Bagong-DLP-Filipino-DO KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO (PDF)

Summary

This document is a Filipino lesson plan about communication, language, research, and Philippine culture. It covers topics like the definition of language, its importance, and history. It also includes activities for students to participate in and an evaluation.

Full Transcript

KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO Unang Linggo Unang Araw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan at gamit ng wika lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagda...

KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO Unang Linggo Unang Araw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan at gamit ng wika lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas Kasanayang Pampagkatuto: Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati at mga panayam.F11PN – Ia – 86 I. Layunin: 1. Natutukoy ang mga kahulugan ng wika. 2. Naipaliliwanag at nagagamit ang mga kahulugan at kahalagahan ng wika. 3. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang mga kahulugan ng wika. II. Paksang Aralin: (Wika) Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint Sanggunian: Bautista, Demetrio B. at Rosales, Alejandro T. 2014. Epektibong Komunikasyon 1 sa Akademikong Filipino. Grematima Publishing. Lunsod Batangas. III. Hakbang sa Pagkatuto: A. Aktibiti 1 Pangkatang Gawain: Pangkatin sa tatlo ang klase at bigyan ng gawain ukol sa mga napakinggang salita mula sa radyo, talumpati at mga panayam sa pamamagitan ng pagtatala sa loob ng limang minuto at dalawang minutong pag- uulat ng kinatawan sa bawat pangkat. B. Analisis 1. Ano ang inyong napansin sa mga salitang itinala at iniulat ng inyong kamag- aaral? Gamit ba ito sa pakikipagkomunikasyon? 2. Anong katangian ng wika ang iyong maibibigay? May napansin ka ba? Kung mayroon, maaari mo bang banggitin kung anu-ano ang mga ito? 3. May nabanggit bang bahagi na maaaring makabilang sa teorya ng wika? Maglahad kung ano ang mga ito. Pagbibgay ng Input ng Guro Dagdag Kaalaman sa Kahulugan ng Wika Kahulugan ng Wika Kung may pinakamakapangyarihan at pinakamisteryoso sa daigdig na ito ay walang iba kundi ang wika. Ito ay sistema ng talastasan sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng pagsulat at pagsasalita. C. Abstraksyon Mungkahing Estratehiya: Pasemantikang Mapa Pagpapatibay sa mga imormasyon o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral. Pagbibigay ng karagdagang lagak ng guro gamit ang powerpoint. Sa pamamagitan ng mapa sa ibaba. Lagyan ng mga salita na magbibigay nang maliwanag na kahulugan sa wika. 2 WIKA D. Aplikasyon Mungkahing Estratehiya: Pagbibigay ng Reaksyon Kahulugan ng Kahalagahan ng Wika, Teorya at Wika Reaksyon mga Katangian E. Ebalwasyon: Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel. 1. Ang katangian ng wika kapag sinabing ito ay nagbabago o hindi constant? a. Yuniko b. Dinamiko 3 c. Arbitraryo d. Masistemang balangkas 2. Ang katangian ng wika kapag sinabing ito ay walang katulad? a. Yuniko b. Dinamiko c. Arbitraryo d. Masistemang balangkas 3. Ang klasipikasyon ng teorya ng wika ang nagmula sa Bibliya? a. Yo-he-ho b. Pooh-pooh c. Bow-wow d. Tore ni Babel 4. Ang teorya ng wika na nagsasabing nagmula sa panggagaya sa tunog ng kalikasan? a. Yo-he-ho b. Pooh-pooh c. Bow-wow d. Tore ni Babel 5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang? a. Ang wika ay hindi gamit sa komunikasyon b. Ang wika ay kaakibat ng kultura c. Ang wika ay arbitraryo d. Wala sa nabanggit Susi sa Pagwawasto: 1. B 2. A 3. D 4. C 5. D Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index 4 F. Kasunduan 1. Alamin ang mga sitwasyong pangwika sa mga talumpati at panayam. 2. Humanda sa gagawing pagtalakay sa susunod na pagkikita. 5 KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO Unang Linggo Pangalawang araw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas Kasanayang Pampagkatuto: Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo,talumpati at mga panayam. F11PN – Ia – 86 – I. Layunin: 1. Natutukoy ang wikang pambansa sa Pilipinas? napakinggan sa radyo,talumpati at mga panayam. 2. Naipaliliwanag ang mga pinagdaanang pangyayari kung paano nagkaaroon ng wikang pambansa sa bawat taon mula taong 1935-1987. 3. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang wikang pambansa. II. Paksang Aralin: (Wikang Pambansa) Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint 6 Sanggunian: Bautista, Demetrio B. at Rosales, Alejandro T. 2014. Epektibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Grematima Publishing. Lunsod Batangas. III. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang A. Aktibiti 1: Pagpapanood ng Video : 1. Talumpati - Sona ng Pangulo (Pangulong Rodrigo Duterte) 2. Panayam – Awtoridad B. Analisis 1 1. Ano ang inyong napansin sa mga narinig na salita ayon sa: a. talumpati b. panayam 2. Anong wika ang ginamit sa talumpati ng Pangulo ng Pilipinas? 3. Naging epektibo ba ang ginamit na salita sa naging talumpati at panayam at sa palagay mo ba ang talumpati ng Pangulo na sa makabagong paraan ng paggamit ng Filipino niya isinagawa? Pagbibigay ng Input Dagdag Kaalaman sa Wikang Pambansa Ang wikang pambansa ay Filipino. Ito ay sagisag na paggkakakilanlan , kalayaan na magagamit sa pamamahayag. Sumasalamin ito sa ating mga paniniwala, tradisyon at kultura kasama ang kaisipan at damdamin ng tao. C. Abstraksyon Pagpapatibay sa mga imormasyong o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral. Pagbibigay ng karagdagang lagak ng guro gamit ang powerpoint. 7 Lope K. Santos -1934 Wikang Pambansa Manuel Luis M. Quezon- 1935 Filipino Artikulo XIV, Saligang Batas ng: 1935 , 1937, 1940, 1946, 1959, 1972, 1987. D. Aplikasyon Mungkahing Estratehiya: Pangkatang Gawain Gumawa ng isang palatuntunan / drama sa radyo na ipamamalas ang epektibong gamit ng Filipino bilang wikang pambansa. Pamanatayan sa Pagmamarka: Nilalaman / Mensahe 5 Marka Orihinalidad 5 Kaugnayan sa paksa 5 Pagtatanghal 5 Kabuuan 20 E. Ebalwasyon Panuto: Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. 1. Ang wikang pambansa ng Pilipinas? a. Filipino b. Pilipino c. Tagalog d. Ingles 8 2. Ang Ama ng Wikang Pambansa? a. Manuel Quezon b. Manuel Louise Quezon c. Manuel Luis M. Quezon d. Manuel L. Quezon 3. Ang unang nagpanukala ng ating wikang pambansa ang umiiral na wika sa Pilipinas? a. Lope C. Santos b. Ka Lope Santos c. Penelope K. Santos d. Wala sa nabanggit 4. Ang taon naging opisyal na wikang pambansa ang Filipino? a. 1940 b. 1935 c. 1987 d. 1972 5. Sa anong taon nagkaroon ng pagsusog si Pangulong Quezon na nagbigay – daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Sek. 3? a. 1935 b. 1959 c. 1972 d. 1987 Susi sa Pagwawasto: 1. A 2. C 3. D 4. C 5. A Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index 9 F. Kasunduan a. Alamin ang mga wikang panturo sa Pilipinas. b. Humanda sa gagawing pagtalakay sa susunod na pagkikita. 10 KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO Unang Linggo IkatlongAraw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at p[inagdaanan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. F11PT – Ia – 85 I. Layunin: 1. Natutukoy ang wikang ginagamit sa pagtuturo. 2. Naipaliliwanag at nagagamit ang wikang ginagamit sa pagtuturo. 3. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang wikang ginagamit sa pagtuturo. II. Paksang Aralin: ( Wikang Panturo) Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint 11 Sanggunian: Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace G. 2016. Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House Inc. Quezon City. III. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang A. Aktibiti 1: Pagpapanood ng Video : Gurong Nagtuturo B. Analisis 1 1. Ano ang inyong napansin sa mga narinig na salitang ginamit ng guro sa kanyang pagtuturo? 2. Naging epektibo ba ang ginamit na salita sa naging pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral?. Pagbibigay ng Input ng Guro Dagdag Kaalaman sa Wikang Panturo Bukod sapagiging wika ng Pilipinas, iniaatas din ng Konstitusyon ng 1987 ang paggamit sa Filipino bilang wikang panturo. Sa ikalawang bahagi ng Artikulo XIV, Seksyon 6, nakaasaad na, “Alinsunod sa tadhana ng bats at sang- ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakabangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang panturo sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. C. Abstraksyon Pagpapatibay sa mga imormasyong o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral. Pagbibigay ng karagdagang lagak ng guro gamit ang powerpoint. 12 Wikang Panturo - Opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon - Wikang ginagamit sa pagtuturo sa mga paaralan - Ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan - Filipino at Ingles - K – 12 – Mother Tongue - Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE) - Diyalekto: Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Maranao, Chavacano, Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon, Kinaray-a, Yakan, Surigaonon - Dalawang paraan sa pagtuturo ng wika at diyalekto: a. Bilang hiwalay na asignatura b. Bilang wikang panturo D. Aplikasyon: Mungkahing Estratehiya Pangkatang Gawain: Paggawa ng Timeline sa wika bilang wikang panturo Pamantayan sa pagmamarka Pagtatanghal 10 puntos Kahusayan sa Pag-awit / Pagsayaw 10 puntos Kabuuan 20 puntos E. Ebalwasyon 1. Ang ating wikang panturo? a. Filipino at Ingles c. Tagalog b. Pilipino d. Ingles 2. Saan ginagamit ang wikang panturo? a. Impormal na edukasyon c. Pormal at impormal na edukasyon b. Pormal na edukasyon d. wala sa nabanggit 13 3. Ang ibig sabihin ng MTB? a. Multi Tongue Based b. Mother Tongue Based c. Matter Tongue Based d. Wala sa nabanggit 4. Ang ibig sabihin ng MLE? a. Mother Lingual Education b. Matter Lingual Education c. Multi – Lingual Education d. Mother – Multi-Lingual Education 5. Ilang wika at diyalekto ang ginagamit sa MTB-MLE bilang panrehiyong wika sa pagtuturo? a. 16 b. 17 c. 18 d. 19 Susi sa Pagwawasto 1. A 2. B 3. B 4. C 5. D Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index 14 F. Kasunduan a. Alamin ang mga wikang opisyal sa Pilipinas. b. Humanda sa gagawing pagtalakay sa susunod na pagkikita. 15 KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO Unang Linggo Pang-apat na Araw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino Pamantayayan sa Pagganap: Nsusuri ang kalikasan, gamit mga kaaganapang pinagdaanan at pinagdaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.F11PT – Ia – 85 I. Layunin: 1. Natutukoy ang wikang opisyal na ginagamit sa Pilipinas. 2. Naipaliliwanag at nagagamit ang wikang opsyal sa Pilipinas. 3. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang wikang opisyal na wika sa Pilipinas. II. Paksang Aralin: Konseptong Pangwika (Wikang Opisyal) Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint Sanggunian: Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace G. 2016. Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House Inc. Quezon City. 16 III. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang A. Aktibiti 1: Pagpapanood ng Video B. Analisis 1 1. Ano ang inyong napansin samga narinig na salitang ginagamit ng guro sa kanyang pagtuturo? 2. Naging epektibo ba ang ginamit na salita sa naging pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral? Pagbibigay ng Input Dagdag Kaalaman sa Wikang Opisyal Tinatawag na opisyal na wika ang sang wika na binigyan ng natatanging pagkilala sa konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksyon ng pamahalaan. May dalawang opisyal na wika sa Pilipinas – ang Filipino at Ingles. C. Abstraksyon Pagpapatibay sa mga imormasyong o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral. Pagbibigay ng karagdagang lagak ng guro gamit ang powerpoint. Wikang Opisyal - Opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon - Wikang ginagamit sa pagtuturo sa mga paaralan - Ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid- aralan - Filipino at Ingles - Ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng anumang ahensya ng pamahalaan - Ang wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon lalo na ang nakasulat sa alinmang sangay o ahensya ng gobyerno 17 D. Aplikasyon: Mungkahing Estratehiya: Mungkahing Estratehiya Pangkatang Gawain: 1. May grupo ng mga mag-aaral na tatalumpati. 2. May grupo ng mga mag-aaral na tutula.. Pamantayan sa Pagmamarka: Pagtatanghal 10 puntos Kahusayan sa Pag-awit / Pagsayaw 10 puntos Kabuuan 20 puntos E. Ebalwasyon: Panuto: Isulat ang K kung tama ang pangungusap at J naman kung mali ang pangungusap. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. 1. Ang wikang opisyal ng ating bansa ay Filipino ayon sa itinatadhana ng Saligang Batas ng 1987. 2. Alisunod pa rin sa Saligang Batas ng 1987, itinuturing na pantulong na wikang opisyal at pantulong na wikang panturo ang mga wikang panrehiyon. 3. Sa K to 12 Kurikulum, ang unang wikang o kinagisnang wika ng mga mag-aaral sa kinder hanggang ikatlong baitang ang gagamiting wikang panturo sa mga paaralan. 4. Hindi na gagamitin at ituturo sa mga mag-aaral sa kinder hanggang ikatlong baiting ang mga wikang Filipino at Ingles. 5. Ang mga wika at diyalektong kabilang sa MTB-MLE ay gagamitin sa dalawang paraan: bilang hiwalay na asignatura at bilang wikang panturo. 18 Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index F. Kasunduan a. Alamin ang Bilinggwalismo sa Pilipinas. b. Humanda sa gagawing pagtalakay sa susunod na pagkikita 19 KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO Pangalawang Linggo Unang Araw Pamantayang Nilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas Kasanayang Pampagkatuto: Naiuugnay ang konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon (Halimbawa: Tonight with Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie, Word of the Lourd (http:/lourddeveyra.blogspot.com)F11PD – Ib – 86 I. Layunin: 1. Natutukoy ang kahulugan ng bilinggwalismo. 2. Naipaliliwanag at nagagamit ang bilinggwalismo sa pakikipagkomunikasyon. 3. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang konseptong bilinggwalismo. Paksang Aralin: Konseptong Pangwika (Bilinggwalismo) Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint 20 Sanggunian: Bernales, Rolando A. et. al., 2016. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Mutya Publishing House Inc. Lunsod Malabon. II. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang A. Aktibiti 1 :Pagpapanood ng Word of the Lourd or Tonight with Arnold Clavio B. Analisis 1. Ano ang inyong napansin sa wikang ginamit? 2. Gumamit ba ng Filipino at Ingles sa palabas? 3. Magkahiwalay ba ang gamit ng dalawang wika? Ipaliwanag ang iyong sagot. Pagbibigay ng Input ng Guro Dagdag Kaalaman sa Bilinggwalismo Ang bilinggwalismo ay tumutukoy sa dalawang wika. Isang pananaw sa pagiging bilinggwal ng isang tao kung nakapagsasalita siya ng dalawang wika ng pantay ang kahusayan. Bilang patakarang pang-edukasyon sa Pilipinas, nangangahulugan ito ng paggamit ng Ingles at Filipino bilang pantutro sa iba’t ibang magkakahiwalay na subject: Ingles sa matematika at siyensyta, Filipino sa agham panlipunan at iba pang kaugnay na larangan. C. Abstraksyon Pagpapatibay sa mga imormasyong o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral. Pagbibigay ng karagdagang lagak ng guro gamit ang powerpoint. 