Pagsipi at Dokyumentasyon (Filipino) PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay isang gabay sa tamang pagsipi at dokumentasyon para sa mga akademikong sulatin sa Filipino. Ipinapakita nito ang iba't ibang paraan ng pagsipi, mula sa pagsipi ng buong pangungusap hanggang sa paglalagom o paraphrasing.

Full Transcript

**REVIEWER** **Filipino** ============ **Pagsipi at Dokyumentasyon** ***Introduksyon*** Malaking katungkulan ng manunulat ang anumang akademikong sulatin ang wastong pagkilala at pagtatala sa lahat ng mga datos na ginagamit sa kanyang sulatin Nararapat na banggitin at ipakilala nang wasto sa ma...

**REVIEWER** **Filipino** ============ **Pagsipi at Dokyumentasyon** ***Introduksyon*** Malaking katungkulan ng manunulat ang anumang akademikong sulatin ang wastong pagkilala at pagtatala sa lahat ng mga datos na ginagamit sa kanyang sulatin Nararapat na banggitin at ipakilala nang wasto sa mambabasa ang anumang pinagmulan at ginamit na mga sanggunian sa sulatin. Napakahalagang kasanayan ang pagsipi at dokumentasyon upang maiwasan ang plagiarism o pag-aangkin ng mga ideya ng iba. ***Ang wastong pagsipi*** Sa makrong kasanayan sa pagsulat o pasalita, kinakailangang maging maingat sa pagbabanggit ng anumang pahayag na binibigkas o isinusulat lalo na kung gumagamit ng hiram na pahayag mula sa ibang tao. Ang hindi pagsasaalang- alang ng wastong pagsipi at panipi ay maaaring magbunga ng krimeng plahiyo o plagiarism. **TANDAAN** Ang hindi pagsasaalang-alang ng wastong pagsipi at panipi ay maaaring magbunga ng krimeng plahiyo o plagiarism. MGA PARAAN NG PAGSIPI 1. Sa ganitong pagsipi, inilalagay sa loob ng pangungusap o talata ang siniping pahayag at ginagamitan ng panipi o quotation mark upang ikulong ang sinipi at inilathala bilang kauri ng teksto. Halimbawa: Totoo ang sinasabi niyang pahayag, \"Bukas nalang kita mamahalin\". 2. Hindi kailangang gumamit ng panipi. Ihiwalay sa pangunahing teksto ang sipi sa pamamagitan ng paggamit ng isahang, patlang o ang pagbaba nito nang isang espasyo at nilalagyan ng higit na malaking palugit o indent mula sa magkabilang tagiliran ng pahina na dapat gamitan ng mas maliit na tipo kaysa tipo ng pangunahing teksto. Halimbawa: Siguro, lahi ng mga Pilipino ay dapat mabatid ang mahalagang konsepto ng ganitong tinuran ni Jose Rizal sa kanyang akdang Noli Me Tangere: \"Mahal ko ang aking bayan pagkat utang ko rito at magiging utang pa ang aking kaligayahan\". Isinasaalang-alang din ang uri ng sinipi, ang bilang ng sipi sa loob ng pahina, at ang magiging anyo nito matapos malimbag. Ginagamit ang palansak na pagsipi sa dalawa o higit pang talata, mga liham (kapag kasama ang bating panimula, pangwakas, at lagda), mga talaan, mga siping may layuning paghahambing, at iba pang materyales nangangailangan ng natatanging format. **3. Ang pagsiping palansak ay maaaring gawing pahulip sa pamamagitan ng pagbubuod ng pahayag.** Halimbawa: Binigyang-linaw sa talumpati ni Dr.Glenn A. Tenefrancia na mahalaga ang paggamit ng Wikang Filipino bilang pangunahing midyum sa pagpapaliwanag ng mga aralin sa klase upang \"madaling maunawaan ang itinuturo at mapabuti ang kalalabasan ng mga pagsusulit." **4. Maaari din namang sipiin ang orihinal na talata at kung hindi naman kasama sa unang bahagi ng talata sa pagsipi ay kailangang maglagay ng ellipses.** **5. Ginagamit naman ang paraan ng paglalagom sa paraang paraphrase kung saan ang isang napakahabang sipi ng teksto ay pinaikli subalit lubhang m makahulugan mak maunawaan ng upang madaling mambabasa. Nangangahulugan ito ng pagbabago ng estruktura o pagbabago ng mga salita o pahayag mula sa orihinal na teksto ngunit hindi dapat mabago ang kahulugan o diwa ng mensahe nito.** **6. Sa pagsipi naman ng liham, gumagamit ng panipi upang ikulong ang liham sa bating pambungad hanggang sa huling salita. Katulad sa karaniwang talata, nilalagyan ng pambukas na panipi ang bawat simula ng talata sa liham. Samantala, ang mga pantulay na salitang gaya ng ganito at sumusunod ay sinusundan ng tutuldok bago ang isang palansak na sipi.** Halimbawa: **Ipinaliwanag sa Resolusyon ng Senado Bilang 589 ang sumusunod:** Sapagkat, ipinag-uutos ng Saligang Batas na ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino at ito ay dapat pagyabungin at pagyamanin. Samantala, karaniwang sinusundan ng kuwit ang mga pantulay na salitang wika, sabi, ayon kay, aniya, bago ang maikling sipi. Kung ipinakikilala naman ang pariralang gumagamit ng mga salitang sinusundan ng tutuldok, pinapangunahan ito ng isang pangungusap na nagtatapos sa tuldok. **7. Sa pagsipi ng isang pahayag, ikinukulong ng panipi ang pahayag at sa katapusan ng pahayag ay ang gitling kasunod ang pagbanggit ng taong pinagmulan ng pahayag at petsa.** Halimbawa: \"Kaya ako ay nag-aaral ng Doctor of Philosophy in Education major in Curriculum and Instruction kasi gusto ko mapabuti ang paghahanda ng kurikulum at ang pag-unlad ng pagtuturo.\" - **8. Sa ibang pagkakataon naman ay ikinukulong ng panipi ang pahayag at pagkatapos ay sinusundan ng pagbanggit ng taong nagpahayag at tuldok sa hulihan.** \"Mahal kita maging sino ka man,\" **wika ni Ginoong Fidel.** **9. Hindi na kailangang baguhin o sundan ng kuwit o tuldok ang pahayag kung ang siniping pahayag naman ay nagtatapos sa tandang pananong at padamdam.** **10. Sa paggamit ng panipi, maaaring inihuhudyat din ang paggamit ng naiibang himig na mapang-uyam sa paggamit ng salita.** Halimbawa: Napagkatuwaan nga ba ng mga mag-aaral na magbigay ng mga natatanging parangal sa kanilang masusungit na guro bilang \"Huwarang Guro ng Taon\"? Lahat ng mga maraming lumiliban na guro ang nagwagi. **11. Ginagamit din sa pagsipi ang dalawang panipi pa (double quotation mark) at isahang panipi (single quotation mark).Ang dalawang panipi ay pagkukulong ng pahayag at ang isahang panipi ay ginaganit kapag nasa loob ng isa pang siniping pahayag.** Halimbawa: \"Gabi-gabi ka nang nag-aaral. Pahinga ka muna\", aya ng guro sa kanyang mag-aaral. \"Palagi kong naririnig sa mga kamag- aral mo, \'lyan si Berto, masipag mag-aral, dapat tularan\', tuwing recess\". Kapag naman magkasunod ang isahang panipi at dalawahang panipi, hindi na kailangang may espasyo o patlang sa pagitan ng mga ito. Kapag naman ang ikatlong sipi sa loob ng isang sipi ay may sinisipi din, ginagamit ang ikatlong sipi ng dalawang panipi. **12. Kung usapan at diyalogo naman ang sinisipi, karaniwang ikinukulong sa panipi ang pahayag ng isang tauhan lalo na ang bahagi ng isang pinag-uusapan sa akdang pampanitikan.** Halimbawa: Sa isang mauling gabi, nagtagpo sina Fidel at Klay. **Klay**: \"Kailangan na kitang palayain, ako na ang magpaubaya\" **Fidel**: \"Paano ako makakalaya kung ikaw ang aking pahinga at tagpuan?" **DOKUMENTASYON** **Ang paraan ng pagdodokumento sa pananaliksik ay patuloy na nagbabago mula sa dating kinagisnan hanggang sa kasalukuyan. Sa ngayon, higit nang kilalang gamitin ang sanggunian (bibliography) kaysa sa footnote (talababa).** Ang sanggunian ay listahan ng mga akdang ginamit mula sa sangguniang aklat, pahayagan, magasin, at materyal na di-nailathala o nailathala para sa natatanging sulatin o papel-pananaliksik. Ang **American Psychological Association (APA)** at ang **Modern Language Association (MLA)** - PAGKAKAIBA 1. 2. 3. **APA, Chicago and MLA for journal articles.** APA Byrne, A. (2008). Web 2.0 strategy in libraries and information services. Australian Library Journel, 57 (4), 365-376, **Chicago Manual of Style** Byrne, A. 2008. Web 2.0 strategy in libraries and information services. Australian Library Journal, 57 (4): 365-376. **MLA** Byrne, Alex. \"Web 2.0 strategy in libraries and information services.\" Australian Library Journal 57.4 (2008): 365-376. **DOKUMENTASYON** Sa paggamit ng sanggunian mula sa web sites na pinaghanguan ng online materials, isaalang-alang ang buong pangalan ng awtor, buong pamagat ng artikulo, pangalan ng web site, petsa ng pagkakalathala, at ang Uniform Resource Locator (URL) Halimbawa ng estilong **APA kasamang URL**: Miedanar, Talene. (2008) The Secret Laws of Attraction (The Efforts Way to Get the Relationship You Want). Retrieved from https://www.w3schools.com.html. New York City: McGraw Hill. **Lesson 7** ***PAGSALIN NG TEKSTO*** **KATUTURAN NG PAGSASALIN** Ang pagsasalin ay ang gawain ng kahulugan ng panitik (teksto) at ng kinalabasang paglikha ng katumbas na teksto-na tinatawag tinatawag na na salinelka na naghahatid ng kapashong mensahe na nasa ibang wika. Tinatawag na pinagmumulang teksto ang panitik na isasalin samantalang ang patutunguhang wika ay tinatawag naman na puntiryang wika. Ang pinakaprodukto ay tinatawag na puntiryang tekato. Ang pagsasalin ay isang gawaing naglalayon na bigyan ng kahulugan ang isang linggwistikong diskurso mula sa isang wika tungo sa ibang wika. Maari itong gawin gamit ang diksyunaryo aryo bilang b bilang sanggunian o di kaya ay ang kontekstiwal na pagpapakahulugan dito. Ang pagsasalin ay kinabibilangan ng pag-aaral ng leksikon, istrukturang panggramatika, katayuang pangkomunikasyon, kontekstong pangkultura ng pangangailangang teksto. pagsusuri nito upang malaman ang ganap na kahulugan, at muling pagsasaayos nito gamit ang leksikon at istrukturang panggramatika na naaangkop sa wika at kultura ng tagatanggap. Ang paglilipat ng kahulugan ng pinagmulang wika sa target na wika **(Larson, 1984).** Isang proseso ng paglilipat sa pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng nakasaad sa wikang isasalin **(Nida at Taber, 1969)**. Ayon kay **C. Rabin (1958)** Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika. Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, una ay batay sa kahulugan, at ikalawa\'y batay sa istilo. Sa simpleng salita, Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na mensahe ng tekstong isinalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan. Si **John Dryden** ay ibinibilang din na isang mahusay na tagapagsalin dahil pinag-uukulan niya ng maingat na pagsasalin sapagkat naniniwala siyang ang pagsasalin ay isang sining. Noong **1792**, sa aklat na **\"Essay on the Principles of Translation"** ni Alexander Tyler, binigyang diin ang tatlong panuntunan sa pagsasalin. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: 1. 2. 3. Ayon naman kay **Matthew Arnold** ang isang salin ay kailangang magtaglay ng bisang katulad ng sa orihinal. Ang paniniwalang inilahad ay sumasalungat sa paniniwala ni F.W. Newman na ang isang salin ay kailangang matapat sa orihinal, na kailangang madama ng bumabasa na ang kanyng binabasa ay isang salin at hindi orihinal. Sa pagsapit ng ika dalawampung siglo ay isa na lamang karaniwang gawain ang pagsasalingwika kaya naman ang uri ng mga nagsisunod na salin ay mababa sa uring nararapat. **TANDAAN** 1. 2. 3. **KAHALAGAHAN** Ayon kay ***Bienvenido Lumbera (1982)***, ang mga layuning nagbubunsod sa pagsasaling-wika ay ang sumusunod: 1. 2. 3. **OBRA MAESTA** **Bibliya** Tinaguriang **\"best seller\"** na libro sa buong mundo na ang orihinal na wika na sa wikang **Hebrew** na kalaunan nagkaroon ng iba\'t ibang salin. **Doctrina Christiana** Ayon kay **Virgilio Almario (2013),** isang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, kasintada ng limbag na panitikan sa bansa ang pagsasalin sa atin, patunay nito ang Doctrina Christiana, na siyang salin ng mga batas, dasal, at gawaing katolismo para sa mga sinaunang Pilipino. Pinakaunang kilalang nailmbag sa a Filipino noong 1593. **Ibong Adarna** Batay sa obserbasyon sa tauhan at kaganapan, sinasabing nagmula ito sa Uropa na dinala sa bansang Pilipinas at isinalin ang koridong ito ni Jose Dela Cruz o mas kilala sa tawag na Huseng Sisiw. Nahahati sa limang yugto: 1. 2. 3. 4. 5. **Panahon ng Kastila** Nagsimula sa pangangailangang mapalaganap ng mga mananakop na Kastila ang relihiyong Iglesia Catolica Romana. Kinailangan ang pagsasalin sa Tagalog at sa iba pang katutubong wika ng mga dasal at mga akdang panrelihiyon. Hindi naging konsistent ang mga Kastila sa pagtuturo ng wikang Kastila sa mga Pilipino, dahil ayon sa kanilang karanasan sa pananakop, higit na nagiging matagumpay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng paggamit ng wika ng mga katutubo at naging mas katanggap-tanggap sa mga katutubo ang marinig na ginagamit ng mga prayle ang kanilang katutubong wika sa pagtuturo ng salita ng Diyos. **Panahon ng Amerikano** Sa panahong ito, naging masigla ang pagsasalin sa wikang pambansa ng mga akdang klasikang nasa wikang Ingles. Edukasyon ang pangunahing patakarang pinairal ng Amerika kaya naman \"bumaha\" sa ating bansa ang iba\'t ibang anyo at uri ng karunungan mula sa Kanluran lalo na sa larangan ng panitikan. Ang pagsasalin sa panahong ito ay isinagawa sa paraang di-tuwiran, ibig sabihin ang isinasalin ay hindi ang orihinal na teksto kundi ang isa na ring salin. **Patakarang Bilinggwal** Ang ikatlong yugto ay ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales pampaaralan na nasusulat sa Ingles tulad ng mga aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa. Kaugnay ito ng pagpapatupad sa patakarang bilinggwal sa ating sistema ng edukasyon. Ayon sa Order No. 25, s. 1974, higit na marami ang mga kursong ituturo sa Filipino kaysa Ingles. Nangangahulugan, samakatwid na lalong dapat pasiglahin ang mga pagsasalin sa Filipino ng mga kagamitang pampagtuturong nasusulat sa Ingles. Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikang **Di-Tagalog** Kinailangan ang pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-Tagalog upang makabuo ng panitikang pambansa. Ang tinatawag nating \"pambansang panitikan\" ay panitikan lamang ng mga Tagalog sapagkat bahagyang-bahagya na itong kakitaan ng panitikan ng ibang pangkat-etniko ng bansa. Upang maisakatuparan ito, nagkaroon ng Proyekto sa Pagsasalin ang LEDCO (Language Education Council of the Philippines) at SLATE (Secondary Language Teacher Education) ng DECS at PNU noong 1987 sa tulong ng Ford Foundation. Inanyayahan sa isang kumperensya ang kinikilalang mga pangunahing manunulat at iskolar sa pitong pangunahing wika. **Pagsasalin ng Panitikang Afro-Asian** Ang panahong ito ay nakatuon sa pagsasalin ng mga panitikang Afro-Asian. Kinailangan ang pagsasaling ito dahil kasama na sa kurikulum ng ikalawang taon sa hayskul ang pagtuturo ng Afro-Asian. Ayon kay Isagani Cruz, \"Para tayong mahihina ang mga matang mas madali pang makita ang ita ang malayo kaysa mga likha ng mga kalapit bansa natin.\" Ang pagsasama sa kurikulum ng panitikang Afro-Asian ay masasabing pagwawasto sa pagkakamali sapagkat noong mga nakaraang panahon mas binigyang halaga ang pagsasalin ng panitikang Kanluranin at hindi ng panitikan ng mga kalapit na bansa. Kaugnay nito, nagkaroon ng pagsasalin ng isang pangkat ng mga manunulat ng mga piling panitikan ng mga kalapit na bansa (pinondohan ng Toyota Foundation at Solidarity Foundation) na tinawag na **Translation Project.** Pinangunahan naman nina Rolando Tino at Behn Cervantes ang pagsasalin ng banyagang akdang nasa larangan ng drama. **Kabilang sa mga dalubhasa sa pagsasaling-wika noong ika-15 na siglo ay si Etienne Dolet (1540) ng Pransiya na naglahad ng sumusunod mula sa pag-aaral ni Theo Hermans:** 1. 2. 3. 4. 5. Quiz: 1\. Tatlong isaalang-alang sa pagsasaling wika. 2\. Ang paglilipat ng kahulugan ng pinagmulang wika sa target na wika. 3\. Isang proseso ng paglilipat sa pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng nakasaad sa wikang isasalin. 4\. Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika. 5\. Ang pagsasaling wika ay isang sining. 6.Ang pagsasaling wika ay nakadepende sa orihinal na teksto. 7.Ang pagsasaling wika ay nakabatay sa nilalaman ng teksto. 9\. Ang nagbigay diin sa pagbabago na mangyayari ng pagsasalin sa pagsapit ng ika-20 siglo, buhat ng postmodernism. 10.Ang nagsalin sa wikang Tagalog ng koridong Ibong Adarna. 11\. Ang pinagmulan ng dogma o batas ng simbahan na kung saan hindi mga mananakop sa dahilan na natatakot na matuto ang mga Pilipino sa wika nila at maisumbong sa hari ng Espanya sa kanilang ginagawa. 12\. Ang libro ng salita ng Diyos na ang orihinal na wika ay sa Hebrew at kalaunan ay nagkaroon ng bersyon sa wikang Griyego. 13\. Ang pagsasalin sa panahong ito ay isinagawa sa paraang di- tuwiran, ibig sabihin ang isinasalin ay hindi ang orihinal na teksto kundi ang isa na ring salin. 14\. Higit na nagiging matagumpay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng paggamit ng wika ng mga katutubo at naging mas katanggap-tanggap sa mga katutubo ang marinig na ginagamit ng mga prayle ang kanilang katutubong wika sa pagtuturo ng salita ng Diyos. 15\. Ayon sa Order No. 25, s. 1974, higit na marami ang mga kursong ituturo sa Filipino kaysa Ingles. Nangangahulugan, samakatwid na lalong dapat pasiglahin ang mga pagsasalin sa Filipino ng mga kagamitang pampagtuturong nasusulat sa Ingles. **Lesson 8** **PAGWAWASTO NG ISINULAT NA PAPEL** Ang pagsulat ng mga uri ng sulatin ay hindi isang biro sapagkat nangangailangan ito ng buong talino sa pagbuo at pagpapahayag ng mga kaisipang nais ipabatid sa karamihan. Minsan kahit pa ginamitan ng burador at muling isinaayos ang isang sulatin ay hindi malayong muling magkamali ang manunulat sa ilang bahagi ng kaniyang akda. Kaya naman dapat lamang na maingat at hindi ito basta lamang ginagawa sa anumang mabigat na layunin at ipapasa o ipababasa sa publiko nang walang pagwawasto. Ang pinakamahalagang pagdaanan ng isang isinulat o manuskristo ay ang pagbasa ng pruweba o proof reading. Sinusuri at nililinis ang isang akda ng isang tagabasa ng pruweba o ang proofreader upang maging mas maayos at maging kaaya-aya ang pagbasa. **PAGBAYBAY** Kadalasan, kapag ang teksto ay nakasulat sa wikang Filipino, ay nag-o- autocorrect ang function sa kompyuter kung kaya\'t binabago ng word processor ang ispeling ng mga salita. Maaari din namang sa paraan ng pagsulat ng may-akda kung minsan, lalo na kung unang pagtatangka pa lamang ang isinumiteng manuskrito ay may makikitang pagkakamali sa ispeling. Madalas ang ganitong sitwasyon sa mga manunulat na tuloy-tuloy lamang ang pag-e-encode ng mga salita dahil tuloy-tuloy din ang dagsa ng ideya sa kanyang isipan. **MGA ISINAALANG-ALANG NG PROOFREADER** **Diwa ng akda** Kinakailangang ang proofreader ay nagtataglay ng matalas na paningin sa pagbasa ng teksto kapag nagmamarka at kinakailangang kaunti na lamang o mangilan-ngilang pagwawasto na lamang ang dapat gawin matapos itong dumaan sa editing. Mabigat na gawain sa pag-e-edit ang pagsuri sa diwa ng akda. Dito nalalaman kung makabuluhan ba ang laman ng akda o hindi at kung magkakasilbi ba ito sa babasa. **Anyo ng akda o teksto** Ang pisikal na anyo ng teksto ay nakikita sa uri ng tipo o font. Kailangang masunod ang wastong pamantayan para sa uri ng publikasyong ilalathala. Binibigyang-pansin ng proofreader ang wastong gamit ng malaking titik at maliit na titik at kung italiko o hindi ang mga hiram na salita. Sinisiyasat din niya ang pahina at tumatakbong pang-ulo (running head) na dapat ay sunod-sunod ang mga pahina ng teksto at nailalapat nang wasto. Tinitiyak din niya ang wastong espasyo sa bawat salita at linya. Gayundin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng teksto para sa isang publikasyon.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser