TEKSTONG NARATIBO Past Paper PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document is a presentation on narrative text in Tagalog. It discusses different types of narrative text, the purpose of narrative text, characteristics, and examples.
Full Transcript
MAGANDANG UMAGA! TEKSTONG NARATIBO Sa paksang ito, ating matatalakay: Ang kahulugan at layunin ng tekstong naratibo Katangian at Elemento ng tekstong naratibo Mga Halimbawa ng tekstong naratibo Ano ang Tekstong Naratibo? Ito ay pasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang ta...
MAGANDANG UMAGA! TEKSTONG NARATIBO Sa paksang ito, ating matatalakay: Ang kahulugan at layunin ng tekstong naratibo Katangian at Elemento ng tekstong naratibo Mga Halimbawa ng tekstong naratibo Ano ang Tekstong Naratibo? Ito ay pasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o isang tagpuan ng may maayos na pagkakasunod- sunod mula sa simula hanggang katapusan. LAYUNIN NG TEKSTONG NARATIBO Makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakakapagbibigay-aliw o saya. Nakapagtuturo ng kabutihang asal o mahalagang aral. HALIMBAWA NG TEKSTONG NARATIBO Maaaring nabibilang sa akdang piksyon: Nobela Maikling Sanaysay Maikling Kwento Tulang Nagsasalaysay Magasin Pabula Polyeto Parabula Iba pang akdang piksyunal Talambuhay Balita MGA KATANGIAN NG TEKSTONG NARATIBO 1.May iba’t-ibang pananaw (Point of View) Ito ang ginagamit ng manunulat na paningin o pananaw sa pagsasalaysay. Ang pinakakaraniwang ginagamit para sa naratibo ay ang una at ikatlong panauhan. May Iba’t ibang Pananaw ang Tekstong Naratibo 1. Unang Panauhan– sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng magbagay na kanyang nararanasan, naalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako. 2.Ikalawang Panauhan– dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhangpinagagalaw niya sa kwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw susbalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sakanilang pagsasalaysay. 3.Ikatlong panauhan– ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isangtaong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya. Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at nasa labassiya ng mga pangyayari. May 3 uri ang ganitong uri ng pananaw: Maladiyos na panauhan – nababatid ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Limitadong panauhan – nababatid niya ang iniisip at kinikilos ng isa sa mga tauhansubalit hindi ang sa iba pang tauhan. Tagapag-obserbang panauhan– hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ngisip at damdamin ng mga tauhan. 4.Kombinasyong Pananaw o Paningin– dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysaykaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo 1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag – ito ang uri ng pagpapahayag kung saan angtauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, odamdamin. 2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag – ang tagapagsalaysay ang naglalahad ngsinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpaphayag May Mga Elemento ang mga Tekstong Naratibo 1. Tauhan Ito ang mga indibidwal, totoo man o likhang-isip, na sangkot sa aksiyon ng kwento natinatawag na mga tauhan o karakter. Ang tauhang nasa sentro ng aksyon ng kwento ay tinatawag na pangunahing tauhan. Ang mga `di-gaanong mahalagang tauhan ay tinatawag namang mga sumusuportangtauhan. a. Pangunahing Tauhan b. Katunggaling Tauhan c. Kasamang Tauhan d. Ang may-akda Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na manunulat, may dalawang uri ng tauhan na maaaringmakita sa isang tekstong naratibo tulad ng: a.Tauhang Bilog– ito ang katangian ng tauhan kung may pagbabago sa kanyangkatayuan, kalagayan o pag-uugali sa ano mang bahagi ng banghay ng kwento. b.Tauhang Lapad– ito ang tawag sa katangian ng tauhan kung ito ay hindinagbabago. 2. Tagpuan at Panahon Tumutukoy ito sa lugar at panahong pinagganapan ng mga pangyayari sa kwento,gayon din sa oras, kapaligiran at kalagayan. 3. Banghay o Plot Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari satekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang taglay na akda.Karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo: a.orientation or introduction– pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saanmaipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema. b.problem– pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikularang pangunahing tauhan. c.rising action– pagkakaron ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ngaksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin. d.climax– patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan. e.falling action– pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon okakalasan. f.ending– pagkakaroon ng makabuluhang wakas. Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula- gitna-wakas attinatawag itong anachrony o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamangpagkakasunod-sunod. a. analepsis(flashback) – dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas. b. prolepsis(flash-forward) – dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganappa lang sa hinaharap. c. ellipsis– may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari nanagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinaggal o hindi isinama. 4. Paksa o Tema-Ito ay tumutukoy sa sentral na ideya o mensahe sa akda. MAKINIG NG MAIGI! SAGUTAN SA ½ PAPEL Gawain I Suriin ang katangian at kalikasan ng binasang tekstong naratibo at sagutan ang mga tanong: 1.Sino ang tagapagsalaysay ng binasang akda? Sa anong pananaw o paningin ito isinalaysay? Ipaliwanag: 2.Sino ang oangunahing tauhan sa akda? Siya ba’y tauhang bilog o lapad? Patunayan ang sagot. Gawain 2. Buuin ang graphic organizer at tukuyin kung anong katangian at element ng tekstong narabo ang ginamit sa tekstongbinasa. MARAMING SALAMAT!