EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 EXAMINATION TEST PDF
Document Details
Uploaded by ModestVulture1370
Nueva Ecija University of Science and Technology
Tags
Summary
This document is an examination test on values, virtues, and moral reasoning for 7th graders. It covers topics such as virtues, habits, moral values, and the importance of making good decisions.
Full Transcript
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 EXAMINATION TEST BIRTUD - Ito ay galing sa salitang Latin na virtus na nangangahulug ang \"pagiging tao\". Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at pagkilos ng tao. Ang birtud ay hindi taglay ng tao sa kanyang kapanganakan. Wala pa siyang kakayahang mag-isip, magp...
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 EXAMINATION TEST BIRTUD - Ito ay galing sa salitang Latin na virtus na nangangahulug ang \"pagiging tao\". Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at pagkilos ng tao. Ang birtud ay hindi taglay ng tao sa kanyang kapanganakan. Wala pa siyang kakayahang mag-isip, magpasya, mangatwiran at kumilos sa kanyang pagsilang. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unting makikita ang pagbabago at pag-unlad. Ang mga ito ay dahil sa gawi (habits). HABITS - Ang gawi ay bunga ng paulit- ulit na pagsasagawa ng kilos. Ang bawat tao ay may magkakaibang gawi. ANG BIRTUD AY GAWI - Ito ay bunga ng mahaba at mahirap na pagsasanay. Bilang tao, kailangan nating makamit ang dalawang mahahalagang kasanayan Dalawang uri ng Birtud 1. Intelektuwal na Birtud 2. Moral na Birtud MORAL NA BIRTUD - Ang papapaunlad ng ating kakayahang gumawa ng mabuti at umiwas sa masama na siyang gawain ng ating kilos-loob. MORAL NA BIRTUD 1\. Katarungan (Justice) - Ang isang kilos ay maari lamang purihin o sisisihin kung ito ay naisagawa ng malaya 2\. Pagtitimpi (Temperance or Moderation) - Nabubuhay ang tao sa mapanukong mundo. 3\. Katatagan (Fortitude) - pagiging matatag sa lahat ng pagsubok 4\. Maingat na Paghuhusga (Prudence) - pinakamahalag a ang maging Mabuti KAHULUGAN AT URI NG PAGPAPAHALAGA - Ang pagpapahalaga o (values) ay nagmula sa salitang Latin na valore na nangangahulugang pagiging malakas o matatag at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan. HIRARKIYA NG PAGPAPAHALAGA MAX SCHELER Apat na uri ng hirarkiya ng pagpapahalaga ayon kay Max Scheler - Padamdam - Pambuhay - Ispirituwal - Banal Timelessness or Ability to Endure - Ang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito kailanman mababago ng panahon. Mas tumatagal ang mas mataas na pagpapahalaga kung ihahambing sa mababang mga pagpapahalaga. Indivisibilty - Ang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung sa kabila ng pagpasalin-salin nito sa napakaraming henerasyon, pagpapanatili ng kalidad nito. Mas mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay lumilikha ng iba pang mga pagpapahalaga Depth of Satisfaction - kaugnayan ng antas ng pagpapahalaga at ang lalim ng kasiyahang dulot nito. Ang isang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito nakabatay sa organismong nakararamdam nito. Mula sa mga nabanggit na mga prinsipyo, nabuo ni Scheler ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga. Tinawag niya ito na (\"ordo amoris\" o order of the heart). Pandamdam na mga Pagpapahalaga (Sensory Values) - pinakamababang antas ng pagpapahalaga, nagdudulot ng kasiyahan sa pandamdam ng tao. Pangunahing pangangailangan ng tao: pagkain, tubig, damit, tirahan, rangya o luho ng isang tao: mahal na cellphone, alahas, sasakyan. Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values) - mabuting kalagayan ng buhay (well-being). makapagpahinga masustansiyang pagkain quality time with family and friends Mga Ispiritwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values) - mas mataas ang pagpapahalaga para sa kabutihan, hindi ng sarili kundi ng mas nakararami. \- KAGANDAHAN \- KATARUNGAN \- KATOTOHANAN Banal na Pagpapahalaga (Holy Values) - pinakamataas sa lahat Maging handa sa pagharap sa Diyos. Pagkilos tungo sa kabanalan **Mga Panloob na Salik na Nakaiimpluwensya sa Paghubog ng Pagpapahalaga** KONSENSIYA - Mula sa salitang Latin na \"cum,\" or \"con\" -\"with o mayroon, \"scire\" - knowledge o kaalaman \"with knowledge\" o mayroong kaalaman. Konsensiya - Ito ang batas moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao, praktikal na paghuhusgang moral ng isip. Konsensiya - Kung nahubog ka na gamitin ang tamang konsensiya mula sa iyong paglaki bilang isang nagdadalaga o nagbibinata, napalalakas ang iyong kakayahang makabuo ng moral na paghusga. Sa malalim na kakayahang ito nakasalalay ang paghubog ng tama at mataas na antas ng pagpapahalaga. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan - Masasabi lamang na nagagawa ang tunay na kalayaan kung \(a) nakikilala ang tama at mali \(b) sinusunod ng tao ang kaniyang likas na kakayahang gawin ang tama at iwasan ang masama Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama Ang pagtukoy sa pangkalahatang kabutihan o kasamaan ng kilos ng tao ay masusukat sa pamamagitan ng mga sumusunod: EMC a\. layon (end) - tumutukoy sa layunin, dahilan o intensiyon ng kilos at ng gumagawa ng kilos b\. pamamaraan (means) - ay ang mismong kilos o gawa Pagsasabuhay ng mga Birtud (Practice of virtues) - Kapag isinasabuhay na ang mga pagpapahalaga, nangangahulugan ito na unti-unti nang mahuhubog ang iyong kilos o gawi (attitude), na siya namang mahalaga upang mahubog ang iyong magandang ugali o asal (behavior). Disiplinang Pansarili (Self-Discipline) Upang mahubog ang disiplinang pansarili, **M** a. mag-isip at magpasiya nang makatuwiran (rational) **M** b. maging mapanagutan sa lahat ng kanyang kilos (accountable) **K** c. tanggapin ang kalalabasan (consequence) ng pasya at kilos **K** d. gamitin nang wasto ang kanyang Kalayaan Kabilang sa mga salik na ito ang mga sumusunod: 1\. Pamilya at Paraan ng Pag-aaruga sa Anak. 2\. Guro at Tagapagturo ng Relihiyon. 3\. Mga Kapwa Kabataan o Peers. 4\. Pamana na Kultura o Cultural Heritage at Impluwesiya ng Kapaligiran o Lipunan. 5\. Katayuang Panlipunan - Pangkabuhayan o Socio - Economic Background. 6\. Media. Pamilya at Paraan ng Pag - aaruga sa Anak - Natututo ang indibidwal sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kaniyang mga magulang sa mga aral na ito. Gayunpaman, hindi sapat ang paggabay at pangangaral ng sariling pamilya at mga magulang upang tuluyang mahubog ang sariling pagkatao at pagpapahalaga. Ang paghubog ng mga pagpapahalaga ay nagsisimula sa sariling tahanan. Ang tungkulin na ito ay nakaatang sa mga magulang ng isang indibidwal. Sila ang nagsisilbing unang guro na nagtuturo ng mga mahahalagang prinsipyo gaya ng pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili at sa kapwa, pagbibigay at pagbabahagi, pagpapasalamat, paggalang, at dignidad. Guro at Tagapagturo ng Relihiyon. - Bukod sa tahanan, maaari ring matuto ang isang indibidwal sa paaralan. Katulong ng mga magulang ang mga guro sa paghubog ng kaniyang mga pagpapahalaga. Sila ang gumagabay sa indibidwal tungo sa pagpapalawak ng kaniyang kaalaman at pang unawa, sa matalinong pagpapasiya sa pagitan ng tama at mali. Mga Kapwa Kabataan o Peers. - Sa paglabas ng isang indibidwal sa tahanan at paaralan, siya ay matututong makihalubiro sa kapwa niya kabataan. Dahil dito, maaari nilang maimpluwensiyahan ang mga pagpapahalagang kaniyang taglay. Upang mapanatili ang moral na prinsipyo, kailangan ng indibidwal na maging maingat sa pagpili ng mga kaibigang kaniyang pakikisamahan. Pamana ng Kultura o Cultural Heritage at Impluwensiya ng Kapaligiran o Lipunan - Sa paglawak ng mundong ginagalawan ng isang indibidwal, dumarami naman ang mga salik na maaaring makaimpluwensiya sa paghubog ng kaniyang mga pagpapahalaga kabilang na ang kaniyang nakagisnang kultura, ang mga pangyayari sa paligid, at ang mga pagbabago ng pamumuhay sa lipunan. Malaki ang bahaging ginagampanan ng bawat salik na ito sa pagpili ng indibidwal sa karapat-dapat na pagpapahalagang kaniyang tutularan at isasabuhay. Dapat siyang maging matalino sa kaniyang pagsusuri upang mapanatili niya ang likas na pamana ng kultura at makamit ang mataas na antas ng pagbabagong panlinunan sa kabila ng sari-saring impluwensiya ng kapaligiran. Katayuang Panlipunan-Pangkabuhayan o Socio-economic Background. - Mayroong dalawang panlipunang pangkabuhayang kondisyon na maaaring maging hadlang sa paghubog ng mga pagpapahalaga ng isang indibidwal ayon kay Esther Esteban. Ito ay ang labis na kahirapan at ang labis na karangyaan. Katayuang Panlipunan-Pangkabuhayan o Socio-economic Background. Alin man sa dalawang kondisyong ito ay maaaring makaapekto sa pagpapanatili o pagpapataas ng dignidad ng indibidwal kung kaya\'t mahalaga ang pagsasabuhay ng mga birtud upang matukoy ang mabuti at masama sa pagitan ng labis na kahirapan at labis na karangyaan. Media. Maaaring makatulong ang sumusunod na kasanayan upang maging gabay sa paghubog ng pagpapahalaga gamit ng media. 1. Kailangang mapalawak ang iyong kaalaman pangkalahatang katotohanan at batas moral sa na sumasalungat sa materyoso at makasariling hangarin ng tao sa patnubay ng mga magulang at guro. 2. Kailangang sanayin ang iyong kaisipan upang masuri ang kalidad ng ano mang impormasyon na tatanggapino produktong tatangkilikin, at ang pagsusuri sa pagpapahalaga at magiging gamit nito. 3. Pag-aralang pairalin ang pagtitimpi sa lahat ng pagkakataon sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga birtud. 4. Matutong talikuran ang tuksong dulot ng mga patalastas at mga panooring nagpapakita ng imoralidad, pagiging labis na pagkabulgar, at minsan ay may kalaswaan