Tekstong Naratibo - Guide PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Ezayra Dubria y David
Tags
Summary
This document is a presentation/guide on Tagalog narrative texts. It discusses the characteristics, elements, and types of narrative texts, including plot, characters, setting, and conflict. It provides examples of different types of narrative structures and elements like flashback, foreshadowing, and plot twist.
Full Transcript
TEKSTO NG NARATIB Bb. Ezayra Dubria y David MGA LAYUNIN MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO: Naipaliliwanag ang mga katangian ng tekstong naratibo; Nasusuri ang mga paraan at katangian ng mabisang pagsasalaysay; Nakasusulat ng isang uri ng tekstong naratibo. TEKSTONG NARATIBO Layuning magk...
TEKSTO NG NARATIB Bb. Ezayra Dubria y David MGA LAYUNIN MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO: Naipaliliwanag ang mga katangian ng tekstong naratibo; Nasusuri ang mga paraan at katangian ng mabisang pagsasalaysay; Nakasusulat ng isang uri ng tekstong naratibo. TEKSTONG NARATIBO Layuning magkuwento ng mga magkakaugnay na pangyayari. Maaaring batay sa sariling karanasan, mga pangyayaring nakita/nasaksihan, napanood, natunghayan o nabalitaan. TEKSTONG NARATIBO Maaari ding ikuwento ang nabasang piksyon (nobela, maikling kwento, tula) o di-piksyon (autobiography, balita, maikling sanaysay) Gumagamit ito ng malikhaing imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon at kinakasangkapan ang iba’t ibang uri ng MGA KATANGIAN NG MABUTING NARATIBONG TEKSTO 1.MABUTING PAMAGAT Ang pamagat ang panawagang- pansin sa mga tagapakinig o mambabasa sa tekstong naratibo, pasulat man o pasalita. 1.MABUTING PAMAGAT Kailangang taglayin nito ang sumusunod na katangian: Maikli Kawili-wili o kapana-panabik Nagtatago ng lihim o hindi nabubunyag ang wakas, orihinal o hindi palasak. 1.MABUTING PAMAGAT Kailangang taglayin nito ang sumusunod na katangian: Hindi katawa-tawa, kung ang komposisyon ay wala namang layuning magpatawa. May kaugnayan o naaangkop sa paksang-diwa ng 2. MAHALAGANG PAKSA Maaaring gumamit ng napapanahon na paksa na naaayon sa panlasa ng mambabasa, o paksang may orihinalidad. 3. MAY WASTONG PAGKAKASUNOD- SUNOD NG MGA PANGYAYARI a) Simula b) Gitna c) Wakas 4. MABUTING SIMULA Ito ay kinakailangang maging kawili-wili at kapana-panabik. Ito ang pang-akit sa mambabasa at nagsisilbing pwersa na tumutulak upang ipagpatuloy ang pagbabasa. 5. MABUTING WAKAS Tulad ng simula, ang wakas ay kinakailangang maging kawili-wili upang makintal ang bisa ng narasyon sa MGA URI NG TEKSTO MGA URI NG TEKSTONG NARATIBO 1.PIKSYON Nakatuon sa mga tauhan at pangyayaring likhang-isip gaya ng maikling kwento o dula. Kabilang din ang nobela, pabula, parabula, alamat, mito, at kuwentong pambata. MGA URI NG TEKSTONG NARATIBO 2. DI-PIKSYON Mga tekstong nagsasalaysay ng mga kaisipang hango sa tunay na buhay ng tao, at mga totoong lugar, bagay, o pangyayari. Ilan sa mga halimbawa nito ang sariling talambuhay, MGA ELEMENT O NG MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO TAGPUAN Tumutukoy sa lugar at panahon kung saan nagaganap ang kwento. Sa tagpuan malalaman ng mga mambabasa kung saan at kailan nagaganap ang mga aksyon na nakatutulong upang maunawaan ang konteksto at kalagayan ng mga tauhan MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO TAUHAN Ang mga karakter o mga taong gumaganap sa mga pangyayari sa isang naratibo. Sila ang nagbibigay buhay sa kwento at nagpapalalim sa mga temang MGA URI NG TAUHAN MGA URI NG TAUHAN PROTAGONIST Ang pangunahing tauhan o bida sa kwento. Karaniwan, ang pangunahing tauhan ang may layunin o