ISYU SA PAGGAWA PDF
Document Details
Uploaded by HighQualityLavender6239
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng pag-aaral sa mga problema sa paggawa sa Pilipinas. Sinusuri nito ang mga aspeto ng mga isyu sa paggawa sa bansa, kabilang ang unemployment rate, populasyon, at mga patakaran ng pamahalaan. May mga talakayan sa iba't ibang sektor ng ekonomiya, gaya ng agrikultura at industriya.
Full Transcript
ISYU SA PAGGAWA LAYUNIN Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at MELC BASED pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa UNEMPLOYMENT RATE 100 100 90...
ISYU SA PAGGAWA LAYUNIN Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at MELC BASED pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa UNEMPLOYMENT RATE 100 100 90 80 80 70 60 60 50 40 20 0 2015 2016 2017 Ano kayang ang posibleng dahilan ng kawalan ng trabaho ng tao? Edad Ang edad 15 hanggang 24 taon ang ay naghahahanap ng trabaho at ilan ay hinihingian ng natapos o credentials. Paglaki ng Populasyon Ang pagkakaroon ng maraming anak ay nakabawas sa pagiging produktibo. Dahil ayon sa pamahalaan, kung mas kaunti ang populasyon, mas kaunti ang kailangang trabaho. Pamahalaan Sa kabilang dako may nagsasabi na ang isa sa mga pinakadahilan ng unemployment ay ang pamahalaan dahil sa walang komprehensibo at pangmatagalang plano na makalilikha ng trabaho para sa mga mamamayan. Mga Uri ng Unemployment 1. Voluntary - Nangyayari kapag sinasadyang hindi nagtratrabaho. 2. Frictional - Nangyayari habang naghihintay ng panibagong trabaho o panandaliang ipinatigil ang trabaho dahil sa ibang gawain katulad ng pagwewelga. 3. Casual - Nangayayari kapag ang trabaho ay pana panahon o para lamang sa tiyak na panahon. 4. Seasonal - Nangyayari kapag ang trabaho ay pana panahon o para lamang sa tiyak na panahon (Halimbawa: Tuwing magpa pasko) 5. Structural - Nangyayari kapag ang isang uri ng produkto ay hindi na kailangan sa ekonomiya kaya hindi na rin kailangan ang mga nagtrabaho at namumuhunan. 6. Cyclical- Nagkakaroon nito kapag ang industriya ng mga mangaggawa ay nakaranas ng business cycle. Kapag mahina ang industriya, mataas ang antas ng unemployment. ANG Ilan sa maraming naidulot GLOBALISASYON ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga AT PAGGAWA sumusunod: demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard; mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigan pamilihan; binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa; at dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal. Hindi na bagong bagay na kadalasang naririnig natin na karamihan sa mga bagong tapos ng kolehiyo ay sa mga Business Process Outsourcing (BPO) ang bagsak bilang mga call center agents. Ito ay sa dahilang maraming nangangailangan ng mga call center agents, may magaganda itong benepisyo at mataas ang sahod. Ang Department of Labor and Employment (DOLE) na may layuning maiangat pa ang antas ng kalagayan ng mga manggagawa para sa pantay na oportunidad ng mga Pilipino anuman ang kasarian ay nagbahagi ng apat na haligi para sa isang disente at marangal na paggawa (DOLE 2016). Ito ay ang mga sumusunod: 1. Employment Pillar - Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggagawa 2. Worker’s Right Pillar - Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa 3. Social Protection Pillar - Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap tanggap na pasahod at oportunidad 4. Social Dialogue Pillar -Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggaptanggap na pasahod, at oportunidad. Palakasin at laging bukas na pagpupulong sa pagitan pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining. Kalagayan ng mga Manggagawa sa Ibat- ibang Sektor SEKTOR NG AGRIKULTURA Sektor ng Industriya Ang pagpasok ng mga dayuhang kumpanya at ng TNCs ay nakaapekto sa sektor ng industriya. Bahagi ito ng naging kasunduan sa pagitan ng International Monetary Fund – World Bank (IMF- WB), isang pandaigdigang institusyong pinansyal at ng Pilipinas kung saan naging kapalit ng kanilang pagpapautang sa bansa ay ang pagbubukas ng ating pamilihan sa mga dayuhang kumpanya. Ipinatupad ang Import Liberalizations o pagluluwag sa pagpasok ng mga kalakal, Deregularisasyon sa patakaran ng pamahalaan at Pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo. Kaalinsabay nito ang pagkakaroon ng pag- abuso sa karapatan ng mga manggagawa tulad ng: a. mahabang oras ng pagpasok sa trabaho, b. mababang pasahod, c. hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado, at d. kawalan ng sapat na seguridad kung may maaksidente o masawi Sektor ng Serbisyo Mahalaga ang sektor ng serbisyo sa daloy ng kalakalan dahil ito ang tumitiyak na makararating sa mga mamimili ang mga produkto. Noong 2016, tinataya na mahigit 56.3 bahagdan ng mga manggagawa ay kabilang sa sektor ng serbisyo (NEDA, 2016). Ang patuloy na pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa (APEC 2016) ay nangangailangan ng higit na prayoridad mula sa pamahalaan kung paano matutugunan ang kapakanan ng mga manggagawa sa sektor ng serbisyo upang makatulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Maliban sa mababang pasahod sa mga manggagawang Pilipino, sila ay nakararanas din ng iba’t ibang suliranin tulad ng: a. over-worked b. mga sakit na nakukuha ng mga nasa BPO dahil sa hindi normal na oras ng pagtatrabaho c. patuloy na pagbaba ng bilang ng mga Small Medium Enterprises (SMEs) dahil sa pagpasok ng mga supermalls ISKEMANG SUBCONTRACTING ISKEMANG SUBCONTRACTING Ang subcontracting ay ang tawag sa sistema na kung saan ang isang kumpanya ay kumukuha ng empleyado o ahensya sa labas ng kumpanya upang tapusin o tumulong sa isang proyekto na kadalasan ay may hanggang anim na buwan lang ang termino ng pagtatrabaho. Ito ay may dalawang anyo: LABOR-ONLY CONTRACTING kung saan ang mga manggagawa ng subkontraktor ay mayroong sapat na kaalaman o kasanayan sa gawain ng kumpanya pero walang sapat na kapital para sa trabaho o serbisyo ang subkontraktor, JOB-CONTRACTING ang subcontrator ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Wala silang direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya. Hindi pinapayagan sa batas ang job-contracting dahil naaapektuhan nito ang seguridad ng mga manggagawa sa trabaho. UNEMPLOYMENT UNDEREMPLOYMENT Mura at Flexible Labor Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa. EPEKTO NG KONTRAKTUWALISASYON Sa mga nakaraang dekada, may mga pagawaan na sa bansa ang gumagawa ng flexible working arrangements. Sa sektor ng industriya , kadalasan na sa bawat isang mang gagawang regular na empleyado, lima rito ang kontraktuwal o kaswal. Isa sa mga dahilan ng mga kumpanya sa pagkakaroon ng mga kaswal na empleyado ay ang pabago bago sa job orders o purchase orders o ang pagbaba ng presyo ng kanilang produkto sa pandaigdigang merkado. KONTRAKTUWALISASYON Hindi naging maganda ang nagiging kalagayan ng mga mang gagawang kontraktuwal /kaswal. Hindi sila binabayaran ng karampatang sahod at mga benepisyong ayon sa batas na tinatamasa ng mga mang gagawang regular. KONTRAKTUWALISASYON Naiiwasan ng mga kapitalista maging ang pagbabayad ng separation pay, SSS, PhilHealth at iba pa. MGA TUGON SA HAMON SA PAGGAWA Upang matugunan ang mga isyu at suliranin sa paggawa, ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa paggawa ay nagpatupad ng mga batas at polisiya na makatutulong na maitaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga manggawa sa ating bansa. Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code Ang batas na ito ay nagtatakda ng mga alituntunin na naglalayong ingatan ang mga mangagawa at mabigyan ng batayan ang mga karapatang pang manggagawa sa Pilipinas. Department Order 18-A ng DOLE Ang Department Order 18-A ng DOLE taong 2011 ay naghayag ng patakaran ng pamahalaan laban sa pagpapakontrata. Hinigpitan ang probisyon ng pagpapakontrata, pinatingkad (highlighted) ang usapin ng karapatan ng mga manggagawang kontraktuwal (partikular na ang seguridad sa trabaho o pagka-regular), at iba pang karapatang tinatamasa ng mga regular na manggagawa. Department Order 10 ng DOLE sa ilalim ng Department Order 18-02, Naging malaking usapin ito kaya’t binalasa ang probisyon ng Department Order 10 ng DOLE sa ilalim ng Department Order 18- 02, isinasaad dito ang pagbabawal ng pagpapakontrata ng mga trabaho at gawaing makakaapekto sa mga manggagawang regular na magreresulta sa pagbabawas sa kanila at ng kanilang oras o araw ng paggawa; o kung ang pagpapakontrata ay makakaapekto sa unyon gaya ng pagbabawas ng kasapi, pagpapahina ng bargaining leverage o pagkahati ng bargaining unit