KABANATA II: MGA IDYOMATIKONG PAHAYAG AT TAYUTAY PDF
Document Details
Uploaded by SuperbZither5724
Tags
Summary
This document explores various Filipino idioms and figures of speech, explaining their usage, meaning and examples. It provides a framework for understanding the rich tapestry of Filipino language.
Full Transcript
KABANATA II: ANG MGA IDYOMATIKONG PAGPAPAHAYAG AT TAYUTAY Mga Inaasahang Pagkatuto: Nabibigyang Kahulugan ang mga Idyomatikong pagpapahayag. Nagagamit ang mga idyomatikong pagpapahayag. Nakapagsusuri ng mga akda gamit ang mga idyomatikong Pagpapahayag. ...
KABANATA II: ANG MGA IDYOMATIKONG PAGPAPAHAYAG AT TAYUTAY Mga Inaasahang Pagkatuto: Nabibigyang Kahulugan ang mga Idyomatikong pagpapahayag. Nagagamit ang mga idyomatikong pagpapahayag. Nakapagsusuri ng mga akda gamit ang mga idyomatikong Pagpapahayag. IDYOMA Ito ay mga di-tahasan o di-direktang pagpapahayag nang gustong sabihin. Ang mga ito ay nagbibigay ng mga matalinghangang kahulugan na malayo sa literal na kahulugan ng salita. Tinatawag din bilang "sawikain" o idyomatikong pagpapahayag. Ginagamit upang bigyang kulay ang mga pagpapahayag. IDYOMA Binibigyan pa rin ang mambabasa ng pagkakataong kilatisin ang mga ibinibigay na kahulugan ng mga salita. MGA HALIMBAWA Nagdidildil ng asin- naghihirap nagbibilang ng poste - walang trabaho pantay na ang paa- patay na boses ipis- mahinang boses amoy lupa- matanda na laman ng lansangan- palaboy balat kalabaw- makapal ang mukha itim na tupa- masama di-madapuang langaw- maganda ang bihis ANG MGA SALAWIKAIN Ang mga salawikaing Pilipino ay mga tradisyonal na kasabihang ginagamit ng mga Pilipino batay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya mula sa buhay sa Pilipinas Kapag ginamit sa pang-araw-araw na pag-uusap, gumaganap ang mga salawikain bilang mga pagbibigay diin sa isang punto o isang kaisipan ng paliwanag o dahilan. ANG MGA SALAWIKAIN Si Propesor Damiana L. Eugenio ng Unibersidad ng Pilipinas, may- akda ng Philippine Proverb Lore (1975), at tinaguriang "Ina ng Kuwentong-Bayan ng Pilipinas" ay nagpangkat ng mga salawikaing Filipino sa iba’t ibang uri o kategorya base sa mga paksa. ANG MGA SALAWIKAIN ang mga salawikaing etikal (nagsasaad ng gawi hinggil sa buhay at sa mga batas hinggil sa pamumuhay); ang mga salawikaing hingil sa mga pagpapahalaga at nagtatakwil sa mga bisyo; ang mga salawikaing naglalahad ng mga katotohanan at mga pagmamasid tungkol sa buhay at kalikasan ng tao; ang mga salawikaing nakatatawa; at ang iba pang mga salawikain. ANG MGA SALAWIKAIN Malaki ang impluwensya ng salawikain sa kultura ng mga Pilipino dahil sa bias ng pakikipagkapwa-tao. Sa ugnayan sa Diyos, pagbibigay galang at puri sa mga magulang at pamumuhay. Ito ay salita ng mga ninuno. MGA HALIMBAWA Turan mo ang iyong kaibigan, sasabihin ko kung sino ka. Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan. Ang paala-ala ay mabisang gamut sa taong naklilimot MGA HALIMBAWA Ang taong nagigipit sa patalim ay kumakapit. Hangga't makitid ang kumot, matutong mamaluktot. Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari. Huli man daw at magaling, naihahabol din. Kung hindi ukol, hindi bubukol. Matalino man ang matsing, napaglalalangan din. Bawa't palayok ay may kasukat na suklob. MGA URI NG TAYUTAY ANO ANG TAYUTAY? Ginagamit upang gawing maharaya, makulay, mabisa, at kaakit-akit ang pagpapahayag. Ang mga salitang ito ay malayo sa karaniwang gamit ng isang partikular na salita. Nagbibigay sining sa isang akda. 1. Pagtutulad (Simile) Pinaghahambing nito ang dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa. Ginagamit sa paghahambing ang mga pariralang katulad ng, para ng, kasing, kawangis ng, kapara ng, tila. Halimbawa: Parang apoy ang galit ni Ginoong Karl. Ang puso ni Charles ay tulad ng isang bakal. 