misyon na gustong makamit sa kwento. Halimbawa, sa isang kwento ng pakikibaka, siya ang nagtatangkang MGA URI NG TAUHAN ANTAGONIST Ang katunggali o kontrabida sa kwento. Ang tauhan o pwersa na nagiging sagabal sa pagsasakatuparan ng mga layunin o misyon ng bida. Ang kontrabida ay hindi palaging isang tao. Maaari din itong maging isang sitwasyon, MGA URI NG TAUHAN SUPPORTING Ang CHARACTER mga suportang tauhan ay maaaring magbigay ng gabay, tulong, o mga pagkakataon na nakatutulong sa pangunahing tauhan upang magtagumpay o matutunan ang mga MGA URI NG TAUHAN SUPPORTING CHARACTER Hindi man sila kasing tampok tulad ng bida, ngunit may mahalagang papel sa pag-unlad ng kwento at ng bida. MGA URI NG TAUHAN (DEVELOPMENT) DYNAMIC/ROUND Tumutukoy(BILOG) sa uri ng karakter na nagkakaroon ng makabuluhang pagbabago sa kanyang personalidad, pananaw, o pag-uugali sa buong kwento. Tulad ng pagiging mas matapang, mas mapagpakumbaba, o mas responsable, matapos ang mga MGA URI NG TAUHAN (DEVELOPMENT) STATIC/FLAT Isang uri (LAPAD) ng karakter sa kwento na hindi nagbabago sa buong naratibo. Ang kanyang personalidad, pananaw, at mga katangian ay nananatiling pareho mula simula hanggang katapusan ng kwento. Walang makulay na pagbabago o MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO PLOT (BANGHAY) Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang akda. Tumutukoy ito sa paraan ng pagbuo ng mga kaganapan sa kwento at kung paano sila nauugnay sa isa't isa upang MGA URI NG BANGHAY MGA URI NG BANGHAY LINEAR PLOT Isang uri ng pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa kwento, kung saan ang mga kaganapan ay inilalahad sa isang matuwid at sunod-sunod na daloy. MGA URI NG BANGHAY LINEAR PLOT Ibig sabihin, ang mga pangyayari ay may lohikal na pagkakasunod-sunod, mula sa simula hanggang sa wakas, nang walang flashbacks, o MGA URI NG BANGHAY CIRCULAR PLOT Isang uri ng banghay na bumabalik sa kanyang simula pagkatapos ng mga pangyayari sa kwento. Sa madaling salita, ang kwento ay parang umikot at bumalik sa unang kaganapan o MGA URI NG BANGHAY CIRCULAR PLOT Ang kwento ay nagsisimula at nagtatapos sa isang pareho o magkatulad na punto. MGA URI NG BANGHAY PARALLEL PLOT Isang uri ng banghay na nagpapakita ng dalawang magkaibang kwento o kaganapan na tumatakbo nang sabay sa isang akda, ngunit may mga ugnayan o pagkakatulad sa MGA URI NG BANGHAY PARALLEL PLOT Ang dalawang kwento ay maaaring magkaiba ng tagpuan, tauhan, o suliranin, ngunit sa bandang huli, magtataglay ito ng mga koneksyon upang magbigay ng MGA URI NG BANGHAY EN MEDIAS RES Karaniwang nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kwento. Higit na nakatatawag pansin ang umpisa ng kwento dahil maaaring maging maaksyon na kaagad ang MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO FLASHBACK Ibinabalik ang mga tauhan sa kanilang nakaraan sa pamamagitan ng pagsasalaysay sa mga pangyayaring naganap na. MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO FLASHFORWARD Tumatalon ang naratibo nang pasulong sa oras o sa hinaharap upang ilahad o bahagyang isiwalat ang mga maaaring maganap sa MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO FORESHADOWING Nagbibigay ito ng mga pahiwatig o hint ukol sa kung ano ang mga maaaring maganap sa daloy ng naratibo. MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO PLOT TWIST Ito ang paglalahad ng hindi inaasahang pangyayaring maaaring makapagbago sa kabuuan ng kwento. Isa sa mga paraan upang maiwasan ang pagiging predictable ng daloy MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO CLIFFHANGER Tinatapos ang pagsasalaysay nang hindi nareresolba ang suliranin