Idyomatikong Pagpapahayag at Salawikain
24 Questions
0 Views

Choose a study mode

Play Quiz
Study Flashcards
Spaced Repetition
Chat to lesson

Podcast

Play an AI-generated podcast conversation about this lesson

Questions and Answers

Ano ang ibig sabihin ng idyomang 'nagdidildil ng asin'?

• Masaya
• Naghihirap (correct)
• Mayaman
• Walang trabaho
• Alin sa mga sumusunod ang hindi isang halimbawa ng idyomaticong pagpapahayag?

• Itim na tupa
• Pusong masaya (correct)
• Balat kalabaw
• Nagbibilang ng poste
• Ano ang pangunahing layunin ng paggamit ng salawikain sa pag-uusap?

• Makipagtalo
• Magbigay diin at paliwanag (correct)
• Magpahayag ng opinyon
• Paghikbi ng damdamin
• Anong uri ng salawikain ang nagsasaad ng gawi hinggil sa buhay?

Salawikaing etikal
Signup and view all the answers

Anong idyomatikong pagpapahayag ang tumutukoy sa isang taong may makapal na mukha?

Balat kalabaw
Signup and view all the answers

Alin sa mga sumusunod na salawikain ang nagpapakita ng tunay na pagkakaibigan?

Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan
Signup and view all the answers

Ano ang pangunahing tema ng mga salawikain sa kultura ng mga Pilipino?

Buhay, asal, at pamumuhay
Signup and view all the answers

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga uri ng salawikain ayon sa paksa?

Salawikaing pampulitika
Signup and view all the answers

Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang nagpapakita ng pagtutulad?

Parang apoy ang galit ni Ginoong Karl.
Signup and view all the answers

Ano ang layunin ng paggamit ng tayutay sa isang akda?

Upang bigyang-diin ang kahulugan sa isang masining na paraan.
Signup and view all the answers

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng personipikasyon?

Umiiyak ang kalikasan sa kasalanan ng tao.
Signup and view all the answers

Ano ang tawag sa tayutay na labis na pinapalabis ang kalagayan?

Pagmamalabis
Signup and view all the answers

Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang nagpapakita ng pagsalungat?

Naghahalo ang lamig at init sa kwartong ito.
Signup and view all the answers

Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang nagpapakita ng paghihimig?

Ang tik-tak ng orasan ay patuloy sa pag-andar.
Signup and view all the answers

Aling tayutay ang gumagamit ng mga salitang naghahalintulad ng tuwiran?

Pagwawangis
Signup and view all the answers

Alin sa mga sumusunod ay hindi halimbawa ng salawikain?

Ang kwarto ni Bryan ay gubat.
Signup and view all the answers

Ano ang layunin ng paglumanay (euphimism)?

Upang gawing magaan ang paksa sa pamamagitan ng mas positibong salita.
Signup and view all the answers

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pag-uyam (sarcasm)?

Huwag ka nang malungkot sa iyong pagkabagsak.
Signup and view all the answers

Ano ang ibig sabihin ng paglilipat-wika (transferred epithets)?

Paglilipat ng mga pang-uri na karaniwang ginagamit sa tao sa mga bagay.
Signup and view all the answers

Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng aliterasyon?

Magandang umaga sa iyo.
Signup and view all the answers

Ano ang pangunahing gamit ng pagtawag (apostrophe)?

Pagpapahayag ng damdamin sa mga bagay na walang buhay.
Signup and view all the answers

Ano ang layunin ng pagtanggi (litotes) sa isang pahayag?

Upang ipahayag ang pagsang-ayon sa isang negatibong paraan.
Signup and view all the answers

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng retorikal na pagtatanong?

Bakit napakalupit ng kapalaran?
Signup and view all the answers

Alin ang uri ng tayutay na gumagamit ng mga pang-uring karaniwang ginagamit sa tao ngunit inilipat sa mga bagay?

Paglilipat-wika (Transferred Epithets)
Signup and view all the answers

Study Notes

Idyomatikong Pagpapahayag

• Ang mga idyomatikong pagpapahayag ay mga di-tahasan o di-direktang paraan ng pagsasabi ng gustong sabihin.
• Nagbibigay ito ng matalinghangang kahulugan na malayo sa literal na kahulugan ng salita.
• Ang mga ito ay tinatawag ding "sawikain" o idyomatikong pagpapahayag.
• Ang layunin ng idyoma ay upang bigyang kulay ang mga pahayag at magdagdag ng interes sa pag-uusap.

