PANITIKAN SUPERHANDOUTS 2024 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2024
Tags
Summary
This document is a handout for studying Philippine literature, including literary theories like humanism, romanticism, and existentialism. It's categorized by prose and poetry.
Full Transcript
PANITIKAN FOR PERSONAL STUDY/ SELF-STUDY ONLY! PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN 1. HUMANISMO -Maaaring ilapat sa maraming paniniwala, pamamaraan at pilosopiyang nagbibigay-tugon sa kalagayan at karanasan ng tao. 2. IMAHISMO -Nagbibigay-pansin sa hanay ng...
PANITIKAN FOR PERSONAL STUDY/ SELF-STUDY ONLY! PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN 1. HUMANISMO -Maaaring ilapat sa maraming paniniwala, pamamaraan at pilosopiyang nagbibigay-tugon sa kalagayan at karanasan ng tao. 2. IMAHISMO -Nagbibigay-pansin sa hanay ng mga salita at simbolismo ang nasabing kilusan. 3.ROMANTISISMO -Isang pagtatakwil sa pagpapahalagang klasismo tulad ng kaanyuan, kapayapaan, pag-uugnay-ugnay, ideya at rasyunal. Ipinamalas ang iba't ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakihan. 4. EKSISTENSYALISMO -Ang kalayaang pumili ay kasama sa komitment at responsibilidad. 5. DEKONSTRAKSYON -Nagpapakita ng maraming layer ng kahulugan. Sa pagdedekonsrak ng gawa ng isang iskolar, ipinapakita na ang lenggwahe ay madalas na pabago- bago. 6. FEMINISMO-Literaryong pag-aaral na nakatuon sa mga kababaihan bilang mambabasa at manunulat. 7. NATURALISMO -Nag-uugnay ng siyentipikong pamamaraan sa pilosopiya sa pamamagitan ng paniniwalang lahat ng nilalang at pangyayari sa sangkalawakan ay natural at ang lahat ng karunungan ay maaaring dumaan sa masusing pagsusuri. 8. REALISMO Layon nitong ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa makatotohanang pamamaraan. Itinatakwil ang ideyal na paghuhulma at pananaw sa mga bagay. 9. MARXISMO -Nagagamit sa pagsusuri ng kalagayang panlipunan, pag-uugali at motibasyon ng mga tauhan sa kwento. 10. SOSYOLOHIKAL -Mas malawak ang perspektiv ng pagsusuring isang akda. Hindi lamang ang kasiningan at angking katangian ng akda ang binubusisi, kundi pati na rin ang bahagi ng lipunan at kasaysayang spinagluwalan. 11. KLASISMO -Paggamit ng estilo o estetikong prinsipyo ng mga griyego o Romanong klasikong arte at literatura. Matipid, maingat, hindi angkop ang salitang balbal pati na ang labis na emosyon. 12. FORMALISMO Nagbibigay diin sa anyo ng literatura. Ang teksto mismo ang tuon o pokus. DALAWANG ANYO NG PANITIKAN 1. Prosa- anyo ng panitikan na patalata o ang karaniwang takbo ng pangungusap at gumagamit ng payak at direktang paglalahad ng kaisipan. 2. Patula- ang anyo ng panitikan na pataludtod, may sukat at tugma o malayang taludturan at gumagamit ng masining at matalinghagang salita. TULUYAN/PROSA Uri ng Akdang Tuluyan 1. Pabula- mga salaysayin itong hubad sa katotohanan ngunit ang layuni’y gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog sa kanilang ugali at pagkilos. Natutungkol sa mga hayop ang kuwentong ito. 2. Parabula- kwento o salaysay na hango sa banal na kasulatan na naglalayong mailarawan ang isang katotohang moral o ispiritwal sa isang matalinghagang paraan. 3. Alamat- ito’y mga salaysaying hubad sa katotohanan. Tungkol sa pinagmulan ng bagay ang paksa rito. 4. Maikling Kuwento- ito’y salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari sa kakintalan. 5. Anekdota- mga likhang-isip lamang ng mga manunulat. Ang mga maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapagbigay-aral sa mga mambabasa. 6. Talumpati- ito’y isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang layunin nito ay humikayat, magbigay ng impormasyon, mangatwiran, magpaliwanag, at magbigay ng opinyon o paniniwala. 7. Sanaysay- ito’y pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari. 8. Dula- ito’y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan. Nahahati ito sa ilang yugto, at sa bawat yugto ay maraming tagpo. 9. Balita- ito’y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat. 10. Kasaysayan- ito’y tala o mga nakasulat tungkol sa mga pangyayari ng nakaraan. 11. Talambuhay- ito’y tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring ito’y pang-iba o pansarili. 12. Nobela- ito’y isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata. Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon. Ginagalawan ito ng maraming tauhan. 13. Mitolohiya- kwento hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, diyos at diyosa at iba pang mga mahiwagang nilikha. 14. Ulat- nasusulat bunga ng isinasagawang pananaliksik, pagsusuri, pag-aaral at iba pa. PATULA Mga Elemento ng Tula 1. Sukat (meter)- Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. 2. Saknong (stanza)- Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod. 3. Tugma (rhyme)- Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salitang bawat taludtod ay magkasing-tunog. 4. Talinhaga (figures of speech, allegory)- Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahulugan ng tula. 5. Kariktan (beauty)- Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan. URI NG AKDANG PATULA A. TULANG PASALAYSAY – ang uring ito ay naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, halimbawa’y ang kabiguan sa pag-ibig, ang mga suliranin at panganib sa pakikidigma o kagitingan ng mga bayani. 1. EPIKO – ang mga epiko ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga kababalaghan. Ito’y nagbubunyi sa isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay laban sa mga panganib at kagipitan. 2. AWIT AT KORIDO – ang mga ito’y may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna, prinsipe’t prinsesa. Ang dalawang ito’y nagkakaisa sa kaharian. Ang awit ay may sukat na labindalawang pantig at inaawit nang mabagal sa saliw ng gitara, samantalang ang korido’y may sukat na walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa. 3. BALAD – ito ay may himig na awit dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw. Ito ay nilikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan ay nagpapasama na ito sa tulang kasaysayan na may anim hanggang walong pantig. B. TULANG LIRIKO- tulang naglalahad ng mga masidhing damdamin, imahinasyon at karanasan ng tao at kadalasang inaawit. 1. AWITING BAYAN – ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimihagti, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan. 2. PASTORAL- ito ay may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid. 3. SONETO – ito’y tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa. 4. ELIHIYA – nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao. 5. DALIT – awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay. 6. ODA - nagpapahayag ng isang papuri o panaghoy o iba pang masiglang damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong. C. TULANG PADULAAN- tulang sinadyang isulat upang itanghal sa entablado. 1. TRAHEDYA angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan. 2. KOMEDYA isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihan ng manonood. Nagwawakas ito ng masaya. Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na siyang nakapagpapasiya sa damdamin ng manonood. 3. MELODRAMA ito ay karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal, kasama na ang opera. Ngunit ngayon ito ay may kaugnayan sa trahedya tulad din ng parsa sa komedya. Ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit naging kasiya-siya ang katapusan para sa pangunahing tauhan ng dula. 4. PARSA isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring nakatatawa. 5. SAYNETE ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag- uugali ng tao o pook. 6. ZARZUELA- dulang musical na karaniwang binubuo ng tatlong akto tungkol sa pag-ibig, kasakiman at poot. 7. MORO-MORO- nagpapakita ng hidwaan at labanan ng Kristyano at di- Kristyano 8. SENAKULO- pagtatanghal tungkol sa paghihirap at kamatayan ni Hesus. 9. TIBAG- ang paghahanap nina Reyna Elena at Constantino sa krus nga pinagpakuan ni Hesus. 10. PANUNULUYAN- nagpapakita ng paghahanap ng matutuluyan nina Maria at Jose para doon isilang ang sanggol na si Jesus. URI NG DULA BATAY SA POOK NA GINANAPAN 1. TAHANAN- Duplo, Karagatan, Pamanhikan 2. LABASAN- Panunuluyan, Pananapatan, Pangangaluwa, Santakrusan, Tibag 3. TANGHALAN- Senakulo, Karilyo, Zarzuela, Moro-moro PANITIKAN NG MGA REHIYON SA PILIPINAS CORDILLERA Mumbaki - Namamagitan sa pakikipag-usap ng tao at Espiritu sa Ifugao. Dorarakit - Namamagitan sa pakikipag-usap ng tao at Espiritu sa Isneg. ILOCOS Panglakayen- Tagapagpasya sa usapin sa loob ng Dapayan o kubong gawa sa kawayan at kugon. Panagpupurok- Proseso sa paggawa ng Dapayan PANGASINAN Aligando- Pinakamahabang katutubong awit na may 565 linya. Orihinal na awit pamamasko na aabot sa dalawang oras bago matapos. Cansionan- Paligsahan sa pag-awit tuwing may kapistahan. Pasintabi- Isang maikling panimulang awitin bago simulan ang isang pagtatanghal PAMPANGA Basultu- Awit at sayaw Tumaila-Oyayi METRO MANILA MGA AKDA: Ø Pag-ibig sa tinubuang lupa ni Andres Bonifacio. Ø Litanya Kay Nino ni Patrocinio Villafuerte Ø Nagmamadali ang Maynila ni Serafin C. Guinigundo. Ø 1986 at 1996: Sa Mendiola, Sa EDSA at sa kung Ø Saan-saan ni Rolando Bernales Ø Manila… Sa mga Kuko ng liwanag ni Clodualdo del Mundo, Jr. GITNANG LUZON AT KATIMUGANG TAGALOG Hinirang bilang lugar kung saan ipinanganak ang maraming kilalang tao sa kasaysayan ng pulitika, kultura at literature. BIKOL Ang kanilang dayalekto ay nahaluan ng humigit- kumulang sa 5000 na hiram na salita sa kastila. Sa taong 1800 sumikat ang komedya. Sarswela sa bandang 1892 at bodabil noong taong 1930. KABISAYAAN I. KANLURANG VISAYAS Tula-Binalaybay Kuwento-Asoy Paktakon -Bugtong Hurabaton-Sawikain LUWA- Isang nakatutuwang tula na may apat na linya at binibigkas ng talunan. BORDON-Isang larong popular sa mga lamayan. (Belasyon) COMPOSO- Isang madamdaming awit tungkol sa buhay ng isang katutubong bayani. PAGDAYAW- Isang tulang pumupuri sa angking kagandahan ng Birheng Maria. II. GITNANG VISAYAS SALOMA- Sailor Songs Hila, hele, holo, at hia –Work Songs DAYHUAN- Drinking Songs KANDU-Epic Songs TIRANA-Debate Song III. SILANGANG VISAYAS SUSUMATON at POSONG - Inilarawan ni Padre Ignatio F. Alzina bilang mga unang tulang narativ. BALAC- Isang tudyuang patula sa pagitan ng isang babae at lalaki. An Kaadlawaon - Ang unang Dyaryong Waray Hadi-hadi- Dramang itinatanghal tuwing kapistahan at ang tema ay digmaan ng Kristiyano at Muslim. MINDANAO MGA AKDA: Ø Si Anak at ang Uwak Ø Bantugan Ø Indarapatra at Sulayman Ø Bidasari Ø Daramoke-a-babay Ø Si Mebuyan Ø Pag-islam MGA PANAHON NG PANITIKAN SA PILIPINAS ––––––––––– Katutubo 1565–1872 Kastila 1872–1896 Pagkamulat 1896–1900 Himagsikan 1900–1935 Amerikano 1935–1942Malasariling Pamahalaan 1943–1945 Hapon 1946–1972 Republika 1973–1986 Bagong Lipunan I. PANAHON NG KATUTUBO (Hanggang 1565) Ang panitikan sa panahong ito ay… Karaniwang pasalindila (oral) Tumatalakay sa paraan ng pamumuhay (way of life) ng ating mga ninuno Nagpapatunay na MAY SIBILISASYON/KABIHASNAN na ang mga katutubo sa Pilipinas bago pa dumating ang mga Kastila. Matatagpuan din sa mga palayok, banga, kawayang bumbong (isang species ng bamboo) atbp. kung nakasulat MITOLOHIYA 1. Bathala-Diyos na tagapaglikha 2. Idianale-Diyosa ng paggawa at mabuting gawa 3. Dian Masalanta-Diyosa