Aralin 2: Sa Panahon ng Kalamidad, Pamilya ay Nagtutulungan PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document discusses Filipino 9, Aralin 2, focusing on the novel "Muling Lumipad ang Kalapating Puti." It's about the importance of family cooperation during emergencies.
Full Transcript
Aralin 2 Sa Panahon ng Kalamidad, Pamilya ay Nagtutulungan MULING LUMIPAD ANG KALAPATING PUTI Mahalagang Kaalaman Panitikan Anumang dumating na kalamidad at paghihirap sa pamilya, tiyak na ito ay malalagpasan kung may pagmamalasakitan at pagtutulungan. Wika...
Aralin 2 Sa Panahon ng Kalamidad, Pamilya ay Nagtutulungan MULING LUMIPAD ANG KALAPATING PUTI Mahalagang Kaalaman Panitikan Anumang dumating na kalamidad at paghihirap sa pamilya, tiyak na ito ay malalagpasan kung may pagmamalasakitan at pagtutulungan. Wika Sa pagbibigay ng opinyon, ,malayang naipapahayag ng bawat isa ang kaniyang paniniwala o pananaw sa anumang nabasa, narinig, napanood, ata nsaksihan Mahalagang Pag-uugnay Halagahang Pangkatauhan Pagtutulungan ng Pamilya Pangangalaga sa Kalikasan Paglilingkod nang Matapat sa Bayan Pag-uugnay sa Ibang Larang Agham Araling Panlipunan Pagbasa sa Akda Ang nobelang Muling Lumipad ang Kalapating Puti ay isinulat ng kilalang awtor na si Khadijah Hasmin ng Malaysia. Siya ay ipinanganak sa Batu Pahat, Johor, Malaysia noong Abril 20, 1942. Maliban sa pagiging manunulat, siya rin ay isang guro at journalist. Mas kinilala siyang nobelista sapagkat nakapagsulat siya ng labinsiyam na nobela. Ang nobelang Merpati Putih Terbang Lagi sa wikang Malayo ay nanalo ng consolation prize sa isinagawang patimpalak sa pagsulat noong ipinagdiwang ng Malaysia ang kanilang ikasampung taon ng kalayaan. Mahalagang Kaalaman Nobela Ito ay tinatawag na kathambuhay, dahil ito ay mga kinathang paglalarawan ng buhay ng mga kinathang tauhan. Ito ay nagtataglay ng mga elementong kagaya ng sa maikling kuwento. Ang tanging pagkakaiba lamang ay mas mahaba ang nobela kaysa sa maikling kuwento dahil binubuo ng mga kabanata ang nobela. Bawat kabanata ay naglalaman ng maiigting na paglalahad sa isang bahagi ng buhay ng pangunahing tauhan. Muling Lumipad ang Kalapating Puti Ni Khadijah Hashim Isinalin ni Domingo G. Landicho (Malaysia) Pahina 31 - 40 Kasanayan sa Pagbasa Kung walang tunggalian ay walang kuwento. Ito ay kinapapalooban ng tunggalian ng dalawang malakas na puwersa. Isa sa mga uri ng tunggaliang ito ang tao vs sarili. Ito ay tunggaliang nagaganap sa isipan at kalooban ng isang tao tulad ng kaniyang sariling paniniwala, prinsipyo, at palagay. Dito sinusubok ang tauhan kung ano ang pipiliin: tama o mali, o mabuti o masama. Tanging ang tauhan lamang ang makapagbibigay ng solusyon sa kinakaharap ng mga problema. Pagsasagawa ng Mini Task Pangkat 1 - Paggawa ng Leaflet p. 54 Pangkat 2 - Pagsasagawa ng Pananaliksik p. 55 Pangkat 3 - Pagsasagawa mg Slide Show p. 56