Summary

Ang dokumentong ito ay isang talakayan tungkol sa ekonomiks, na isang agham panlipunan na nag-aaral sa mga pagkilos, pagsisikap ng mga tao, at mga paraan ng paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang pangangailangan ng tao. Kasama rito ang pagtalakay sa mga konsepto ng kakapusan, pangangailangan, kagustuhan, at iba pa.

Full Transcript

EKONOMIKS ay isang agham panlipunan na may layuning pag-aralan ang mga pagkilos, pagsisikap ng mga tao, at mga paraan ng paggamit ng mga limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa buhay. ay isang pag-aaral na tumatalakay sa paggamit ng mga...

EKONOMIKS ay isang agham panlipunan na may layuning pag-aralan ang mga pagkilos, pagsisikap ng mga tao, at mga paraan ng paggamit ng mga limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa buhay. ay isang pag-aaral na tumatalakay sa paggamit ng mga limitadong pinagkukunang yaman para maipamahagi at makagawa ng mga iba't ibang klase ng produkto at serbisyo at ibat-ibang pangkat ng lipunan para sa kasalukuyan at hinaharap. Ang ekonomiks ay hango sa salitang Griyego na "oikonomia" (pamamahala ng sambahayan) household management OIKOS - pamamahala NOMOS - tahanan/sambahayan Adam Smith Ama ng Makabagong Ekonomiks Sumulat ng doktrinang laissez-faire o Let Alone Policy Ang espesyalisasyon niya ay ang paghahati ng mga gawain sa produksiyon ayon sa kapasidad at kakayahan sa paggawa. Sinulat ang aklat na An Inquiry into the Nature and Causes of Wealth of Nations. Thomas Robert Malthus Ang kaniyang Malthusian Theory ay nagsasabing ang populasyon ay mas mabilis lumaki kaysa sa supply ng pagkain na nagdudulot ng labis na kagutuman sa bansa. David Ricardo Law of Marginal Returns - Ang patuloy na paggamit ng tao sa mga likas na yaman ay nagiging dahilan ng pagliit ng nakukuha mula sa mga ito. Law of Comparative Advantage - Isang prinsipyong nagsasaad na mas nakalalamang ang mga bansa na nakagagawa ng mga produkto sa mas mababang halaga (production cost) kumpara sa ibang bansa. John Keynes Father of Modern Theory of Employment. Sinulat ang aklat na General Theory of Employment, Interest and Money. Karl Marx Ama ng Komunismo. Sinulat ang aklat na Das Kapital na naglalaman ng mga aral ng komunismo. Sinulat ang Communist Manifesto kasama si Friedrich Engels. Pag-aaral ng Ekonomiks Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nalilinang ang mga kaisipang pampolitika, pangkabuhayan, at pangmoralidad ng mga tao. Ekonomiks Bilang Agham Ang ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan kung saan ang tuon ay pag- aralan ang mga kilos, gawi, at lahat ng pagpupunyagi ng tao na maghanapbuhay at ang pagsisikap ng pamahalaan na ayusin ang ekonomiya na nakaaapekto sa pamumuhay ng tao. Isinasagawa ang Siyentipikong Pamamaraan upang suriin ang mga suliranin at kaganapan na may kaugnayan at epekto sa ekonomiya. (populasyon, korapsyon, trapiko) Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Siyentipikong Pamamaraan Pagtukoy sa suliranin Pagbibigay ng Hypothesis Pangangalap ng mga Datos at Impormasyon Pagsusuri ng mga Datos Impormasyon Pagbibigay ng Kongklusyon at Rekomendasyon MGA MAHALAGANG KONSEPTO SA PAGPILI AT PAGDEDESISYON Individual Choice Ang paggawa ng pagpili at pasya ng indibidwal