Pagsulat - Introduksyon sa Pagsulat (PDF)
Document Details
Uploaded by IntricateScandium
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay nagbibigay ng isang pangkalahatang-ideya ng pagsulat kabilang ang mga kahulugan, kalikasan, layunin at proseso ng pagsulat. Ito ay isang maikling panimula sa paksa at angkop para sa mga mag-aaral ng Filipino.
Full Transcript
PAGSULAT Para sa'yo ano ang pagsulat? PAGSULAT Kahulugan at Kalikasan Kahulugan at Kalikasan Kahulugan at Kalikasan Pagsasalin sa papel o anomang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao sa layuning maipahayag ang kaniyang/kanila...
PAGSULAT Para sa'yo ano ang pagsulat? PAGSULAT Kahulugan at Kalikasan Kahulugan at Kalikasan Kahulugan at Kalikasan Pagsasalin sa papel o anomang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao sa layuning maipahayag ang kaniyang/kanilang kaisipan. Kahulugan at Kalikasan Ito ay kapwa pisikal at mental na gawaing ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Kahulugan at Kalikasan Ayon kina Xing at Jin, ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. Kahulugan at Kalikasan Ayon kina Xing at Jin, ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. Kahulugan at Kalikasan Sinabi ni Badayos, na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man. Kahulugan at Kalikasan Ayon naman kay Keller, ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. Kahulugan at Kalikasan Sa paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat: Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng tao mula sa kaniyang pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa. MAG-ISIP Bumuo ng sariling pagpapakahulugan sa pagsulat. MAGPARES Makipagtulungan sa kapares para pagsamahin ang inyong kahulugan sa pagsulat at bumuo ng bagong pagpapakahulugan sa pagsulat. MAGBAHAGI Ibahagi sa klase ang nabuong kahulugan sa pagsulat. Capco & Cristobal “Ang pagsulat ay hindi lamang simpleng pagsusulat; ito ay tungkol sa pag-iiwan ng isang bahagi ng ating sarili, na parang isa itong regalo sa mundo…” Cadiz & Custodio “Ang pagsusulat ay hindi lamang pagbibigay ng impormasyon o pagpapahayag ng emosyon pero nagpapakita rin ito ng ebidensya tungkol sa mga pangyayari sa mundo…” Evangelista Ang pagsulat ay pagmulat sa mga damdamin at kaisipan ng manunulat at mambabasa na may hangaring mapalaya ang sarili, kapuwa, at lipunan. PAGSULAT Bakit ka nagsusulat? PAGSULAT Mga Pananaw sa Pagsulat Mga Pananaw sa Pagsulat 1. Sosyo-Kognitibong Pananaw Ang sosyo ay tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Ang kognitibo naman ay anomang tumutukoy sa pag-iisip. Nauugnay rin ito sa mga empirikal at tiyak na kaalaman. Mga Pananaw sa Pagsulat 1. Sosyo-Kognitibong Pananaw Ayon sa pananaw na ito, ang pagsulat ay kapwa pangkaisipan at panlipunan na gawain. Mga Pananaw sa Pagsulat 2. Komunikasyong Interpersonal at Intrapersonal Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong tulad ng: Ano ang isusulat? Paano ko iyon isusulat? Sino ang babasa ng aking isusulat? Mga Pananaw sa Pagsulat 2. Komunikasyong Interpersonal at Intrapersonal Ito rin ay paraan ng pakikipag-usap sa mambabasa, isang tao man o higit pa. Mga Pananaw sa Pagsulat 3. Multi-Dimensyonal na Proseso A. Oral na Dimensyon - Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong iyong isinulat, masasabing nakikinig na