21 KAHULUGAN NG BILINGGWALISMO - Tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika - Ipinatupad ang Bilingual Education sa Pilipinas sa pamamagitan ng National Borad of Education Resolution No. 73-7, S. 1973 - 1974 – ipinatupad ang polisiya sa paglalabas ng DECS ng Dept. Order No. 25 S. 1974 na may Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education - Pilipino na naging Filipino - Mga ituturo sa Filipino: Aralin / Agham Panlipunan, Musika , Sining P.E., H.E. at Values Educ. At sa Ingles ay Science, Tech. at Math Layunin ng Bilinggwalismo 1. Mapataas ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika 2. Maipalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi 3. Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad at pagkakaisa 4. Malinang elaborasyon at intelektwalisasyon ng Filipino bilang wika ng akademikong diskurso 5. Mapanatili ang Ingles bilang internasyonal na wika sa Pilipinas at bilang wika ng siyensya at teknolohiya. D. Aplikasyon Batay sa mga paksang pinagtalakayan o batay sa iyong natutuhan sa aralin, mag- isip at magbahagi ng mga kaisipan o gawain na makapagpapaunlad sa kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. a. Pagsulat ng maikling kombersasyon sa magkahiwalay na gamit ng 2 wika. (Filipino at Ingles) Pamantayan sa pagmamarka: Orihinalidad 10 22 Kalinawan 10 Kaisahan 10 Kaugnayan 10 Kabuuan 40 E. Ebalwasyon Panuto: Isulat ang K kung tama ang pangungusap at J kung mali ang pangungusap. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. 1. Ayon sa polisiya ng edukasyong bilinggwal ang Pilipino ay naging Filipino. 2. Ang Filipino at Ingles ay magkalahok na gagamitin sa pagtuturo bilang wikang panturo sa mga paaralan. 3. Mapaunlad ang Filipino bilang wika ng literasi sa Pilipinas. 4. Ang bilinggwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika. 5. Ang Ingles ay gagamitin sa pagtuturo ng Syensya, Teknolohiya at Matematika. Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index F. Kasunduaan 1. Alamin ang may kaugnayan sa multilinggwalismo bilang konseptong pangwika. 2. Humanda sa talakayan sa susunod na pagkikita. KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO 23 Pangalawang Linggo Pangalawang Araw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas Kasanayang Pampagkatuto: Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon (Halimbawa: Tonight with Arnold Clavio, Stae of the Nation, Mareng Winnie, Word of the Lourd (http:/lourddeveyra.blogspot.com)F11PN – Ib – 86 I. Layunin: 1. Natutukoy ang kahulugan ng multilinggwalismo.mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon. 2. Naipaliliwanag at nagagamit ang kahulugan ng multilinggwalismo sa pakikipagkomunikasyon. 3. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang kahulugan ng multilinggwalismo. Paksang Aralin: Konseptong Pangwika–Multilinggwalismo Kagamitan: 24 Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint Sanggunian: Bernales, Rolando A. et. al. 2016. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Mutya Publishing House Inc. Lunsod Malabon. III. Hakbang sa Pagkatuto / Paglinang A. Aktibiti 1: Panonood ng Tonight with Arnold Clavio B. Analisis 1. Ano ang inyong napansin sa wikang ginamit ng mga tauhan sa palabas? 2. Ilang wika ang ginamit sa palabas? Mahigit ba sa dalawang wika? Pagbibigay ng Input Dagdag Kaalaman Ukol sa Multilinggwalismo Kahulugan ng Multilinggwalismo - Tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng iba’t ibang wika - Nangangahulugan ng pagkakaroon ng iba’t ibang wika na sinasalita ng iba’t ibang grupo ng mga tao sa mga lalawigan at rehiyon - Dulot na kabutihan ng Multilinggwalismo: 1. Kritikal na pag-iisip 2. Kahusayan sa paglutas ng mga suliranin 3. Mas mahusay na kasanyan sa pakikinig 4. Matalas na memorya 5. Mas maunlad na kognitibong kakayahan 6. Mabilis na pagkatuto ng iba’t ibang wika C. Abstraksyon 25 Pagpapatibay sa mga imormasyong o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral. Pagbibigay ng karagdagang lagak ng guro gamit ang powerpoint Dept. of Edcation Order, s. 2012 (Guidelines on the Implementation of the MTB-MLE) Layunin - Pagpapaunlad ng wika tungo sa matatag na edukasyon at habambuhay na pagkatuto - Kognitibong pag-unlad na may pokus sa higher order thinking skills (HOTS) - Akademikong pag-unlad na maghahanda sa mga mag-aaral na paghusayin ang kakayahan sa iba’t ibang larang ng pagkatuto - Pag-unlad ng kamalayang sosyokultural na magpapayabong sa pagpapahalga at pagmamalaki ng mag-aaral sa kanyang pinagmulang kultura at wika D. Aplikasyon Batay sa mga paksang pinagtalakayan o batay sa iyong natutuhan sa aralin, mag- isip at magbahagi ng mga kaisipan o gawain na makapagpapaunlad sa kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. Pagsulat ng maikling kombersasyon gamit ang iba’t ibang wika. Pamantayan sa Pagmamarka: Orihinalidad 10 Kalinawan 10 Kaisahan 10 Kaugnayan 10 Kabuuan 40 E. Ebalwasyon 26 Panuto: Isulat ang K kung tama ang pangungusap at J kung mali ang pangungusap. Isulat ang inyong sagot sa inyong sagutang papel. 1. Layunin ng multilinggwalismo ang pagpapaunlad ng wika tungo sa matatag na edukasyon at habambuhay na pagkatuto. 2. Walang kognitibong pag-unlad ang pokus sa Higher order thinking skills (HOTS) 3. Akademikong pag-unlad na maghahanda sa mga mag-aaral na paghusayin ang kakayahan sa iba’t ibang larang ng pagkatuto. 4. Pag-unlad ng kamalayang sosyokultural na magpapayabong sa pagpapahalaga at pagmamalaki ng mag-aaral sa kanyang pinagmulang kultura at wika. 5. Ang multilinggwalismo ay hindi tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika. Susi sa Pagwawasto: 1. K 2. K 3. K 4. K 5. K Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index F. Kasunduan 1. Alamin ang may kaugnayan sa register / barayti ng wika bilang konseptong pangwika. 2. Humanda sa talakayan sa susunod na pagkikit KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO 27 Pangalawang Linggo Unang Araw Pamantayang Nilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas Kasanayang Pampagkatuto: Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan. F11PS – Ib – 86 I. Layunin: 1. Natutukoy ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan. 2. Naipaliliwanag ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan. 3. Nagagamit ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan 4. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan. II. Paksang Aralin: (Register / Barayti ng Wika) 28 Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint Sanggunian: Bautista, Demetrio B. at Rosales, Alejandro T. 2014. Epektibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Grematima Publishing. Lunsod Batangas. III. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang A. Aktibiti 1 Ang guro ay magpaparinig isang awitin gamit ang iba’t ibang wika na nakapaloob sa awit. B. Analisis 1. Ano ang inyong masasabi sa narinig na awitin? 2. Gumamit ba ng iba’t ibang salita sa narinig ninyong awit? 3. Magbigay ng mga halimbawa ng linyang nagsasaad ng pagkagamit ng iba’t ibang wika. Pagbibigay ng Input Dagdag Kaalaman Ukol sa Register at Barayti ng Wika Anyo ng wika na ginagamit sa isang komunidad. Ang diyalekto ay pagkakaroon ng pagkakaiba – iba sa loob ng isang wika. Ito ay nakabatay sa lugar na pinanggalingan, pagkakaiba sa bigkas, paggamit ng panlapi o ayos ng pangungusap. 29 C. Abstraksyon Pagpapatibay sa mga imormasyong o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral. Pagbibigay ng karagdagang lagak ng guro gamit ang powerpoint. Register / Barayti ng Wika A. Ayon kay Constantino (2006), ang pagkakaroon ng barayti ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolinggwistik na pinagbatayan ng heterogeneous ng wika. Dalawang Dimensyon ng Baryabilidad: 1. Dimensyong heograpiko  Diyalekto 2. Dimensyong sosyal  Sosyolek B. Iba pang barayti ng wika  Pidgin  Creole D. Aplikasyon: Mungkahing Estratehiya: Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na grupo. Gumawa ng usapan ng mga bakla, matatanda at mag-iinom gamit ang iba’t ibang barayti ng wika. Limang minutong presentasyon ang nakalaang oras sa bawat pangkat. Pamantayan sa pagmamarka: Pagtatanghal 10 puntos Kahusayan sa pagsasalita 10 puntos Kabuuan 20 puntos E. Ebalwasyon Panuto: Isulat ang K kung diyalekto at J kung sosyolek. Ang sagot ay dapat isulat sa inyong sagutang papel. 1. Pare, punta tayo mamamaya sa mall. 30 2. Wow, pare ang chaka mo ngayon. 3. Ala eh, tayo’y huli na sa klase natin sa Filipino. 4. Sir, ipapasa ko na po ang tesis ko. Ay! Tapos ko na po ay! 5. Kulaogs, paparty tayo sa isang araw pagkatapos ng maraming gawain sa school. Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index F. Kasunduan 1. Alamin ang may kaugnayan sa homogeneous at heterogeneous bilang konseptong pangwika. 2. Humanda sa gagawing pagtalakay sa susunod na pagkikita. 31 KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO Pangalawang Linggo Pangalawang Araw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino. Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganaapang pinagdaanan at pinagdaanan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas Kasanayang Pampagkatuto: Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan. F11PS – Ib – 86 I. Layunin: 1. Natutukoy ang homogeneous at heterogeneous na kahulugan bilang barayti ng wika 2. Naipaliliwanag at nagagamit ang homogeneous at heterogeneous na kahulugan ng wika 3. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang homogeneous at heterogeneous na kahulugan ng wika bilang barayti ng wika II. Paksang Aralin: (Homogeneous at Heterogeneous) Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint 32 Sanggunian: Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace P. 2016. Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House, Inc. Lunsod Makati. III.Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang A. Aktibiti 1 Magtala ng 10 salita sa inyong lugar. Pagkatapos iulat ito sa unahan ng silid- aralan. B. Analisis 1. Ano ang iyong masasabi sa mga salitang ginagamit ng kamag-aaral sa kanilang lugar? 2. May kakaiba ba sa wikang ginagamit mo? Isa-isahin ang mga ito at bigyang katumbas na salita ginagamit mo sa inyong lugar. 3. Sa palagay mo kaya, ang edad kaya ng nagsasalita ay may kaugnayan sa pagbabago ng wikang ginagamit? Ipaliwanag. Pagbibigay ng Input Dagdag Kaalaman Ukol sa Homogeneous at Heterogeneous ng Wika Ang pagiging homogeneous at heterogeneous ng isang wika ay tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang porma o standard na anyo nito o kaya ay pagkakaroon ng iba’t ibang porma o barayti. C. Abstraksyon Pagpapatibay sa mga imormasyong o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral. Pagbibigay ng karagdagang lagak ng guro gamit ang powerpoint. 33 Tagalog-Bats. Tagalog-Quezon Tagalog - Cavite Pinindot Palitaw Bilo-bilo Balatong Monggo Monggo Kalamondeng Kalamansi Gulok Itak Tagayan Mangkok Bariles Dram Kostal Sako D. Aplikasyon Gamitin sa pagbuo ng maikling komposisyon ang mga ibinigay na halimbawang mga salita ng guro sa naganap na talakayan. Pumili ng limang salita. Pamantayan sa pagmamarka: Wastong gamit ng salita 10 puntos Kahusayan sa pagbaybay 10 puntos Kabuuan 20 puntos E. Ebalwasyon Pasanaysay na pagsusulit: Isa-isahin ang mga salik sa pagkakaroon ng homogeneous at heterogeneous ng wika at bigyan ng paliwanag ang bawat isa. Pamantayan sa pagmamarka: Nilalaman / Mensahe 10 puntos Orihinalidad 5 puntos Kalinisan 5 puntos Kabuuan 20 puntos Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index 34 F. Kasunduan 1. Alamin ang may kaugnayan sa lingguwistikong komunidad bilang konseptong pangwika. 2. Humanda sa gagawing pagtalakay sa susunod na pagkikita. 35 KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO Pangatlong Linggo Unang Araw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino. Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganaapang pinagdaanan at pinagdaanan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika.F11PS – Ic – 30 I. Layunin: 1. Natutukoy ang mga kaalaman sa lingguwistikong komunidad bilang konseptong pangwika 2. Naipaliliwanag at nagagamit ang lingguwistikong komunidad ang bilang konseptong pangwika 3. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang mga kaalaman sa lingguwistikong komunidad bilang konseptong pangwika 36 II. Paksang Aralin: (Lingguwistikong Komunidad) Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint Sanggunian: Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace P. 2016. Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House, Inc. Lunsod Makati III. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang A. Aktibiti 1 Pagpapanood ng video Pagsusuri: 1. Ano ang napansin ninyo sa bawat pangkat ng tao sa mga salitang ginamit? 2. May nakita ba kayong pagkakaiba ng mga salita sa bawat pangkat? 3. Anu-ano ang mga salitang inyong napansin upang makita ang pagkakaiba ng bawat pangkat? Magbigay ng mga halimbawa. Pagbibigay ng Input Dagdag Kaalaman Ukol sa Lingguwistikong Komunidad Ito ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa lipunan. At sa bawat pangkat ay makikilala ang isang tagapagsalita kung saan pangkat nagmula sapagkat bawat pangkat ng tao sa lipunan ay may kanya-kanyang salita na ginagamit sa pakikipagkaunawaan. B. Abstraksyon Pagpapatibay sa mga imormasyong o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral. Pagbibigay ng karagdagang lagak ng guro gamit ang powerpoint 37 Lingguwistikong Komunidad Ay isang termino sa sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang pangkat ng mga taong gumagamit ng iisang barayti ng wika na nagkakaunawaaan saa isang tiyak na mga tuntunin sa paggamit nito. Pinagkakasunduan ng mga pangkat ng tao sa lipunan ang kahulugan at interpretasyon, kasama ang mga tradisyon, kinaugalian ng pangkat na ito. Ang pagkakaiba ay nasa paraan kung paano ito isagawa o isabuhay ng tagapagsalita ng nasabing pangkat ng tao sa komunidad. C. Aplikasyon: Mungkahing Estratehiya – Pangkatang Gawain: Bawat pangkat ng mga mag-aaral ay magsasagawa ng diyalogo. Anumang pangkat ng tao sa lipunan sa loob ng limang minuto. Pamantayan sa pagmamarka: Pagtatanghal 10 puntos Kahusayan sa pagsasalita 10 puntos Kabuuan 20 puntos D. Ebalwasyon Pasanaysay na pagsusulit: Mag-isip ng iba pang pangkat ng tao sa lipunan at magtala ng mga salitang ginagamit ng bawat pangkat. Pamantayan sa pagmamarka: Nilalaman / Mensahe 10 puntos Orihinalidad 5 puntos Kalinisan 5 puntos Kabuuan 20 puntos 38 Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index E. Kasunduan 1. Alamin ang may kaugnayan sa Unang Wika at Pangalawang Wika bilang konseptong pangwika. 2. Humanda sa gagawing pagtalakay sa susunod na pagkikita. 39 KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO Pangatlong Linggo Pangalawang Araw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika.F11PS – Ic – 30 I. Layunin: 1. Natutukoy ang kahulugan ng una at pangalawang wika 2. Naipaliliwanag at nagagamit ang kaalaman sa una at pangalawang wika. 3. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang mga kaalaman sa una at pangalawang wika II. Paksang Aralin: (Una at Pangalawang Wika) Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint Sanggunian: Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace P. 2016. Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House, Inc. Lunsod Makati 40 III. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang A. Aktibiti 1 Pagpapanood ng video Pagsusuri: 1. Ano ang napansin ninyo sa bawat pangkat ng tao sa mga salitang ginamit? 2. May nakita ba kayong pagkakaiba ng mga salita sa bawat pangkat? 3. Anu-ano ang mga salitang inyong napansin upang makita ang pagkakaiba ng bawat pangkat? Magbigay ng mga halimbawa. B. Abstraksyon Pagpapatibay sa mga imormasyong o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral. Pagbibigay ng karagdagang lagak ng guro gamit ang powerpoint. Unang Wika - Katutubong wika o sinusong wika (mother tongue) - Gabay sa pagkatuto ng unang wika: 1. Pagkatuto ng bata mula sa kanyang pagsilang 2. Ang pagiging matatas sa pagsasalita gamit ang katutubong wika 3. May mahusay na kakayahan sa komunikasyon 4. Puntong diyalektikal upang mabakas ang katutubong wika Pangalawang wika - Wikang natutuhan higit pa sa kanyang unang wika - Paggamit ng wikang dayuhan - Pagtatamo ng SLA – Second LanguageAcquisition C. Aplikasyon Bawat pangkat ng mga mag-aaral ay magsasagawa ng diyalogo.Magpapakita kung paano natutuhan ang wika sa kanyang lipunan mula unang wika, pangalwang wika at iba pa. 41 Pamantayan sa pagmamarka: Pagtatanghal 10 puntos Kahusayan sa pagsasalita 10 puntos Kabuuan 20 puntos Ebalwasyon Panuto: Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel Pasanaysay na pagsusulit: Ipaliwanag ang mga sumusunod: 1. Unang wika 2. Ikalawang wika 3. Second Language Acquisition 4. Ano ang kabuluhan ng una at ikalawang wika sa pakikipagtalastasan? Pamantayan sa pagmamarka: Nilalaman / Mensahe 10 puntos Rihinalidad 5 puntos Kalinisan 5 puntos Kabuuan 20 puntos Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index D. Kasunduan 1. Alamin ang may kaugnayan sa instrumental na gamit ng wika sa lipunan bilang konseptong pangwika. 42 KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO Pangatlong Linggo Una at Pangalawang Araw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas. Kasanayang Pampagkatuto: Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon kay M.A.K. Halliday) F11PS – Ic – 86 I. Layunin: 1. Natutukoy ang kahulugan ng instrumental na gamit ng wika sa lipunan 2. Naipaliliwanag at nagagamit ang kahulugan ng instrumental na gamit ng wika sa lipunan 3. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang kahulugan ng instrumental na gamit ng wika sa lipunan II. Paksang Aralin: (Instrumental na Gamit ng Wika sa Lipunan) Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint 43 Sanggunian: Bautista, Demetrio b. at Rosales, Alejandro T. 2014. Epektibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Grematima Publishing. Lunsod Batangas. III.Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang A. Aktibiti 1: Pagpapanood ng video B. Pagsusuri: 1. Ano ang inyong napansi sa napanood na video tungkol sa gamit ng wika sa lipunan? 2. May narinig ba kayong instrumental na bahagi bilang gamit ng wika sa lipunan? 3. Magbigay ng mga halimbawa. C. Abstraksyon Pagpapatibay sa mga imormasyong o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral. Pagbibigay ng karagdagang lagak ng guro gamit ang powerpoint Instrumental na Gamit ng Wika sa Lipunan Ginagamit sa pag-uutos at pakikiusap upang matugunan ang pangangailangan ng sarili at ng kapwa tao. Pag-uutos Kuhanin mo ang aking libro sa mesa. Kumain ka ng maaga para maaga rin tayong makaalis punta sa paaralan. Mag-aral kang mabuti upang maipasa mo ang mga pagsusulit Pakikiusap Pasuyo naman po pabigay naman ng aking takdang aralin sa guro. Pakiusap naman sa iyo, maaari mo bang ako’y tulungan sa pagluluto ng pagkain. Pakidala ng gamit ko sa paaralan. 44 D. Aplikasyon Bawat pangkat ng mga mag-aaral ay magsasagawa ng diyalogo.Magpapakita kung paano natutuhan ang instrumental na gamit ng wika. Pamantayan sa pagmamarka: Pagtatanghal 10 puntos Kahusayan sa pagsasalita 10 puntos Kabuuan 20 puntos E. Ebalwasyon Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay nagsasaad ng pag-uutos at pakikiusap. Isulat ang Kkung pag-uutos at J kung pakikiusap. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. 1. Magbasa ka upang lumawak ang iyong kaalaman sa mga bagay-bagay sa paligid. 2. Maaari mo bang kausapin ang iyong kaibigan sa lalong madaling panahon. 3. Puwede mo bang aralin ang konseptong pangwika para sa gagawing pagtalakay bukas. 4. Pumunta ka sa bayan at bumili ka ng pang-ulam natin mamaya. 5. Magmahal ka upang ang buhay mo’y maging masaya. 6. Pakibigay mo naman ng sulat sa aking guro. 7. Uuwi ka ng maaga dahil tayo ay may lakad pa rin. 8. Huwag kang umasa ng hindi ka masaktan. 9. Magdasal ka bago matulog sa gabi. 10. Patuloy mong gawin ang kabutihan mo sa kapwa. Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index 45 F. Kasunduan 1. Alamin ang may kaugnayan sa regulatoryong gamit ng wika sa lipunan bilang konseptong pangwika. 2. Humanda sa gagawing pagtalakay sa susunod na pagkikita. 46 KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO Pang-apat na Linggo Pangatlo at Pang-apat na Araw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas. Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon at pelikula (Halimbawa: Be Careful with My Heart, Got to Believe, Ekstra, On the Job, Word of the Lourd (http://lourddeveyra.blogspot.com)F11PD – Id – 87 I. Layunin: 1. Nakikilala ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon 2. Naipaliliwanag ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon 3. Nagagamit ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng naapanood na palabas sa telebisyon 47 4. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunansa pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon II. Paksang Aralin: (Regulatoryong Gamit ng Wika sa Lipunan) Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint Sanggunian: Bautista, Demetrio B. at Rosales, Alejandro T. 2014. Epektibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Grematima Publishing. Lunsod Batangas. III. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang A. Aktibiti 1 Pagpapanood ng video B. Pagsusuri: 1. Ano ang inyong napansi sa napanood na video tungkol sa gamit ng wika sa lipunan? 2. May narinig ba kayong regulatoryong bahagi bilang gamit ng wika sa lipunan? 3. Magbigay ng mga halimbawa ng pangungusap. C. Abstraksyon Pagpapatibay sa mga imormasyong o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral. Pagbibigay ng karagdagang lagak ng guro gamit ang powerpoint. 48 REGULATORYONG GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN Ginagamit sa pagkontrol / paggabay sa kilos o asal ng ibang tao sa pamamagitan ng mga babalang nakikita sa paligid o mga paala-ala ng sinumang tao. Halimbawa: Mag-ingat sa paglalakbay sa malayong lugar. Mag-ingat sa aso. Bagong hiso ! Tumawid sa tamang tawaran. Bawal tumawid, nakamamatay ! Tumawid sa tamang tawiran. Walang mali sa pagmamahal, magmahal ka. Bawal ang malimit na pagliban sa klase. Huwag matakot ipaglaban ang katotohanan. Tapat ko, linis ko. D. Paglalapat / Aplikasyon Bawat pangkat ng mga mag-aaral ay magsasagawa ng diyalogo.Magpapakita kung paano natutuhan ang regulatoryong gamit ng wika sa lipunan. Pamantayan sa Pagmamarka: Pagtatanghal 10 puntos Kahusayan sa pagsasalita 10 puntos Kabuuan 20 puntos E. Ebalwasyon Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay nagsasaad ng regulatoryong gamit ng wika sa lipunan. Isulat ang Kkung regulatoryo at J kung hindi. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel 1. Mag-ingat sa pag-uwi. 49 2. Maaari mo bang kausapin ang iyong kaibigan sa lalong madaling panahon. 3. Saan ka pupunta?. 4. Nasaan ka ng panahong kailanagan kita?. 5. Magmahal ka upang ang buhay mo’y maging masaya. 6. Kamusta? 7. Uuwi ka ng maaga dahil tayo ay may lakad pa rin. 8. Umasa ka kung gusto mong masaktan. 9. Magdasal ka bago matulog sa gabi. 10. Patuloy mong gawin ang kabutihan mo sa kapwa. Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index F. Kasunduan 1. Alamin ang may kaugnayan sa interaksyonal na gamit ng wika sa lipunan bilang konseptong pangwika. 2. Humanda sa gagawing pagtalakay sa susunod na pagkikita. 50 KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO Pang-apat na Linggo Panlima at Pang-anim na Araw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas. Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa.F11PS – Id – 87 I. Layunin: 1. Nakikilala ang interaksyonal na gamit ng wika sa lipunan 2. Naipaliliwanag at nagagamit ang interaksyonal na gamit ng wika sa lipunan 3. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang interaksyonal na gamit ng wika sa lipunan II. Paksang Aralin: (Interaksyonal na Gamit ng Wika sa Lipunan) Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint 51 Sanggunian: Bautista, Demetrio B. at Rosales, Alejandro T. 2014. Epektibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Grematima Publishing. Lunsod Batangas. III. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang A. Aktibiti 1 :Pagpapanood ng video B. Pagsusuri: 1. Ano ang inyong napansi sa napanood na video tungkol sa gamit ng wika sa lipunan? 2. May narinig ba kayong interaksyonal na bahagi bilang gamit ng wika sa lipunan? 3. Magbigay ng mga halimbawa ng pangungusap. C. Abstraksyon Pagpapatibay sa mga imormasyong o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral. Pagbibigay ng karadagang lagak ng guro gamit ang powerpoint. INTERAKSYONAL GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN Ginagamit sa pagbati, pagpapalitan ng biro at ginagamit ito sa pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong pansosyal o panlipunang pakikipag-interaksyon sa ating kapwa. Halimbawa: Kamusta ka? Magandang umaga, tanghali at gabi. Mahal kita. Namimiss kita. Maligayang kaarawan. Maligayang paglalakbay. 52  Mag-iingat ka palagi.  Huwag magpapalipas ng gutom.  Masaya ako sa tagumpay mo. D. Aplikasyon Bawat pangkat ng mga mag-aaral ay magsasagawa ng diyalogo.Magpapakita kung paano natutuhan ang interaksyonal na gamit ng wika sa lipunan. Pamantayan sa Pagmamarka: Pagtatanghal 10 puntos Kahusayan sa pagsasalita 10 puntos Kabuuan 20 puntos E. Ebalwasyon Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay nagsasaad ng interaksyong gamit ng wika sa lipunan. Isulat ang K kung interaksyonal at J kung hindi. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. 1. Mag-ingat sa pag-uwi. 2. Kakain ka palagi. Huwag mo akong isipin. 3. Walang anuman. 4. Nasaan ka ng panahong kailanagan kita?. 5. Magmahal ka upang ang buhay mo’y maging masaya. 6. Kamusta? 7. Uuwi ka ng maaga dahil tayo ay may lakad pa rin. 8. Umasa ka kung gusto mong masaktan. 9. Magdasal ka bago matulog sa gabi. 10. Mahal kita. Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index 53 F. Kasunduan 1. Alamin ang may kaugnayan sa personal na gamit ng wika sa lipunan bilang konseptong pangwika. 2. Humanda sa gagawing pagtalakay sa susunod na pagkikita. 54 KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO Panlimang Linggo Una at Pangalawang Araw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan.F11WG – Ie – 85 I. Layunin: 1. Natutukoy ang mga personal na gamit ng wika sa lipunan 2. Naipaliliwanag at nagagamit ang personal na gamit ng wika sa lipunan 3. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang mga personal na gamit ng wika sa lipunan II. Paksang Aralin: (Personal na Gamit ng Wika sa Lipunan) Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint Sanggunian: Bautista, Demetrio b. at Rosales, Alejandro T. 2014. Epektibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Grematima Publishing. Lunsod Batangas. 55 III. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang A. Aktibiti 1 Pagpapanood ng video B. Pagsusuri: 1. Ano ang inyong napansi sa napanood na video tungkol sa gamit ng wika sa lipunan? 2. May narinig ba kayong personalna bahagi bilang gamit ng wika sa lipunan? 3. Magbigay ng mga halimbawa ng pangungusap. C. Abstraksyon Pagpapatibay sa mga imormasyong o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral. Pagbibigay ng karagdagang lagak ng guro gamit ang powerpoin PERSONAL NA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN Ginagamit ito sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinion sa mga nagyayari sa kapaligiran. Halimbawa: Masaya ako sa panalo mo. Nalulungkot ako sa dulot ng kalamidad sa ating bansa. Sang-ayon ako sa naging reaksyon mo kanina sa pagpupulong. Tutol naman ako sa desisyon ni Pangulong Duterte sa paghiwalay sa Amerika. Nagdadalawang –isip ako sa iyong desisyon sa buhay. D. Aplikasyon Bawat pangkat ng mga mag-aaral ay magsasagawa ng diyalogo.Magpapakita kung paano natutuhan ang personalna gamit ng wika sa lipunan. 56 Pamantayan sa pagmamarka: Pagtatanghal 10 puntos Kahusayan sa pagsasalita 10 puntos Kabuuan 20 puntos E. Ebalwasyon Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay nagsasaad ng personal na gamit ng wika sa lipunan. Isulat ang K kung personal at J kung hindi. 1. Mag-ingat sa pag-uwi. 2. Kakain ka palagi. Huwag mo akong isipin. 3. Walang anuman. 4. Nasaan ka ng panahong kailanagan kita?. 5. Magmahal ka upang ang buhay mo’y maging masaya. 6. Kamusta? 7. Uuwi ka ng maaga dahil tayo ay may lakad pa rin. 8. Umasa ka kung gusto mong masaktan. 9. Magdasal ka bago matulog sa gabi. 10. Mahal kita. Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index F. Kasunduan 1. Alamin ang may kaugnayan sa heuristiko at representatibong gamit ng wika sa lipunan bilang konseptong pangwika. 2. Humanda sa gagawing pagtalakay sa susunod na pagkikita. 57 KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO Panlimang Linggo Pangatlo at Pang-apat na Araw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas Kasanayang Pampagkatuto: Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan.F11EP – Ie – 31 I. Layunin: 1. Natutukoy ang mga kaalaman sa heuristiko at representatibong gamit ng wika sa lipunan 2. Naipaliliwanag at nagagamit heuristiko at representatibong gamit ng wika sa lipunan 3. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang heuristiko at representatibong gamit ng wika sa lipunan II. Paksang Aralin:(Heuristiko at Representatibong Gamit ng Wika sa Lipunan) Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint 58 Sanggunian: Bautista, Demetrio b. at Rosales, Alejandro T. 2014. Epektibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Grematima Publishing. Lunsod Batangas. III. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang A. Aktibiti 1: Pagpapanood ng video B. Pagsusuri: 1. Ano ang inyong napansinsa napanood na video tungkol sa gamit ng wika sa lipunan? 2. May narinig ba kayong heuristiko at representatibong bahagi bilang gamit ng wika sa lipunan? 