Filipino 10 Q2 M13 Nobela (2020) PDF

Summary

This Filipino 10 module, published in 2020, focuses on the novel genre in literature. The module includes lesson materials, activities, and guidelines for teachers and students.

Full Transcript

Filipino 10 1 Filipino – Ikasampung Baitang Ikalawang Markahan – Modyul 13: Nobela Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pah...

Filipino 10 1 Filipino – Ikasampung Baitang Ikalawang Markahan – Modyul 13: Nobela Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda. Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig. Komite sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Engelbert D. Rufo Tagasuri: Amado R. Amado at Leda L. Tolentino Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin OIC-Schools Division Superintendent Carolina T. Rivera OIC-Assistant Schools Division Superintendent Victor M. Javeña EdD Chief, School Governance and Operations Division and OIC-Chief, Curriculum Implementation Division Education Program Supervisors Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE) Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP) Bernard R. Balitao (AP/HUMSS) Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS) Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports) Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM) Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang) Perlita M. Ignacio PhD (EsP) Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE) Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM) Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig 2 Filipino 10 Ikalawang Markahan Modyul 13 para sa Sariling Pagkatuto 13 Nobela Manunulat: Enggelbert D. Rufo Tagasuri: Amado R. Amado at Leda L. Tolentino / Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin 3 Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Modyul 13 para sa araling Nobela Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito: Mga T al a par a sa Gur o Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. 4 Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul 13 ukol sa Nobela Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. MGA INAASAHAN Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul. PAUNANG PAGSUBOK Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa. BALIK-ARAL Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa. ARALIN Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito. MGA PAGSASANAY Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag- aaral. PAGLALAHAT Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan halaga PAGPAPAHALAGA Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga. PANAPOS NA PAGSUSULIT Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral 5 MGA INAASAHAN Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: KASANAYANG PAMPAGKATUTO 1. Nabibigyang –kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang ang mga terminong ginagamit sa panunuring pampanitikan. 2. Nakabubuo ng sariling wakas sa napanood na bahagi ng dokumentaryo na may paksang kaugnay ng binasa. 3. Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng suring-basa o panuring pampanitikan. MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO A. Naiuugnay ang ilang detalye ng aralin sa kinakaharap na suliranin ng lipunan. B. Nabibigyang halaga ang aral na nakapaloob sa aralin. C. Nakasasagot sa mga gawain na inihanda ng guro sa modyul para sa tiyak na pagkatuto. PAUNANG PAGSUBOK Bago natin simulang pag-aralan ang isang suring-pelikula subukan mo munang sagutin ang sumusunod: PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang. A. J.K. Rowling B. Daniel Radcliffe C. $980 milyon D. Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry E. Professor Dumbledore F. Php 700 milyon G. Harriet Beecher Stowe H. Rupert Grin I. Voldemort _______1. Kinita ng pelikulang ito na naging worldwide box office hit. _______2. Siya ang artista na gumanap na bida sa pelikulang Harry Potter and the Sorcerer’s Stone. _______3. Dito siya hinubog upang maging malakas at malampasan niya ang hamon sa buhay. _______4. Siya ang may akda ng nobelang Harry Potter at kinilalang mahusay na manunulat sa buong mundo. _______5. Ang kanyang guro na nagbibigay ng payo at paalala sa kaniya. 6 BALIK-ARAL Subukan naman natin ngayong tingnan ang mga natutuhan mo sa natapos na aralin, sikaping sagutin ang sumusunod na aytem at matuto. PANUTO: Piliin ang titik nang tamang sagot sa bawat bilang. ______1.Ito ay minana ni Jim sa kanyang ama at sa ama ng kanyang ama. A. gintong relos B. kotse C. lupain D. suklay ______2. Pinagmamalaki at iniingatan ni Delia Dillingham Young ang ari-ariang ito. A. bahay B. buhok C. damit D. lipstick ______3. Magkano ibinenta ni Delia ang kayang mahabang buhok? A. bente pesos B. isandaang piso C. piso D. singkwenta ______4. Ang regalo ni Jim kay Delia na siya nitong ikinaluha ay _____. A. alak B. hamon de bola C. huwego ng mga suklay D.sabon ______ 5. Nagsalin sa Filipino ng kuwentong Hari ng Mago. A. Eric Cruz C. Rufino Alejandro B. Roderic Argulles D. Sheila Molina ARALIN Handa ka na bang makatuklas ng panibagong kaalaman na siya mong ikatutuwa? Simulan nating pagyamanin ang iyong kaalaman at kakayahan sa panitikang kinagigiliwan at isa sa naging popular sa United States of America. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na teksto. Isang Suring-Pelikula “Harry Potter and the Sorcerer’s Stone Ang Harry Potter and the Sorcerer’s Stone ay unang libro ni J.K. Rowling mula sa serye ng Harry Potter. Sinasabing ang nobelang ito ay naghatid kay Rowling ng kasikatan bilang isang mahusay na manunulat sa buong mundo. Isinapelikula ito noong 2001 na idinirek ni Chris Columbus at ibinahagi ng Warmer Bros. Pictures. Pinagbibidahan ito nina Daniel Radcliffe bilang Harry Potter, Rupert Grin at Emma Watson. Tinatayang umabot sa $980 milyon ang kinita nito na naging worlwide box office hit at kinilala sa ibat ibang award-giving bodies tulad ng Academy Awards. 7 Nagbukas sa isang pagdiriwang ang kuwento na kadalasang palihim dahil sa mga nagdaan taon ay laging ginugulo ni Lord Voldemort. Bago ang gabing iyon natuklasan ni Voldemort ang pinagtataguan ng tagong mag-anak ng Potter, at pinatay sina Lily at James Potter. Ngunit nang itinuro na niya ang kaniyang wand sa sanggol nitong anak na si Harry, ang sumpang patayin ito ay bumalik sa kanya. Ang kaniyang katawan ay nasira, at si Voldemort ay naging isang walang kapangyarihang kaluluwa, samantalang si Harry naman ay naiwang may marka ng kidlat sa kaniyang noo, ang natatanging palatandaan ng sumpa ni Voldemort, Ang misteryosong pagkakatalo nito kay Harry ay nagresulta sa pagkakakilalang “ang batang nabuhay” sa mundo ng mga wizard. Marami ang nagyari kay Harry sa simula, nalagpasan niya ito sa tulong ng kaniyang mga kaibigan na sina Ron at Hermione. Katulong din niya si Professor Dumbledore na laging nariyan at nagbibigay ng payo at paalala sa kanya. Totoo naman na nakuha ng pelikulang ito ang kiliti ng masa lalo na ang kabataan. Ang mga karakter na ginamit dito ay nagpapaalala ng mga taong kilala na natin at sa mga taong dapat pa nating kilalanin. Malaking bilang rin ng mga batang manonood ang makaka-relate kay Harry partikular sa kaniyang inisyal na damdamin ng ganap na paghihiwalay at di kasali sa isang pamilya ngunit dumating ang panahon na dapat na niyang iwanan ang naturang buhay niya upang pumunta sa lugar kung saan siya kabilang at magiging ganap na masaya. Magaling ang pagkakasulat ng iskrip, ang kasaysayan nito ay inilahad sa pamamagitan ng malalim na pananaliksik at pag-iisip. Buhay na buhay ang pelikula kung saan nakatulong ng malaki ang kulay na nakaangkop sa kapaligirang kinunan ng kamera bagaman hindi rin maiwasan ang pagkakaroon ng larawang kulang sa ilaw. Sa kabuuan, ang pelikulang Harry Potter and the Socerer’s