rin siya sa iyo. Mga Pananaw sa Pagsulat 3. Multi-Dimensyonal na Proseso B. Biswal na Dimensyon - Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kaniyang teksto na nakalimbag na simbolo. Mga Pananaw sa Pagsulat 3. Multi-Dimensyonal na Proseso B. Biswal na Dimensyon - Tandaang ang biswal na imahen ay mga istimulus sa mata ng mga mambabasa at magsisilbing susi sa paggana ng kanilang komprehensyon sa ating isinusulat. Mga Pananaw sa Pagsulat 4. Gawaing Pansarili at Panlipunan Bilang isang pansariling gawain, ang pagsusulat ay tumutulong sa pag-unawa ng sariling kaisipan, damdamin, at karanasan. Mga Pananaw sa Pagsulat 4. Gawaing Pansarili at Panlipunan Bilang gawaing panlipunan, nakatutulong ito sa ating pagganap sa mga tungkuling panlipunan at sa pakikisalamuha sa isa’t isa. Suri-Basa Suriin ang teksto gamit ang mga pananaw sa pagsulat at sagutin ang tanong: Bakit sinulat ng mga awtor ang teksto? Unang Hanay - Sosyo-Kognitibong Pananaw Pangalawang Hanay - Komunikasyong Interpersonal at Intrapersonal Pangatlong Hanay - Multi-Dimensyonal na Proseso Pang-apat na Hanay - Gawaing Personal at Sosyal ILO Nasusuri ang mga layunin sa pagsulat. Nailalarawan ang proseso ng pagsulat batay sa mga hakbang sa pagsasagawa ng mga sulating tungkol sa mga naghihirap sa lipunan. ILO Nailalarawan ang mga uri ng pagsulat at naipapaliwanag ang halimbawa ng bawat isa sa pamamagitan ng pagsulat ng replektibong sanaysay. PAGSULAT Para kanino/saan ka sumusulat? PAGSULAT Layunin sa Pagsulat Layunin sa Pagsulat Kapwa isang gawaing personal at sosyal ang pagsulat. Layunin sa Pagsulat Personal na gawain ito kung ang pagsulat ay ginamit para sa layuning ekspresibo o sa pagpapahayag ng iniisip o nadarama. Layunin sa Pagsulat Sosyal na gawain naman ang pagsulat kung ito ay ginagamit para sa layuning panlipunan o kung ito ay nagsasangkot ng pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan na tinatawag din itong layuning transaksyunal. Layunin sa Pagsulat Layunin sa Pagsulat ayon kina Bernales, et al. (2001) Ang Impormatibong Pagsulat (expository writing) Ang Mapanghikayat na Pagsulat (persuasive writing) Ang Malikhaing Pagsulat (creative writing) PAGSULAT Ano ang mga ginagawa mo bago/habang/pagkatapos sumulat? PAGSULAT Ang Proseso ng Pagsulat BAGO SUMULAT O PRE-WRITING HABANG SUMUSULAT O PINAL NA ACTUAL WRITING AWTPUT MULING PAGSULAT O REWRITING Ang Proseso ng Pagsulat Bago Sumulat o Pre-writing Paksa > Nilimitahang Paksa > Paraan ng Paglilimita ng Paksa > Posibleng Suliranin ng Papel Ang Proseso ng Pagsulat Bago Sumulat o Pre-writing Memes > Memes noong Pandemya > Memes patungkol sa mga protocol sa lockdown > Ano ang pangkalahatang pananaw ng mga tao sa pinatupad na mga protocol sa lockdown batay sa mga meme? Ang Proseso ng Pagsulat Habang Sumusulat o Actual Writing Paghalaw Pagbubuod Paglalagom Pagsipi Ang Proseso ng Pagsulat Muling Pagsulat o Rewriting Rebisyon/Pagwawasto Ang Proseso ng Pagsulat Maaaring basahin ang pahina 32-35 ng libro para sa dagdag na impormasyon. PAGSULAT Mga Uri ng Pagsulat Mga Uri ng Pagsulat Akademiko Teknikal Journalistic Reperensyal Propesyonal Malikhain WW#1 Sagutan ang pahina 36-38 (Gawain 1 at Gawain 2) sa libro. Ipapasa sa Biyernes (9/13/24) PANALANGIN Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, ngayon, at magpakailanman, at magpasawalang hanggan. Amen.