Aralin 1 - Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas PDF
Document Details
Uploaded by VivaciousRockCrystal
University of Perpetual Help System DALTA
Tags
Related
- Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
- ARALIN 1-2ND QUARTER-KOMPAN PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Lecture 1 PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Lecture 1 PDF
- Aralin 1 & 2: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas PDF
- ARALIN 7 MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS PDF
Summary
This document discusses language situations in the Philippines. It explores the use of Filipino and other regional languages in various mass media forms, including television, radio, newspapers, and films. The document also examines language use in social media and text messaging contexts.
Full Transcript
IKALAWANG KWARTER ARALIN 1 MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS Ang mass media o pangmadlang komunikasyon ay iba’t ibang midyum ng teknolohiya na nililikha para sa mga tiyak na tagatanggap ng mensahe. Pangunahing layunin nito ang paghahatid ng mensahe o impormasyon sa pinakamaraming tao, gamit ang...
IKALAWANG KWARTER ARALIN 1 MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS Ang mass media o pangmadlang komunikasyon ay iba’t ibang midyum ng teknolohiya na nililikha para sa mga tiyak na tagatanggap ng mensahe. Pangunahing layunin nito ang paghahatid ng mensahe o impormasyon sa pinakamaraming tao, gamit ang teknolohiya bilang daluyan o channel ng komunikasyon. Kabilang sa mass media ang sumusunod: Broadcast media – radyo, telebisyon, at pelikula Print media – dyaryo, libro, polyeto, billboard, at komiks New age media – Internet, cellular phone, at iba pang mobile devices SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON Ang telebisyon ang itinuturing pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito. SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumami ang manonood nito saan mang sulok ng bansa sa pagkat nararating na nito maging ang malalayong pulo ng bansa at maging ang mga Pilipino sa ibang bansa. SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa. Karamihan sa mga palabas sa mga lokal na channel ay gumagamit ng Wikang Filipino at iba't ibang Barayti nito. SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON kabilang na rito ang mga sumusunod. Teleserye Pangtanghaling News and Dokumentaryo Reality Show palabas Public Affairs Ang pagdami ng palabas pantelebisyon partikular ang mga teleserye o telenobela at mga pangtanghaling programa o noontime show na sinusubaybayan ng milyon-milyong manonood ang isa sa malaking dahilan kung bakit ang halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakauunawa at nakapagsasalita ng Wikang Filipino. SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON Walang subtitle o dubbing ang mga palabas sa mga wikang rehiyonal. Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang malaking dahilan kung bakit sinasabing ng mga mamamayan sa Pilipinas ang nakapagsasalita ng Filipino at maraming kabataan ang namulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na hindi kabilang sa Katagalugan. SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO FM- FREQUENCY MODULATION SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AM- AMPLITUDE MODULATION SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo. Ang halos lahat ng mag estasyon ng radyo sa AM man o sa FM ay gumagamit ng Filipino at iba't ibang barayti nito. May mga programa rin sa FM tulad ng Morning Rush na gumagamit ng wikang Ingles sa pag- broadcast subalit nakakarami pa rin ang gumagamit ng Filipino. May mga estasyon ng radyo sa mga probinsya na gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kapag may kinakapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipag-usap. SITWASYONG PANGWIKA SA DIYARYO SITWASYONG PANGWIKA SA DIYARYO Broadsheet pormal na uri ng pahayagan, karaniwang nakaimprinta sa malaking papel at nakasulat sa Ingles na wika. madalas na binabasa ng mga taong propesyunal katulad ng abogado, doktor, mga businessman at marami pang iba. Malawak ang nasasaklaw ng sirkulasyon nito. Bukod sa mga balita sa loob ng bansa, naglalaman din ang broadsheet ng mga internasyonal na mga kaganapan. SITWASYONG PANGWIKA SA DIYARYO Tabloid maituturing na impormal na uri ng pahayagan. Ito ay mas maliit at mas kaunti ang nilalaman kumpara sa broadsheet. Tagalog ang pangunahing wikang ginagamit, maaari ka ring makabasa ng mga salitang balbal. tinaguriang "diyaryong pangmasa" dahil ito ang mas binibili ng masa o mga karaniwang tao dahil mas mura at nakasulat sa wikang higit nilang naiintindihan, kaya naman masasabing mas malawak ang impluwensiya ng mga babasahing ito sa nakararaming Pilipino. SITWASYONG PANGWIKA SA DIYARYO Mga Katangian ng Tabloid: Nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong makaakit agad ng mambabasa. Ang nilalaman ay karaniwang sensasyonal na naglalabas ng impormalidad Hindi pormal amg mga salita. SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA Kung pelikula ang pag-uusapan, sa makabagong henerasyon ngayon, mas pinipili na ng maraming manonood ang mga pelikulang banyaga na madalas ay gumagamit ng wikang Ingles bilang midyum. SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA Bagama't mas maraming banyaga kaysa sa lokal na pelikula ang naipalalabas sa ating bansa taon-taon, ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino ay mainit ding tinangkilik ng mga manonood. Noong taong 2023 ipinalabas sa mga sinehan ang pelikulang REWIND, na siya ngayong itinuturing na highest grossing film in the Philippines. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR Isa sa mga katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay umuusbong ang iba't ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin ng impluwensiya ng mga pagbabagong pinalalaganap ng media. Sa kasalukuyan ay may iba't ibang nauusong paraan ng malikhaing pagpapahayag na gumagamit ng wikang Filipino at mga barayti nito sa mga sitwasyong tulad ng sumusunod. FLIPTOP FLIPTOP Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa Balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkakatugma bagama’t sa Flip Top ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan. FLIPTOP Kung ano lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang katunggali. Di tulad ng balagtasan na gumagamit ng pormal na wika sa pagtatalo, sa Flip top ay walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang mga salitang ibinabato ay di pormal at maibibilang sa iba’t ibang barayti ng wika. Pangkaraniwang gumagamit ng mga salitang nanlalait para makapuntos sa kalaban. FLIPTOP Laganap ang Fliptop sa kabataan. Katunayan, may malalaking samahan na silang nagsasagwa ng mga kompetisyong tinatawag na Battle League. Ang bawat kompetisyong tinatampukan ng dalawang kalahok ay mag tigtatlong round at ang panalo ay dinedesisiyon ng mga hurado. May mga fliptop na isinasagawa sa Ingles subalit ang karamihan ay sa wikang Filipino lalo sa tinatawag nilang Filipino Conference Battle. FLIPTOP Karaniwang paglaganap ng fliptop ay sa pamamagitan ng Youtube. Sa ngayon ay marami na ring paaralan ang nagsasagawa ng Fliptop lalo na sa tuwing ginugunita ang Buwan ng Wika. PICK-UP LINES PICK-UP LINES Sinasabi na ito ang makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabi rin na ito ay nagmula sa boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti, at magpa- ibig sa dalagang nilliligawan. PICK-UP LINES Kung may mga salitang angkop na makapaglarawan sa pick-up line, masasabing ito’y nakakatuwa, nakapagpangiti, nakakikilig, cute, chessy, at masasabi ring corny. Madalas itong marinig sa usapan ng kabataang magkakaibigan o nagkakaibigan. Nakikita ito sa sa mga Facebook wall, Twitter, at sa iba pang social media network. PICK-UP LINES Ang wikang ginagamit sa mga pick-up lines ay karaniwang Filipino at mga barayti nito subalit nagagamit din ang Ingles o Taglish dahil sa mga kabataan ang higit na nagpapalitan ng mga ito. Kailangang ang taong nagbibigay ng pick-up line ay mabilis mag- isip at malikhain para sa ilang sandal lang ay maiugnay o mai-konekta ang kanyang tanong sa isang nakapagpapakilig na sagot. “BOOM!” ang sinasabi kapag sakto o maliwanag na maliwanag ang koneksiyon ng dalawa. PICK-UP LINES Nauso ang pick-up lines dahil sa impluwensiya ni “Boy Pic- up” o Ogie Alcasid sa programa nilang Bubble Gang na may ganitong segment. Naging matunog din ito lalo na nang gamitin ni Senadora Miriam Defensor Santiago sa kanyang mga talumpati; at isinulat pa niya sa aklat na Stupid is Forever. PICK-UP LINES PICK-UP LINES HUGOT LINES HUGOT LINES Ang hugot lines, kaiba sa Pick-up lines, ay tinatawag ding love lines o love quotes. - Ito ay isa pang patunay na ang wika nga ay malikhain. - Ito ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakikilig, nakatutuwa, cute, cheesy, o minsa’y nakaiinis. HUGOT LINES Karaniwang nagmula ito sa mga linya ng ilang taihan sa pelikula o telebisyong nagmamarka sa puso’t isipan ng mga manonood subalit madalas nakagagawa rin ng sarili nilang “hugot lines” ang mga tao depende sa damdamin o karanasang pinagdaraanan nila sa kasalukuyan. Minsan ang mga ito’y nakasulat sa Filipino subalit madalas, Taglish ang gamit na salita sa mga ito. HUGOT LINES HUGOT LINES HUGOT LINES HUGOT LINES SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na kilalang text message o text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Humigit kumulang sa apat na bilyong text ang ipinapadala at natatanggap sa ating bansa sa araw araw na dahilan upang tayong ay kilalanin bilang “Texting Capital of the World”. SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT Higit na popular kaysa sa pagtawag sa telepono o cellphone dahil bukod sa mura ang mag-text mas komportable ang taong magparating ng maiikling mensaheng nakasulat kaysa sa sabihin ito ng harapan o gamit ang telepono. Hindi makikita ang ekspresyon ng mukha o tono ng boses na tumatanggap ng mensahe. Nabibigyan ng pagkakataon na ma-edit ang mensahe at mas piliin ang angkop na pahayag o salita kaysa sa aktuwal itong sabihin ng harapan o sa telepono. SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT Mas madalas ang paggamit ng code switching o pagpapalit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag. Madalas din na binabago o pinapaikli ang baybay ng salita para mas madali o mas mabilis itong mabuo. Walang sinusunod na tuntunin o rule sa pagpapaikli ng salita gayundin kung Ingles o Filipino ang gagamitin basta maipadala ang mensahe sa pinakamaikli, pinakamadali at kahit paano’y naiintindihang paraan. SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET Pagyabong ng paggamit ng social media sites kagaya ng Facebook, Twitter, Instagram, Pinterest, Tumblr atbp. Lahat ng uri ng tao ay umaarangkada ang social life at kabilang na rin sa mga netizen. SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET Marami ang nagtuturing na ito ay biyaya dahil nagiging daan sa pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay. Madaling makabalita sa mga nangyayari sa buhay sa pamamagitan ng mga nakapost na impormasyon, larawan at pagpapadala ng pribadong mensahe (pm) gamit ang mga ito. SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET Karaniwang ang code switching ang wikang ginagamit sa social media o pagpapalit palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag. May pagpapaikli o pagdadaglat sa mga post o komento dito. Mas pinag-iisipan mabuti ang mga salita at pahayag bago i- post dahil mas maraming tao ang maaaring makabasa at makapagbigay reaksyon. Sa post o komento ay madalas makita ang edited na ang ibig sabihin ay may binago o inayos ang post o nagkomento pagkatapos niyang mabasa ang kanyang isinulat. SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET Sa Internet, bagama't marami nang web site ang mapagkukunan ng mga impormasyon o kaalamang nasusulat sa wikang Filipino ay nananatiling Ingles parin ang pangunahing wika rito. Ang nilalaman ng internet ay ang mga sumusunod na nakasulat sa Filipino: impormasyon sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan, mga akdang pampanitikan, mga awitin, mga resipe, rebyu ng pelikulang Filipino, mga impormasyong pangwika, video at iba’t ibang artikulo at sulatin sa mga blog. SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET Masasabing ang mga babasahing nasusulat sa wikang Filipino ay hindi kasindami ng mga babasahing nasusula sa wikang Ingles at maaring hindi pa ito nakasasapat sa pangangailangan ng mga mamamayan lalo na ng mga mag-aaral na naghahanap ng impormasyon at babasahing nasusulat sa ating sariling wika. SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN Ang wikang ingles ang ginagamit sa boardroom ng malaking kumpanya lalo na ang mga multicompanies. Ito rin ang wika sa mga Business Process Outsourcing (BPO), call centers, lalo na ang kompanyang nakabase sa Pilipinas subalit sineserbisyuhan ng dayuhang customer. Ang mga dokumentong nakasulat tulad ng memo, kontrata, kautusan, ay ginagamitan ng wikang ingles. SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN Gayunpaman, nananatiling Filipino at iba't ibang barayti ng wika sa mga pagawaan, mga mall, mga restoran, mga pamilihan, mga palengke, at maging sa direct selling. Ito rin ang ginagamit sa mga patalastas pantelebisyon o panrandyo. Mas malawak at mas maraming mamimili kasi ang naaabot ng mga impormasyong ito kung wikang nauunawaan ng nakararami. SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN Basi sa Atas Tagapagpaganap bilang 335, serye ng 1988 na “nagtataas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya, at instrumentality ng pamahalaan na magsasagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na transaksyon, komunikasyon, korespondensya.” SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN Ang dating Pangulong Cory Aquino ay nagpapalaganap ng wikang Filipino sa pamahalaan dahil hanggang sa kasalukuyan ay nananatili ang mga pinasimulan niyang mga inisyatibo sa paggamit ng wika. Ginamit ni dating Pangulong Benigno III ang wikang Pilipino sa pagpapahayag ng kanyang SONA. Maging sa mga opisyal na pagdinig sa pamahalaan ay wikang Filipino subalit hindi naiiwasan ang code switching. SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON Sa mga nauanang aralin ay ating nalaman ang kasalukuyang kalagayan ng wikang Filipino sa mga silid-aralan ayon sa itinatadhana ng K to Basic Education Curriculum. sa mababang paaralan (K hanggang ika-3 baitang) ay unang wika ang gamit bilang wikang panturo. sa mas mataas na antas ay mananatiling bilingguwal kung saan ginagamit ang wikang ingles bilang wikang panturo, hiwalay sa asignaturang Filipino. SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON Ang pagkakaroon ng batas at pamantayang sinusunod ng mga paaralang pribado man o pampubliko ay nakatutulong nang malaki upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga magaaral, kasabay ng pagkatuto ng wikang ingles at makatulong sa mga mag-aaral upang higit nilang maunwaan at mapahalagahan ang kanilang mga paksang pinagaaralan.