ng kwento upang maiwang nakabinbin ang mambabasa at subukang alamin ang mga maaaring kaganapan MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO DEUS EX MACHINA “God out of the machine” Sa ganitong paraan, ang paglutas ng suliranin ay pakikialam ng isang natatanging entidad tulad ng isang diyos na hindi mapipigilan ng sinomang karakter MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO ELLIPSIS Omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kwento kung saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong antala. Ito ay mula sa iceberg theory o theory of omission ni Ernest MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO COMIC BOOK Teknik DEATH kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang BALANG KAS NG KWENTO Kasukdulan Tunggalian Pababang Papataa aksyon Saglit na Kakalasan s na Kasiglahan Aksyon Sulyap sa Resolusyon/ Suliranin Denouement Exposition (Simula) Waka BALANGKAS NG KWENTO EXPOSITION Ang bahagi kung saan ipinakikilala ang mga pangunahing elemento ng kwento. Inilalarawan ang mga pangunahing tauhan sa kwento, tulad ng bida (protagonist) at kontrabida (antagonist), pati na rin ang mga supporting character. BALANGKAS NG KWENTO EXPOSITION Ipinapakita kung saan at kailan nagaganap ang kwento, tulad ng lugar (baryo, lungsod, kagubatan, atbp.) at panahon (nakaraan, kasalukuyan, o hinaharap). BALANGKAS NG KWENTO SULYAP SA SULIRANIN Tumutukoy sa unang pagpapakita o pagpapahiwatig ng pangunahing problema o tunggalian sa kwento. BALANGKAS NG KWENTO SULYAP SA SULIRANIN Sa mga unang bahagi ng isang akda, maaaring hindi agad buo o malinaw ang suliranin, ngunit may mga pahiwatig o "sulyap" na magbibigay sa mambabasa ng ideya kung ano ang magiging pangunahing pagsubok na haharapin ng mga tauhan. BALANGKAS NG KWENTO SULYAP SA SULIRANIN Sa madaling salita, ang sulyap sa suliranin ay isang maagang senyales o indikasyon ng mga kaganapan na magdudulot ng mga komplikasyon sa kwento. BALANGKAS NG KWENTO SAGLIT NA KASIGLAHAN Isang bahagi ng kwento kung saan nagkakaroon ng pansamantalang pagtaas ng tensyon o sigla sa gitna ng naratibo. Karaniwang nangyayari ito matapos ang exposition at suliranin upang magbigay ng kaunting pag-asa, kasiyahan, o panandaliang tagumpay sa mga tauhan. BALANGKAS NG KWENTO SAGLIT NA KASIGLAHAN Ngunit, madalas ay pansamantala lamang ang kasiglahan na ito, dahil karaniwan, ito ay nauurong o napapalitan ng mas matinding pagsubok o suliranin sa kwento. BALANGKAS NG KWENTO TUNGGALIAN Tumutukoy sa mga sagupaan o pagkakaroon ng hidwaan sa kwento. Isa itong mahalagang bahagi ng isang naratibo na nagbibigay ng tensyon at nagpapalakas ng kwento. BALANGKAS NG KWENTO TUNGGALIAN Kadalasang nagpapakita ng pagkakaiba ng mga layunin, pananaw, o kagustuhan ng mga tauhan, na nagiging sanhi ng mga problema na kailangang malutas. MGA URI NG TUNGGA MGA URI NG TUNGGALIAN TAO LABAN SA TAO Ito ang pinakakaraniwang uri ng tunggalian, kung saan ang dalawang tauhan ay naglalaban o nagkakaroon ng personal na alitan. Maaaring ito ay ang bida laban sa kontrabida o kahit dalawang magkaibang tauhan na may magkasalungat na layunin. MGA URI NG TUNGGALIAN TAO LABAN SA SARILI Ang tauhan ay nakikipaglaban sa kanyang sariling emosyon, desisyon, o pag-aalinlangan. Karaniwan, ang tunggaliang ito ay nakatuon sa inner struggles o internal conflicts ng isang tao, tulad ng takot, pagdududa, o mga prinsipyo. MGA URI NG TUNGGALIAN TAO LABAN SA KALIKASAN Ang tauhan ay nahaharap sa mga pagsubok na dulot ng kalikasan o kapaligiran. Maaaring ito ay isang natural na kalamidad tulad ng bagyo, lindol, baha, o anomang iba pang hamon mula sa kalikasan. MGA URI NG