Kahulugan ng Idyoma at Tayutay PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng kahulugan at mga halimbawa ng mga idyoma at tayutay sa Filipino. Malinaw nitong ipinapakita ang iba't ibang uri ng tayutay at ang mga halimbawa nito.

Full Transcript

Kahulugan ng Idyoma & Mga Halimbawa at Ibig Sabihin ng Bawat Isa IDYOMA – Narito ang kahulugan ng “idyoma” sa Filipino at ang mga halimbawa nito. Mula kinder hanggang kolehiyo, marami tayong natututunan sa asignaturang Filipino. Isa ito sa mga asignaturang...

Kahulugan ng Idyoma & Mga Halimbawa at Ibig Sabihin ng Bawat Isa IDYOMA – Narito ang kahulugan ng “idyoma” sa Filipino at ang mga halimbawa nito. Mula kinder hanggang kolehiyo, marami tayong natututunan sa asignaturang Filipino. Isa ito sa mga asignaturang palaging parte ng kurikulum. Sa ilalim ng mga asignaturang Filipino, yung antas ng mga topiko ay naka-ayon mula sa pinakamadaling matutunan hanggang sa mga mahihirap na topiko. Sa elementarya, isa sa mga topiko na itinuturo sa ilalim ng asignaturang Filipino ay ang idyoma. Ito ang ating tatalakayin sa artikulong ito. Ang idyoma ay isang matalinhagang pagpapahayag ng isang ideya. Malayo ito sa komposisyonal na paliwanag ng isang ideya kung kaya’t ito ay itinuturing na hindi tuwirang pagbibigay kahulugan. Narito ang ilan sa mga halimbawa ng idyoma at mga kahulugan ng bawat isa: ilaw ng tahanan – ina haligi ng tahanan – ama bukas ang palad – matulungin taingang kawali – nagbibingi-bingihan buwayang lubog – taksil sa kapwa malaki ang ulo – mayabang pantay na ang mga paa – patay na maitim ang budhi – tuso kapilas ng buhay – asawa bahag ang buntot – duwag balat-sibuyas – mabilis masaktan kusang-palo – sariling sipag usad pagong – mabagal kumilos itaga sa bato – ilagay sa isip may bulsa sa balat – kuripot ibaon sa hukay – kalimutan pagsunog sa kilay – pag-aaral ng mabuti nakalutang sa ulap – sobrang saya TAYUTAY – Mga Uri At Halimbawa Nito TAYUTAY – Sa paksang ito, tutuklasin natin ngayon ang mga iba’ ibang uri ng mga tayutay at mga halimbawa ng mga uri nito. Kahulugan Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag. Mga Uri Ng Tayutay 1. Pagtutulad (Ingles: Simile) Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp. Ikaw ay kagaya ng ibong lumilipad Ang kagandahan mo ay tulad ng isang anghel. 2. Pagwawangis (Ingles: Metaphor) Ito ay katulad ng pagtutulad, maliban sa hindi ginagamit ang mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp. Si Jon ay lumalakad na babae. Malakas na lalaki si Ken. 3. Pagtatao (Ingles: Personification) Ito ay pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay. Ang mga damo ay sumasayaw. Tumatawa ng malakas ang mga puno. 4. Eksaherasyon (Ingles: Hyperbole) Ito ay lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp. Ang pagmamahal ko sa iyo ay singlayo ng buwan. Parang nabiyak ang aking ulo sa kaiisip sa ginawa mo. 5. Paguyam(Ingles: Sarcasm/Irony) Isang tayutay na kung saan ito ay pangungutya o pangaasar ito sa tao o bagay. Ang sipag mo naman, Juan. Makikita ko ang sipag mo sa madumi mong kwarto. Sa kagandahan mo, nakikita ko ang mga butas-butas at mga tagihawat ng mukha mo. 6. Paglipat-wika Ito ay paggamit ng pang-uri upang ipaglalarawan ang mga bagay. Ang masayang larawan ni Pedro ay nagpapakita nga kanyang emosyon ngayon. Ang ulilang bag na iyan ay galing kay Celia. 7. Paglilipat-saklaw (Ingles: Synecdoche) Pagbanggit ito sa bahagi nga isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan. Tatlong kamay ang tumutulong sa kawawang ulila Si Santiago ay humingi ng kamay ng dalaga. 8. Pagtawag (Ingles: Apostrophe) Ito ay pagtawag sa mga bagay na parang ikinausap sila. O Pag-ibig, nasaan ka na? Galit, layuan mo ako magpakailanman. 9. Tanong Retorikal (Ingles: Rhetorical Question) Mga tanong ito na hindi nangangailangan nga sagot. Kailangan ko bang tangappin na hindi niya ko mapapansin at mamahailin? Wala na bang pag-asa na makaahon tayo sa kahirapan nang dahil sa mga sunud-sunod na mga problema natin? 10. Pagpapalit- tawag (Ingles: Metonymy) Ito ay pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay na magkaugnay. Igalang dapat ang mga maputing buhok. Mas magiting ang panulat kaysa espada. 11. Panaramdam (Ingles: Exclamatory) Ito ay naglalarawan sa mga karaniwang damdamin Noon, kapag nakikita kita, punung-puno ako ng kaligayahan at kilig per ngayon, sa tuwing nakikita kita na may ibang kasama, dumilim ang mundo ko at punung-puno ng pighati at kirot. 12. Tambisan(Ingles: Antithesis) Ito ay pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa kahulugan upang lalong mapatingkad na lalo ang mga salita. Ang pag-ibig ay ideyal ngunit ang kasal ay tunay na bagay. Marami ang tinawag pero kaunti ang napili. 13. Paghihimig (Ingles: Onomatopoeia) Ito ay pagpahiwatig ng kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita. Maririnig ko ang tiktok ng orasan. Mainga ang aw-aw ng aso kong si Iggy. 14. Pag-uulit(Ingles: Alliteration) Ginagamit nito ang magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigpit pang salitang ginagamit sa isang pangungusap. Si Sam ay sumasayaw sa silid-aralan. Masipag maglaba ang mga magulang ko. 15. Pagtanggi(Ingles: Litotes) Ito ay ginagamit ang salitang “hindi” sa unahan ng pangungusap. Hindi niyo ako maloloko Hindi siya sumama sa outing ng kanilang barkada. 16. Salantunay(Ingles: Paradox) Ito ay ang pagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan ng paggamit ng sangkap na animo’y di totoo sa biglang basa o dinig. Ang mga palaging talo sa buhay ang nagtagumpay. Ang mayaman ay mahirap sa kaligayahan. 17. Pangitain(Ingles: Vision imagery) Ito ay nagpapahayag ng mga laman ng isip na animo’y tunay na kaharap o nakikita sa nagsasalita. Naiisip ko na maging mapayapa ang lahat. Nakikita kong mananalo ako sa kompetisyon. 18. Paghahalintulad(Analogy) Ito ay pagtutulad ng dalawang bagay, lugar, o ideya na magkatumbas. Ang dalaga ay parang isang bulaklak, at ang binata ay parang isang bubuyog. Ako ay isang buwan na sumisikat sa gabi, at ikaw ay isang araw na sumisikat sa umaga.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser