Q3 Filipino Reviewer PDF
Document Details

Uploaded by AppreciativeMookaite1452
amadeaa
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang Q3 Filipino Reviewer na isinulat ni amadeaa. Naglalaman ito ng mga aralin tungkol sa etimolohiya, gramatika, at panitikan ng Filipino. Ito ay naglalaman din ng mga katanungan at halimbawa upang mas maunawaan ang mga paksa.
Full Transcript
**Q3 Filipino Reviewer** by amadeaa **Etimolohiya** ♡ Pag-aaral ng kasaysayan ng salita at kung paano nag iiba ang kanilang anyo at kahulugan sa paglipas ng panahon. ♡ Galing sa salitang griyego na etumologia na ibig sabihin ay "may ibig sabihin o kahulugan." **hal.** Sakripisyo ♡ Dakila o ban...
**Q3 Filipino Reviewer** by amadeaa **Etimolohiya** ♡ Pag-aaral ng kasaysayan ng salita at kung paano nag iiba ang kanilang anyo at kahulugan sa paglipas ng panahon. ♡ Galing sa salitang griyego na etumologia na ibig sabihin ay "may ibig sabihin o kahulugan." **hal.** Sakripisyo ♡ Dakila o banal na gawain. Sacra - Banal + Facere - Gawain **Ang wikang Filipino** ♡ Sinasabing buhay at dinamiko. Paraan ng Etimolohiya 1\. Pagsasama \| Pagtatambal ♡ Dalawang salitang magkaiba upang makabuo ng isang salita. **hal.** Bahaghari ♡ Bahag + hari Hampas-lupa ♡ Hampas + lupa 2\. Hiram na mga Salita \| Salitang Banyaga **hal.** Computer \| Ingles ♡ Kompyuter Economia \| Kastila ♡ Ekonomiya Lamesa \| Kastila ♡ Mesa / Lamesa 3\. Morpolohikal na Pinagmulan ♡ Kung saan nagpapakita ito ng paglihis mula sa ugat na salita. Ito ay pagbabago ng anyo. 4\. Pagbabagong Morpoponemiko **Morpolohiya** ♡ Ay pag-aaral sa kayarian ng salita. **Ponolohiya** ♡ Ay pag-aaral sa tunog na bumubuo sa isang salita, ♡ Nasali sa Filipino alphabet ang mga letrang; C F J Q Ñ X V Z. Ang Filipino alphabet ay may 28 na tunog. 5\. Morpema ♡ Mayroong tatlong uri: › Anyong Salitang ugat ♡ Kamot › Anyong Ponema ♡ Propesor (a); Maestra (o) › Anyong Panlapi ♡ Pang + Kamot Mayroong unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan, laguman **Mga Uri ng Panlapi** › Panlaping Makangalan ♡ lupaIN › Panlaping Makauri ♡ MAlupain › Panlaping Makadiwa ♡ bUMasa **Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko** 1\. Asimilasyon ♡Mayroong 2 uri: di ganap o parsyal at ganap - › pang Takot ♡ tinatanggal yung T = panakot › mang Singil ♡ tinatanggal yung S = maningil › hing Bagsik ♡ tinatanggal yung B = himagsik 2\. Pagkawala ng Ponema **hal.** › punan - puno + an ♡ mawawala ang huling patinig ng salitang ugat (o) › bahaginan - bahagi + an ♡ mawawala ang bahagiHan magiging bahagiNan › tinginan - tingin + an 3\. Reduplikasyon o Pag-uulit **hal.** › kakakain › titingnan › mang + singil = man + ingil = first syllable IN = manINingil 4\. Pagbabago ng Ponema **hal.** › dugo + an = duguan › tiket + an = tikitan › ma + danas = maranasan › kuha + an = kunan ♡ Pag nasa gitna ang d dapat palitan ng R (dumi = marumi) o to u d to r -------- -------- h to n e to i 5\. Metatesis **hal.** › niyakap = in + yakap › sidlan = silid + an › niligawan = in + ligaw + an ♡ Ang l at y pag tinapat sa in ito ay magiging ni. Pero dapat sa harapan yung in. (NIyakap, hindi yakapIN) 6\. Reduksyon \| Pagkakaltas ♡ Ang ay ay may kalimbas na e › Tena = tayo na › Anila = wika nila › Kamo = wika mo ♡ Ito ay tinatawag na diptonga(?) 7\. Paglilipat ng Diin ♡ Paggamit ng mga tuldik; › pahilis , pagbigkas ng mabilis › paiwa \` pagbigkas ng malumi › pa(?) \^ pagbigkas ng maragsa baga ♡ Ibig sabihin ay baga' ♡ Ibig sabihin ay baga\^ ♡ Ibig sabihin ay lungs **Diin** ♡ Malumay, Malumi, Mabilis, Maragsak **hal.