Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungong sa Pananaliksik: Ang Tekstong Naratibo PDF
Document Details
Uploaded by StainlessVerse
STI
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa tekstong naratibo sa Tagalog. Tinatalakay ang iba't ibang pananaw, paraan ng pagpapahayag ng damdamin, at mga elemento sa pagsulat ng kuwento. Ang dokument ay may mga halimbawa at iba't ibang kategorya kung paano makabuo ng isang tekstong naratibo.
Full Transcript
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik: Ang Tekstong Naratibo Ang Tekstong Naratibo Ang Tekstong Naratibo Sa bawat araw sa buhay ng isang tao ay laging may mga pangyayaring naibabahagi o naikukuwento niya sa iba. Maaaring mga simpleng pangyayaring nasaksihan...
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik: Ang Tekstong Naratibo Ang Tekstong Naratibo Ang Tekstong Naratibo Sa bawat araw sa buhay ng isang tao ay laging may mga pangyayaring naibabahagi o naikukuwento niya sa iba. Maaaring mga simpleng pangyayaring nasaksihan sa kanyang pagpasok o kaya nama'y ang mga ipinagpapalagay niyang pinakamahahalaga o pinakamalalaking kaganapan sa kanyang maghapon. Ang pagsasalaysay o pagkukuwento ay karaniwang nangyayari kapag nagkitakita o nagsalo na ang mag-anak o maging ang magkakaibigan subalit minsan, ang salaysay ay hindi lang basta naibabahagi nang pasalita. Ang Tekstong Naratibo Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, mga nangyari sa isang lugar at panahon, o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan. Ang Tekstong Naratibo Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya. Ang Tekstong Naratibo Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga matang tumutunghay sa mga pangyayari. Ito ang ginamit ng manunulat na paningin o pananaw sa pagsasalaysay. Mga iba’t ibang Pananaw o Paningin (Point of View) 1. Unang Panauhan - sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na "ako”. Mga iba’t ibang Pananaw o Paningin (Point of View) 2. Ikalawang Panauhan - dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya 't gumagamit siya ng mga panghalip na "ka" o "ikaw" Mga iba’t ibang Pananaw o Paningin (Point of View) 3. Ikatlong Panauhan - ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay "siya". Ang tagapagsalaysay ay tagapag- obserba lang at nasa labas siya ng mga pangyayari. Mga iba’t ibang Pananaw o Paningin (Point of View) Tatlong (3) uri ng Ikatlong Panauhan: a. Maladiyos na Panauhan - Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa. Mga iba’t ibang Pananaw o Paningin (Point of View) Tatlong (3) uri ng Ikatlong Panauhan: b. Limitadong Panauhan - Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan. Subalit hindi ang sa iba pang tauhan Mga iba’t ibang Pananaw o Paningin (Point of View) Tatlong (3) uri ng Ikatlong Panauhan: c. Tagapag-obserbang Panauhan- Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kanyang isinasalaysay. Mga iba’t ibang Pananaw o Paningin (Point of View) 4. Kombinasyong Pananaw o Paningin Hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya't iba't ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Dayalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Dayalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo Sa pagsasalaysay, mayroon tayong mga paraan kung paano inilalahad ang kuwento batay sa mga dayalogong nakapaloob sa kuwento. Mayroon tayong 2 uri ng Paglalahad: 1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag - ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang dayalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi (“ “). Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Dayalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo Halimbawa: 'Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo'y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan. "Aba'y kayganda naman nireng ginagawa mo, Anak! Ay ano ba talaga ang balak mo, ha?‘’ Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang kusina. Mula sa "Ang Kariton ni Donato” Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Dayalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo 2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag - Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi. Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Dayalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo Halimbawa: Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain habang ito'y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak at tinanong din niya kung ano ba talaga ang balak niya. Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang kusina Mga Elemento ng Tekstong Naratibo Ang isang katangiang taglay ng lahat ng tekstong naratibo ay ang pagkukuwento kaya naman taglay ng mga ito ang mahahalagang elementong lalong magbibigay daan sa nakalilibang, nakaaaliw, at nakapagbibigay-aral na pagsasalaysay. Mga Elemento ng Tekstong Naratibo 1. Tauhan - Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang ng tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. Mayroong dalawang paraan ng pagpapakilala ng mga tauhan sa kuwento. Expository at Dramatiko Mga Elemento ng Tekstong Naratibo Expository – Ang nagsasalaysay ang nagpapakilala o maglalarawan sa tauhan. Dramatiko – Kusang mabubunyang ang katauhan ng tauhan. Mga Elemento ng Tekstong Naratibo Mga Karaniwang Tauhan sa Kuwento: A. Pangunahing Tauhan - Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang sa katapusan. Karaniwang iisa lamang ang pangunahing tauhan.. Mga Elemento ng Tekstong Naratibo Mga Karaniwang Tauhan sa Kuwento: B. Katunggaling Tauhan - Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. Mga Elemento ng Tekstong Naratibo Mga Karaniwang Tauhan sa Kuwento: C. Kasamang Tauhan - Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay karaniwang kasama o kasangga ng pangunahin:g tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta, hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan. Mga Elemento ng Tekstong Naratibo Mga Karaniwang Tauhan sa Kuwento: D. Ang May-akda - Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa kabuooan ng akda. Bagama't ang namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor. Mga Elemento ng Tekstong Naratibo D. Ang May-Akda: Ayon kay E.M. Forster, may a. Tauhang bilog dalawang (2) uri ng tauhan: (round character) - lsang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad. Tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang pananaw, katangian, at damdamin ayon sa pangangailangan. Mga Elemento ng Tekstong Naratibo D. Ang May-Akda: b. Tauhang lapad (flat character) - Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable. Madaling mahulaan at maiugnay sa kanyang katauhan ang kanyang mga ikinikilos at maituturing na stereotype. Mga Elemento ng Tekstong Naratibo 2. Tagpuan at Panahon - Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang ang lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin ang panahon (oras, petsa, taon) at maging ang damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari Mga Elemento ng Tekstong Naratibo Simula 3. Banghay - Ito ang tawag sa maayos na Suliranin daloy o pagkakasunod- Saglit na sunod ng mga Kasiglahan pangyayari sa mga Kasukdulan tekstong naratibo upang Kakalasan mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda. Wakas Mga Elemento ng Tekstong Naratibo D. Banghay Analepsis Prolepsis (Flashback) (Flash-Forward) Ellipsis Mga Elemento ng Tekstong Naratibo 4. Paksa o Tema - Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa kuwento. Mahalagang malinang ito ng husto sa kabuuan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang maparating sa kanyang mambabasa.