Filipino sa Piling Larang (Academic) Past Paper PDF 2020
Document Details
Uploaded by Deleted User
2020
Tags
Summary
This document is a Filipino subject module for 12th grade. The material covers the topic of Filipino sa Piling Larang (Academic) for the first quarter and focuses on module 4. It includes activities like discussions and exercises for students.
Full Transcript
12 Filipino sa Piling Larang (Academic) Unang Markahan – Modyul 4: KAHULUGAN, KALIKASAN AT BAHAGI NG ABSTRAK Filipino – Ikalabindalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Kahulugan, Kalikasan at Bahagi ng Abstrak Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Re...
12 Filipino sa Piling Larang (Academic) Unang Markahan – Modyul 4: KAHULUGAN, KALIKASAN AT BAHAGI NG ABSTRAK Filipino – Ikalabindalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Kahulugan, Kalikasan at Bahagi ng Abstrak Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Jannie Salarda Jarabe Editor: Clinton T. Dayot, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa Tagasuri: Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa, Shem Don C. Fabila Tagalapat: Romie G. Benolaria, Rodjone A. Binondo Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid Adolf P. Aguilar Elmar L. Cabrera Renante A. Juanillo Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 E-mail Address: [email protected] 12 Filipino sa Piling Larang (Academic) Unang Markahan – Modyul 4: Kahulugan, Kalikasan at Bahagi ng Abstrak Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kahulugan, Kalikasan at Bahagi ng Abstrak! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kahulugan, Kalikasan at Bahagi ng Abstrak! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. iii Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. iv Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! v ALAMIN KAHULUGAN, KALIKASAN AT BAHAGI NG ABSTRAK MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO 1. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling akademikong sulatin. (CS_FA11PU-0d-f-92) 2. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin. (CS_FA11PUOd-f-93) PANIMULA Magandang araw! Kumusta? Nahihirapan ka bang bumuo ng isang akademikong sulatin kagaya ng abstrak? Ito na ang sagot sa iyong problema! Ang modyul na ito ang magsisilbing gabay mo sa kung ano at paano ang paggawa ng isang abstrak. Ito ay makatutulong sa iyo upang matutuhan ang mga paraan o hakbang sa paggawa ng isang maayos na abstrak. Bilang isang mag-aaral at manunulat sa hinaharap, mahalagang malaman ang tamang pagsulat ng abstrak. Ito ang magsisilbing instrumento mo upang mahikayat ang mambabasa na basahin ang iyong ginawang akda o akademikong sulatin sapagkat ito ang unang bahaging tinitingan ng mambabasa upang malaman kung nararapat o hindi nararapat basahin ang isang akda. 1 MGA LAYUNIN Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. Nakapagbibigay ng kahulugan, katangian at karaniwang nilalaman ng abstrak; 2. Nakasusulat ng abstrak mula sa binasang artikulo gamit ang tamang hakbang at istilo nito; at 3. Naisaalangalang ang etika sa bubuuing abstrak. SUBUKIN PANIMULANG PAGTATAYA I. Pagpipili Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Anong uri ng abstrak ang karaniwang ginagamit sa mga papel sa Agham Panlipunan? A. Deskriptibong Abstrak B. Impormatibong Abstrak C. Naratibong Abstrak D. Sikolohiyal na Abstrak 2. Saan galing ang salitang abstrak? A. Sa Latin na ibig sabihin ay abstraque B. Sa Latin na ibig sabihin ay abstracum C. Sa Espanyol na ibig sabihin ay abstraki D. Sa Espanyol na ibig sabihin ay abstrako 2 3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng mahusay na abstrak? A. Binubuo ng 50-100 salita B. Kompleto ang mga bahagi C. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel D. Nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na mambabasa 4. Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa pagsulat ng abstrak? A. I-proofread ang pinal na kopya B. Basahing muli ang buong papel C. Isulat ang unang draft ng papel D. Irebisa ang unang draft ng papel 5. Bakit itinuturing na “Mukha ng Akademikong Papel” ang abstrak? A. Dahil ito ang makikita sa pinaka-unang pahina ng aklat B. Dahil ito ang pinakamahalagang uri ng akademikong papel C. Dahil kung walang abstrak wala ring akademikong papel D. Dahil ang abstrak ang karaniwang tinitingnan ng mga mambabasa. II. Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng abstrak. Bilang lamang ang isulat. 1 - unang hakbang 3 - pangatlong hakbang 2 - pangalawang hakbang 4 - pang-apat na hakbang ________ I-proofread ang pinal na kopya. ________ Isulat ang unang draft ng papel. ________ Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan sa organisasyon at ugnayan ng mga salita o pangungusap. ________ Basahing muli ang buong papel. III. Magbigay ng limang katangian ng mahusay na abstrak. 1. _ 2. _ 3. _ 4. _ 5. _ 3 Magaling! Nasubukan mong gawin ang panimulang pagtataya. Kumusta naman ang naging resulta nito? Sakaling kulang pa ang iyong kaalaman tungkol sa paggawa ng abstrak, ito na ang pagkakataon mo upang mas maunawaan mo kung paano ito gawin. TUKLASIN GAWAIN 1 Bago ka dumako sa aralin, may panimulang gawaing inihanda na kailangan mong sagutin. Makikita sa ibaba ang isang Concept Map na may salitang abstrak sa gitna. Isulat sa loob ng bilog ang mga salitang maaari mong maiugnay sa salitang “abstrak”. Gawin ito sa iyong kuwaderno. _______ ________ ABSTRAK __________ ____________ 4 SURIIN PAGSUSURI 1. Base sa gawain, ano-anong mga salita ang iyong iniugnay sa salitang “abstrak”? ____________________________________________________ ____________________________________________________ _________________________. 2. Ano ang kaugnayan ng mga salitang ito sa salitang “abstrak”? ____________________________________________________ ____________________________________________________ _________________________. 3. Paano kaya nakatutulong sa iyo ang gawaing iyon, dito sa aralin na iyong pag-aaralan? ____________________________________________________ ____________________________________________________ _________________________. 5 PAGYAMANIN PAGLALAHAD Kahulugan ng Abstrak Ang abstrak, mula sa Latin na abstracum, ay ang maikling buod ng artikulo o ulat na inilalagay bago ang introduksiyon. Ito ang siksik na bersiyon ng mismong papel. Ipinaaalam nito sa mambabasa ang pa ksa at kung ano ang aasahan nila sa pagbabasa ng sinulat na artikulo o ulat. May dalawang uri ng abstrak: deskriptibo at impormatibo. Ang uri ng abstrak na iyong isusulat ay nakadepende sa paksa o sa disiplinang kinapapalooban nito. Kalikasan at Bahagi ng Abstrak Sa kabila ng kaiksian ng abstrak, kailangang makapagbigay pa rin ito ng sapat na deskripsiyon o impormasyon tungkol sa laman ng papel. Ang mga sumusunod ay mga karaniwang bahagi na bumubuo sa deskiptibo at impormatibong abstrak. Karaniwang isang pangungusap lamang ang bumubuo sa bawat bahagi ngunit may kalayaan ang manunulat na maging malikhain kung paano aayusin ang mga ito. Deskriptibong Abstrak Impormatibong Abstrak Inilalarawan nito sa mga Ipinahahayag nito sa mga mambabasa ang mga pangunahing mambabasa ang mahalagang ideya ng papel. ideya ng papel. Nakapaloob dito ang kaligiran, Binubuod dito ang kaligiran, layunin, at tuon ng papel o artikulo. layunin, tuon, metodolohiya, resulta, at kongklusyon ng papel. Kung ito ay papel-pampananaliksik, hindi na isinasama ang Maikli ito, karaniwang 10% ng haba pamamaraang ginamit, kinalabasan ng buong papel at isang talata ng pag-aaral, at kongklusyon. lamang. Mas karaniwan itong ginagamit sa Mas karaniwan itong ginagamit sa mga papel sa humanidades at larangan ng agham at inhinyeriya o 6 agham panlipunan, at sa mga sa ulat ng mga pag-aaral sa sanysay sa sikolohiya. sikolohiya. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak Maaaring sundin ang mga sumusunod na hakbang sa pagsusulat ng isang mahusay na abstrak: 1. Basahing muli ang buong papel. Habang nagbabasa, isaalang-alang ang gagawing abstrak. Hanapin ang mga bahaging ito: Layunin, pamamaraan, sakop, resulta, kongklusyon, rekomendasyon, o iba pang bahaging kailangan sa uri ng abstrak na isusulat. 2. Isulat ang unang draft ng papel. Huwag kopyahin ang mga pangungusap. Ilahad ang mga imporasyon gamit ang sariling salita. 3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan sa organisasyon at ugnayan ng mga salita o pangungusap, tanggalin ang mga hindi na kailangang impormasyon, magdagdag ng mahalagang impormasyon, tiyakin ang ekonomiya ng mga salita, at iwasto ang mga maling grammar at mekaniks. 4. I-proofread ang pinal na kopya. Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak Isaalang-alang ang mga sumusunod na katangian ng isang mahusay na abstrak: 1. Binubuo ng 200-250 salita 2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap na nakatayo sa sarili nito bilang isang yunit ng impormasyon 3. Kompleto ang mga bahagi 4. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel 5. Nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na mambabasa Halimbawa ng isang abstrak mula sa isang pananaliksik Buod Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa Dominant na istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral na LSENs sa baitang 7, seksiyon Gadingan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Siaton kaugnay sa akademik performance sa asignaturang Filipino, binubuo ito ng 44 na respondante. Ang pananaliksik na ito ay nasa anyong palarawan at korelesyonal. Ginagamit din ang susumunod na estadiska; Frekwensi, Porsyento, Weighted Mean at Pearson Product Moment Correlation Coefficient. Mula sa masinsinang pananaliksik napatunayan ang mga sumusunod: 7 Ang dominanteng istilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang Gadingan na napabilang sa LSENs ay biswal. Mas marami ang lalaking respondente na may 86% kaysa babae na may 14%. Karamihan sa mga kita ng pamilya ng respondente ay 5001 pababa na may 75%. Karamihan din sa mataas na edukasyong natapos ng magulang ay elementarya na may 31.82% sa ama at 31.82% rin sa ina. May mataas na kaugnayan ang biswal at pakikinig na istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa akademik performans sa asignaturang Filipino. May katamtamang kaugnayan ang kinestetik na istilo sa pagkatuto ng mag-aaral sa akademik performans sa asignaturang Filipino. Halos walang kaugnayan ang kasarian, buwanang kita ng pamilya at edukasyong natapos ng mga magulang sa akademik performans ng mga mag- aaral. Mga Gawain Palawakin ang kaalaman… Upang magkaroon ng ideya kung ano ang abstrak. Maaaring bisitahin ang mga sumusunod na Web site para sa ilang halimbawa nito; http://www.sccur.uci.edu/sampleabstracts.html http://www.willamette.edu/cla/ssrd/abstract_examples/ ISAISIP Ang abstrak ang karaniwang unang tinitingnan ng mambabasa, kaya maituturing itong mukha ng akademikong papel. 8 ISAGAWA PAGLALAPAT Ngayong napag-aralan mo na ang kahulugan at mga hakbang sa paggawa ng abstrak. Susukatin natin ang iyong pagkakaintindi sa pinag-aralang paksa. Panuto: Basahing mabuti ang artikulong makikita sa ibaba. Gawan ito ng Deskriptibong Abstrak at isaalang-alang ang mga hakbang na pinag-aralan. Gawing gabay ang ibinigay na krayterya sa pagbuo ng iyong abstrak. Isulat ito sa iyong kuwaderno. Krayterya sa Pagbuo ng Abstrak Krayterya 25pts. 15pts. 7pts. Nilalaman at klarong-klaro ang Hindi gaanong Hindi klaro ang Pamamaraan kaisipang nais klaro ang kaisipang nais ipabatid. kaisipang nais ipabatid. ipabatid. Wastong gamit at Walang mali sa May