** › Tawirin = tawid + in ♡ TawId - tawiRIN **England** **Pamamahalang Monarchy** ♡ Pagpapasa ng kapangyarihan sa isang pamilyang maituturing na maharlika o mula sa pamilya ni Queen Elizabeth ♡ Mataas ang currency dito \| Pounds, mas mataas kesa sa dollar ♡ Ito at bansang bahagi ng United Kingdom. Kahanggan nito ang [Scotland] sa hilaga at [[Wales]](https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Wales) sa kanluran. Sa bandang hilagang-kanluran naman ng Inglatera ang [[Dagat Irlandes]](https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Dagat_Irlandes), habang sa timog-kanluran ang [[Dagat Seltiko]](https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Dagat_Seltiko). Ang *[Dagat Hilaga](https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Dagat_Hilaga)* sa silangan at [*Bambang ng Inglatera*](https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Bambang_ng_Inglatera) sa timog ang naghihiwalay sa Inglatera mula sa kontinente ng [Europa](https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Europa). ♡ Isa sa unang bansang nakakamit ng pambansang pagkakaisa. ♡ Ang tatak ng panitikan naganap ng ika 8 hanggang ika 11 siglo. **Beowulf** ♡ Obra maestrang akda ng England. Masasalamin dito ang panitikan ng England. Mga Sikat na Manunulat sa England › Geoffrey Chaucer ♡ Kilala bilang Ama ng Panitikang ingles. Nagsulat ng Canterbury Tales. › Rudyard Kipling ♡ Isang manunulat ng Nobela at sumulat ng "Captain Courageous" › William Wordsworth ♡ Itinuturing na pinakamahusay na makata ng Ingles ng romantismo. › Alexander Pope ♡ Ingles na makata, tagasalin, at satirist ng panahon ng Enlightenment na itinuturing na isa sa mga pinakakilalang makatang Ingles noong unang bahagi ng ika-18 siglo. › Mag Asawang Elizabeth Barrett-Browning and Robert Browning ♡ Ang sonet ni Elizabeth na "How Do I Love Thy" ay tungkol sa hanggang saan ang pag ibig niya para kay Robert. › Christopher Marlowe ♡ Manunulat ng tula. Sakaniya nagsimula ang estilong *blanko verso* › Francis Bacon ♡ Manunulat sa England na kilala bilang "*Ama ng Ingles na Sanaysay".* Si [Michel de Montaigne] naman ang *Ama ng Sanaysay* **France** ♡ Ang sanaysay ay nagmula dito. › William Shakespeare ♡ *Ama ng soneto* at dakilang manunulat sa buong daigdig **Uncle Tom's Cabin** ♡ Aklat na nag inspire kay Jose Rizal sa Noli Me Tangere **Dula** ♡ Ito\'y naglalarawan ng katotohanan sa mga pangyayaring nagaganap sa tunay na buhay. Naglalarawan ito ng buhay o ugali sa tulong ng diyalogo at kilos ng tauhang nagsisiganap. ♡ Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. ♡ Pinakalayunin nitong *itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.* Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay [hango sa totoong buhay] maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan. ♡ Ang dula ay anyong *tula*, hindi anyong *tuluyan.* Ito rin ay nasa anyong pasaknong. ♡ Ito ay binubuo ng mga yugto at ang bawat yugto ay binubuo ng mga eksena \| Magkaiba ang eksena at yugto. ♡ Ito ay nasusulat nang patalata kaya nasa anyong tuluyan. **Diyalogo** ♡ Usapan sa pagitan ng dalawa o higit pang tauhan **Ayon kay Aristotle** ♡ Ang dula ay sining ng panggagaya sa kalikasan ng buhay ng mga katotohanan sa buhay ng mga tao. **Ayon kay Tiongson** ♡ Isa sa aspeto ng dula ay ang [Memises]--Pagbibigay buhay ng actor sa mga pang araw araw na pangyayari sa buhay. **Ayon kay Julian Cruz Balmaceda** ♡ Ito\'y isang uri ng akda na nagsimula sa tuluyang pangungusap na naglalarawan ng buhay o ugali sa pamamagitan ng mga usapan ot kilos ng mga tauhang tumutupad upang itanghal. **Alejandro G. Abadilla** ♡ Nagsabing ang buhay ay isang tanghalan at tayong mga tao ang mga artista. Mga Sangkop ng Dula **1. Banghay** ♡ Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa dula. Nahahati ito sa yugto. Taglay nito ang tunggalian, tensyon, kagila-gilalas na pangyayari at kalutasan sa suliranin. **2. Tauhan** ♡ Ito ang mga tagapaglantad ng mga relasyon sa mga pangyayaring itinatanghal. **3. Kaisipan** ♡ Ito ang kabuuan ng dula na naiwan sa isipan ng sinomang manonood. Ito ang produkto ng banghay at ng tauhan ayon kay Aristotle. **4. Ang Dakilang Palabas \| Spectacles** ♡ Ito ang mga bagay-bagay na nakikita ng mga manonood sa tanghalan kabilang dito ang mga kagamitan at tanawin sa tanghalan, ang kasuotan, pag-ilaw, blocking, musika, tunog, atbp. Mga Elemento ng Dula **1. Iskrip** ♡ Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula. **2. Gumaganap o Aktor** ♡ Sila ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila ang nagbibigay ng dayalogo, nagpapakita ng iba\'t ibang damdamin at pinapanood na tauhan sa dula. **3. Tanghalan** ♡ Anomang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan **4. Tagadirehe o Direktor** ♡ Siya ang nagpapakahulugan sa iskrip. Siya ang nagpapasya sa hitsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan, haggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan. **5. Manonood** 4 na Uri ng Tula › Tulang liriko › Tulang pasalaysay › Tulang patnigan › Tulang padula Iba't Ibang Uri ng Dula › Comedia › Parza **Severino Reyes** ♡ Ama ng sarsuwela Romeo and Juliet \| William Shakespeare **Dula** ♡ Genre ng panitikan ♡ Isinalin ni Gregorio C. Borlaza sa Filipino ♡ Ito ay isang dulang *trahedya.* Binatay sa isang kwento sa italy na kung saan ito ay isinalin upang maging taludturan. **1562** ♡ Ito'y inakda ni Arthur Brooke sa kanyang "The Tragical History of Romeus and Julieta" poetry. **1567** ♡ Muling isinalaysay ito ni William Painter sa anyong tuluyan at pinamagatang "Palace of Pressure" at muling isinalaysay ni William Shakespeare sa anyong tula. Trahedya ♡ Ay nagsimula sa Sinaunang Gresya. Ito ay isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o sa kabiguan. Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang may malungkot ngunit makabuluhang wakas. **Tatlong Tagapagsulat ng Trahedya sa Gresya** ♡ Aeschylus, Sophocles, Euripides **Tula** ♡ Nagmula ito sa Italy. Ito ay isang anyong panitikan na may matalinhagang pagpapahayag ng isipan at damdamin. Isa rin itong kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan, at kadakilaan. ♡ Ang tula ay nasa anyong patula. **Elemento ng Tula** 1\. Persona ♡ Tumutukoy ito sa nagsasalita sa tula na nilikha ng makata. › **Unang Panauhan** ♡ Ako, tayo, kami › **Ikalawang Panauhan** ♡ Ikaw, kayo, ka › **Pangatlong Panauhan** ♡ Siya, sila, sina 2\. Sukat ♡ Tumutukoy ito sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong. Malalaman ang Sukat sa: › **Saknong \| Estropa** ♡ Binubuo ng taludtod › **Taludtod** ♡ Binubuo ng bawat patnig. Tradisyonal na Sukat: Apat Pito ------ ------------------ -- Lima Walo Anim Lalabindalawahin › **Apat** ♡ Maiikling tula bago pa dumating ang mga kastila. Ginagamit sa karunungang bayan gaya ng salawikain, sawikain, kasabihan, bugtong, at palaisipan. › **Lima** ♡ Ginamit sa mga [Tanaga] \| mga tula na maituturing na maikli sa panahon ng hapon dahil nagkaroon ng scarcity sa papel. Doon din ipinakilala ang 4 lines, pipituhin na sukat. **Haiko** ♡ 3 taludtod \| linya, 5-7-5 › **Wawaluhin** ♡ Himno › **Lalabindalawa** ♡ Unang unang ipinakilala ni Francisco Baltazar pero nagpalaganap ay si Jose Corazon De Jesus. Iba Pang Sukat: ♡ Aapatin, aanimin, piputuhin, wawaluhin, sampo, lalabindalawahin, lalabinaapatin lalabinaanimin. 