Stone ay isang napakagandang pelikula. Sa pamamagitan ng pelikulang ito, nakikilala natin ang kultura ng ibang bansa at impluwensiyang nadala nito sa atin. -Mula sa Elements of Literature nina Holt et.al.2008. Texas, USA MGA PAGSASANAY PAGSASANAY BLG. 1 PANUTO: Isulat sa patlang ang letrang T kung tama ang kahulugan ng unang salitang may salungguhit sa pangungusap at M kung mali at isulat ang tamang kahulugan sa patlang. ______1. Ang ulilang si Harry ay pinalaki ng kanyang malupit at walang kapangyarihang kamag-anak na mahigpit gayun pa man, may mga taong mabubuti ang tumulong sa kanya. 8 ______2. Ang pagkagapi ni Voldemort kay Harry ay nagresulta sa pagkakakilala sa batang wizard subalit hindi siya titigil hanggang hindi nagtatagumpay sa nangyaring pagkatalo. ______3. Sa kabuuan ang Harry Potter The Sorcerer’s Stone ay magandang pelikula. Sa kabila nito, marami pa rin ang mas nahahalinang basahin ang nobela. ______4. Napagtagumpayan ni Harry Potter ang kanyang pakikipagsapalaran sa tulong ng kaniyang mga kaibigan na sina Ron at Hermione. Nalagpasan nila ito ng hindi ganun kadali. ______5. Sa bansang Russia sumikat ang nasabing pelikula na nagkamit ng ibat ibang parangal. Naging tanyag din ito sa ibat-ibang panig ng mundo. PAGSASANAY BLG. 2 PANUTO: Sagutin ang mga gabay na tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Ang sumusunod ay pagkakatulad ng nobela at pelikula maliban sa ________. A. Likhang isip ng manunulat ang nobela at pelikula. B. Parehong sining na nahahati sa mga kabanata o yugto. C. Nagbibigay ng aral at nagiging gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay. D. Naglalahad ng mga pangyayaring kawili-wili para sa mga mambabasa at manonood. 2.Makikita ba sa nobela at pelikula ang tatak ng kultura ng bansang pinagmulan nito? A. Oo, dahil isa ito sa layunin nito ang maging salamin ng kultura ang nobela at pelikula. B. Hindi, dahil ito ay likhang-isip lamang ng may-akda. C. Oo, dahil nakasalalay dito ang kanilang kayamanan. D. Hindi mababakas dito ang kanilang at tradisyon. 3. Alin sa mga pahayag ang Hindi angkop na dahilan upang isapelikula ang isang nobela? A. Ito ay paraan para makakita ng artista. B. Ito ay pagpaparangal para sa may-akda. C. Ito ay pagpapahalaga sa kultura at tradisyon ng isang lugar. D. Ito ay pagbibigay buhay sa mga kaganapan noon na magiging inspirasyon ng mga manonood. PAGSASANAY BLG. 3 Panuto: Bilugan ang thumps up kung wasto at thumps down kung mali ang pahayag. 1.Ang tagpuan ay isang elemento ng nobela na tumutukoy sa lugar at panahon ng mga pinangyarihan. 2. Ang banghay ay nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari. 3. Laging nariyan si J.K. Rowling upang magbigay ng payo kay Harry Potter. 9 4. Si Lord Valdemort ay naging walang kapangyarihang kaluluwa sa pelikula dahil sa tangka niyang pagpatay sa batang si Harry. 5. Ang mensahe ng pelikula ay patungkol sa pakikipagkaibigan. PAGLALAHAT Ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan? Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing- kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa. Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad., samantalang sa maikling kuwento, Iisang pangyayari lamang ang inilalahad. Iisa ang balangkas ng nobela at maikling kuwento ngunit nagkakaiba lamang ito sa nilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysay dito ay may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mamamayan at naglalarawan ng kultura ng bawat bansang pinanggalinagn nito. Ang isang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin. Ito ay ang sumusunod: a.) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan, b.)pagsaalang-alang sa kailanganng kaasalan, c.) kawili-wili at pumupukaw ng damdamin, d.) pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon, e.) malikhain at may dapat maging maguniguning paglalahad, at f.) nag-iiwan ng kakintalan. Elemento ng Nobela a. Tagpuan- lugar at panahon ng mga pinangyarihan b. Tauhan- sa nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela c. Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari d. Pananaw- panauhang ginagamit ng may akda( a. una-kapag kasali ang may akda; b. pangalawa- ang may-akda ang nakikipag-usap; c. pangatlo- batay sa nakikita o obserbasyon ng may akda) e. Tema- paksang-diwang binibigyan-diin sa nobela f. Damdamin- nagbibigay-kulay sa mga pangyayari g. Pamamaraan- estilo ng manunulat/awtor h. Pananalita- diyalogong ginamit i. Simbolismo- nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at pangyayari 10 Kinasabikan at kinagiliwan ng marami ang naging buhay ni Harry Potter sa nobela; inabangan at tinangkilik din ng madla ang pelikula, kung bibigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang wakas nito (Harry Potter and The Sorcerer’s Stone) paano mo tatapusin ang kwento ni Harry? Isulat dito ang naisip mong sariling wakas ng pelikula: Pamantayan sa Pagmamarka: A. Mahusay na nakapaglahad at orihinal ang wakas. 5 puntos B. Naisalaysay ng may organisasyon sa mga pangyayari 3 puntos C. Nakapukaw ng atensyon ang wakas sa mambabasa 2 puntos Kabuuhan 10 puntos PAGPAPAHALAGA Matapos mong maunawaan at matalakay ang naunang aralin nalaman mo kung gaano kaganda ang nobelang Harry Potter the Sorcerer’s Stone na isina pelikula pa at umani ng mga papuri at kumita ng malaki. Gayundin ay mas lumawak pa ang iyong pagkaunawa sa nobela at katangiang dapat taglayin nito. Kasama rin sa iyong nalaman ang ibat ibang elemento ng nobela. Ipinakita ng pelikula ang kahalagahan ng pakikipagkaibigan; sa panahon ngayon na humaharap tayo sa pandemya, paano mo maipapakita ang iyong katapatan sa kaibigan? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ _________________________________. 11 Mahalaga ang nobela bilang bahagi ng panitikang Pilipino, makikita rito ang kultura at tradisyon ng ating bansa. Gayundin ang nalaman mo sa pagbabasa at/o panonood ng Harry Potter the Sorcerer’s Stone, Sa iyong palagay, bakit mahalagang mapanatili ang kultura ng isang bansa sa pamamagitan ng panitikan? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ _________________________________. Pamantayan sa Pagmamarka: A. Naipaliwanag ng malinaw ang posisyon sa bawat tanong. 5 puntos B. Naiuugnay ang natutuhan sa pagsagot sa bawat bilang 5 puntos Kabuuhan 10 Puntos PANAPOS NA PAGSUSULIT Magaling! Malapit mo ng matapos ang aralin sa modyul na ito. Narito ang huling pagsubok na susukat sa iyong nalalaman. PANUTO: Basahing mabuti ang pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ang sumusunod ay mga elemento ng nobela maliban sa _____. A. banghay B. kariktan C. tauhan D. tema 2. Ang pelikulang Harry Potter ay isa ring _____. A. maikling kwento B nobela C. sanaysay D. tula 3. Ang sumusunod ay mga katangiang dapat taglayin ng nobela maliban sa _____. A. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan B. nag-iiwan ng kakintalan C. may sukat at tugmaan D. malikhain at may dapat maguni-guning paglalahad 4. Ang “wizard” sa Filipino ay may kahulugan na _____. A. manghuhula B. mangkukulam C. mangangaso D. salamangkero 5. Sa pamamagitan ng pelikula ay makikilala ang _____ ng isang bansa. A. kultura B. musika C. paniniwala D. talent 12 13 MODYUL 13 ARALIN 2.5 (NOBELA) Paunang Pagsubok Bal i k ar al 1. C 1. A 2. B 2. B 3. D 3. A 4. A 4. C 5. E 5. C Pagsasanay BLG. 1 1. mahigpit 2. pagkatalo 3. T 4. T 5. T Pagsasanay BLG. 2 1. B 2. A 3. A Pagsasanay BLG. 3 Pagl al ahat *Kukunan ng larawan ang sagot ng bata at i se send sa guro. Pagpapahal aga *Kukunan ng larawan ang sagot ng bata at i se send sa guro. Panapos na Pagsusulit 1. B 3. C 5. A 2. B 4. D 3. C SUSI SA PAGWAWASTO Sanggunian Kagawaran ng Edukasyon,Modyul para sa mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang sa Filipino, Unang Edisyon, 2015 14

Use Quizgecko on...
Browser
Browser