ng pag-ibig, panganganak at kapayapaan 4. Anitun Tabo-Diyosa ng Hangin at Ulan 5. Hanan-Diyosa ng Umaga 6. Tala-Diyosa ng mga bituin 7. Mayari-Diyosa ng Buwan 8. Aman Sinaya- Diyosa ng Dagat 9. Amihan- Maykapal ng hangin 10. Dumangan- Diyos ng Ani 11. Libulan-Diyos ng buwan 12. Sidapa-Diyos ng kamatayan 13. Dumakulem-Tagapagbantay ng kabundukan AWITING BAYAN Oyaye/Hele/Holoborin-Pagpapatulog ng bata An-anoy-Inaawit habang ang mga magsasaka ay gumagawa ng pilapil sa kanilang bukirin Mayeka-Awit panggabi ng mga igorot Salagintok-Pakikipagkaibigan Panitan-Pagkuha ng bahay pukyutan Daeleng-Pista at pagdiriwang Talindaw-Pamamangka Kundiman-Pag-ibig Kumintang-Pandigma Dalit/Himno-Papuri Kalusan-Paggawa Sambotani-Pagtatagumpay Dung-aw-Pagluluksa Diona/Ihiman-Kasal Soliranin-Pagsasagwan/Paggagaod Umbay-Paglilibing Aringginding-ginding-Panunukso ng binata sa isang dalaga Balitaw-Pagliligawan ng mga Bisaya. May kasamang sayaw Maluway-Sama-samang Paggawa Hiliraw/Pamatbat-Pag-iinuman Diyana/Tulinda-Pagtatanim Kutang-kutang/Dulayin/Indulayin-Panlansangan Hinaklaran-Awit sa Ani MGA KILALANG KANTAHING BAYAN 1. Leron-Leron Sinta-Tagalog 2. Pamulinawen-Ilokano 3. Dandansoy-Bisaya 4. Sarong Banggi- Bicol 5. Atin Cu Pung Singsing-Pampanga BUGTONG AT PALAISIPAN SALAWIKAIN-DI-LANTAD SAWIKAIN-LANTAD KASABIHAN BULONG ALAMAT KATUTUBONG SAYAW, RITWAL at DULA Gayeph- Katutubong Sayaw ng Subanen Langka Baluang- Mimetikong sayaw ng mga Tausug Dalling-dalling-Katutubong Sayaw ng mga Tausug. Bayok- Awit, musika at sayaw ng Maranao Pangalay-Sayaw ng pag-ibig ng mga Tausug Balak-Pagsusuyuan ng isang dalaga at binata na Cebuano/Boholano Pondang-Pondang- Isinasayaw ng bagong kasal sa Antique Karatong- Sayaw ng mga Maranao bago makipagdigma. Pagtawag sa Espiritu upang managumpay Sa digmaan. Wayang Orang/Wayang Purwa-Kahawig ng puppet show ang unang dula sa Bisaya na may kasamang awit at sayaw, galaw ng kamay, leeg, mata at bigla biglang hakbang. Hinaklaran- Ritwal ng mga taga-Bukidnon bilang pagpapasalamat sa ani. Kdal-iwas- Mimetikong sayaw ng mga Tiboli. Khenlusong- Mimetikong sayaw ng mga Subanen. Pamanhikan-Ritwal ng pagdalaw ng mga magulang ng binate sa bahay ng babae upang hingin ang kamay ng huli. Admulak – Mimetikong ritwal-sayaw ng mga Blaan na naglalarawan ng panghuhuli ng ibon. Banog-banog – Mimetikong sayaw ng mga Higaonon at Blaan sa Mindanao na naglalarawan ng paglipad ng uwak sa pamamagitan ng pagwawagayway ng panyo ng mga kababaihan. Binabayani – Ito rin ay Mimetikong sayaw ng mga Ita na naglalarawan at nagsasalaysay ng pagdambong sa isang babae Biniganbigat – Mimetikong sayaw ng pag-ibig ng mga Ilocano. Inilalarawan ng sayaw ang masigasig na panliligaw ng lalaki sa babae Culebra – Mimetikong sayaw sa Meycauayan, Bulacan na ginagaya ang isang kilos ng paggabang ng ahas na culebra. Dual – Mimetikong sayaw ng mga Negrito sa Zambales na nagpapakita ng kilos ng paghuli ng mga kaaway. Idudu – Mimetikong sayaw ng mga Tingguian sa Bulubunduking lalawigan ng naglalarawan ng mga amang may kargang bata at inuugoy ito sa kanilang mga braso EPIKO 1. Microepic-Kumpleto na sa sarili nila tulad ng “Lam-ang.” 2. Macroepic-Ipinapakita lamang ang partikular na bahagi halimbawa “Tuwaang” 3. Mesopic- Maraming masalimuot na insedente. “Labaw Dunggon.” MGA EPIKO NG PILIPINAS 1. IFUGAO a. ALIM- kahawig ng Ramayana ng ng India. Nagpakasal ang magkapatid na si Bugan at Wigan. b. HUDHUD- pakikipagsapalaran ni Aliguyan ng Gomhandam 2. MINDANAO a. DARANGEN- Koleksyon ng mga Epiko ng mga maranao na nagsasalaysay sa kabayanihan ng mga Muslim. BIDASARI- pinagmalupitan ang dalagang si Bidasari; patay kung araw at buhay kung gabi. BANTUGAN- isang prinsipe na ubod ng tapang at lakas. Namatay siya at muling nabuhay. INDARAPATRA AT SULAYMAN- itinuturing na alamat ng Mindanao. Namatay si Sulayman at muling nabuhay. b. PARANG SABIL- Epiko ng mga Tausug na nagpapakita sa pagsakop ng mga Amerikano sa mga Tausug. c. TUWAANG- Epiko ng mga Bagobo at pakikipaglaban ni Tuwaang sa Binata ng Sakadna. d. AGYU- Epiko ng Illianon na nagsalaysay sa alitan ng mga Illianon at Moro e. SANDAYO- Epiko ng mga Subanen tungkol sa pagmamahalan ni Sandayo at Bolak Sondaya. Si Sandayo na magbabalik ang kaluluwa sa pamamagitan ng ibon. 3. BISAYA a. HINILAWOD- kasaysayan ng pag-iibigan ng mga Bathala ng mga taga- Iloilo, Antique at Aklan. Pinakamahaba at pinakamatandang epiko ng Panay. b. LAGDA- kalipunan ng mga kautusan ng pamahalaan c. MARAGTAS- kasaysayan ng mga nagsitakas na sampung datung Malay dahil sa kalupitan ni Sultang Makatunaw ng Borneo. d. HARAYA- katipunan ng mga tuntunin ng kabutihang asal at ng mga salaysay na panghalimbawa sa mga nasabing tuntunin. E. LABAW DUNGGON- Masasabing mahilig sa magagandang babae. Anak siya isang diwatang si Abyang Alunsina at ng isang karaniwang nilalang. Kapatid niya sina Humadapon at Dumalapdap. Kasisilang pa lamang nila sa saigdig ay nakapagsasalita na sila. 4. BIKOL A. IBALON AT ASLON- hulwaran ng mabuting pamumuhay ng mga taga Bikol. 5. ILOKANO A. BIAG (BUHAY) NI LAM-ANG- Ito ay isang akda ni Pedro Bukaneg. Ito ang pinakasikat na epiko ng mga Ilokano. II. PANAHON NG KASTILA (1565-1872) Ang panitikan sa panahong ito ay… o Karaniwang pasulat o Tumatalakay sa paksang panrelihiyon o Salamin ng kulturang Kanluranin (western) o Karaniwang nakasulat sa wikang Espanyol A. AKDANG PANSIMBAHAN 1.Doctrina Cristiana- kauna-unahang aklat panrelihiyon. 2.Nuestra Señora del Rosario- Naglalaman ito ng talambuhay ng mga santo, nobena at mga tanong at sagot tungkol sa relihiyong Kristianismo ni Padre Blancas de San Jose. 3.Barlaan at Josaphat- ang kauna-unahang nobela na nailimbag sa Pilipinas. 