Pag-aaral ng Gramatika sa Filipino PDF

Document Details

ConstructiveHippopotamus2367

Uploaded by ConstructiveHippopotamus2367

Tags

Filipino grammar grammar Tagalog language arts

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga paliwanag at halimbawa tungkol sa gramatika ng Filipino, na nagbibigay diin sa mga bahagi ng pangungusap tulad ng paksa at panaguri.

Full Transcript

1. Paksa – Ang mga bata 2. Habang si ana ay naglalaro, si Juan ay nagbabasa – Hugnayan 3. Dalawang bahagi ng pangungusap – Paksa at Panaguri 4. Tambalan – may “at/o” 5. Pangunahing bahagi ng panaguri – pandiwa 6. Ano ang ganap ng pang-abay – nilalarawan ang pang-uwi, pandiwa, at...

1. Paksa – Ang mga bata 2. Habang si ana ay naglalaro, si Juan ay nagbabasa – Hugnayan 3. Dalawang bahagi ng pangungusap – Paksa at Panaguri 4. Tambalan – may “at/o” 5. Pangunahing bahagi ng panaguri – pandiwa 6. Ano ang ganap ng pang-abay – nilalarawan ang pang-uwi, pandiwa, at kapwa pang- abay 7. Hugnayan (kung at kapag) – nagpapakita ng kondidyon 8. Tambalan – dalawang sugnay na nakakapag-isa na pinagdudugtong ng pangatnig 9. Hugnayan – Dahil umuulan (sentence example) 10. Sugnay na di nakapagiisa – dahil umuulan (di buo ang diwa) 11. Panaguri – naglalarawan sa pangngalan at panghalip 12. Halimbawa ng parirala – Sa ilalim ng mesa (walang isang buong diwa) 13. Hugnayan – sanhi at bunga (dahil at sapagkat) 14. Sosyo-lingguwistic – nakabatay sa paggamit ng pangungusap base sa sitwasyon 15. Lohikal (pangangatwiran) – Hindi kabilang sa kakayahang komunikatibo 16. Diskorsal – Maayos na daloy ng usapan 17. Gramatikal – pagkakasunod sunod ng anyo ng diwa 18. Sosyo-lingguwistic – pagbati depende sa edad ng kausap 19. Pragmatik/istratedyik – kakayahang magbigay ng hinuha 20. B. Pagtukoy sa kahulugan ng sarcasm – kakayahang pragmatiko 21. Wastong paggamit ng pang-ugnay upang makabuo ng malinaw pangungusap ay naguugnay satin (Diskorsal) 25. Gramatikal – Ano ang nagtatakda o nagpapahayag sa gramatika 26. Layunin ng pagsasalin – naiipapahayag ang mensahe sa ibang wika nang tapat o tunay na kahulugan 27. Halimbawa ng literal na pagsasalin – Break a leg (baliin ang iyong binti) 28. Tinutukoy sa pagsasalin – inuuba ang kahulugan kesa ang istruktura (sariling laya) 29. Prosesong pang-angkop ng teksto upang maging angkop sa kulturang pagsasalin – adaptation 30. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagsasalin ng dokumento – Kalinawan at katumpakan. Palaugnayan o Sintaksis Kahulugan: Ang sintaksis ay ang pag-aaral ng estruktura ng mga pangungusap at kung paano pinagsasama-sama ang mga salita upang makabuo ng makabuluhang pahayag. Mga Bahagi ng Pangungusap: o Simuno: Ang paksa o pinag-uusapan sa pangungusap. o Panaguri: Nagbibigay impormasyon tungkol sa simuno. Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian: Payak: May isang diwa o kaisipan lamang. ▪ Halimbawa: "Si Ana ay nagluluto." Tambalan: Binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa na pinag-uugnay ng pangatnig. ▪ Halimbawa: "Si Ana ay nagluluto at si Maria ay naglilinis." Hugnayan: May isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di- makapag-iisa. ▪ Halimbawa: "Si Ana ay nagluluto habang si Maria ay naglilinis." Langkapan: Binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa. ▪ Halimbawa: "Si Ana ay nagluluto at si Maria ay naglilinis habang si Jose ay nag-aaral." Apat na Komponent o Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo A. Gramatikal Kahulugan: Kakayahang makabuo ng mga pangungusap na wasto ang kayarian at gamit ng mga salita. Halimbawa: Paggamit ng tamang pandiwa sa pangungusap tulad ng "Siya ay kumakain ng mansanas." B. Sosyolingguwistiko Kahulugan: Kakayahang gamitin ang wika nang angkop sa konteksto ng lipunan at kultura. Halimbawa: Paggamit ng pormal na wika sa mga opisyal na okasyon at impormal na wika sa usapan ng magkakaibigan. C. Diskorsal Kahulugan: Kakayahang mag-ugnay ng mga pangungusap upang makabuo ng isang makabuluhang teksto o usapan. Halimbawa: Pagsulat ng isang sanaysay na may malinaw na simula, gitna, at wakas. D. Istratedyik Kahulugan: Kakayahang magamit ang iba't ibang estratehiya upang mapunan ang kakulangan sa kaalaman sa wika. Halimbawa: Paggamit ng kilos o senyas upang ipaliwanag ang isang konsepto na hindi matumbasan ng salita. Pang-uri (Adjective) Kahulugan: Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay- turing sa pangngalan o panghalip upang magpahayag ng katangian, anyo, kulay, laki, bilang, o iba pang katangian. Halimbawa: o Maganda ang kanyang damit. (nagbigay-turing sa "damit") o Ang matamis na prublema ay nagbigay ng saya sa kanilang buhay. (nagbigay- turing sa "prublema") Panaguri (Predicate) Kahulugan: Ang panaguri ay bahagi ng pangungusap na nagsasabi o naglalarawan kung ano ang ginagawa ng simuno (subject) o kung ano ang kalagayan nito. Halimbawa: o Nag-aaral si Maria sa library. (Panaguri: "nag-aaral") o Masaya siya dahil natapos na niya ang proyekto. (Panaguri: "masaya") Pang-abay (Adverb) Kahulugan: Ang pang-abay ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay- turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Karaniwang ipinapakita nito ang oras, lugar, paraan, o antas ng isang kilos. Halimbawa: o Tumakbo siya ng mabilis. (Nagbigay-turing sa pandiwang "tumakbo") o Bilog ang kanyang mukha. (Nagbigay-turing sa pang-uring "bilog") Pandiwa (Verb) Kahulugan: Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw na isinagawa, ginagawa, o gagawin. Halimbawa: o Naglalaro ang mga bata sa parke. (Pandiwa: "naglalaro") o Maglalakad ako bukas patungo sa paaralan. (Pandiwa: "maglalakad") KULANG DITO UNG WIKA SA GLOBALISASYON

Use Quizgecko on...
Browser
Browser