ilang mali sa Halos lahat ng pagbaybay ng pagkagamit ng pagkagamit ng salita ay mali sa mga salita mga salita at sa mga salita at sa paggamit at pagbaybay nito. pagbaybay nito. pagbaybay. Istilo/Pananalita Direkta at Hindi gaanong Hindi klaro ang naiintindihan naiintindihan ang pananalita at nang maayos ang pananalita isitilong ginamit istilo at /istilong ginamit sa binuong pananalitang sa binuong abstrak.. ginamit sa abstrak.. binuong abstrak. Orihinalidad Sariling gawa ang Sariling gawa ang Kinopya lamang abstrak at purong abstrak ngunit mula sa orihinal. may iilang bahagi internet/ibang tao na kinopya mula ang buong laman sa ibang tao. ng abstrak. Kabuuan ------- 100 puntos 9 Tungkol sa Bagong Coronavirus Ano ba ang mga coronavirus? Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na hindi pa nakilala sa mga tao. Maraming mga coronavirus ang natural na nakakahawa sa mga hayop, ngunit ang ilan ay maaari ring makahawa sa mga tao. Ang mga coronavirus ay naisip na kumalat sa hangin sa pag-ubo/pagbahing at malapit na personal na pakikipag-ugnay, o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong, o mata. Ano ang nalalaman natin tungkol sa bagong coronavirus? Nagkaroon ng pagsiklab ng isang bagong coronavirus na tinatawag na SARS-CoV-2, na unang lumitaw noong Disyembre 2019. Ang virus ay kumalat sa karamihan ng mga bansa sa mundo, kabilang ang United States. Dahil bago pa itong coronavirus, ang mga awtoridad ng kalusugan ay natututo pa tungkol sa virus at kung paano ito kumakalat. Mabilis na nagbabago ang sitwasyon at ang US Sentro para sa Pag-iwas at Pagkontrol sa Sakit (CDC) ay nagbibigay ng na-update na impormasyon kapag magagamit: www.cdc.gov/ncov Ano ang pagkakaiba ng COVID-19 at SARS-CoV-2? Ang COVID-19 ay ang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2 (SARS-CoV-2) ay tumutukoy sa virus, habang ang Coronavirus Disease-19 (COVID-19) ay tumutukoy sa sakit sanhi ng virus. Paano ginagamot ang bagong coronavirus? Wala pang bakuna para sa bagong coronavirus at walang tiyak na paggamot o pagalingin para sa COVID-19. Gayunpaman, maaaring gamutin ang marami sa mga sintomas. Ang mga pasyente ng COVID-19 ay dapat magpahinga ng lubusan, uminom ng maraming likido, kumain ng malusog na pagkain, at bawasan ang stress. Dapat gamitin ang Acetaminophen upang mabawasan ang lagnat at pananakit at sakit. Para sa mga malubhang kaso, ang pangangalagang medikal ay maaaring kailanganin upang mapawi ang mga sintomas at suportahan ang mga mahahalagang pag-andar ng organo hanggang sa gumaling ang pasyente. 10 Pagkahawa Kailangan ko bang alalahanin ang pagkahawa sa bagong coronavirus? Alam namin na nag-aalalaang ang lahat tungkol sa bagong coronavirus. Ang nalalaman ngayon ay ang sakit ay nasa Santa Clara County at nagpapalipat-lipat, ngunit mahalaga, hindi alam kung gaano kalawak. Ang prayoridad ay ang pagsasagawa ng pagsubaybay sa kalusugan ng publiko upang matukoy ang lawak ng pagkalat na lokal. May kakayahan na ngayon na magsubok ang laboratoryo ng pampublikong kalusugan at ngayon ay mabilis na suriin kung ano ang nangyayari sa ating komunidad. Nakipagtulungan ang County sa mga kasamahan sa kalusugan ng publiko mula sa mga Departamento ng buong County pati na rin mula sa Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California at ang Sentro para sa Pagkontrol at Pag- iwas sa Sakit para sa tulong. Magpapatuloy ang County sa pakikipagtulong sa mga kasosyo upang tumugon sa mga kaso, upang masubaybayan ang mga contact, at maunawaan kung ano ang nangyayari sa ating komunidad. Naging aktibo na sa maraming linggo ang Emergency Operations Center at patuloy na magiging aktibo bilang tumugon sa itong krisis. Paano ang pagkakahawa ng mga taong walang sintomas? Dokumentado sa maraming mga pag-aaral ang pagkalat mula sa isang tao na walang mga sintomas (paghawa na walang sintomas), hanggang sa 48-oras bago nagsimula ang mga sintomas. Samakatuwid, maaaring may panganib ang isang tao sa COVID-19 kung sila ay malapit na makipag-ugnay (sa loob ng 6 na piye nang matagal na panahon) sa isang tao na nakumpirmang nahawaan ng COVID- 19, nang hanggang 48-oras bago nagsimula ang mga sintomas. Ang mga tao ay naisip pa ring pinaka nakakahawa kapag sila ay pinaka-nagpapasakit (ang may sakit). Itong mga natuklasang ay binibigyang diin ang kahalagahan ng pagsunod sa pagpadistansya sa ibang tao dahil ang mga taong walang sintomas ay maaaring nakakahawa. Mga Sintomas Ano ang mga sintomas ng bagong coronavirus? Kasama sa mga sintomas ang lagnat, pagkapagod, ubo, at pananakit ng kalamnan o katawan. Ang sakit ay maaaring umunlad sa igsi ng paghinga at mga komplikasyon mula sa pulmonya. Ang mga sintomas ay maaari ring isama ang pagduduwal sa pagsusuka, pagtatae, panginginig, pawis sa gabi, namamagang lalamunan, sakit ng ulo, pagkalito, o pagkawala ng lasa o amoy. Ang ilang mga nahawaang pasyente ay nakakaranas lamang ng mga banayad na sintomas 11 habang ang iba pa - lalo na ang mga matatandang indibidwal at ang mga may kalakip na kalagayan sa kalusugan - ay maaaring magkaroon ng mas malubhang sintomas. Ang mga sintomas ay maaaring bumuo ng 2-14 na araw pagkatapos ng pagkakalantad sa virus. Kung nagkakaroon kayo ng mga babala ng emerhensiya para sa COVID-19, kumuha agad ng medikal na atensyon. Kasama sa mga babala ng emerhensiya*: Problema sa paghinga Patuloy na sakit o presyon sa dibdib Bagong pagkalito o kawalan ng kakayahan upang pukawin Asul sa labi o mukha *Hindi kumpleto ang itong listahan. Mangyaring kumunsulta sa inyong medical provider para sa anumang iba pang mga sintomas na malubhang o nakakabahala. Halaw mula sa artikulong Novel Coronavirus (COVID 19) https://www.sccgov.org/si tes/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx KARAGDAGANG GAWAIN PAGPAPAYAMAN Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Bakit mahalagang basahin muli ang buong papel bago isulat ang abstrak? __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ ________________________ 2. Ano ang kahalagahan ng pagrebisa ng unang draft ng abstrak? __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ ________________________ 3. Bakit kailangang gumamit ng mga simpleng salita at pangungusap sa abstrak? __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ ________________________ 12 REFLEKSIYON Pagnilayan mo… Panuto: Kompletuhin ang pahayag na mababasa sa ibaba. Sumulat ng 2-3 na pangungusap. Ang natutuhan ko sa modyul na ito ay __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ _____________________ TAYAHIN PANGWAKAS NA PAGTATAYA I. Pagpipili Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Anong uri ng abstrak ang karaniwang ginagamit sa mga papel sa Agham Panlipunan? A. Deskriptibong Abstrak B. Impormatibong Abstrak C. Naratibong Abstrak D. Sikolohiyal na Abstrak 2. Saan galing ang salitang abstrak? A. Sa Latin na ibig sabihin ay abstraque B. Sa Latin na ibig sabihin ay abstracum C. Sa Espanyol na ibig sabihin ay abstraki 13 D. Sa Espanyol na ibig sabihin ay abstrako 3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng mahusay na abstrak? A. Binubuo ng 50-100 salita B. Kompleto ang mga bahagi C. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel D. Nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na mambabasa 4. Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa pagsulat ng abstrak? A. I-proofread ang pinal na kopya B. Basahing muli ang buong papel C. Isulat ang unang draft ng papel D. Irebisa ang unang draft ng papel 5. Bakit itinuturing na “Mukha ng Akademikong Papel” ang abstrak? A. Dahil ito ang makikita sa pinaka-unang pahina ng aklat B. Dahil ito ang pinakamahalagang uri ng akademikong papel C. Dahil kung walang abstrak wala ring akademikong papel D. Dahil ang abstrak ang karaniwang tinitingnan ng mga mambabasa. II. Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng abstrak. Bilang lamang ang isulat. 1 - unang hakbang 3 - pangatlong hakbang 2 - pangalawang hakbang 4 - pang-apat na hakbang ________ I-proofread ang pinal na kopya. ________ Isulat ang unang draft ng papel. ________ Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan sa organisasyon at ugnayan ng mga salita o pangungusap. ________ Basahing muli ang buong papel. III. Magbigay ng limang katangian ng mahusay na abstrak. 1. 2. 3. 4. 5. 14 15 Panimulang Pagtataya Pagpapayaman IV. Pagpipili 1. Mahalagang basahin muli ang buong papel bago isulat ang 6. A abstrak upang maplano nang mabuti ang bawat bahaging 7. B kinakailangan sa isusulat na abstrak. (maaaring may ibang sagot 8. A para sa aytem na ito) 9. B 2. Mahalagang ang pagrebisa ng unang draft ng abstrak upan 10. D maiwasto ang anumang kahinaan sa organisasyon ng mga salita o pangungusap. (maaaring may ibang sagot para sa aytem na ito) 3. Kailangang gumamit ng mga simpleng salita at pangungusap sa V. Pagsusunod-sunod abstrak upang mas madaling maintindihan ng mambabasa ang nais 5. 4 ipahiwatig ng manunulat. (maaaring may ibang sagot para sa aytem 6. 2 na ito) 7. 3 8. 1 (Para sa Refleksiyon, maaaring magkaiba-iba ang sagot ng bawat estudyante) VI. Pag-iisa-isa Pangwakas na Pagtataya 6. Binubuo ng 200-250 salita I. Pagpipili 7. Gumagamit ng mga simpleng 1. A pangungusap 2. B 8. Kompleto ang mga bahagi 3. A 4. B 9. Walang impormasyong hindi 5. D nabanggit sa papel 10. Nauunawaan ng pangkalahatan at ng II. Pagsusunod-sunod target na mambabasa 1. 4 2. 2 3. 3 4. 1 III. Pag-iisa-isa 1. Binubuo ng 200-250 salita 2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap 3. Kompleto ang mga bahagi 4. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel 5. Nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na mambabasa (Para sa Gawain 1, Pagsusuri at Paglalapat maaaring magkaroon ng iba’t ibang sagot ang mga mag-aaral) Krayterya para sa Paglalapat… Krayterya 25pts. 15pts. 7pts. Nilalaman at klarong-klaro ang Hindi gaanong klaro ang Hindi klaro ang kaisipang Pamamaraan kaisipang nais ipabatid. kaisipang nais ipabatid. nais ipabatid. Wastong gamit at Walang mali sa May ilang mali sa Halos lahat ng salita ay pagbaybay ng mga pagkagamit ng mga salita pagkagamit ng mga salita at mali sa paggamit at salita at sa pagbaybay nito. sa pagbaybay nito. pagbaybay. Istilo/Pananalita Direkta at naiintindihan Hindi gaanong Hindi klaro ang pananalita nang maayos ang istilo at naiintindihan ang at isitilong ginamit sa pananalitang ginamit sa pananalita /istilong ginamit binuong abstrak.. binuong abstrak. sa binuong abstrak.. Orihinalidad Sariling gawa ang Sariling gawa ang abstrak Kinopya lamang mula sa abstrak at purong ngunit may iilang bahagi na internet/ibang tao ang orihinal. kinopya mula sa ibang tao. buong laman ng abstrak. SUSI SA PAGWAWASTO MGA SANGGUNIAN Dela Cruz, Mark Anthony S. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik. Diwa Learning Systems Inc., 2016. Alviola, Jess., Sanayang Aklat sa Piling Larangan. DepEd. Negros Oriental. https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx http://www.sccur.uci.edu/sampleabstracts.html http://www.willamette.edu/cla/ssrd/abstract_examples/ 16 Roshelle G. Abella Siya ay nagtapos sa kursong BSED sa Unibersidad ng Foundation, Lungsod ng Dumaguete taong 2015. Natapos din niya ang MAEd sa Filipino mula sa Foundation University taong 2020. Sa kasalukuyan, siya ay nagtuturo ng Senior High School sa Mataas na Paaralan ng Negros Oriental. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Schools Division of Negros Oriental Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 Email Address: [email protected] Website: lrmds.depednodis.net