TUNGGALIAN TAO LABAN SA LIPUNAN Ang tauhan ay nakakaranas ng hidwaan sa pagitan ng kanyang mga personal na paniniwala, at ang mga batas, o pananaw ng lipunan. Maaaring katunggali ng tauhan ang kawalan ng katarungan, diskriminasyon, o ang mga panlipunang sukatan ng isang komunidad o MGA URI NG TUNGGALIAN TAO LABAN SA DIYOS O KAPALARAN Ang tunggaliang ito ay nagpapakita ng hidwaan sa pagitan ng tauhan at ng kapalaran o alituntunin ng Diyos. Ang tauhan ay maaaring magsikap upang baguhin ang kanyang tadhana, ngunit natutuklasan niyang may mga bagay na hindi niya kayang kontrolin. BALANGKAS NG KWENTO KASUKDULAN Pinakamataas na punto ng kwento. Ito ang bahagi kung saan ang tensyon o tunggalian sa kwento ay umabot sa pinakamataas na antas, at dito nangyayari ang pinakamahalagang kaganapan o turning point na magbibigay ng direksyon sa susunod na mga pangyayari. BALANGKAS NG KWENTO KASUKDULAN Ang kasukdulan ay ang bahagi ng kwento kung saan ang mga karakter ay sumasailalim sa pinakamahirap na pagsubok. Sa kasukdulan, ang pangunahing tauhan ay kadalasang kailangang gumawa ng isang mahalagang desisyon o magsagawa ng isang matinding aksyon upang malutas ang pangunahing BALANGKAS NG KWENTO KAKALASAN Ang bahagi ng kwento kung saan nagsisimulang mabawasan ang tensyon at nagkakaroon ng kalutasan ang mga problema o suliranin. Matapos ang kasukdulan, ang kakalasan ay nagtatakda ng mga pangyayari na naglalapit sa kwento sa kanyang wakas. BALANGKAS NG KWENTO RESOLUSYON O DENOUEMENT Ang bahagi ng kwento kung saan ang mga natitirang tanong o suliranin ay nalulutas. Tumutulong itong magtakda ng tamang pagtatapos at nagbibigay ng pakiramdam ng pagkakumpleto ng kwento. BALANGKAS NG KWENTO RESOLUSYON O DENOUEMENT Ang mga tauhan ay nakatagpo ng mga solusyon sa kanilang mga problema, at makikita na ang mga epekto ng kanilang mga desisyon at aksyon. Ang resolusyon o denouement ay nagbibigay ng katarungan sa mga pangyayari sa kwento. BALANGKAS NG KWENTO WAKAS Ito ang naglalatag ng pinal na kongklusyon sa lahat ng mga kaganapan sa kwento. Dito makikita ang kapalaran ng mga tauhan. Ang wakas ay nagbibigay ng pagtatapos sa isang naratibo, at madalas ito ay nag-iiwan ng aral o mensahe para sa mambabasa. MGA URI NG PERSPEK MGA URI NG PERSPEKTIBO POINT OF VIEW Pananaw ng nagsasalaysay sa kwento na tumutukoy sa kung paano inilalahad ang mga pangyayari at kung sinong tauhan ang MGA URI NG PERSPEKTIBO UNANG PANAUHAN "Ako" o "Kami" Ang tagapagsalaysay ay isa sa mga pangunahing tauhan sa kwento at nagbabahagi ng kanyang mga karanasan, saloobin, MGA URI NG PERSPEKTIBO IKALAWANG "Ikaw" oPANAUHAN "Kayo" Bagamat bihirang gamitin, ang ikalawang panauhan ay tumutukoy sa mambabasa bilang tauhan sa akda. Nakakapagbigay ng kakaibang interaksyon sa mambabasa dahil MGA URI NG PERSPEKTIBO IKATLONG PANAUHAN Ang tagapagsalaysay (narrator) ay hindi kasali sa kwento at gumagamit ng mga panghalip na "siya," "siya," "sila," at iba MGA URI NG PERSPEKTIBO IKATLONG Sa PANAUHAN ganitong pananaw, ang tagapagsalaysay ay nagmamasid lamang sa mga aksyon, saloobin, at nararamdaman ng mga tauhan sa kwento, at hindi siya nakikilahok sa mga pangyayari. MGA URI NG PERSPEKTIBO IKATLONG PANAUHAN Ang mananalaysay ay nakakIkita lamang (LIMITED) ng mga kaganapan at karanasan mula sa pananaw ng isang tauhan. Hindi niya alam ang mga iniisip o nararamdaman ng ibang tauhan. MGA URI NG PERSPEKTIBO IKATLONG PANAUHAN (OMINISCIENT) Ang kwento ay isinasalaysay ng isang narrator (tagapagsalaysay) na hindi bahagi ng kwento, ngunit may alam sa lahat ng nangyayari sa kwento, kabilang na ang mga iniisip, nararamdaman, at pinaplano ng Wakas! May katanungan ba?