PPT - Aralin 2: Pagsulat ng Iba't Ibang Uri ng Paglalagom PDF
Document Details

Uploaded by ExaltingRhyme2434
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay tungkol sa Aralin 2: Pagsulat ng Iba't Ibang Uri ng Paglalagom. Tinatalakay nito ang mga uri ng paglalagom tulad ng abstrak, sintesis o buod, at bionote. May kasama ring mga halimbawa at gabay sa pagsulat ng mga ito.
Full Transcript
Aralin 2: Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom Ano ang Lagom? Ito ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda. Uri ng Lagom Abstrak Sintesis o Buod Bionote Abstrak Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit s...
Aralin 2: Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom Ano ang Lagom? Ito ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda. Uri ng Lagom Abstrak Sintesis o Buod Bionote Abstrak Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report. Abstrak Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat. Abstrak Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to Write an Abstract (1997), bagama’t ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta, at kongklusyon. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak 1. Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binaggit sa ginawang pag-aaral o sulatin. 2. Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detaltadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak 3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito. 4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hidni dapat ipaliwanag ito. 5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag- aaral na ginawa. Sinopsis o Buod Ito ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan. Sinopsis o Buod Ang buod ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. Mahalaga rin maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita. Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito, magiging madali ang pagsulat ng buod. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG SINOPSIS O BUOD 1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito. 2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming naghahari sa akda ay malungkot, dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin. 3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gamapanin at mga suliraning kanilang hinaharap. 4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod. Bionote Ito ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Ayon kay Duenas at Sanz sa kanilang aklat na Academic Writing for Health Science (2012), ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba pa. Mga Bagay na Dapat Tandaad sa Pagsulat ng Bionote 1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume kailangang maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng 5 hanggang 6 na pangungusap. 2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay. Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay na nakamit, gayunman kung ito ay marami, piliin lamang ang 2 o 3 na pinakamahalaga. Mga Bagay na Dapat Tandaad sa Pagsulat ng Bionote 3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw naobhetibo ang pagkakasulat nito. 4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong maunawaan at makamit ang totoong layunin nito na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan. 5. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote.