Pagsusulat ng Iba't Ibang Uri ng Paglalagom PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang gabay sa pagsulat ng iba't ibang uri ng paglalagom, kabilang ang mga abstrak at sinopsis. Naglalaman ito ng mga hakbang at mga detalye para sa pagsulat, na may halimbawa at mga dapat tandaan para sa pagsulat ng bionote.
Full Transcript
PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI NG PAGLALAGOM FPL 12 Paglalagom/Buod Pinakasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuuang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. ...
PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI NG PAGLALAGOM FPL 12 Paglalagom/Buod Pinakasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuuang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. Paglalagom/Buod Una, natututuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. Pangalawa, natututuhan niyang magsuri ng ng nilalaman ng kanyang binabasa. Pangatlo, nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat partikular ang tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata. Pang-apat, ito rin ay nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo ABSTRAK ANO ANG ABSTRAK? - Ito ay isang uri ng lagom nakaraniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat. ANO ANG ABSTRAK? Naiiba ito sa konklusyon sapagkat ito ay naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK q Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay makikita sa kabuuan ng papel; q Iwasan ang paglalagay ng statistical figures o table sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag ng magiging dahilan para humaba ito. q Gumamit ng mga simple, malinaw at direktang mga pangungusap. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK q Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito. q Gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na ginawa. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK q Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak q Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksiyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK q Buuin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng bahaging ito sa kabuuan ng papel. q Iwasang maglagay ng ilustrasyon, table at iba pa maliban na lamang kung sinasadyang kailangan. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK q Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat isama rito. q Isulat ang pinal na sipi nito. HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK : I. Panimula II. Mga Layunin ng Pag-aaral III. Saklaw at Limitasyon IV. Pamamaraan ng Pananaliksik V. Buod ng Natuklasan at Kongklusyon a. Mga Natuklasan b. Mga Kongklusyon VI. Rekomendasyon V. Buod ng Natuklasan at Kongklusyon Inilalarawan ang resulta o ang kinalabasan ng pag-aaral. Tinatalakay rin ang mahalagang natutunan o nabuomula sa pananaliksik. Karaniwang sumasagot sa mga tanong o haypotesis na ibinigay sa panimula ng sulatingpananaliksik. HALIMBAWA: Malaya ang mga mag-aaral ngayon na makapamili ng kursong kanilang kukunin pagtuntong nila sa kolehiyo. Ang Pagkatuto- napatunayan ng mga mananaliksik na sa wika talaga higit na nakasentro ang mga nabanggit na programang pangkolehiyo dahil sa napakaramaing mag-aaral ang tumugon nito. VI. Rekomendasyon Ang mga obserbasyon sa ginawang pag-aaral at nagbibigay ng mga mungkahi ang mananaliksik na maaaringgawin pa ng ibang mananaliksik sa paksa na hindi nagawa dahil sa limitasyon ng pag- aaral. HALIMBAWA: Mas mainam kung ang maraming bilang ng Pilipinong mag-aaral ay kukuha ng kursong naayon sa kanilang kagustuhan na magiging daan sa pagpapaunlad ng kanilang sarili. Ang patuloy na pagdaragdag na makatutulong sa pagpapahusay ng pananaliksik na ito ay tinatanggap ng mga mananaliksik upang lalo pang tumibay ang kredibilidad nito. Sinopsis/Buod q Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay,nobela,dula,parabula,talumpati, at iba pang anyo ng akdang pampanitikan. Sinopsis/Buod q Ang buod ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. q Ang buod ay sinusulat sa sariling salita. Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Sinopsis o Buod q Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito. q Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming naghahari sa akda ay malungkot, dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin. q Kailangan mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan at magiging ang kanilang mga gampanin at maging ang mga suliraning kanilang kinaharap. Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Sinopsis o Buod q Gumagamit ng mga angkop na pang- ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod lalo na kung ang synopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata. q Tiyaking wasto ang gramatika,pagbabaybay, at mga bantas na ginagamit sa pagsulat. q Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginagamit kung saan hinango o kinukuha ang orihinal na sipi ng akda. Mga Hakbang sa pagsulat ng Sinopsis/Buod q Basahin ang buong seleksiyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito. q Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan. q Habang nagbabasa,magtala at kung maaari ay magbalangkas. q Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinusulat. Mga Hakbang sa pagsulat ng Sinopsis/Buod q Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal. q Basahin ang unang ginawa,suriin,at kung mapaiikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinusulat na buod. Halimbawa 1: Buod ng “Ang Alibughang Anak” May isang amang may dalawang anak. Kinuha ng bunsong anak ang mana nito at kanyang ginugol sa mga makamundong gawain. Dumating ang panahong naubos ang lahat ng kayamanang minana niya at lubos siyang naghirap at nagadalita at namuhay nang masahol pa sa katayuan ng mga alipin sa kanilang tahanan. Dahil sa mga hirap at sakit na kanyang naranasan, nagtanto niya ang kanyang masasamang ginawa. Nagpasya siyang bumalik sa kanyang ama, magpakumbaba, at humingi ng tawad. Dahil sa labis na pagmamahal ng ama sa anak, buong puso niya itong tinanggap, at hindi lang ito, ipinagdiwang pa ang kanyang pagbabalik na ikinasama naman ng loob ng panganay na kapatid dahil ni minsan ay hindi niya naranasang ipaghanda ng piging ng kanyang ama. Subalit siya ay inamo ng kanyang ama at ipinaliwanag na ang anak na panganay ay lagi niyang kapiling at ang lahat ng ari- arian niya ay para rito subalit ang bunsong anak na umalis ay itinuring nang patay ngunit muling nabuhay, nawala, ngunit muling nasumpungan. BIONOTE q Ang BIONOTE ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka nang iyong talambuhay o tinatawag sa Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o katha sa buhay ng isang tao o biography. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli kumpara sa mga ito. BIONOTE 1. Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na “Academic Writing for Health Sciences,” ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na mababasa sa mga journal,aklat,abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba pa. Mga Bagay na dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bionote q Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume’ kailangang ito ay maisulat gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping ito ay maisulat sa loob ng 5 hanggang 6 pangungusap. q Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay. maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay na nakamit, gayunman kung ito ay marami, piliin lamang ang 2 o 3 na pinakamahalaga. q Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging lumitaw na obhetibo ang pagkakasulat nito. Mga Bagay na dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bionote q Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong maunawaan at upang makamit ang totoong layunin nito na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at direktang paraan. q Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaring ipabasa muna ito bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito. Si Gng. Alma M. Dayag ay nagtapos ng Bachelor of Science in Elementary and Secondary Education, mangna cum laude, at Master of Arts in Teaching Filipino Language and Literature sa Philippine Normal University. Nakapagturo siya ng Filipino sa loob ng dalawampu’t limang taon at nakapalingkod bilang homeroom chairman, koordineytor ng Filipino at Sibika/HeKaSi, at Assistant Principal for Academics sa St. Paul College, Pasig. Nakadalo na rin siya sa iba’t-ibang komperensiyang pangguro sa iba’t-ibang bansa tulad ng Amerika, Singapore, China (Macau), at Thailand. Ang mga makabagong kaalamang natutuhan niya sa mga komperensiyang ito ay nakatulong nang malaki sa kanyang pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa pagiging trainer-facilitator ng mga seminar- workshop na pangguro sa ibat’-ibang panig ng bansa. Siya ay accreditor din ng Philippine Accrediting Association of Schools,Colleges, and Universities o PAASCU. Kontribyutor din siya sa ilang magasing pambata gayundin sa mga magasin at journal na pangguro. Subalit ang itinuturing niyang pinakamahalagang katungkulan at biyaya mula sa Maykapal ay ang pagiging simpleng maybahay at ina ng tatlong supling na sila niyang inspirasyon sa pagsulat ng mga aklat na kanyang inaalay sa lahat ng mga batang Pilipino. PAGSASANAY: Mag-isip ng taong inyong iniidolo. Maaaring isang artista, pulitiko, guro o mga sikat na mga personalidad. Pagkatapos, gawan ito ng BIONOTE. Isulat sa isang Long Bondpaper.