Burgesya, Merkantilismo, at Monarkiya sa Europa PDF
Document Details
![StunningChupacabra2826](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-1.webp)
Uploaded by StunningChupacabra2826
Marian College of Baliuag, Inc.
Tags
Summary
Ang mga araling ito mula sa Marian College of Baliuag, Inc. ay nag-aaral tungkol sa Burgesya, Merkantilismo, at Monarkiya sa Europa. Kasama rin ang mga tanong tungkol sa paksa, na sumasaklaw sa kahalagahan ng burgesya, merkantilismo, at ang pag-usbong ng pamahalaang monarkiya.
Full Transcript
Burgesya, Merkantilismo, at Pamahalang Monarkiya sa Europa Aralin 1 : Ikatlong Markahan 1. Impluwensiya ng mga Burges Ang mga Burgesya ay tinatawag na gitnang-uri o middle class. Ito ay kinabibilangan ng mga mangangalakal at negosyante. Ang kanilang buhay ay umiikot sa mga pamiliha...
Burgesya, Merkantilismo, at Pamahalang Monarkiya sa Europa Aralin 1 : Ikatlong Markahan 1. Impluwensiya ng mga Burges Ang mga Burgesya ay tinatawag na gitnang-uri o middle class. Ito ay kinabibilangan ng mga mangangalakal at negosyante. Ang kanilang buhay ay umiikot sa mga pamilihan at hindi nakasandal sa mga lupang sakahan at relihiyon. 2. Pag-usbong ng Merkantilismo Ang Merkantilismo ay nagmula sa salitang Latin na “merchans” na nangangahulugang “mamimili” o “buyer”. Ang merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na umusbong matapos ang paghina ng piyudalismo. Nagkaroon ng malalim na pagpapahalaga ang mga Europeo sa ginto at pilak, pinaniniwalaan nila na ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa isang tao. 3. Pamahalaang Monarkiya Naibaling ang tiwala sa mga hari dahil sa kapabayaan ng mga basalyo, dito tuluyang nagsimula ang sistema ng pamahalaan. Sa pagkawala ng mga panginoong maylupa, ang hari ang nagsilbing pinuno at nagpatingkad sa pagtatatag ng pamahalaang monarkiya. 3. Pamahalaang Monarkiya Sa pamahalaan na ito, mas naramdaman ng mga mamamayan ang proteksiyon mula sa pinunong hari. Kapalit naman nito ay ang pagbabayad nila ng buwis. Sa kabuuan, dahil sa monarkiyang uri ng pamahalaan ay nagkaroon ang Europa ng katatagang pampolitika at pang-ekonomiya. PETA #2 Gumawa ng isang repleksyong papel patungkol sa ating naging talakayan. - Short Bond Paper with Short Folder - One question, one paper - Front Page: Title, Name, Date - Due date: Jan. 20, 2025 PETA #2 1. Ilarawan ang burgesya. Ano ang naging papel ng mga burgesya sa kaunlaran ng lipunan? 2. Ano ang merkantilismo? 3. Ipaliwanag ang mga dahilan ng pag- usbong ng pamahalaang monarkiya.