4.Ang Pasyon aklat na naglalaman ng buhay at pagpapakasakit ni Hesus. Ito ang karaniwang binabasa o inaawit tuwing Mahal na Araw. -Padre Mariano Pilapil (pinakagamitin) -Padre Aniceto dela Merced (Pinakamainam) 5.Urbana at Felisa aklat na sinula ni Padre Modesto de Castro (ama ng Klasikang Tuluytan sa Tagalog) 6. Si Tandang Basio Macunat sinulat ni Padre Miguel Lucio Bustamante, isang pransiskano. Ang matsing suotan man ng makisig na pananamit ay matsing pa rin. 7. Mga Dalit ni Maria sinulat ni Padre Mariano Sevilla, isang paring Pilipino Paksa ng mga awit ay pagpaparangal at pagpupuri sa Mahal na Birhen. B. AKDANG PANGRAMATIKA ARTES Y REGLAS DE LA LENGUA TAGALA -(ár·tes i rég·las de la léng·gwa ta·gá·la) ang unang nalathalang pag-aaral sa katangian at gramatika ng isang wikang katutubo sa Filipinas. -Isinulat ni Fray Francisco Blancas de San Jose, isang misyonerong Dominiko. VOCABULARIO DE LA LENGUA TAGALA -Isinulat ni Padre de San Buenaventura. -Kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog. TULA at DULA 1.DUPLO- Mimetikong larong ginagawa kapag may lamay o pasiyam upang aliwin ang mga namatayan. Isang tagisan ng talino sa pamamagitan ng pagtula ng mga Bilyaka at Bilayako. 2.KARAGATAN- ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap. 3.PANGANGALUWA-Dulang panrehiyon sa mga lugar ng katagalugan na ginaganap sa mga bahay-bahay tuwing bespiras ng Araw ng mga Kaluluwa. 4. TIBAG- ang paghahanap nina Reyna Elena at Constantino sa krus nga pinagpakuan ni Hesus. 5. SANTAKRUSAN-Dulang panlansangan at panrelihiyong naglalarawan ng paghahatid ng krus sa simbahan. 6. MORO-MORO at KOMEDYA- Paglalabanan ng mga Krsitiyano at Muslim. Ipinapakita na ang mga Kristiyano ay mababait at tahimik samantalang ang mga Muslim ay matatapang at magugulo. 7. KARILYO- Anino ng mga tau-tauhang gawa sa karton na nasa likod ng puting tabing na iniilawan ng gasera/lamp sa likuran nito. 8. PANANAPATAN- Tradisyon ng mga katolikong Tagalog na ginagawa tuwing mahal na araw sa mga pabasa. Pagkarinig sa mapanglaw na awitin mula sa loob ng bahay o kapilya ay sasagutin ng mga gumagalang mang-aawit. 9. PANUNULUYAN- Nagpapakita ng paghahanap ng matutuluyan nina Maria at Jose para doon isilang ang sanggol na si Jesus. 10. SALUBONG-Pagsasadula sa pagsasalubong ng nabuhay na muling si Cristo. 11. HUWEGO DE PRENDA- Mimetikong larong isinasagawa tuwing pasiyam na ang mga manlalaro ay magpapasahan ng kandila at posporo. 12. BULAKLAKAN- Memitikong larong palasak sa katagalugan na ang mga lalaki ay bibigyan ng pangalang prutas at mga babae ng pangalang bulaklak. 13. SARSUWELA- Dulang musikal na may mga paksang mitolohikal at kabayanihan. III. PANAHON NG PAGKAMULAT Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang… Tumutuligsa sa pang-aabuso ng gobyernong kolonyal Nagkikintal ng pagkamakabayan Humihingi ng reporma Humuhubog ng sariling pagkakakilanlan ng mga Pilipino (pinauso ang pagtukoy sa mamamayan ng Pilipinas na Filipino; ikinarangal ang pagiging indio) Nakasulat sa Espanyol (sapagkat nais nilang magbago ang mga Kastila; hindi Pa nila nais na maging malaya ang Pilipinas) Mga Repormang Hinihingi ng Kilusang Propaganda 1. Asimilasyon ng Pilipinas bilang lalawigan/probinsya ng Espanya 2. Iba’t ibang karapatan para sa mga Pilipino na tinatamasa ng mga Espanyol sa Espanya (malayang pamamahayag, pagpoprotesta, pagpupulong atbp.) 3. Pilipinisasyon ng mga parokya 4. Pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Cortes (ang tawag sa parlamento/parliament ng Espanya) MGA MANUNULAT 1. Herminigildo Flores- Sumulat ng “Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya” 2. Marcelo H. del Pilar – Pumatnugot sa Diaryong Tagalog. Sumulat ng Kaiigat Kayo, Dasalan at Tocsohan, Cadaquilaan ng Diyos, Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas atb. 3. Jose P. Rizal- May sagisag panulat na P. Jacinto, Kabisa (1892), Dimasalang (1883), Laong-laan (1882), Philippine (1892), Madude (1890). Mga akda ni Rizal a. Sa Aking mga Kabata - Isang tula tungkol sa pag-ibig ng isang tao sa sariling wika. Sinulat nya ito noong siya ay walong taong gulang. b. A La Juventud Filipina - Isinulat ni Rizal noong siya ay labing- walong taong gulang lamang, at ito ay nakatuon sa Kabataang Pilipino. Nakapaloob sa tulang ito na ang mga Kabataang Pilipino ang bida, matatalino at napakahenyo. Sa pamamagitan ng edukasyon, kaya nilang hulmahin ang kanilang kinabukasan. c. Noli Me Tangere at El Filibusterismo - Nobelang naglantad ng tunay na kalagayan ng Pilipino noong panahon ng Kastila, nagmulat sa mata ng Pilipino at humawan sa landas para sa himagsikang Pilipino na nagbigay-daan upang mawakasan ang mapaniil na paghahari ng Kastila sa Pilipinas. d. Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hinggil sa katamaran ng mga Pilipino) - Napalathala ang sanaysay na ito sa “La Solidaridad” ang opisyal na pahayagan ng Propaganda. Ipinagtanggol ni Rizal ang mga Pilipino sa paninirang-puri ng mga kastila na sila ay tamad. e. Sa mga Kababaihang Taga-Malolos -Isang liham ito ni Rizal sa mga kababaihang taga-Malolos na bumabati sa kanila dahil sa paninindigan nilang matuto. f. Filipinas Dentro de cien anos (Ang Pilipinas sa loob ng Sandaang taon) - Ito ay isang sanaysay na panghuhula sa maaaring maganap sa Pilipinas sa loob ng sandaang taon. g. El Consejo de los Dioses (Ang kapulungang ng mga bathala) – Ito ay isang dulang patalinghaga na sinulat niya noong 1880. h. Kundiman – Ito ay isang tulang nagpapahayag na ang bayang inapi ay ililigtas sa darating na panahon dumanak man ang dugo. 4. Graciano Lopez Jaena- Kilala bilang dakilang Orador. Sumulat sa Fray Butod, La Hija del Fraile. 