Mga Halimbawa ng Idyoma

• Nagdidildil ng asin - naghihirap
• Nagbibilang ng poste - walang trabaho
• Pantay na ang paa - patay na
• Boses ipis - mahinang boses
• Amoy lupa - matanda na
• Laman ng lansangan - palaboy
• Balat kalabaw - makapal ang mukha
• Itim na tupa - masama
• Di-madapuang langaw - maganda ang bihis

Mga Salawikain

• Ang mga salawikaing Pilipino ay tradisyonal na kasabihan na nagpapakita ng katutubong kultura, karunungan, at pilosopiya ng mga Pilipino.
• Ginagamit ang mga ito sa pang-araw-araw na pag-uusap upang magbigay diin sa isang punto o kaisipan.

Klasipikasyon ng Mga Salawikain

• Si Propesor Damiana L. Eugenio ay nagpangkat ng mga salawikaing Pilipino ayon sa paksa:
• Etikal (tungkol sa mga gawi at batas sa pamumuhay)
• Pagpapahalaga (nagpapakita at nagtatakwil ng mga bisyo)
• Tungkol sa katotohanan (mga pagmamasid tungkol sa buhay at kalikasan ng tao)
• Nakatatawa
• Iba pa

Impluwensya ng Salawikain

• May malaking impluwensya ang salawikain sa kultura ng mga Pilipino dahil nagpapahalaga ito sa pakikipagkapwa-tao, ugnayan sa Diyos, pagbibigay galang at puri sa mga magulang, at pamumuhay.
• Ang mga salawikain ay nagpapahayag ng karunungan ng mga ninuno.

Mga Halimbawa ng Salawikain

• Turan mo ang iyong kaibigan, sasabihin ko kung sino ka.
• Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan.
• Ang paala-ala ay mabisang gamut sa taong naklilimot.
• Ang taong nagigipit sa patalim ay kumakapit.
• Hangga't makitid ang kumot, matutong mamaluktot.
• Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.
• Huli man daw at magaling, naihahabol din.
• Kung hindi ukol, hindi bubukol.
• Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.
• Bawa't palayok ay may kasukat na suklob.

Mga Uri ng Tayutay

• Ang mga tayutay ay ginagamit upang gawing maharaya, makulay, mabisa, at kaakit-akit ang pagpapahayag.
• Ang mga salitang ito ay malayo sa karaniwang gamit ng isang partikular na salita.
• Nagbibigay ito ng sining sa isang akda.

1. Pagtutulad (Simile)

• Pinaghahambing nito ang dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa.
• Ginagamit ang mga pariralang tulad ng, para ng, kasing, kawangis ng, kapara ng, tila.
• Halimbawa:
• Parang apoy ang galit ni Ginoong Karl.
• Ang puso ni Charles ay tulad ng isang bakal.

2. Pagwawangis (Metaphor)

• Pinaghahambing nito ang bagay, tao, pangyayari nang tiyakan.
• Bagama’t hindi ito gumagamit ng mga salitang naghahalintulad, direktang ipinahihiwataig ng pangungusap ang pagtutulad ng bagay, tao, at pangyayari.
• Halimbawa:
• Ang kwarto ni Bryan ay gubat.
• Langit ang tahanang ito.
• Tigre kung magalit si Mariela.

3. Personipikasyon (Personification)

• Isinasalin ang katalinuhan at katangian ng tao sa bagay na binabanggit na patrang binubuhay ito.
• Naisasagawa ito sa paggamit ng pandiwa.
• Halimbawa:
• Nagsusungit ang panahon ngayong araw.
• Umiiyak ang kalikasan sa kasalanan ng tao.
• Sumasayaw ang mga puno sa lakas ng hangin.

4. Pagmamalabis (Hyperbole)

• Lubhang pinapalabis o pinakukulang ang kalagayan ng ato, bagay, pangyayari, at iba pa.
• Halimbawa:
• Halos naaninag ang kaluluwa ko sa kintab ng sahid ng gusaling iyon.
• Nalulusaw ako sa titig ng taong hinahangaan ko.
• Isang daang libong milya ang nilakad niya kung kaya’t tagatak ang kanyang pawis.

5. Pagsalungat (Oxymoron)

• Pagsama ng dalawang magkasalungat na salita sa loob ng pangungusap.
• Halimbawa:
• Naghahalo ang lamig at init sa kwartong ito.
• Ang mga malakas at mahina ay nasa arena ng isports.
• Ang lipunan na ito ay larawan ng busog at gutom.

6. Paghihimig (Onamatopeia)

• Paggamit ng mga salitang gumagagad sa tunog na nililikha ng bagay na tinutukoy.
• Halimbawa:
• Umuugong ang malakas na hanging dala ng dagat.
• Ang tik-tak ng orasan ay patuloy sa pag-andar.
• Ang wang-wang ng ambulansya ay sumakop sa buong kalsada.

7. Paglumanay (Euphimism)

• Tinutukoy ang tao, bagay, at pangyayari sa magaan, malumanay at mabubuting pananalita upang pagaanin ang pagtanggap sa pahayag.
• Halimbawa:
• Kilala ng ilan ang lalaking naglukso ng puri ng bata. (sa halip na sabihing nangghasa/ginahasa)
• Ang kanyang mahal na ina ay namaalam na sa buhay. (sa halip na sabihing namatay na ito)

8. Pag-uyam (Sarcasm)

• Tila kapuri-puri ang pangungusap ngunit sa katotohanan ay nangungutya/nag-uuyam.
• Halimbawa:
• Huwag ka nang malungkot sa iyong pagkabagsak, sobrang baba ng iyong marka sa pagsusulit.
• Sa edad mong singkuwenta, di halata ang edad mo.
• Mataba ka naman, hindi halatang nagugutom ang iyong pamilya.

9. Paglilipat-wika (Transferred Ephitets)

• Inililipat sa bagay ang mga pang-uring gamit lamang sa tao.
• Halimbawa:
• Nagkalat ang mga mapaglingkod na bolpen pagkatapos ng board exam.
• Ang mapusok na patalim ay ibinaon niya sa lupa.
• Ang mapangahas na mikropono ay walang tigil sa pag-aanunsyo.

10. Aliterasyon (Alliteration)

• Ginagamit ang magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o higit pang salitang ginagamit sa pangungusap o taludtod.
• Halimbawa:
• Itataya ni Mariela ang kanyang buhay sa lalaking itinatangi kahit mangahulugan ito ng pagtangis at pagtakwil ng magulang.
• Hinagpis at hilahil ng ina ang hinaing at nadaramang paghihigpit ng ama sa kanyang bunso.

11. Pagtawag (Apostrophe)

• Kinakausap ang mga bagay na walang buhay na parang tao.
• Halimbawa:
• O, aking bayan … manangis ka sa pagkalupig ng demokrasya!
• Kristal na buong linaw, ipakita mo ang aking kapalaran!

12. Pagtanggi (Litotes)

• Ginagamit ang salitang hindi upang magpahiwatig ng lalong makulugang pagsang-ayon sa sinasabi ng salitang sumusunod:
• Halimbawa:
• Kahit sabihin mong ayaw mo na sa kanya, hindi maipagkakailang mahal mo pa rin siya dahil sa iyong ikinikilos.
• Hindi totoong wala kang interes sa proyekto, ang katotohana’y wala ka lang oras.

13. Retorikal na Pagtatanong (Rhetorical Question)

• Pagpapahayag ito ng tanong upang magpahayag ng punto kaysa humingi ng tugon.
• Halimbawa:
• Natutulog ba ang Diyos?
• Bakit napakalupit ng kapalaran?
• Saan ka nanaman galing?
• Anong oras na?

Studying That Suits You

Use AI to generate personalized quizzes and flashcards to suit your learning preferences.

Quiz Team

Related Documents

Description

Tuklasin ang kahulugan at gamit ng idyomatikong pagpapahayag at salawikain sa kulturang Pilipino. Alamin ang ilang halimbawa at paano ito nagdaragdag ng kulay sa mga pahayag at pag-uusap. Subukan ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng quiz na ito.

More Like This

Karunungang Bayan sa Kultura
16 questions
유명 사자성어 퀴즈
10 questions

유명 사자성어 퀴즈

CelebratorySunflower avatar
CelebratorySunflower
Use Quizgecko on...
Browser
Browser