2. Pagwawangis (Metaphor) Pinaghahambing nito ang bagay, tao, pangyayari nang tiyakan. Bagama’t hindi ito gumagamit ng mga salitang naghahalintulad, direktang pa ring ipinahihiwataig ng pangungusap ang pagtutulad bagay, tao, at pangyayari. Halimbawa: Ang kwarto ni Bryan ay gubat. Langit ang tahanang ito. Tigre kung magalit si Mariela. 3. Personipikasyon (Personification) Isinasalin ang katalinuhan at katangian ng tao sa bagay na binabanggit na patrang binubuhay ito. Naisasagawa sa ito sa paggamit ng pandiwa. Halimbawa: Nagsusungit ang panahon ngayong araw. Umiiyak ang kalikasan sa kasalanan ng tao. Sumasayaw ang mga puno sa lakas ng hangin. 4. Pagmamalabis (Hyperbole) Lubhang pinapalabis o pinakukulang ang kalagayan ng ato, bagay, pangyayari, at iba pa. Halimbawa: Halos naaninag ang kaluluwa ko sa kintab ng sahid ng gusaling iyon. Nalulusaw ako sa titig ng taong hinahangaan ko. Isang daang libong milya ang nilakad niya kung kaya’t tagatak ang kanyang pawis. 5. Pagsalungat (Oxymoron) Pagsama ng dalawang magkasalungat na salita sa loob ng pangungusap. Halimbawa: Naghahalo ang lamig at init sa kwartong ito. Ang mga malakas at mahina ay nasa arena ng isports. Ang lipunan na ito ay larawan ng busog at gutom. 6. Paghihimig (Onamatopeia) Paggamit ng mga salitang gumagagad sa tunog na nililikha ng bagay na tinutukoy. Halimbawa: Umuugong ang malakas na hanging dala ng dagat. Ang tik-tak ng orasan ay patuloy sa pag-andar. Ang wang-wang ng ambulansya ay sumakop sa buong kalsada. 7. Paglumanay (Euphimism) Tinutukoy ang tao, bagay, at pangyayari sa magaan, malumanay at mabubuting pananalita upang pagaanin ang pagtanggap sa pahayag. Halimbawa: Kilala ng ilan ang lalaking naglukso ng puri ng bata. (sa halip na sabihing nangghasa/ginahasa) Ang kanyang mahal na ina ay namaalam na sa buhay. (sa halip na sabihing namatay na ito) 8. Pag-uyam (Sarcasm) Tila kapuri-puri ang pangungusap ngunit sa katotohanan ay nangungutya/nag-uuyam. Halimbawa: Huwag ka nang malungkot sa iyong pagkabagsak, sobrang baba ng iyong marka sa pagsusulit. Sa edad mong singkuwenta, di halata ang edad mo. Mataba ka naman, hindi halatang nagugutom ang iyong pamilya. 9. Paglilipat-wika (Transferred Ephitets) Inililipat sa bagay ang mga pang-uring gamit lamang sa tao. Nagkalat ang mga mapaglingkod na bolpen pagkatapos ng board exam. Ang mapusok na patalim ay ibinaon niya sa lupa. Ang mapangahas na mikropono ay walang tigil sa pag-aanunsyo. 10. Aliterasyon (Alliteration) Ginagamit ang magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o higit pang salitang ginagamit sa pangungusap o taludtod. Itataya ni Mariela ang kanyang buhay sa lalaking itinatangi kahit mangahulugan ito ng pagtangis at pagtakwil ng magulang. Hinagpis at hilahil ng ina ang hinaing at nadaramang paghihigpit ng ama sa kanyang bunso. 11. Pagtawag (Apostrophe) Kinakausap ang mga bagay na walang buhay na parang tao. O, aking bayan … manangis ka sa pagkalupig ng demokrasya! Kristal na buong linaw, ipakita mo ang aking kapalaran! 12. Pagtanggi (Litotes) Ginagamit ang salitang hindi upang magpahiwatig ng lalong makulugang pagsang-ayon sa sinasabi ng salitang sumusunod: Kahit sabihin mong ayaw mo na sa kanya, hindi maipagkakailang mahal mo pa rin siya dahil sa iyong ikinikilos. Hindi totoong wala kang interes sa proyekto, ang katotohana’y wala ka lang oras. 13. Retorikal na Pagtatanong (Rhetorical Question) Pagpapahayag ito ng tanong upang magpahayag ng punto kaysa humingi ng tugon. Natutulog ba ang Diyos? Bakit napakalupit ng kapalaran? Saan ka nanaman galing? Anong oras na?