3. Magbigay ng mga halimbawa ng pangungusap. C. Abstraksyon Pagpapatibay sa mga imormasyong o ideyang ibinigay ng mga mag-aaral. Pagbibigay ng karagdagang lagak ng guro gamit ang powerpoint. HEURISTIKONG GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN Ginagamit ito sa paghahanap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagtatanong, panayam o sarbey, paggamit ng talatanungan. Paggamit ng silid-aklatan, internet at mga nakalimbag na babasahin. Sa paggawa ng pananaliksik at disertasyon. Halimbawa: May asaynment ka ba sa Filipino? Darating ba ang punongguro ngayon? Kailan ba tayo magsisimula ng pagsulat ng pananaliksik sa Filipino? Representatibong Gamit ng Wika sa Lipunan Kapag nais magpaliwanag ng datos, impormasyon at kaalamang natuklasan o natutuhan Maipamalas ang galing o kahusayan sa paggamit ng modelo, estadistika, 59 ang representasyon ng mundo, teknolohiya, mapa o larawan upang ipakilala realidad at lipunan. D. Aplikasyon Bawat pangkat ng mga mag-aaral ay magsasagawa ng diyalogo.Magpapakita kung paano natutuhan ang heuristiko at representatibong gamit ng wika sa lipunan. Pamantayan sa Pagmamarka: Pagtatanghal 10 puntos Kahusayan sa pagsasalita 10 puntos Kabuuan 20 puntos E. Ebalwasyon Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay nagsasaad ng heuristikong gamit ng wika sa lipunan. Isulat ang K kung heuristiko at J- kung hindi. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. 1. Nasaan ka ngayon inaanak? 2. Kakain ka palagi. Huwag mo akong isipin. 3. Walang anuman. 4. Nasaan ka ng panahong kailanagan kita?. 5. Magmahal ka upang ang buhay mo’y maging masaya. 6. Kamusta? 7. Uuwi ka ng maaga dahil tayo ay may lakad pa rin. 8. Umasa ka kung gusto mong masaktan. 9. Mag-aral ka bago matulog sa gabi. 10. Naasa ka pa bang babalikan ka niya? 60 Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index F. Kasunduan 1. Alamin ang may kaugnayan sa kasaysayan ng wikang pambansa bilang konseptong pangwika. 61 KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO Unang Linggo Unang Araw - Ikalawang Araw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa. F11PS-Ig-88 A. Mga Tiyak na Layunin: 1. Naipaliliwanag ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa.. 2. Nagagamit ang mga natutunan sa kasaysayan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa. 3. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa. B. Paksang Aralin: Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Kastila 62 Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint Sanggunian: Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace G. 2016. Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House Inc. Quezon City. I. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang A. Aktibiti 1 Pangkatang Gawain Pagtatanghal ng mga mag-aaral ng resulta ng pananaliksik at pagbabasa ng kasaysayan ng wikang pambansa sa Panahon ng Kastila. B. Analisis 1. Ano ang pangunahing layunin ng mga Espanyol nang sakupin nila ang Pilipinas? 2. Paano inilarawan nang mga nandayuhang Espanyol ang mga katutubo noong panahong iyon? 3. Bakit naging malaking usapin ang gagamiting wika sa sumusunod na mga sitwasyon? - Pagpapalaganap ng Kristiyanismo - Pagtuturo sa paaralan C. Abstraksyon Pagbubuod ng kasaysayan ng wikang pambansa sa Panahon ng Kastila 63 D. Aplikasyon Sa inyong palagay, bakit hindi itinanim ng mga Espanyol sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang mauunawaan ng lahat? Pamantayan sa Pagmamarka Pag-uulat 10 puntos Kahusayan sa pagsasalita 10 puntos Kabuuan 20 puntos E. Ebalwasyon Isulat sa journal o notebook ang sagot sa tanong na ito: Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang mauunawaan ng lahat? Pamantayan sa Pagmamarka Nilalaman 10 puntos Kalinisan 5 puntos Organisasyon ng salita 5 puntos Kabuuan 20 puntos F. Kasunduan Magsaliksik at basahin ang kasaysayan at pag-unlad ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebolusyong Pilipino. 64 KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO Unang Linggo Ikatlo – Ikaapat Araw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas I. Kasanayang Pampagkatuto: Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag- unlad ng wikang Pambansa.F11WG-Ih-86 A. Mga Tiyak na Layunin: 1. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari tungo sa pagkakabuo at pag- unlad ng wikang Pambansa. 2. Nakikilala ang mga detalye mula sa binasa. B. Paksang Aralin: Kasaysayan ng Wikang Pambansa Panahon ng Rebolusyong Pilipino Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint Sanggunian: Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace G. 2016. Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House Inc. Quezon City 65 II. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang A. Aktibiti 1: Namulat ba ang kaisipan ng mga mamamayang Pilipino sa kaapihang ginagawa ng mga Kastila? Ano ang kanilang ginawa? B. Analisis 1 1. Gaano katagal ang hinintay upang mamulat ang mga mamamayan sa kaapihang kanilang dinanas? 2. Ano ang damdaming namayani noong panahong iyon? 3. Aling mga kilusan ang isinilang nang mga panahong iyon? 4. Ano ang sinasabing hakbang tungo sa pagtataguyod ng Wikang Tagalog? C. Abstraksyon Dugtungan ang pahayag upang mabuo ang kaisipan Natutuhan ko na ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ______________________________________________________________ D. Aplikasyon Iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng mag-aaral sa mga mahahalagang pangyayari sa bawat panahon. - Panahon ng Katutubo - Panahon ng Kastila - Panahon ng Rebolusyong Pilipino E. Ebalwasyon Basahin ang mga sumusunod na mga pangyayari at tiyakin kung ano ang naging sanhi o ano ang ibinunga nito. 66 1. Sa panahon ng mga katutubo, nabatid nating ang ating mga ninuno ay nagmula sa tatlong malalaking pangkat na nandayuhan sa ating bansa. Ano ang ibinunga nito sa pag-unlad ng wika? 2. Ang ating mga ninuno ay nakatuklas ng sarili nilang paraan ng pagsulat at pagbasa- ang baybayin. Nang dumating ang mga Espanyol ay sinunog nila ang mga ito. Ano ang sanhi ng Pagsunog nila dito? 3. Noong panahon ng mga Espanyol ay ginamit ang wikang katutubo sa pakikipag- usap sa mga mamamayan. Ano ang sanhi nito? 4. Kagustuhan ng mga Espanyol na maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo.Ano ang ibinunga nito? 5. Ano ang ibinunga ng pagsibol ng kaisipang “isang bansa, isang diwa”. Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index F. Kasunduan Magsaliksik at basahin ang Wikang Pambansa sa Panahon ng mga Amerikano 67 KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO Ikalawang Linggo Una - Ikalawang Araw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang PambansaF11PS-Ig-88 A. Mga Tiyak na Layunin: 1. Natutukoy ang mga dahilan ng mga pangyayari sa wika sa panahong ito. 2. Naibibigay ang sariling hinuha sa epekto ng pangyayari sa wika noong panahon ng Amerikano sa magiging sitwasyon sa hinaharap. B. Paksang Aralin: Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Panahon ng Amerikano) Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint 68 Sanggunian: Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace G. 2016. Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House Inc. Quezon City. II. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang A. Aktibiti 1 Pagsasalaysay ng mga mag-aaral tungkol sa karanasang hindi nila malilimutan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. B. Analisis 1. Paano binago ng pagdating ng mga Amerikano ang kalagayang pangwika sa Pilipinas? 2. Ano ang naging kalagayan ng wikang Tagalog noong panahon ng mga Amerikano? 3. Ano ang epekto ng pagbabagong pangwika sa lipunang Pilipino? C. Abstraksyon Ano-ano ang mga dahilan ng mga tagapagtaguyod sa paggamit ng wikang Ingles? 1.___________________________________________________________. 2.___________________________________________________________. 3.___________________________________________________________. 4.___________________________________________________________. 5.