGKAT, kinakailangang magkaroon ng pagpapalakas sa paggamit at katatasan sa wikang Filipino sa pananaliksik at pagsasalin upang mapaunlad ang paggamit nito sa pandalubhasang larang. BUOD NG ARALIN Tulad ng tao, ang wika ay dumaranas din ng mga pagsubok. Ang tangkang pagpaslang sa mga asignaturang Filipino at Panitikan sa antas tersyarya ay isang matinding pagsubok sa tanang buhay ng Pambansang Wikang Filipino. Subalit gaano man katindi ang pagsubok ay hindi nito magagapi ang isang wikang matatag – pinatatag ng mga tao o pangkat ng mga taong may tunay na malasakit sa ating pambansang wika. Ang pakikipaglaban ng Tanggol Wika sa ating Pambansang Wikang Filipino na sinuportahan ng mga kolehiyo at unibersidad sa ating bansa ay isang patunay na gaano man kalakas ang bagyo ay hindi nito kayang patumbahin ang ano mang bagay na sagad sa katatagan. VARAYTI NG WIKA DAYALEKTO SOSYOLEK IDYOLEK

Use Quizgecko on...
Browser
Browser