Noli Me Tangere Kabanata 1-5 - Filipino 9 - 2024

Document Details

Uploaded by Deleted User

2024

Ateneo de Zamboanga

Tags

Noli Me Tangere Filipino Literature Philippine History Literature

Summary

This document provides a summary of chapters 1-5 of the Filipino novel Noli Me Tangere. It details the social issues present during that time and the conflicts between characters. The document also highlights social context and Philippine literature.

Full Transcript

Noli Me Tangere Kabanata 1 - 5 Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 1: ISANG HANDAAN / PAGTITIPON Isang malaking pagtitipon ang gaganapin sa bahay ni Don Santiago de los Santos o mas kilala sa tawag na Kapitan Tiago sa Kalye Anluwage upang salubungin ang isang binata na galing Europa...

Noli Me Tangere Kabanata 1 - 5 Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 1: ISANG HANDAAN / PAGTITIPON Isang malaking pagtitipon ang gaganapin sa bahay ni Don Santiago de los Santos o mas kilala sa tawag na Kapitan Tiago sa Kalye Anluwage upang salubungin ang isang binata na galing Europa. Sikat at malaki ang kanyang impluwensya dahil siya ang dating alkade ng kanilang lugar. Kilala din ito dahil sa pagiging matulungin sa mga mahihirap. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 1: ISANG HANDAAN / PAGTITIPON Mabilis na kumalat ang balita ng pagtitipon sa maraming distrito ng Maynila hanggang sa loob ng Intramuros. Pagpasok pa lang sa bahay ay may sasalubong nang malaking hagdanan na nababalutan ng karpeta. Sa ikalawang palapag ay may makikitang mga porselanang Intsik na may iba’t ibang kulay at disenyo na mas nakatawag ng pansin sa mga bisitang dumalo. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 1: ISANG HANDAAN / PAGTITIPON Mapapakinggan ang magagandang tunog na gawa ng orkestra at mga kalansing ng mga pinggan at kubyertos. Sa gitna ng bulwagan ay may mahabang lamesa na kainan na puno ng adorno. Ang dingding ay mga mga relihiyosong likhang sining na pinamagatang Purgatoryo, Impyerno, Huling Paghuhukom, Ang Kamatayan ng Makatarungan at Kamatayan ng Makasalanan. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 1: ISANG HANDAAN / PAGTITIPON Ang sala ay puno ng mga panauhin, hiwalay ang mga babae sa lalaki na parang nasa simbahan. Si Tiya Isabel, ang pinsan ni Kapitan Tiyago ang siyang naging tagatanggap ng mga panauhin. Baluktok siya kung mangastila. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 1: ISANG HANDAAN / PAGTITIPON Nagsidatingan pa ang mga panauhin kabilang na ang mag-asawang sina Don Tiburcio de Espadaña at Doña Victorina de Espadaña; Padre Hernando De La Sibyla na siyang kura ng Tanawan; Padre Damaso Vardolagas ang dating kura San Diego; ang dalawang paisano; at si Tinyente Guevarra ang tinyente ng gwardiya sibil. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 1: ISANG HANDAAN / PAGTITIPON Ikinagulat ni Padre Damaso ang dahilan ng pagpunta ng binata. Ang akala niya’y pumunta ang binata sa Pilipinas upang magtrabaho, yun pala ay interesado ang binata sa pag-uugali ng mga katutubong Pilipino. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 1: ISANG HANDAAN / PAGTITIPON Nagkaroon ng kanya-kanyang pagpapahayag na nagresulta sa mainit na sagutan sa pagitan ng mga panauhin laban kay Padre Damaso. Hindi na napigilan ng pari na mailabas ang kanyang mapanlait na ugali laban sa mga Indio. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 1: ISANG HANDAAN / PAGTITIPON Sinabi din ni Padre Damaso na hindi dapat manghimasok ang hari sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe. Ngunit ito ay tinutulan ni Tinyente Guevarra, batid niya na may karapatan ang Kapitan Heneral sa pagpaparusa dahil ito ang kinatawan ng hari ng bansa. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 1: ISANG HANDAAN / PAGTITIPON Pinalipat si Padre Damaso sa ibang lugar dahil pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagkamalang isang erehe dahil sa hindi nito pagkumpisal. Iniwan ni Tinyente Guevarra ang umpukan. Pinakalma naman ni Padre Sibyla ang galit na galit na si Padre Damaso. Kinalaunan ay nagpatuloy na muli ang pagtitipon. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Isyung Panlipunan mula sa Kabanata 1 Ang pagkakaroon ng malawak na agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, na makikita sa marangyang pagtitipon ni Kapitan Tiago na hindi maabot ng karamihan ng mga Pilipino. Ang pang-aapi at pang-aabuso ng mga prayle sa mga katutubo, na makikita sa mapanlait at mapanghamak na salita ni Padre Damaso sa mga Indio, at sa kanyang pagpapalibing sa isang marangal na lalaki na hindi niya gusto. Ang kawalan ng kalayaan at karapatan ng mga Pilipino, na makikita sa pagtutol ni Padre Damaso sa paghimasok ng hari sa mga usapin ng simbahan, at sa pagpapalipat sa kanya ng Kapitan Heneral na hindi niya masunod. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 2: CRISOSTOMO IBARRA Nagulat sina Padre Sibyla at Padre Damaso nang makita nila ang kasamang panauhin ni Kapitan Tiyago. Siya ang anak ng yumaong kaibigan ni Kapitan Tiago, si Don Crisostomo Ibarra, na galing pang Europa. Siya ay nakabihis ng luksang kasuotan. Makikita sa kaniyang galaw at anyo ang pagiging malusog sa isipan at pangangatawan. Makikita ang bahid ng pagiging banyaga dahil sa kanyang mapupulang pisngi. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 2: CRISOSTOMO IBARRA Nagtangkang kamayan ni Ibarra si Padre Damaso sa pag-aakalang ito ay matalik na kaibigan ng yumaong ama. Ngunit ikinaila ni Padre Damaso na kaibigan nga niya ang ama ni Ibarra. Sandaling tinalikuran ni Ibarra ang pari upang kausapin si Tinyente Guevarra. Masaya ang tinyente dahil sa ligtas na pagdating ni Ibarra. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 2: CRISOSTOMO IBARRA Kasunod namang nilapitan ni Ibarra ang grupo ng mga kalalakihan. Isang kaugalian sa Alemanya na ipakilala ang sarili sa grupo ng mga panauhin kung ito ay walang kasama at makausap sa isang pagtitipon. Humingi ito ng pasensya dahil sa nasabing kaugalian. Ginawa niya ang kaugaliang ito hindi para ipaalam na siya’y galing sa ibang lugar kundi dahil ito ang nararapat niyang gawin. Nagpakilala siya bilang si Crisostomo Ibarra Y Magsalin. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 2: CRISOSTOMO IBARRA Isang ginoo ang lumapit kay Ibarra na may magandang suot na makikitaan ng mga makikinang na dyamanteng butones. Siya si Kapitan Tinong, matalik na kaibigan ni Kapitan Tiago. Kilalang-kilala niya rin ang ama ni Ibarra. Inanyayahan niya si Ibarra na pumunta sa kanyang bahay upang maghapunan kinabukasan ngunit hindi makakarating si Ibarra dahil siya ay pupunta sa San Diego. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Isyung Panlipunan mula sa Kabanata 2 Ang pagkakaroon ng malaking agwat sa pagitan ng mga banyaga at mga katutubo, na makikita sa pagkakaiba ng kasuotan, anyo, at galaw ni Ibarra sa mga ibang panauhin, at sa pagtanggi ni Padre Damaso na kilalanin ang ama ni Ibarra bilang kaibigan. Ang kawalan ng hustisya at karapatan ng mga Pilipino, na makikita sa hindi pagkakaroon ng malinaw na impormasyon ni Ibarra tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama, na pinagbintangan ng erehiya at pinahukay ang bangkay ni Padre Damaso. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Galit na galit parin si Padre Damaso dahil sa mainit na Kabanata 3: talakayan na nangyari. Sinisipa niya lahat ng mga silyang nakaharang sa dadaanan niya. SA HAPUNAN Magkausap naman sina Don Tiburcio at Padre Sibyla habang papalapit sa hapagkainan. Dahil sa paggigitgitan, natapakan ng tinyente ang laylayan ng damit ni Donya Victorina dahilan kung bakit nagalit ito. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 3: Umupo sa kabisera si Ibarra samantalang pinagtatalunan naman ng dalawang pari kung sino ang dapat maupo sa SA HAPUNAN sentrong upuan. Para kay Padre Sibyla, si Padre Damaso dapat ang maupo doon dahil siya ang matagal nang kaibigan ni Kapitan Tiago at siya din ang kumpesor ng pamilya nito. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Hindi sumang-ayon si Padre Damaso. Sa halip, iginiit niya Kabanata 3: na si Padre Sibyla ang nararapat na umupo doon dahil SA HAPUNAN siya ang kura sa lugar an iyon. Uupo na sana si Padre Sibyla nang napansin niya ang tinyente at inalok ang upuan. Tumanggi ang tinyente sa kadahilanang ayaw niyang pumagitna sa dalawang pari. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 3: SA HAPUNAN Wala man lang nakaalala sa may pahanda kundi si Ibarra. Ngunit tumanggi si Kapitan Tiago, katulad ng nangyayari sa karaniwang handaan. Mas lalo namang tumindi ang galit ni Padre Damaso ng inihanda sa kaniya ang tinola na puro upo, leeg, at pakpak. Habang ang inihanda naman kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola dahil niluto naman talaga ito para sa kanya. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Habang nasa hapagkainan, patuloy ang Kabanata 3: pakikipag-usap ni Ibarra sa iba pang SA HAPUNAN panauhin. Batay sa sagot ni Ibarra sa tanong ni Laruja, “siya ay mahigit pitong taong nawala sa Pilipinas pero kahit kailan hindi niya ito nakalimutan.” Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 “Sa halip, ang Pilipinas pa ang nakalimot sa Kabanata 3: kanya dahil wala man lang nagbalita sa kanya SA HAPUNAN ng kinahantungan ng kanyang ama na si Don Rafael.” Tinanong ni Donya Victorina kung bakit hindi ito tumelegrama. Ito ay dahil nasa ibang bayan siya ng dalawang taon. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Isyung Panlipunan mula sa Kabanata 3 Ang pagkakaroon ng hindi pantay na pagtingin at pagtrato sa mga Pilipino at mga Espanyol, na makikita sa pagkamuhi ni Padre Damaso kay Ibarra at sa kanyang ama, at sa pagpili niya ng upuan na mas mataas kaysa kay Padre Sibyla, na isang Dominikano. Ang pagkakaroon ng hindi makatarungan at mapanupil na sistema ng simbahan, na makikita sa pagpapalibing ni Padre Damaso sa ama ni Ibarra na hindi niya gusto, at sa pagkakait niya ng impormasyon kay Ibarra tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama. Ang pagkakaroon ng hindi makataong at mapang-abusong sistema ng pamahalaan, na makikita sa pagkakaroon ng mga batas na hindi pabor sa mga Pilipino, at sa pagkawala ng karapatan at kalayaan ng mga Pilipino na magkaroon ng sariling opinyon at pagpapasya. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 4: EREHE at SUBERSIBO Lumabas si Ibarra upang makalanghap ng sariwang hangin. Binaybay niya ang daan papuntang plasa ng Binondo. Napansin niya na ganoon pa rin ang itsura ng lugar. Pitong taon siya nawala pero parang nawala lang siya ng napaka-ikling gabi dahil wala man lang nagbago. Nandoon pa rin ang ang mga tindera ng prutas at gulay bago siya umalis papuntang Europa. Sa paningin ni Ibarra ay wala man lang pag-unlad ang siyudad na iyon. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 4: EREHE at SUBERSIBO Habang pinagmamasdan ang paligid may naramdaman siyang tumapik sa kaniyang balikat. Naroon si Tinyente Guevarra. Nagtanong si Ibarra sa tinyente kung alam niya ba ang dahilan ng pagkabilanggo ng ama. Isinalaysay ni Tinyente Guevarra ang dahilan habang sila ay pabalik sa kwartel. Ayon sa kwento ng tinyente, si Don Rafael ang pinakamayan sa kanyang lalawigan. Marami ang gumagalang at nagmamahal sa kaniya, meron din namang mga galit at naiinggit. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 4: EREHE at SUBERSIBO Ilang buwan matapos ang pag-alis ni Ibarra, naging mainit sa isa’t isa sina Don Rafael at Padre Damaso. Inakusahan si Don Rafael na hindi nangungumpisal. Nung mga panahon na iyon ay mayroong isang Kastilang artilyero na naging tampulan ng tukso dahil sa kamang- mangan. Isang araw ay binigyan ng isang dokumento ang artilyero, nagdunung- dunungan ito sa pagbasa. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 4: EREHE at SUBERSIBO Pinagtatawanan siya ng isang grupo ng mga bata. Sa galit ng kastila ay hinabol nito ang mga paslit. Nang hindi niya mahabol ang mga nang-aasar na bata ay binato niya ito ng baston. Tumama naman ang baston sa ulo ng isang bata dahilan kung bakit ito natumba sa kalsada. Kinuha naman ng artilyero ang pagkakataon para pagsisipain ito. Nagkataong dumaan doon si Don Rafael. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 4: EREHE at SUBERSIBO Hinawakan agad niya ang artilyero sa bisig at inawat ito. Dahil sa malaking pangangatawang ni Don Rafael, inakala nilang sinasaktan nito ang artilyero. Sa pag-alma ng artilyero, umitsa ito ilang talampakan mula sa kinatatayuan ni Don Rafael. Tumama ang ulo ng artilyero sa malaking bato dahilan kung bakit sumuka ito ng dugo at namatay makalipas ang ilang sandali. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 4: EREHE at SUBERSIBO Nag-imbestiga ang pulisya, nakulong si Don Rafael at naglabasan ang mga lihim na kaaway nito. Inakusahan si Don Rafael na erehe at pilibustero. Humingi ng tulong ang tinyente upang mapawalang sala si Don Rafael nung mga panahong iyon. Subalit walang naglakas ng loob na tumulong sa pangangamba na baka magkakaso rin sila. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 4: EREHE at SUBERSIBO Nagsulputan ang mga kaaway ni Don Rafael at dumami ang huwad na testigo laban sa kanya. Namatay si Don Rafael sa likod ng mga rehas na bakal ng walang mahal sa buhay na nakiramay. Nakakapanghinayang dahil kung kailan nalagutan ng hiniga si Don Rafael ay saka pa lang napatunayan na siya ay walang sala. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Isyung Panlipunan mula sa Kabanata 4 Ang pagkakaroon ng hindi makatarungan at mapang- abusong sistema ng hustisya, na makikita sa pagkakabilanggo at pagkamatay ni Don Rafael na walang sapat na ebidensya at paglilitis, at sa paggamit ng mga huwad na testigo laban sa kanya. Ang pagkakaroon ng hindi pantay na pagtingin at pagtrato sa mga Pilipino at mga Kastila, na makikita sa pagpatay ng artilyero sa isang batang Pilipino na walang awa, at sa pagtanggi ng mga tao na tumulong kay Don Rafael dahil sa takot na mapag-initan ng mga Kastila. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 5: BITUIN SA KARIMLAN Dumating si Ibarra sa kanyang tinutuluyan sa Ronda de Lala. Agad itong naupo sa kanyang silid. Nagmasid-masid ito sa kapaligiran habang may gulong tumatakbo sa kanyang isip dahil sa sinapit ng ama. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 5: BITUIN SA KARIMLAN Natanaw niya mula sa kanyang bintana ang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang tunog na gawa ng orkestra at ang kalansing ng mga piggan at kubyertos. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024 Kabanata 5: BITUIN SA KARIMLAN Natanaw din niya ang isang magandang babae na may balingkinitan na pangangatawan at may kasuotang diyamante at ginto. Siya si Maria Clara. Giliw na giliw na nakatingin ang lahat sa ganda ng dalaga. Dahil sa pagod na isip at katawan ni Ibarra ay mabilis siyang nahimlay. Filipino 9 – Quarter 4 KaFil 2024

Use Quizgecko on...
Browser
Browser