___________________________________________________________. Sang-ayon ka ba sa kanilang mga dahilan? Ipaliwanag ang iyong sagot. D. Aplikasyon 69 Bilang isang mag-aaral ng Senior High School dapat bang isang wikang banyaga ang itinakdang wikang pambansa? Bakit oo, bakit hindi? Pamantayan sa Pagmamarka Pag-uulat 10 puntos Kahusayan sa pagsasalita 10 puntos Kabuuan 20 puntos E. Ebalwasyon Tukuyin kung ang pahayag ay naganap sa panahon ng Amerikano o Hapon. 1. Ipinagamit ang mga katutubong wika sa mga sulatin. 2. Nagkaroon ng mga patimpalak sa pagsulat. 3. Tinuruan ng bagong alpabeto ang mga Pilipino 4. Hinikayat na magkaroon ng isang Wikang Pambansa. 5. Ipinagbawal ang paggamit ng Wikang Ingles. Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index F. Kasunduan Magsalikisik at basahin ang kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Hapon. KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO 70 Ikalawang Linggo Ikatlo - Ikaapat na Araw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas Kasanayang Pampagkatuto: Nakapagbibigay ng oipinyon o pananaw kaugnay kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa wikang pambansa.F11PN-If-87 A. Mga Tiyak na Layunin: 1. Nailalarawan ang kalagayang pangwika sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Hapones. 2. Naipaliliwanag kung paano nakaapekto sa wika ang ideolohiya ng pananakop ng mga Hapones. B. Paksang Aralin:Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Ikalawang Bahagi) Panahon ng Hapones C. Mga Kagamitan:Laptop, marker, projector, kagamitang biswal,powerpoint D. Sanggunian: Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace G. 2016. Pinagyamang Pluma Phoenix Publishing House Inc. Quezon City II. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang Aktibiti 71 Pagpapakita ng mag-aaral ng mga kaganapan sa Panahon ng Hapones Analisis 1. Ano ang wikang ninais ng mga Hapones para sa mga Pilipino? 2. Paano ito tinanggap ng mga Pilipino? 3. Ano ang wika sa Pilipinas noong panahon ng Hapon? 4. Anong pagbabagong pangwika ang idinulot ng pananakop ng mga Hapones? II. Abstraksyon Ano ang naging kalagayan ng Wikang Tagalog sa panahong ito? 1._______________________________________________________________ 2._______________________________________________________________ 3._______________________________________________________________ 4._______________________________________________________________ 5._______________________________________________________________ III. Aplikasyon Masasabi mo bang naging maganda ang epekto sa Wikang Tagalog ng pananakop ng mga Hapones? Ipaliwanag ang iyong sagot. IV. Ebalwasyon Bakit sinabing ang panahon ng mga Hapones ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog?Paano nangyari ito? 1.______________________________________________________________ 2.______________________________________________________________ 3.______________________________________________________________ 4.______________________________________________________________ 72 5.______________________________________________________________ Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index VII. Kasunduan Magsaliksik at basahin ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan. KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO 73 Ikatlong Linggo Una - Ikalawang Araw Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong cultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari tungo sa pagkabuo o pag-unlad ng Wikang Pambansa F11PS-Ig-88 A. Mga Tiyak na Layunin: 1. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang Pambansa. 2. Nakapagbibigay ng opinion o pananaw kaugnay ng mga napakinggang pagtalakay sa Wikang Pambansa. A. Paksang Aralin:Kasaysayan ng Wikang Pambansa(Ikalawang Bahagi) Panahon ng Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan B. Mga Kagamitan:Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint C. Sanggunian: 74 Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace G. 2016. Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House Inc. Quezon City. I. Hakbang sa Pagkatuto: Paglinang Aktibiti Tumahimik sandali at alalahanin ang mga nakaraan sa bawat yugto ng kasaysayan ng Wikang Pambansa simula sa Panahon ng Kastila hanggang sa Panahon ng Pagsasarili. 1. Anong mahahalagang pangyayari ang iyong naalala sa bawat yugto ng kasaysayan. Isa-isahin at ipaliwanag. 2. Naniniwala ka ba na hindi dapat kinakalimutan ang mga pangyayaring may kinalaman sa ating buhay lalo na sa ating pagka-Pilipino? Bakit? Analisis 1. Naging mabilis ba nag pagsulong ng ating wika pagkatapos nating makalaya sa mga nandayuhan sa ating bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot. 2. Anong mga batas o proklamasyon ang inilabas nang mga panahong iyon upang maitaguyod ang wikang pambansa? 3. Alin sa mga atas o kautusang tinalakay ang totoong nagpapakita ng pagtataguyod sa wikang Filipino? II. Abstraksyon Masasabing hindi naging madali ang pinagdaanan ng wikang pambansa. Maraming pagkakataong ito ay nanganib na maisantabi na lamang. Natatandaan o pa ba ang mga pagkakataong ito?Balikan at isulat ang mga pangyayaring nagpakitang muntik nang maisantabi ang pambansang wika. Isulat ang panyayari sa tamang kahon. Panahon ng Kastila Panahon ng Amerikano 75 Panahon ng Hapones Panahon ng Pagsasarili III. Aplikasyon: Ikaw bilang isang mag-aaral, ano – ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagsulong ng wikang Filipino? Isulat ang sagot sa hindi baba sa limang pangungusap. 1. ______________________________________________________________ 2. ______________________________________________________________ 3. ______________________________________________________________ 4. ______________________________________________________________ 5. ______________________________________________________________ IV. Ebalwasyon: Kung babalikan ang kasaysayan ng wikang pambansa, maraming mga pangyayari ang naging sanhi o bunga ng isa pa o maraming pangyayari.Tukuyin ang sanhi at bunga ng mga sumusunod: Pagtatalaga ng mga Amerikano sa wikang Ingles bilang wikang panturo. Sanhi Bunga _____________________________ _________________________ _____________________________ _________________________ _____________________________ __________________________ _____________________________ ___________________________ _____________________________ __________________________ Pagkatatag ng Surian ng Wikang Pambansa 76 Sanhi Bunga ________________________________ _________________________ ________________________________ _________________________ _______________________________ _________________________ _______________________________ __________________________ _______________________________ __________________________ ________________________________ __________________________ Index of Mastery Seksyon Bilang ng Mag-aaral Index V. Kasunduan Pag-aralan ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa. Humanda sa Mahabang Pagsusulit. KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO 77 Ikatlong Linggo Ikatlong araw Mahabang Pagsusulit tungkol sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa Ikaapat na araw Final Output 1. Hatiin ang klase sa limang (5) pangkat. 2. Isadula ang mga naging kalagayan ng wika batay sa sumusunod na panahon: a. Panahon ng Kastila b. Panahon ng Rebolusyong Pilipino c. Panahon ng Amerikano d. Panahon ng Hapon e. Panahon ng Pagsasarili hanggang sa Kasalukuyan 3. Matapos, tumawag ng isang miyembro sa ibang pangkat upang bigyang paglalahat ang ginawang pagsasadula. Pamantayan sa pagmamarka 17-20 Napakahusay 13-16 Mahusay 9-12 Katamtaman 5-8 Di-gaanong mahusay 1-4 Di- lubhang mahusay 78 79

Use Quizgecko on...
Browser
Browser