5. Antonio Luna- May sagisag panulat na Tagailog. Sumulat ng Por Madrid 6. Pedro Paterno-Siya ay kilala bilang unang Pilipinong nakasulat ng nobelang Kastila na panlipunan ang NINAY. 7. Pascual Poblete- Ama ng Pahayagang Tagalog. IV. PANAHON NG HIMAGSIKAN (1896-1900) Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang… Nananawagan ng himagsikan Nakasulat sa bernakular (wikang katutubo) Nagpapahayag ng marubdob na pagkamakabayan MGA MANUNULAT 1. Andres Bonifacio- Nagtatag ng KKK at isa sa sumulat sa Trilohiya nina Flores at Del Pilar. Sumulat ng Katapusang Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya. 2. Emilio Jacinto- “Utak ng Katipunan”, Pumatnugot sa pahayagang Kalayaan, Sumulat ng Kartilya ng katipunan. 3. Apolinario Mabini- “Utak ng Himagsikan” bumuo sa Decalogo ng Katipunan o ang Tunay na sampong utos. 4. Jose Palma- Sumulat o nagsatitik sa Himno Nacional Filipino o Pambansang Awit ng Pilipinas. V. PANAHON NG AMERIKANO Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang… Nagpapakita ng dalawang pwersang nagtutunggalian Nakasulat sa wikang Katutubo, Kastila at Ingles Tumatalakay sa pagkamakabayan o kaya’y mga paksang romantisista Nananawagan ng pagpapatuloy ng rebolusyon o pagpapailalim sa mga Amerikano Nagsisikhay na mapanatili ang sariling identidad o nangongopya ng mga estilong Kanluranin PANAHON NG AKLATANG-BAYAN (1900-1921) MAIKLING KWENTO 1. PASINGAW- tungkol sa mga dalagang hinahangaan, nililigawan, sinasamba nang palihim o pinaparunggitan sa dahilang nais tawagan ng pansin ang kapintasan sa pag-uugali at hitsura. 2. DAGLI- Isang maikling salaysay na nangangaral, namumuna, nagpapasaring- saring at nanunuligsa. TULA - Namalasak ang paksang romantisismo sa pagsulat ng tula sa panahon ng Aklatang-Bayan. MGA MANUNULAT 1. Jose Corazon de Jesus- Kilalang Huseng Batute, “Makata ng Puso” 2. Lope K. Santos- Kilala sa tawag na “Makata ng Buhay”, Ama ng Balarilang tagalog. 3. Pedro Gatmaitan- Pumaksa sa maselang paksa ng Feudalismo sa akdang Tiyan ng Panahon. 4. Florentino Collantes- Sumulat ng Lumang Simbahan 5. Valeriano Hernandez-Peña –kilala sa tawag na “Tandang Anong”; sagisag na “Kintin Kulirat” nobelista 6. Severino Reyes – “Ama ng Dulang Tagalog” at kilala siya sa kanyang “Mga Kuwento ni Lola Basyang” 7. Hermogenes Ilagan- Sumulat ng akdang Dalagang bukid. 8. Patricio Mariano- Sumulat ng Anak ng Dagat. 9. Juan Crisostomo Sotto- Ama ng Panitikang Kapampangan at Ama ng panulaang Pampango 10. Aurelio Tolentino- Sumulat ng kahapon, ngayon at Bukas. (Drama Simboliko ng 1903) MGA TULANG PATNIGAN 1. BALAGTASAN- Patulang pagtatalo na higit na nakilala sa pagtangkilik sa Sisne ng Panginay. 2. BALAGTASAN-BALITAW- Pinagsanib na duplo at balitaw. 3. BATUTIAN- Mimetiko at satirekong pagtatalong patula na ipinangalan kay Corazon de Jesus Jose. 4. BUKANEGAN- Balagtasan ng mga Ilokano na mula kay Pedro Bukaneg. 5. CRISSOTAN- Buhat sa pangngalan ni Juan Crisostomo Sotto. Patulang pagtatalo sa Pampanga. PANAHON NG ILAW AT PANITIK (1922-1924) Nagsimula nang lumitaw ang magasing Liwayway noong 1922 na nakilala muna sa tawag na Photo News. Nagtapos nang maitatag ang kapisanang PANITIKAN. Tinawag na Panahon ng paglaganap at popularisasyon. 1. Parolang Ginto- Koleksyon ni Clodualdo del Mundo sa palagay niyang pinakamagagaling na katha ng mga buwan at taon. 2. Talaang Bughaw- Sumasagisag sa buwanan at taunang pamimili ng itinuturing na pinakamahusay na tula at katha ni AGA. MGA MANUNULAT 1. Amado V. Hernandez- Kinilalang “Makata ng Manggagawa”. 2. Julian Cruz Balmaceda- Sumulat ng Bunganga ng Pating. 3. Ildefonso Santos- PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN (1935-1942) Panahong simulang gumamit ng panauhan ang mga manunulat ng maikling Katha. Pinaging makulay ng tinatawag na paghihimagsik ni Alejandro G. Abadilla. PANITIKAN-Kapisanang sakdalista at aristokrata sa panulatang tagalog. VI. PANAHON NG HAPONES (1942-1945) Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang… Nakasulat sa wikang katutubo gaya ng Tagalog May “katutubong kulay” Tumatalakay sa buhay sa lalawigan/kanayunan (countryside), paghahangad ng kalayaan at pagkamakabayan Natatanging ambag ng panahong ito sa panitikan 1. Ipinagbawal ang paggamit ng Ingles (taktika upang maakit ang mga Pilipino sa republikang papet ng mga Hapon) 2. Hinikayat ang mga manunulat na magsulat sa Tagalog at iba pang wikang katutubo 3. Pinayagan ang pag-iral (existence/operation) ng mga magasin na gaya ng Liwayway na nagpalaganap sa sariling panitikan ng Pilipinas (bagamat nakapailalim ito sa sensura o censorship) TULA Haiku (5-7-5) Hila mo’y tabak… Ang bulaklak: nanginig! Sa paglapit mo. Tanaga (7-7-7-7) Palay siyang matino Nang humangi’y yumuko Ngunit muling tumayo Nagkabunga ng ginto MGA MANUNULAT 1. Zoilo Galang – nagsulat ng unang nobela sa Ingles 2. Zulueta de Costa – nagkamit ng unang gantimpala sa tulang “Like the Molave” 3. N.V.M. (Nestor Vicente Madali) Gonzales- “My islands” “Children of Ash Covered Loom” 4. Arturo Rotor ; “The Wound and the Scar” – kauna-unahang aklat na nalimbag sa Philippine Book Guild Maikling Kuwento 1. Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda 2. Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes 3. Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo Dula 1. Sa Pula, Sa Puti ni Francisco “Soc” Rodrigo VII. PANAHON NG REPUBLIKA (1946-1972) Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang… Tumatalakay sa masasamang karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Hapon Isinasali/inilalahok sa mga patimpalak gaya ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (ang pinakapopular na timpalak sa pagsulat sa Pilipinas) Sosyal-realista (social realist: sumasalamin sa lipunan) MGA UNANG NAGWAGI SA TIMPALAK PALANCA MAIKLING KUWENTO Unang Gantimpala – “Kuwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza-Matute Ikalawang Gantimpala – “Mabangis na Kamay…Maamong Kamay” ni Pedro S. Dandan Ikatlong Gantimpala – “Planeta, Buwan at Mga Bituin DULA “Hulyo 4, 1954 A.D.” ni Dionisio Salazar NOBELA Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez VIII. PANAHON NG BAGONG LIPUNAN (1972-1986) Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang… Tumatalakay pa rin sa mga suliraning panlipunan Matimpi (subdued) at pailalim/indirekta (subtle) ang pagbatikos sa kawalan ng kalayaan TULA 1.Mga Duguang Plakard (mahabang tulang alay sa mga demonstrador na pinatay sa Mendiola) ni Rogelio Mangahas NOBELA 1. Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez MAIKLING KUWENTO 1. Impeng Negro ni Rogelio Sicat 2. Tata Selo ni Rogelio Sicat ISLOGAN naging popular sa panahong ito, ginamit upang maiparating sa mga mamamayanang mga programang pangkabuhayan, pagbabagong lipunan at kahalagahang pantao. MAIKLING KWENTO Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento, ito ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang–isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay. Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan. Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. May kapayakan at kakauntian ng mga tauhan.Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao. URI NG MAIKLING KWENTO 1. Kuwento ng tauhan - inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa. 2. Kuwentong Katutubong Kulay - binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook. 3. Kuwentong Sikolohiko - ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. 4. Kuwento ng Katatakutan - ito ay mga pangyayaring kasindak- sindak. 5. Kuwentong bayan - nilalahad ang mga kuwentong pinag- uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan. 6. Kuwento ng Kababalaghan - pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala. 7. Madulang Pangyayari - binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan. 8. Kuwentong ng Pakikipagsapalaran - nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento. 9. kuwento ng katatawanan - nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa. 10.Kuwento ng pag-ibig - tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO 1. Banghay - pagkakasunod ng pangyayari sa kuwento. 2. Panimula - Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento. 3. Saglit na Kasiglahan - Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. 4.Suliranin - Problemang haharapin ng tauhan. 5. Tunggalian - May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan. 6. Kasukdulan - Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. 7.Kakalasan - Tulay sa wakas 8. Wakas - Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento. 9.Tagpuan - Nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. 10. Paksang Diwa - pinaka kaluluwa ng maikling kuwento. Kaisipan - mensahe ng kuwento. MGA BAHAGI NG MAIKLING KWENTO 1.Simula - ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan. 2. Gitna-Napaloob sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. 3.Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. 4.Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. 6.Ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. 7.Wakas Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. 8.Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. 9.Ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. TAYUTAY 1. Pagtutulad (simile) - Payak itong paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba at gumagamit ng mga salita at pariralang gaya ng sumusunod: tulad ng (katulad ng), gaya ng (kagaya ng), para ng (kapara ng), animo’y kawangis ng (wangis ng) anaki’y at iba pa. Halimbawa: Ang buhay ay parang gulong na minsa’y nasa ibabaw at minsa’y nasa ilalim. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan. 2. Pagwawangis (metaphor) - Tiyakin itong naghahambing ng dalawang bagay na magkaiba at hindi na gumagamit ng mga pariralang katulad ng, para ng, animo ay iba pa, na gaya ng pagtutulad. Halimbawa: Siya’y langit na di kayang abutin ninuman. Isang bukas na aklat sa nayon ang buhay ni Mary. 3. Pagbibigay-katauhan (personification) - Inaaring tao rito ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga ito ng mga gawi o kilos ng tao. Halimbawa: Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap. Ang pusod ng dagat ay sinisid niya. Hinalikan ako ng malamig na hangin. 4. Pagtawag (apostrophe) - ang karaniwang bagay ay kinakausap na parang tao o kinakausap ang isang tao na parang naroon a kaharap gayong wala naman doon. Halimbawa: Tukso, layuan mo ako. Ulan, ulan kami’y lubayan na. 5. Pagmamalabis (hyperbole/ exaggeration) - sadyang pinaliliit o pinalalaki ang kalagayan o katayuan ng tao, bagay o pangyayari. Halimbawa: Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman. Abot-langit ang pagmamahal niya sa kanyang kasintahan. 6. Pagpapalit-tawag (metonymy) - nagpapalit ng ngalan o tawag ng bagay/taong tinutukoy. Halimbawa: Gampanan mo ang iyong pagiging haligi ng tahanan. Malakas talaga siyang uminom, sampung bote ay agad niyang naubos nang ganoon lamang. 7. Pagpapalit-saklaw (synechdoche) - Binabanggit dito ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan. Halimbawa: Balak niyang hingin ang kamay ng dalagang kanyang napupusuan. Pinaluha ng kataksilan mo ang isang matapat na puso. 8. Pagsalungat o Pagtatambis (oxymoron) - Ang pahayag na ito ay gumagamit ng mga salitang magkasalungat ng kahulugan na pinag-ugnay. Halimbawa: Bumaba-tumaas ang masong inihampas sa bato. Ikaw ang puno’t dulo ang aking mga kasawian sa buhay. 9. Pag-uyam (irony) - Pahayag ito na nagungutya ngunit ginagamitan ng pananalita na tila kapuri- kapuri. Halimbawa: Kaygandang lumakad ng kasintahan mo, nag-uumpugan ang mga tuhod. Kaybuti mong kaibigan, pagkatapos kitang tulungan, ako pa ngayon ang masama. 10. Pabilagho (paradox) - Tinatawag din itong balintuna. Pahayag ito ng damdaming wari’y salungat o laban sa likas na pagkukuro, gayunman ay maipaliliwanag na nagsasaad ng katotohanan. Halimbawa: Tubig, tubig kahit saan, ngunit ni isang patak ay walang mainom. Ang nagsaka’y walang bigas; ang tumatahi’y walang damit! 11. Paugnay (anadiplosis) - Ito’y pag-uulit ng huling salita sa taludtud upang gawing unang salita sa susunod na taludtud na may dagdag na kaisipan. Halimbawa: Matay ko man yatang pigili’t pigilin Pigilin ang sintang sa puso’y tumiim; Tumiim na sinta’y kung aking pawiin, Pawiin ko’y tantong kamatayan ko rin! 12. Anapora - pag-uulit ito sa unang bahagi ng pahayag o ng isang taludtod. Halimbawa: Kabataan ang sinasabing pag-asa ng bayan. Kabataan ang sanhi ng pagsisikap ng bawat magulang. Ngunit kabataan din ba ang sisira sa kanyang sariling kinabukasan? At kabataan din ba ang wawasak sa pangarap ng kanyang kapwa? 13. Epipora - pag-uulit sa huling bahagi ng pahayag o taludtod. Halimbawa: Ang Konstitusyon ay para sa mamamayan, gawa ng mamamayan at mula sa mamamayan. 14. Paglumanay o Eupemismo - paggamit ito ng mga salitang magpapabawas sa tindi ng kahulugan ng orihinal na salita. Halimbawa: Sumakabilang-buhay (patay) na ang magiting na sundalo. Huwag na huwag mong ipapakita iyang babae (kabit) mo sa akin. 15. Tanong Retorikal - Uri ng pagpapahayag na hindi naman talaga kailangan ng sagot kundi ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe. Halimbawa: May magulang bang nagtatakwil ng anak? Natutulog ba ang Diyos? 16. Panghihimig o Onomatopeya - Isinasagawa sa pamamagitan ng mga tunog o himig ng mga bagay na pinagmulan nito. Halimbawa: Langitngit ng kawayan Lagaslas ng tubig Dagundong ng kulog 17. Pag-uulit (Alliteration) -pag-uulit ng mga tunog-katinig o magkatulad na titik o pantig sa inisyal na bahagi ng salita. Halimbawa: Makikita sa mga mata ni Maria ang mga masasayang nangyari sa kaniya kasama ni Marco. OBRA MAESTRANG PILIPINO IBONG ADARNA 1. ANG BONG ADARNA -Ang long Adarna ay napakagandang ibon na may makulay at mahabang balahibo. Matatagpuan itong nakadapo sa puno ng Piedras Platas na nasa bundok ng Tabor. Ang ibon ay makapitong ulit na nagpapalit ng kulay ng balahibo sa tuwing ang umaawit. Nagdudulot ng panibagong buhay ang malamyos na tinig ng ibon. 2. DON FERNANDO -Si Don Fernando ang hari ng Berbanya. Kinikilala siya bilang isang haring makatuwiran. Makatarungan ang kanyang pamumuno dahilan upang higit na umunlad ang kaharian. 3. DONA VALERIANA -Si Donya Valeriana ang reyna ng Berbanya. Ang taglay niyang kabutihan ng puso ang nagtulak kay Haring Fernando upang, higit na makatarungan sa paghahari. 4. DON PEDRO -Ang prinsipeng si Don Pedro ang panganay na anak nina Don Fernando at Donya Valeriana ay magiting na mandirigma,may angking galing at talino na taglay ng isang prinsipeng tagapagmana ng korona ngunit namamayani ang buktot na puso. 5. DON DIEGO -Ang prinsipeng si Don Diego ay pangalawang anak nina Don Fernando at Dona Valeriana ay sunud-sunuran sa panganay na kapatid kaya nalilihis n landas, mahina ang kanyang loob at natatalo ng kabuktutan ni Don Pedro. 6. DON JUAN -Ang prinsipe ng si Don Juan ay ang bunsong anak nina Don Fernando at Dona Valeriana ang pinakatangi sa lahat dahil taglay niya ang pagiging makatarungan at makatuwiran ng ama. FLORANTE AT LAURA 1. FLORANTE -Ang magiting na mandirigma ng kahariang Albany, anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca ng Kahariang Crotona. Si Florante ang kasintahan ni Laura at ang mahigpit na karibal ni Konde Adolfo. 2. LAURA -Ang prinsesa g kahariang Albanya na anak ni Haring Linseo. Isang dilag na nagtataglay ng mala- Venus na kagandahan, Tapat ang pag-ibig kay Florante subalit biktima ng pagtataksil ni Konde Adolfo. 3. KONDE ADOLFO -Isang palamarang anak ng mabunying Duke Silano. Nagpanggap na mabait at mahinahon sa panahon ng pag-aaral sa Atenas subalit dahil sa inggit at panibugho kay Florante ay lumantad din ang pagbabalatkayo. Nagdulot ng kapighatian sa puso nina Florante at Laura at nagpadilim ng bung kahariang Albanya. 4. ALADIN -lisang gererong Moro na sunud sunuran sa amang Sultan ng Persiya nasi Ali- Adab. Kasintahan niya ang magandang si Flerida na naging sanhi ng kasawian ng kanyang puso. 5. FLERIDA -Isang magandang dalaga na kasintahan ni Alain. Nagpanggap na lalaki upang makatakas sa buhong na sultan ng Persia na si Ali-Adab na nais siyang pagsamantalahan, Napilitan siyang sumang-ayon sa pagpapakasal sa sultan upang iligtas na mapugutan ng ulo ang kasintahang si Aladin. 6. HARING LINSEO -Ang dakila at makatarungang hari ng kahariang Albanya. Una pa lamang makita si Florante ay natiyak na niyang ito ang magiging tagapagmana ng kanyang trono"t setro. 7. DUKE BRISEO -Ang dakilang ama ni Florante. Tagapayo ni Haring Linseo. 8. PRINSESA FLORESCA -Ang butihing ina ni Florante na nagmula sa kahariang Crotona. 9. MENANDRO -Ang tapat at matalik na kaibigan ni Florante. Ang nagligtas sa kanya sa unang kapahamakang idinulot ni Adolfo. Ang tagapagmana ng hukbo ni Florante. 10. GURONG SI ANTENOR -Ang kaibigan at magiliw a guro ni Florante sa Atenas. Amain ni Menandro, Ang naging tagapayo ni Florante sa mga pagbabanta ni Adolfo. 11. SULTAN ALI-ADAB -Ang mabangis na ama ni Aladin na sultan ng Persiya, ang nag-utos na papugutan ng ulo si Aladin. NOLI ME TANGERE 1. Juan Crisóstomo Ibarra ay ang binatang nag-aral sa Europa. Nangarap siyang makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Nag-iisa siyang anak ni Don Rafael Ibarra. Itinuring siyang “eskumulgado” at idinawit sa naganap na pag-aalsa. Siya ay katipan ni Maria Clara. 2. Maria Clara -Ang babaeng pinakamamahal ni Ibarra. Kilala si Maria Clara sa San Diego dahil sa kanyang angking ganda at kayumian. Anak siya ni Donya Pia Alba kay Padre Damaso. 3. Elias -Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Namatay siya sa pagliligtas kay Ibarra. 4. Kapitan Tiyago o Don Santiago de los Santos -Mangangalakal na taga-Binondo. Siya ang ama-amahan ni Maria Clara. Madalas siyang magpahanda ng salu-salo at kilala sa pagiging bukas-palad. 5. Padre Damaso Verdolagas Isang kurang Pransiskano na masalita at talagang magaspang kumilos. Nagpalipat siya ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. 6. Padre Bernardo Salvi -Ang paring pumalit kay Padre Damaso na mayroong lihim na pagtingin kay Maria Clara. 7. Padre Sibyla -Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra. 8. Kapitan-Heneral -Siya ang pinakamakapangyarihan sa Pilipinas. Siya ang lumakad upang maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra. 9. Pilosopo Tasyo o Don Anastacio -Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Ang tingin ng mga ‘di nakapag-aral ay baliw ang matanda ngunit para sa mga may alam ay isa siyang pilosopo. Hindi siya nakapagpatuloy ng pag-aaral at maagang nabalo kaya ginugol ang panahon sa pagbabasa ng mga aklat. 10. Sisa -Isang mapagmahal na ina na may asawang pabaya at malupit. 11. Basilio at Crispin -Magkapatid na anak ni Sisa. Pareho silang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. Si Basilio ang panganay at bunso naman si Crispin. 12. Tinyente Guevarra -Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama. 13. Alperes -Ang kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego. 14. Donya Consolacion -Napangasawa ng Alperes. Dati siyang labandera na may malaswang bibig at pag-uugali. Katawa-tawa siya kung manamit at ikinahihiyang isama ng Alperes. Ipinapalagay niya na siya’y higit na maganda kay Maria Clara. 15. Donya Victorina de los Reyes de Espadaña -Babaeng nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Asawa ni Don Tiburcio de Espadaña 16. Don Tiburcio de Espadaña -Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran. Asawa ni Donya Victorina at nagpanggap na doktor. 17. Linares Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara. 18. Tiya Isabel -Pinsan ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara. 19. Donya Pia Alba -Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na maisilang ang anak. 20. Don Rafael Ibarra -Ama ni Crisostomo Ibarra. Labis siyang kinainggitan ni Padre Damaso dahil mayaman ito. Tinawag din siyang erehe. EL FILIBUSTERISMO 1. Simoun -Siya ang nagbabalik na si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere; mag-aalahas; pangunahing tauhan sa El Filibusterismo 2. Basilio -Kasintahan ni Huli; mag-aaral sa medisana; kalaunan ay napapayag ni Simoun na sumapi sa kanya 3. Kapitan Tiago -Kumupkop kay Basilio; ama-amahan ni Maria Clara; mayaman; namatay ngunit nagkaroon ng magarang burol at libing 4. Isagani -Pamangkin ni Padre Florentino; kasintahan ni Paulita Gomez 5. Kabesang Tales -Anak Tandang Selo; Ama ni Lucia, Huli at ni Tano; ginipit ng mga pari sa pamamagitan ng pagbabayad ng malaking buwis 6. Tandang Selo -Ama ni Kabesang Tales; lolo ni Huli 7. Huli -Anak ni Kabesang Tales; apo ni Tandang Selo; kasintahan ni Basilio; nagpakamatay dahil hinalay Padre Camorra 8. Kapitan Heneral -Kaibigan ni Simoun na may pinakamataas na posisyon sa pamahalaan 9. Paulita Gomez -Naging kasintahan ni Isagani; napangasawa ni Juanito Pelaez; pamangkin ni Donya Victorina 10. Donya Victorina -Tiya ni Paulita Gomez; asawa ni Don Tiburcio 11. Don Tiburcio -Pinagtaguan ang asawang si Donya Victorina; nagtungo kay Padre Florentino upang doon magtago 12. Ben Zayb -Isang mamahayag na gumagawa ng sariling bersyon ng mga balita 13. Pecson -Mag-aaral na nagbigay ng talumpati sa Panciteria; isa sa mga estudyanteng may hangaring magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas ngunit hindi umaasang matutupad ang hangaring ito 14. Sandoval -Kastila na sumasang-ayon sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral 15. Placido Penitente -Estudyanteng nais nang tumigil sa pag-aaral; anak ni Kabesang Andang na taga-Batangas; nilait ni Padre Millon ng wala itong maisagot sa kanyang klase sa Pisika 16. Padre Salvi -Dating kura sa San Diego; pansamantalang nanungkulan sa Sta. Clara (ang kumbento kung saan naroon si Maria Clara); malapit na kaalyado ng Kapitan Heneral 17. Padre Camorra -Paring gumahasa kay Huli 18. Padre Florentino -Amain ni Isagani; Pilipinong pari na pinuntahan at nakausap ni Simoun bago ito mamatay 19. Don Custodio -Siya si Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo na tinaguriang “Buena Tinta”; ang magdedesiyon sa akademya ng wikang kastila 20. Quiroga -Intsik na mangangalakal; sa bodega nito ipinatago ni Simoun ang mga armas na gagamitin sa paghihimagsik 21. Kapitan Basilio -Mayaman na Kapitan sa San Diego; asawa ni Kapitana Tika; ama ni Sinang 22. Hermana Bali -Ang nagsabi kay Huli na lumapit kay Padre Camorra upang humingi ng tulong sa pagpapalaya kay Basilio 23. Hermana Penchang -Relihiyosang amo ni Huli 24. Maria Clara -Kasintahan ni Simoun. Namatay sa kumbento ng Sta. Clara; sinasabing paulit- ulit na hinalay ni Padre Salvi. INIHANDA NI GANDI LEXTER B. LUPIAN