3\. Tugma ♡ Ang pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga pang huling salita ng bawat taludtod. May ganap at di ganap. **hal.** aa bb abab abba abba 4\. Tono ♡ Ito\'y tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng mga salita tulad pagkakasunod-sunod ng may din at walang ding pantig sa isang taludtod o pagpapalambot sa pagbigkas ng salita. Hindi dapat paakyat pababa paakyat pababa. 5\. Tema o Paksa ♡ Tumutukoy ito sa kabuuang kaisipang nakapaloob. Ginagamitan ng talinhaga gamit ang tayutay. **Tayutay** ♡ Tumutukoy ito sa mga salita o pahayag na ginagamit upang maging maganda at kaakit-akit ang isang pahayag, o ito\'y sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita. Pagtutulad at pagwawangis. 7\. Kariktan ♡ Tumutukoy ito sa malinaw at di malilimutang impresyong nakikintal sa isipan ng mambabasa. 8\. Simbolo ♡ Tumutukoy ito sa mga salitang ginagamit sa tula na pag-iiwan ng kahulugan sa mapanuring kaisipan sa mambabasa. 9\. Imahen \| Larawang Diwa ♡ Tumutukoy ito sa diwa na nabubuo sa larawan ng mambabasa. Pinagagalaw nito ang guni guni ng mambabasa. Nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa nais ipakahulugan. **Uri ng Tulang Liriko** **1. Soneto \| Iambic Pentameter** ♡ Ito ay may labing apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao. Binubuo ng 14 na linya na bawat linya ay binubuo ng sukat na sasampuin **2. Pastoral** ♡ Ang tulang ito ay hindi lamang nauukol sa buhay ng pastol at magpapastol. Ito\'y pumapaksa rin sa simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa. **3. Elehiya** ♡ Ito ay tula ng pamamanglaw dahil sa pumapaksa ito sa kalungkutan, kamatayan, at iba pa. **4. Oda** ♡ Tulang nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba pang uring damdamin. Karaniwang tungkol sa papuri tungkol sa mga nagawa ng dakilang tao, bansa o anumang bagay na maaaring papunhan. **5. Awit** ♡ Karaniwang pinapaksa ng tulang ito ay pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag asa, pangamba, poot at kaligayahan. Tinatawag din itong *kundiman* na ayon kay [Jose Villa Panganiban] ay awit tungkol sa pag-ibig. **6. Dalit** ♡ Ito ay katutubong tula na may apat na taludtod sa bawat saknong at may sukat na wawaluhin. Ito\'y awiting tungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya na may layuning dumakila at magparangal. Elizabeth Barrett-Browning ♡ Kinilalang makatang ingles. Siya ay nakilala sa England, Britanya, at Estados Unidos. **11 years old** ♡ Nagsusulat na si Elizabeth ng tula. **15 years old** ♡ Nagkasakit ng Tuberculosis pero hindi sinabi kung ano ang naging dahilan. (Maaaring pneumonia, second hand smoking, malnutrition, etc.) ♡ Isang advocacy sa mga sulat nya ay kung paano ma abolish ang slavery sa England. ♡ Malaking tulong ang mga sinulat nya para magkaroon ng reporma sa lipunan lalo na sa pagkawala ng slavery at reporma sa child labor. ♡ Mahigit na nakilala si elizabeth dahil sa How Do I Love Thee na isinulat niya noong 1845 **Sonnets from the Portuguese** ♡ Hango sa pangalang my little portuguese na endearment ni Robert kay Elizabeth. Hango dito ang How Do I Love Thee \| Sonnet 43 ♡ Ang tulang How Do I Love Thee ay kakikitaan ng malublob o matinding pagmamahal nya kay Robert.