Panahon ng Renaissance sa Europa PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalahad ng tungkol sa Panahon ng Renaissance sa Europa, kabilang ang kahulugan nito at ang sentrong papel na ginampanan ng Italya. Tinalakay din nito ang iba't-ibang larangan na umunlad sa panahong ito. Ito ay naglalaman ng mahalagang impormasyon tungkol sa Renaissance.

Full Transcript

PANAHON NG RENAISSANCE SA EUROPA Aralin 2 : Ika-apat na Markahan Kahulugan ng Renaissance Ang salitang renaissance ay maaaring nagmula sa salitang Latin na renovatio na nangangahulugang “spiritual rebirth” at sa isang salitang Pranses na nangangahulugang “muling pagsilang o pagkab...

PANAHON NG RENAISSANCE SA EUROPA Aralin 2 : Ika-apat na Markahan Kahulugan ng Renaissance Ang salitang renaissance ay maaaring nagmula sa salitang Latin na renovatio na nangangahulugang “spiritual rebirth” at sa isang salitang Pranses na nangangahulugang “muling pagsilang o pagkabuhay”. Kahulugan ng Renaissance Sa panahon ng Renaissance ay unti-unting nagkaroon ng malawakang panunumbalik sa kultura at obra maestra ng mga sinaunang Griyego at Romano. Ngunit hindi lamang ang sining ang binigyang-pansin sa panahong ito sapagkat hinubog din ang negosyante, mangangalakal, at manlalakbay na maging mahusay. Italya bilang Sentro ng Panahon ng Renaissance Ang magandang lokasyon ng bansang Italya ang naging dahilan kung bakit sa bansang ito nagsimula ang Renaissance. Kung titingnan sa mapa sa kanan, makikitang ang heograpikong lokasyon ng Italya ay napapalibutan ng Europa, Asya, at Aprika. Ang lokasyong ito ang nagbigay- daan upang maging madali at maayos ang pakikipagkalakan sa iba’t ibang panig ng Italya bilang Sentro ng Panahon ng Renaissance Bukod sa kalakalan, naging mabilis din para sa Italya ang makakuha ng iba’t ibang kaalaman mula sa iba’t ibang bansa dahil sa lokasyon nito. Naging mahalaga ang pagkakaroon ng Italya ng mga naglalakihang unibersidad ng humubog sa kaalaman ng mga Europeo upang bigyang- pansin ang iba’t ibang larang na nagpatingkad sa Panahon ng Renaissancce.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser