Filipino 10 - Ikalawang Markahan - Modyul 14: Ang Matanda at Ang Dagat PDF

Summary

This Filipino 10 learning material, specifically Modyul 14, focuses on the story "Ang Matanda at Ang Dagat" for the second marking period. It includes learning objectives, activities, and assessment to develop 21st-century skills.

Full Transcript

Filipino 10 1 Filipino – Ikasampung Baitang Ikalawang Markahan – Modyul 14: Ang Matanda at Ang Dagat Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, ka...

Filipino 10 1 Filipino – Ikasampung Baitang Ikalawang Markahan – Modyul 14: Ang Matanda at Ang Dagat Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda. Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig. Komite sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Leah D. Terrenal Tagasuri: Amado R. Amado at Leda L. Tolentino Editors: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin OIC-Schools Division Superintendent Carolina T. Rivera OIC-Assistant Schools Division Superintendent Victor M. Javeña EdD Chief, School Governance and Operations Division and OIC-Chief, Curriculum Implementation Division Education Program Supervisors Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE) Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP) Bernard R. Balitao (AP/HUMSS) Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS) Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports) Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM) Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang) Perlita M. Ignacio PhD (EsP) Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE) Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM) Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig 2 Filipino 10 Ikalawang Markahan Modyul 14 para sa Sariling Pagkatuto Ang Matanda at Ang Dagat Manunulat: Leah D.Terrenal Tagasuri: Amado R. Amado at Leda L. Tolentino / Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin 3 Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Modyul 14 para sa araling Ang Matanda at Ang Dagat Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito: Mga T al a par a sa Gur o Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. 4 Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul 14 ukol sa Matanda at Ang Dagat ! Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid- aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. MGA INAASAHAN Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul. PAUNANG PAGSUBOK Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa. BALIK-ARAL Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa. ARALIN Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto. MGA PAGSASANAY Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral. PAGLALAHAT Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-halaga. PAGPAPAHALAGA Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga. PANAPOS NA PAGSUSULIT Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral. 5 MGA INAASAHAN Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO: 1. Nasusuri ang nobela sa pananaw Realismo o alinmang angkop na pananaw / teoryang pampanitikan. 2. Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang ang mga terminong ginagamit sa panunuring pampanitikan. 3. Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik tungkol sa mga teoryang pampanitikan. MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO A. Nakabubuo ng sariling wakas ng teksto batay sa karanasan ng mag-aaral o sa karanasan ng iba. B. Napahahalagahan ang karanasan ng tauhan at maiuugnay ito sa karanasan ng mag-aaral sa kasalukuyang panahon. C. Nakasusulat ng sariling wakas batay sa karanasan ng mga mag-aaral o karanasan ng iba. PAUNANG PAGSUBOK Bago natin simulang pag-aralan ang nobela mula sa United States of America, subukan mo munang sagutin ang sumusunod. PANUTO: Tukuyin kung TAMA o MALI ang bawat pahayag. ______ 1. Sa bansang Cuba isinulat ni Ernest Hemingway ang nobelang ―The Old Man and The Sea‖ noong 1951. _______2. Ang nobela ay nanalo ng Pulitzer Prize for Fiction noong 1953 at Nobel Prize noong 1954. _______3. Ang nobelang ―Ang Matanda at ang Dagat‖ o ―The Old Man and The Sea‖ ay isinalin sa mula sa Ingles ni Jesus Manuel Santiago. _______4. Masasabing nasa pananaw realismo ang nobela sapagkat mas higit na binibigyang pansin ang tauhan hindi ang banghay. _______5. Matindi ang pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan sa akda kung kaya’t siya ay namatay sa laot. 6 BALIK-ARAL Balikan mo ang kahulugan ng nobela at mga elemento nito. Susukatin ang iyong kaalaman kung naunawan mong mabuti ang nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa susunod na gawain. PANUTO : Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa bawat tanong. Banghay Maikling Kuwento Pananaw Tauhan Damdamin Nobela Simbolismo Tema _______1. Ito ay binubuo ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing- kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao. _______2. Ang tawag sa panauhang ginagamit ng may-akda sa nobela. _______3. Ito ay ang paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela. _______4. Elemento ito ng nobela na nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao bagay at pangyayari. _______5. Ito ay elemento na nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela. ARALIN Sa tulong ng mga impormasyong natutuhan mo tungkol sa nobela, naniniwala ako na madadagdagan ang iyong kaalaman sa pag-unawa sa aralin. Ngayon tunghayan mo na ang sumusunod na bahagi ng nobelang isinulat ni Ernest Hemingway sa Cuba noong 1951 at inilabas sa taong 1952. Nanalo ng Pulitzer Prize for Fiction noong 1963 at Nobel Prize noong 1954. Ang nobelang ― Ang Matanda at ang Dagat‖ o ―The Old Man and the Sea‖ ay isinulat ni Ernest Hemingway, isang amerikanong manunulat at tagapamahayag. Ito ay isinalin sa Filipino mula sa ingles ni Jesus Manuel Santiago. Mga Tauhan: Santiago – Isang matandang mangingisda na kaibigan ni Manolin. Siya ay nakahuli ng isang malaking marlin. Manolin – Isang batang lalaki. Siya ay tapat na tagapaglingkod at nagmamalasakit kay Santiago. Ang pating- Isang mabangis na lamang dagat. Ang uri ng isda na pinatay ni Santiago. Ang kumain sa malaking marlin. Kaagaw ni Santiago sa Marlin. 7 BUOD Si Santiago ay pumalaot ng 84 na araw ng walang nahahalinang isda sa laot, ito ay itinuturing na "Salao", ang pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan. Napakamalas niya na ang kanyang batang aprendis na si Manolin ay pinagbawalan ng mga magulang nito na pumalaot kasama siya, sa halip, sinabihan si Manolin na sumama nalang sa mga magagaling na mangingisda. Binibisita ng batang lalaki si Santiago sa kanyang kubo bawat gabi, hila ang bingwit, pinaghahandaan niya si Santiago ng pagkain, nakikipag-usap siya tungkol sa American baseball at ang kanyang paboritong manlalaro na si Joe DiMaggio. Sumunod na araw, sinabihan ni Santiago si Manolin na siya ay maglalayag ng malayo patungong Gulf Stream, Hilaga ng Cuba sa Straits ng Florida para mangisda, kumpiyansa siya na ang kanyang kamalasan ay malapit nang matapos. Sa ika-85 na araw ng kanyang napakamalas na pangingisda, lumayag si Santiago gamit ang kanyang bangka patungo sa Gulf Stream, inilagay ang kanyang mga linya at, sa tanghali, ay may nakuha ang kanyang pain na isang malaking isda at nasisiguro niyang ito ay isang marlin. Hindi magawang maihila ang malaking marlin, si Santiago ay sa halip hinila ng marlin. Dalawang araw at gabi ang lumipas habang hawak ang linya. Kahit nasugatan sa pakikibaka at sakit, ipinahayag ni Santiago ang mahabaging pagpapahalaga ni Santiago sa kaniyang mga kaaway, madalas niya itong tinutukoy bilang isang kapatid. Napagtanto din niya na walang sinuman ang karapat-dapat na kumain sa marlin, dahil sa matatag na karangalan nito. Sa ikatlong araw, nagsimula nang mag-ikot ang isda sa bangka. Kahit pagod at halos nahihibang na si Santiago, ginamit pa rin niya ang lahat ng kanyang natitirang lakas para hilahin ang isda papunta sa gilid nito para saksakin gamit ang salapang. Itinali ni Santiago ang marlin sa gilid ng kanyang bangka para lumayag pauwi habang iniisip ang mataas na presyo na hatid ng isda sa kanya sa palengke at kung gaano karaming mga tao ang kanyang mapapakain. Sa kanyang paglalayag pauwi, naakit ang mga pating sa dugo ng marlin. Pinatay ni Santiago ang isang malaking mako shark gamit ang kanyang salapang, ngunit naiwala niya ang kanyang salapang. Gumawa siya ng bagong salapang sa pamamagitan ng pagtali ng kanyang kutsilyo sa dulo ng sagwan para salagin ang susunod na grupo ng pating; limang pating ang napatay at maraming iba ang napalayas. Ngunit patuloy pa ring dumarating ang mga pating, at pagtakipsilim, halos naubos na ng mga pating ang buong katawan ng marlin, naiwan ang kalansay ng isda na halos binubuo ng backbone, buntot at ulo nito. Sa wakas nakaabot siya sa baybayin bago ang magbukang- liwayway sa susunod na araw, pinagsikapan ni Santiago na makabalik sa kanyang kubo, habang pasan ang mabigat na poste ng layag sa kanyang balikat. Pagdating sa kanyang kubo, natumba siya sa kanyang kama at nakatulog ng mahimbing. Sumunod na araw, isang grupo ng mangingisda ang nagtipon sa paligid ng bangka kung saan nakatali ang kalansay ng isang malaking isda. Sinukat ito ng isa sa mga mangingisda at nadiskubre nilang ito pala ay may taas na labingwalong (18) talampakan mula ilong hanggang buntot. Ang mga turista sa kalapit na cafe ay inakalang ito ay isang pating. Nag-alala si Manolin sa matanda, habang naiiyak na makitang siya pala ay ligtas na natutulog. Dinalhan siya ng batang lalaki ng 8 dyaryo at kape. Nang magising ang matanda, nag usap at pinangako nila sa isa't isa na magkasama na silang mangingisda muli. Sa muling pagtulog niya, napanaginipan ni Santiago ang kanyang kabataan—mga leon sa isang beach sa Africa. MGA PAGSASANAY Nalaman mo na ang mga pangyayari sa nobela. Matutukoy mo kaya ang kahulugan ng mga piling salitang matatagpuan sa akda. PAGSASANAY BLG.1 PANUTO: Piliin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang may salunggguhit sa pangungusap sa Hanay A. Hanay A Hanay B ______1. Inihanda ni Santiago ang gagamiting A. matalo salapang sa pangingisda. B. gilid ng bangka ______2. Ang pinakamalaking dentuso ay C. sasakyang pandagat napatay ng matanda. D. isang uri ng pating na ______3. Ang tao ay hindi nilikha upang magapi. may malaking ngipin Kailangang maging matatag sa lahat ng E. isang sibat na panghuli pagsubok sa buhay. ng isda ______4. Sa magkabilang gilid ng kaniyang prowa umaali-aligid ang malaking pating. ______5. Nakita kong nagpapahiga sa popa ang pagod na mangingisda. PAGSASANAY BLG.2 PANUTO: Isulat ang S kung ikaw ay sumasang-ayon at DS kung di -sumasang- ayon sa mga pahayag. ______1. Si Santiago ay pumalaot ng walumpu’t walong araw na walang nahuhuling isda. Maituturing niya itong ―salao‖ o pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan. ______2. Isa sa mga katangian ni Santiago ay hindi siya sumusuko sa buhay bagaman itinuturing niyang kakabit niya ang malas ay nagpatuloy pa rin siya sa pangingisda sa laot. ______3. Sa ika-85 na araw ng kanyang napakamalas na pangingisda, lumayag si Santiago gamit ang kanyang bangka patungo sa Gulf Stream, inilagay ang kanyang mga linya at, sa tanghali, ay may nakuha ang kanyang pain na isang malaking isda at nasisiguro niyang ito ay isang Mako. ______4. Inihanda ni Santiago ang kanyang sarili sa pagsalakay ng malaking pating. ______5. Nakauwing ligtas si Santiago mula sa kanyang pakikipagsapalaran sa laot. 9 PAGSASANAY BLG.3 PANUTO: Basahin at unawain ang pahayag sa loob ng kahon at pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na tanong. ―Pero hindi nilikha ang tao para magapi‖, sabi niya, ― Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi.‖ Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob - loob niya. Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man lang akong salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan, malakas at matalino. Pero mas matalino ako kaysa kaniya. Siguro’y hindi, sa looob -loob niya. Siguro’y mas armado lang ako. -Ang Matanda at ang Dagat ______1. Sa pahayag na ―Pero hindi nilikha ang tao para magapi,‖ ―Maaaring was akin ang isang tao pero hindi siya magagapi ‖. Ito ay nagpapahiwatig na ________. A. hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay. B. kung may dilim may liwanag ding masisilayan. C. nilikha tayo para lumaban at hindi para masaktan lamang. D. may pagsubok mang dumating, matatag pa rin itong kahaharapin. ______2. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang makikita sa pahayag. A. maalalahanin B. malakas ang loob C. matatag D. may determinasyon ______3. ―Huwag kang mag-isip, tanda‖, malakas niyang sabi. ―Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang anumang dumating.‖ Ang pahayag ay nagpapakita ng tunggaliang, A. tao laban sa tao B. tao laban sa sarili C. tao laban sa lipunan D. tao laban sa kalikasan ______4. Sa pagpatay ni Santiago sa malaking isda, ano ang kanyang naramdaman? A. naawa sa sarili B. nagmalaki C. nakonsensiya D. napagod ______5. Sa pahayag na ―Parating na ngayon ang masamang panahon, malupit ang dentuso, may kakayahan, malakas at matalino, pero mas matalino ako sa kanya, siguro’y hindi, sa loob-loob niya. Siguro’y mas armado lang ako.‖ Isinasaad nito na si Santiago ay A. nananalig siya sa sarili niyang kakayahan B. malakas ang loob na lumaban sa pating C. malaki ang tiwala sa sarili D. lahat ng nabanggit 10 PAGLALAHAT Litaw na litaw sa nobelang ang pananaw Realismo. Matapat na pagsasalamin ng realidad ang ginagawa ng panitikan para higit nitong mapaunlad ang lipunan. Inilalarawan din sa linyang ito ang karanasan at lipunan na parang sa tunay na buhay. Ninanais na ilarawan ang ugali at gawi ng tao at ng kaniyang kapaligiran na pareho ng kanilang pagkilos at ng kanilang anyo sa buhay. Naniniwala ang may-akda sa teoryang ito na hindi dapat pigilin ang katotohanan mas higit na binibigyang pansin ang tauhan hindi ang banghay. Gawing halimbawa ang nobelang Ang Matanda at ang Dagat, Lutang na lutang sa akda na ang binibigyang pansin ay ang tauhan at hindi ang banghay o mga pangyayari sa akda. Ang tauhang si Santiago ang mas nangibabaw sa pamamagitan ng kung paano niya hinarap ang mga pinagdaanan sa buhay habang nasa gitna ng dagat upang makahuli ng isda para may mapatunayan sa kanyang sarili at sa iba sa kabila ng kanyang edad. Ito ang teoryang Realismo. Bukod sa teoryang Realismo, may iba pang mga teoryang pampanitikan ang maaaring gamitin sa pagsusuri ng akdang pampanitikan upang mapalalim ang pag- unawa sa isang teksto at lubos itong maintindihan. Tingnan ang sumusunod: a. Teoryang Humanismo Ang teoryang ito ay nagtutuon ng pansin sa pagpapahalaga sa tao. Ito ay tungkol sa paniniwala o prinsipyong tao b. Teoryang Naturalismo Ito’y teoryang pampanitikan na naniniwalang walang malayang kagustuhan ang isang tao dahil ang kanyang buhay ay hinihubog lamang ng kanyang heredity at kapaligiran. c. Teoryang Arketaypal Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. d. Teoryang Eksistensyalismo Sa teoryang ito ang bawat tao ay may kalayaang pumili sa kanyang sarili, ang tao ay may pananagutan sa anumang maaaring kahinatnan o maging resulta ng kanyang ginawang pagpili. Marami pang teoryang pampanitikan bukod sa mga nabanggit sa itaas ang pwedeng magamit sa pagsusuri ng isang akda. Nalaman ko na ang teoryang Realismo ay __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Magagamit ko ang mga teoryang pampanitikan sa __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 11 PAGPAPAHALAGA Bilang pagpapahalaga sa aralin, isulat mo ang iyong saloobin batay sa pagkakaunawa mo tungkol sa mga pangyayari sa nobela. Panuto: Ipaliwanag ang iyong sariling opinyon batay sa mga sumusunod na tanong. 1.Paano mo maihahalintulad ang pinagdaanan ni Santiago sa gitna ng dagat sa karanasan ng marami sa atin ngayon habang humaharap tayo sa Pandemya? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 2. Bakit dapat tularan si Santiago sa kanyang katatagan sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ PANAPOS NA PAGSUSULIT Binabati kita at natapos mo ng malaman ang nobela. Ngayon ay susubukin ang iyong kaalaman sa panghuling gawain bilang patunay na lubos mong naunawaan ang aralin. Gusto ko ring malaman ang iyong ideya tungkol dito. PANUTO: Sumulat ng sariling wakas ng akda batay sa sarili mong pananaw. Isaalang-alang sa pagsulat ang sumusunod na pamantayan. Pamantayan sa Pagmamarka: Nilalaman – 5% Mensahe -3% Kalinisan ng sulat -2% Kabuuan: 10% “Ang Matanda at ang Dagat” __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 12 13 MODYUL 14 ARALIN 2.5 (ANG MATANDA AT ANG DAGAT) Paunang Pagsubok Bal i k ar al 1. Tama 1. nobela 2.Tama 2. pananaw 3. Tama 3. tema 4. Tama 4. simbolismo 5. Mali 5. tauhan Pagsasanay BLG. 1 1. E 2. D 3. A 4. C 5. B Pagsasanay BLG. 2 1. S 2. S 3. DS 4. DS 5. S Pagsasanay BLG. 3 1. C 2. C 3. B 4. B 5. D Pagl al ahat *Kukunan ng larawan ang sagot ng bata at i se send sa guro. Pagpapahal aga *Kukunan ng larawan ang sagot ng bata at i se send sa guro. Panapos na Pagsusulit (Gagamitin ng guro ang rubrics sa pagwawasto) SUSI SA PAGWAWASTO Sanggunian Kagawaran ng Edukasyon,Modyul para sa mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang sa Filipino, Unang Edisyon, 2015 https://www.slideshare.net,mga teoryang pampanitikan https.//phoenix.aspac.io (Oct.3,2015) Buod ng Ang Matanda at Ang Dagat 14 15

Use Quizgecko on...
Browser
Browser