Pagsulat ng Iba't Ibang Uri ng Paglalagom PDF
Document Details
Uploaded by LegendaryMountainPeak1612
Tags
Summary
Ang papel na ito ay nagbibigay ng mga gabay sa pagsulat ng iba't ibang uri ng paglalagom, kabilang ang abstract, sinopsis, at bionote. Sinasaklaw din nito ang mga dapat tandaan sa pagsulat at hakbang upang magawa ang isang mahusay na paglalahad ng buod ng isang sulatin.
Full Transcript
**Pagsulat ng Iba't Ibang Uri ng Paglalagom** **Lagom**- Ito ay pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda. Mga kasanayang nahuhubog sa mga mag-aaral habang sinasagawa ang paglalagom 1. Natutuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. 2. Natutuhan...
**Pagsulat ng Iba't Ibang Uri ng Paglalagom** **Lagom**- Ito ay pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda. Mga kasanayang nahuhubog sa mga mag-aaral habang sinasagawa ang paglalagom 1. Natutuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. 2. Natutuhan niyang magsuri ng nilalaman ng kanyang binabasa. 3. Nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat partikular ang tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata 4. Ito rin ay nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo. **Uri ng paglalagom** I. Abstrak II. Sinopsis III. Bionote I. **Abstrak**- Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report. Ito ay kadalsang bahagi ng isang tesis o diertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng *title page* o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng piunakbuod ng buong akdang akademiko o ulat. Ayon kay **[Philip Koopman]** (1997) sa kanyang aklat na *How to Write an Abstract*, bagamat ang abtsrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang element o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksiyon, mga kaugnay na literature, metodolohiya, resulta at kongklusyon. **Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak** 1. Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel 2. Iwasan ang paglalagay ng statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng deyalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito. 3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito. 4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito. Nakasulat sa ikatlong panauhan. 5. Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo **Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak** 1. Basahing Mabuti at pag- aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak. 2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksyon, kaugnay na literature, metodolohiya, resulta at konklusyon. 3. Buoin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito s kabuoan ng mga papel. 4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan. 5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat isama rito. 6. Isulat ang pinal na sipi nito. II. **Sinopsis**- Isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talata o higit pang anyo ng panitikan. Ang buod ay maaariung buoin ng isang talata o higit oa o maging ng ilang pangungusap lamang. **Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis** 1. Gumamit ng ikatlong panauhin sa pagsulat nito. 2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming naghahari sa akda ay malungkot, dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin. 3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga suliraning kanilang kinaharap. 4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata. 5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat. 6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda. **Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis** 1. Basahin ang buong seleksiyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito. 2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan. 3. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas. 4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o kuro-kuro ang isinusulat. 5. Ihanay ang ideya sang - ayon sa orihinal. 6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod. III. **Bionote**- Ito ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginaagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Ito ay parang talambuhay na autobiography sa Ingles ngunit ito ay higit na maikli kumpara sa mga ito. Ayon kay Duensa at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for Health sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstak ng mga sualting papel, web sites at iba pa. Layunin ng bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. **Mapaggagamitan ng Bionote** 1\. Aplikasyon sa Trabaho\ 2. Paglilimbag ng mga artikulo, aklat o blog\ 3. Pagsasalita sa mga pagtitipon\ 4. Pagpapalawak ng network propesyonal 1. Balangkas sa Pagsulat- o Bago ka pa man sumulat, kailangang maging malinaw sa iyo ang balangkas na iyong susundin. Tinutukoy ng pagbubuo ang\ balangkas ang prayoritasyon ng mga impormasyong isasama. o Bagamat mahalaga ang lahat ng detalyeng iyong isasama, maging estratehiko sa paglalagay sa mga impormasyong ito. Itanong sa sarili: Ano ang aking uunahin o ihuhuli? Alin sa mga impormasyon ang kailangang bigyan ng higit na elaborasyon? Makatutulong ang mga tanong na ito, upang maging mahusay ang daloy at maging higit na komunikatibo. 2. Haba ng Bionote- Kadalasang maikli lamang ang bionote. Binubuo lamang ito ng isa hanggang tatlong talata, subalit depende sa pangangailangan, nagbabago ang haba ng isang bionote. 3. Kaangkupan ng Nilalaman- Dapat mong malaman na hindi lahat ng natamo at mahalagang impormasyon tulad ng propesyonal na trabaho o edukasyon ay kailangan mong isama sa bionote.\ o Ang bionote ay isinulat para sa isang tiyak na tagapakinig o mambabasa sa isang tiyak na pagkakataon. Dahil dito, mahalagang isiping mabuti ang mga impormasyong kailangang isama.\ o Unang dapat bigyang-pansin ang pag-alam sa konteksto ng okasyon o sitwasyon. 4. Antas ng Pormalidad- Tumutukoy ang antas ng pormalidad sa antas ng mga salitang gagamitin. Nakadepende ang pormalidad/impormalidad ng wikang gagamitin sa bionote sa mismong tagapakinig at sa klima ng mismong okasyon na paggagamitan nito.\ o Mahalagang isaalang-alang ang pormalidad/impormalidad ng sulatin sapagkat kahit gaano ito kahusay, kung hindi naikonsidera ang lebel ng sensebilidad ng mga tagapakinig o mambabasa, hindi ito magiging epektibo sa pagahahatid ng mga impormasyon ukol sa ipinakikilala. 5. Larawan- Kung kailangan ng larawan para sa bionote, tiyaking malinaw ang pagkakakuha ng larawan at hanggat maaari ay propesyonal at pormal ang dating ng paksa ng bionote sa larawan. Iminumungkahing maglagay ng larawang kuha ng isang\ propesyonal na potograpo. 1. Tiyakin ang Layunin\ 2. Pagdesisyonan ang haba ng susulating bionote\ 3. Gamitin ang Ikatlong Panauhang Perspektib\ 4. Simulan sa Pangalan\ 5. Ilahad ang propesyong kinabinilangan\ 6. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay\ 7. Idagdag ang ilang di inaasahang detalye\ 8. Isama ang Contact Information\ 9. Basahin at Isulat muli ang Bionote **Gawain** Gumawa ng simple at payak na Bionote na pansarili. Isulat sa yellow paper o maaaring I-tayp at I-Print ito.