Edukasyon sa Pagpapakatao Aralin 6: Mabuting Pakikipagkaibigan, Tunay na Kayamanan PDF
Document Details
Uploaded by AffordableBandoneon
Aristotle
Therese Margaret A. Avendaño
Tags
Related
- Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10 Past Paper PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 3.a: Lipunang Pang-Ekonomiya (Linggo: Ikalima) PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 6, Unang Markahan, Modyul 1, PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Markahan, Modyul 3: Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa - PDF
- EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9 (Quarter 1) Notes PDF
- Good Manners and Right Conduct (Edukasyon sa Pagpapakatao) PDF
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao tungkol sa mabuting pakikipagkaibigan. Binibigyang-diin nito ang mga katangian, uri, at tuntunin upang mapanatili ang malusog na relasyon, pati na ang pakikipagkaibigan sa virtual na mundo (cyber friendship).
Full Transcript
# Edukasyon sa Pagpapakatao ## Aralin 6: Mabuting Pakikipagkaibigan, Tunay na Kayamanan ### Ang Mabuting Pakikipagkaibigan - Ang tao ay likas na nakakaugnay sa iba - Pumapangalawa ang kaibigan sa pamilya na kasama ng tao sa hirap at ginhawa - Higit pa sa kayamanan ang makatagpo ng mga tunay na kai...
# Edukasyon sa Pagpapakatao ## Aralin 6: Mabuting Pakikipagkaibigan, Tunay na Kayamanan ### Ang Mabuting Pakikipagkaibigan - Ang tao ay likas na nakakaugnay sa iba - Pumapangalawa ang kaibigan sa pamilya na kasama ng tao sa hirap at ginhawa - Higit pa sa kayamanan ang makatagpo ng mga tunay na kaibigan ### Mga Katangian na Bubuo sa Ulirang Pakikipagkaibigan 1. Ang mabuting kaibigan ay handang dumayo sa iyo - ang kaibigan ay handang tumulong sa abot ng kanilang makakaya 2. Ang mabuting kaibigan ay matapat - ang kaibigan ay nagsisilbing isang salamin kung saan mas makikilala mo ang iyong kakayahan at kakulangan 3. Ang mabuting kaibigan ay marunong magbigay - pagbibigay ng oras, talento, kakayahan, at pang-unawa 4. Ang mabuting kaibigan ay mapagkakatiwalaan - ang mabuting kaibigan ay marunong magtago ng anumang lihim ng isang kaibigan ### Mga Katangian ng Isang Mabuting Pakikipagkaibigan - Ang pakikipagkaibigan ay binubuo - Ang pakikipagkaibigan ay isinasakilos - Ang pakikipagkaibigan ay isang patuloy na proseso - Ang pakikipagkaibigan ay dapat nakabatay sa ugnayang matuwid at makatuwiran - Nakakatulong ang pagkakaroon ng bukas na isipan sa ugnayang magkakaibigan - Ang pakikipagkaibigan ay hindi magkakatulad sa iba-ibang tao ### Barkada, Kaibigan, at Kaibigang Matalik | Kategorya | Antas | Katangian | |---|---|---| | Barkada | Pinakamababaw na antas | Karaniwang kasama sa maraming gawain katulad ng paglilibang o paggawa ng proyekto<br>Sila ay hindi pinagkakatiwalaan ng sikreto at mga sensitibong impormasyon | | Kaibigan | Susunod na antas | Marami silang alam tungkol sa iyo <br> Mas komportableng ipaalam ang suliranin sa kanila dahil sa nabuo ng tiwala | | Kaibigang Matalik | Pinakamatalim na antas | Itinuturing ng bahagi ng pamilya <br> Naipagkakatiwala sa kanila ang sensitibong impormasyon tungkol sa iyo | ### Tatlong Uri ng Pakikipagkaibigan (Ayon kay Aristotle) 1. Pakikipagkaibigang bunga ng pangangailangan. "Kaibigan kita dahil kailangan kita." 2. Pakikipagkaibigang bunga ng pansariling kasiyahan. "Kaibigan kita dahil masaya kang kasama at kausap." 3. Pakikipagkaibigang bunga ng kabutihan. "Kaibigan kita dahil magkasama tayong may nagagawang mabuti." ### Limang Antas ng Pakikipagkaibigan 1. Pag-unlad 2. Sabay o kapuwa pag-unlad ng magkaibigan. 3. Kapuwa pag-unlad kasabay ng iba. 4. Kapuwa pag-unlad para sa iisang layunin. 5. Kapuwa pag-unlad kasama ang Diyos. ### Mga Tuntunin sa Pagpapalalim ng Pakikipagkaibigan (Friendship Factor ni Alan Loy McGinnis) 1. Bigyan ng sapat na panahon ang iyong pakikipag-kaibigan. - Naglalaan ng kaunting oras bago matapos ang araw. 2. Magkaroon ng isang malinaw na pag-uunawaan (transparency) na may pagsasabihan kung ano ang pangyayari sa inyong dalawang magkaibigan. - Maging bukas at ibahagi ang sarili sa kaibigan. 3. Maglakas loob na sabihin ang iyong pagmamahal. (mahal kita, miss kita, i love you.) - Masarap pakinggan ang mga katagang ito, ngunit sa pagsasabi nito, nararapat ding iwasan ang maling paggamit sa alinman sa tatlong pagkakataon tulad nito: - Nakasanayan nang sabihin - Pagbabalik ng kataga ng pagmamahal - Hindi sensitibo sa reaksiyon ng taong tumatanggap 4. Pag-aralan ang mga kakayahan at kilos na nagpapakita ng pagmamahal. - Pag-aalala sa kaibigan sa mga araw na may okasyon, simpleng imbitasyon ng pagkain sa labas, panonood ng sine, o pamamasyal. 5. Maglaan ng kaunting espasyo sa inyong pagiging magkaibigan. - Ang pakikipagkaibigan ay hindi nangangahulugan na sa lahat ng pagkakataon ay palaging magkasama. Maaring makipagkaibigan sa iba. Kailangan maglaan ng espasyo sa isang relasyon dahil nakasasakal ang anumang bagay na sobra maging ito man ay pagmamahal. ### Cyber Friendship - Pakikipagkaibigan gamit ang makabagong teknolohiya - Ang paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng cellphone, gadgets, laptop, internet pati ng iba pang application gaya ng facebook, Instagram, tiktok at marami pang iba. - Ang CYBERSPACE ay nagbibigay-pagkakataon sa marami na mapalawak pa ang kanilang pakikipag-ugnayan at pakikipagkaibigan - Dapat mong tandaan na ang mga cyberspace ay may iba't ibang interes, hilig, pagpapahalaga, at mga priyoridad sa buhay. - Hindi tama na sila ay palagiang asahan na makatugon agad sa iyong mensahe o kahilingan. ### Laging sasapat ang tapat - Dahil hindi natin kailangan ng marami, hindi kailangan ng lagpas sa daliri, sapat na ang tapat at tunay na sa iyo ay mananatili... ### Maraming Salamat! - Prepared by: - Therese Margaret A Avendaño - 8 SSC - Aristotle