upang matugunan ang kanyang pangangailangan dahil sa limitadong pinagkukunang yaman. Kailangang isaalang- alang niya ang halaga at pakinabang na makukuha sa ginagawang pagpili. Social Choice Ay ang pinagsama-samang pagpapasiya ng mga indibidwal, pangkat, organisasyon, at pamahalaan ukol sa hakbangin upang matugunan ang mga pangangailangan ng buong lipunan. Economic Choice Ay may kinalaman sa desisyon ukol sa iba't ibang gamit ng limitadong pinagkukunang yaman. Opportunity Cost- ay ang isinasakripisyong bagay upang gamitin sa kasalukuyang paggagamitan nito. Trade Off- ang pagpili batay sa mga alternatibong kapalit ng mga bagay na isinasakripisyo o pagpapaliban ng pagbili ng isang bagay upang makamit ang ibang bagay. Benefit - ito ay may kinalaman sa pakinabang na natamo sa nagawang pagpili. Aralin 2 : Konsepto ng kakapusan KAKAPUSAN (SCARCITY) ay tumutukoy sa pagkakaroon ng limitasyon sa mga pinagkukunang yaman na ginagamit sa paglikha ng mga produkto. Ito ay isang kalagayan na kaakibat ng buhay ng tao na naglalarawan ng pagtutunggalian sa paggamit ng yaman ng bansa upang matugunan ang mga pangangailangan. KAKULANGAN (SHORTAGE) pansamantala lamang, maaring sa maikli o mahabang panahon. Ito ay nagaganap kapag ang mga prodyuser ay hindi makapag-supply ng mga produkto ayon sa kasalukuyang pangangailangan ng pamilihan. KALAGAYAN NG KAKAPUSAN pisikal na kalagayan – tumutukoy ito sa limitadong pinagkukunang-yaman kalagayang pangkaisipan – tumutukoy naman ito sa walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao. kakapusan at dahilan nito Maaksayang paggamit ng pinagkukunang-yaman Non-renewability ng ilang pinagkukunang yaman Kawalang hanggan na pangangailangan ng tao. HOARDING – artipisyal na kakulangan ng isang produkto sa pamilihan KARTEL – pangkat ng malaking negosyante na kumukontrol at nagmamanipula TATLONG PARAAN UPANG MALABANAN ANG KAKAPUSAN Gamitin ng maayos ang pinagkukunang-yaman Bawasan ang sobrang paggastos ng mga tao Palaguin ang ekonomiya ARALIN 3: MGA PANGANGAILANGAN AT KAgustuhan ng mga tao PANGANGAILANGAN – mga bagay na kailangan ng tao uopang mabuhay KAGUSTUHAN – maaaring tugunan o hindi tugunan sapagkat hindi nakasalalay ditto ang buahy ng tao HERARKIYA NG PANGANGAILANGAN Ayon kay Abraham Harold Maslow, ang pangangailangan ng tao ay may iba’t ibang digri ayon sa kakayanan ng tao na makamit at matugunan ang mga ito. MAITUPAD ANGKAGANAPAN NG PAGKATAO ang pinakamataas na pangangailangan Maituturing na tagumpay ang isang tao kapag ang kaniyang ambisyon at pangarap sa buhay ay nakamit PAGPAPAHALAGA MULA SA IBANG TAO Ito ay nagsisilbing pagkilala sa ating paghihirap at pagsisikap. MAGMAHAL, MAKISAPI, MAKIPAGKAIBIGAN Ang pagsapi sa mga organisasyon sa paaralan, trabaho, pamayanan, at lipunan ay bahagi ng pagtugon sa mga pangangailangang ito. PANGANGAILANGANG PANSEGURIDAD Ang pagkakaroon ng kaayusan, kapayapaan, katahimikan, kalayaan sa takot, at pangamba ang ninanais ng tao na makamit sa kanilang pamumuhay. PANGANGAILANGANG PISYOLOHIKAL Ito ang mga bagay na kailangan ng ating katawan upang manatiling normal ang takbo nito MGA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSIYA SA MGHA PANGANGAILANGAN NG TAO Edad Panlasa Edukasyon Kita Hanapbuhay

Use Quizgecko on...
Browser
Browser