Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga aralin sa Filipino na naglalahad ng mga terminolohiya tulad ng antala/hinto, tono/intonasyon, at mga uri ng talumpati. Ang paksa ay tungkol sa pagbasa at pagsulat ng mga Filipino na teksto.

Full Transcript

**Antala/Hinto**- Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit (,), dalawang guhit na pahilis (//) o gitling (-). **Tono/Intonasyon**. Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsa...

**Antala/Hinto**- Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit (,), dalawang guhit na pahilis (//) o gitling (-). **Tono/Intonasyon**. Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita na maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag. Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa, kung saan ipinahihiwatig ang pagtaas o pagbaba ng tinig. Ang Tanka at Haiku ay ginagamitan ng **matalinghagang salita/pahayag** upang mas kawili-wili at kabigha-bighani ito. Ang **Matalinghagang S**alita ay malalalim na mga salitang may simpleng kahulugan o di kaya'y halos walang tiyak o kasiguraduhang ibig ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan nito. Ang **pagpapasidhi ng damdamin** ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraang papataas ang antas nito. Ang **Sanaysay** ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa paksa. Ito ay isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumatalakay sa anumang isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, pook, pangyayari, bagay, at guniguni. Ayon kay **Alejandro G. Abadilla**, ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay. Kaya't ang sinumang susulat nito ay nangangailangan na may malawak na karanasan, mapagmasid sa kapaligiran at palabasa. Ilan sa mga layunin ng manunulat sa pagsusulat ng sanaysay ay upang **magturo, magpabatid, manghikayat, manuligsa, maglibang at magbigay-puri** sa isang individwal o gawain. Ang **talumpati** ay sining ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. **Impromptu o Biglaan**- Ito ay walang paghahandang isinasagawa sapagkat biglang tatawagin ang mananalumpati at pagsasalitain. B. Ekstemporanyo o Maluwag- Binibigyan ng kaunting panahon ang mananalumpati na makapa-isip --isip sa paksang doon din lamang ipinaalam sa kanya kaya't karaniwang naisasagawa lamang ang balangkas para sundan sa hindi isinaulong sasalitain. **Talumpating Pangkabatiran** Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensiyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba't ibang larangan. **Talumpating Pampasigla** Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig. **Talumpating Nagpapakilala** Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Isang halimbawa ay ang pagpapakilala sa panauhing pandangal sa araw ng pagtatapos. Ang **tekstong argumentatibo** ay naglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng pananaw patungkol sa isang mahalaga o napapanahong isyu. Ang **banghay** ay tumutukoy sa maayos na pagsasalaysay ng mga pangyayari tulad ng ano ang mga pangyayari at ano ang kaugnayan at kahulugan ng mga pangyayaring ito. Samakatuwid, ang banghay ay ang maayos at malinaw na pagkakasunod--sunod ng mga magkakaugnay na pangyayari sa akda. Ang **kultura** ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar. Ang **imahe** ay tumutukoy sa representasyon ng isang bagay, tao o ideya. Ang **simbolo** naman ay mga salita na kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng iba't ibang pagpapakahulugan sa mambabasa ngunit ang ito ay dapat di malayo sa pagbibigay-kahulugan ng may-akda. Ang mga **pangatnig at transitional devices** ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nito, napagsusunod-sunod natin nang tama ang mga pangyayari sa isang kuwento ayon sa tamang gamit nito. **Pangatnig** ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay. Transitional devices naman ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari at iba pa sa paglalahad. Inilarawan ni **Ricky Lee** ang mga teknik na ito tulad ng pagpunta sa Quiapo na kung ang isang tao ay malikhain, hahanap ito ng ibang direksiyon na hindi dadaanan ang gagawin ng iba. Naniniwala rin si Lee na ang bawat artista ay may maliit na taong gumagamit ng lente sa naiibang paraan. Ang **paghahambing na magkatulad** ay paghahambing sa dalawang bagay na may parehong katangian, anyo o katayuan. Halimbawa ng inihahambing na magkakatulad ay mga kambal o mga pare-parehong lugar na maunlad. Ang **paghahambing na di-magkatulad** ay paghahambing sa dalawang bagay na may iba't ibang katangian, anyo o katayuan. Maaari ring ihambing na di-magkatulad ang kambal na may iba't ibang katangian o anyo. Ang mga **pang-ugnay** ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay. SITUATIONAL NA ANG UBAN NA QUESTIONS. DILI MAG-WORRY KAY PIECE OF CAKE RA ANG FILIPINO EXAM. AYOKO NA KAYONG PAHIRAPAN. HAHAHA

Use Quizgecko on...
Browser
Browser