ARALIN 1-2ND QUARTER-KOMPAN PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Bb. Rachelle Mapor
Tags
Summary
This document discusses the use of the Filipino language in various situations in the Philippines, including mass media, television, radio, newspapers, and the internet. It explores the status and use of Filipino in different sectors of society. The document also examines how Filipino is used in different situations.
Full Transcript
Magandang Araw! Inihanda ni: Bb. Rachelle Mapor Sitwasyong Pangwika Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: nabibigyang kahulugan ang sitwasyong pangwika 1 Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:...
Magandang Araw! Inihanda ni: Bb. Rachelle Mapor Sitwasyong Pangwika Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: nabibigyang kahulugan ang sitwasyong pangwika 1 Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: natutukoy ang kalagayan ng wika sa iba’t ibang sitwasyong pangwika sa Pilipinas 2 Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: nakasusulat ng isang tekstong nagpapakita ng kalagayan ng wikang Filipino sa iba’t ibang 3 sitwasyon Sitwasyong Pangwika Sitwasyong Pangwika Ayon kay Jomar I. Empaynado, isang propesor at manunulat, ito ay anumang panlipunang phenomenal sa paggamit at paghulma ng wika. Sitwasyong Pangwika Ayon naman kay Ryan Ateroza, isang akademiko sa Wikang Filipino, ito ay tumutukoy sa kung anong wika ang ginagamit sa iba’t ibang sektor ng lipunan at ang status ng pagkakagamit nito. Sitwasyong Pangwika Sa madaling salita, ito ang mga pangyayaring nagaganap sa lipunan na may kinalaman sa patakaran sa wika at kultura. Sitwasyon Pangwika sa Mass Media Print Media Ayon kay Rodman Broadcast Media (2007), may apat na kategorya ang usaping Digital Media mass media: Entertainment Media Sitwasyon Pangwika sa telebisyon Sitwasyon Pangwika sa telebisyon Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito. Mabuti ang nagging epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating ang malalayong pulo at ibang bansa. Sitwasyon Pangwika sa telebisyon Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga lokal na channel. Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay mga teleserye, mga pantanghaliang palabas, mga magazine show, news and public affairs, reality show at iba pang programang pantelebisyon. Sitwasyon Pangwika sa telebisyon Ang pagsubaybay ng milyon-milyong manunuod sa mga teleserye o pantanghaling programa ang dahilan kung bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino. Sitwasyon Pangwika sa radyo Sitwasyon Pangwika sa radyo Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM. Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit gumagamit din ng wikang Filipino kung may kapanayam upang makipag-usap. Sitwasyon Pangwika sa dyaryo Sitwasyon Pangwika sa dyaryo Kadalasan sa dyaryo, wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman sa tabloid. Tabloid ang mas tinatangkilik ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila ang wikang ginagamit dito. Katangiang ng tabloid 1. Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na pamagat na naglalayong maakit agad ang mambabasa. 2. Ang nilalaman ay karaniwang sensesyonal na naglalabas ng impormalidad. 3. Hindi pormal ang mga salitang ginagamit. Sitwasyon Pangwika sa internet o social media Sitwasyon Pangwika sa internet Ang social media ang tumutukoy sa pangkat ng internet- based application na nagpapahintulot sa pagbuo at pagpapalitan ng mga impormasyon gamit ang teknolohiya. Isa itong pamamaraan ng interaksyon ng mga tao na lumilikha, nagbabahagi, at nagpapalitan ng mga ideya sa isang virtual community (Kaplan, 2009). Sitwasyon Pangwika sa internet Ilang pananaliksik na ang nagsabi na isa sa mga pinakaaktibo sa paggamit ng internet ay mga Pilipino, bagaman Ingles ang pangunahing wika sa paggamit nito at Ingles ang mga materyales na matatagpuan rito, hindi na rin maisasantabi ang paglaganap ng mga tekstong nasusulat sa Filipino. Sitwasyon Pangwika sa internet Ang Facebook ay isa sa may pinakamalawak na sakop ng paggamit ng internet, isang komunidad na kung saan ay may kalayaan ang bawat miyembro na magpahayag, magpalitan ng kuro-kuro, manghikayat, mag- impluwensya at marami pang ibang dahilan sa paggami nito. Sitwasyon Pangwika sa internet Ang gamit ng wika sa social media ay masasalamin halimbawa sa mga blogs. Ang blogs ay taguri sa mga tampok na impormasyong nang-aaliw, nagpapabatid, naglalarawan, nagpapaliwanag at nanghihikayat na gawa ng mga blogger. Nagiging madali para sa mga blogger ang magpahayag gamit ang wikang nauunawaan ng nakararami na maaring may parehong interes. Sitwasyon Pangwika sa internet Napayayaman ang Filipino sa social media dahil sa malawak na sakop nito ng tagabasa, tagasulat at tagasubaybay. Sitwasyon Pangwika sa internet Ang mga guro at mag-aaral ay nakikinabang sa mas mabilis na paraan ng pagkatuto at pagtuturo dahil sa social media sites. Nagiging daan ito sa mabisang pagpaparating ng aralin, kasunduan, at anunsyo. Nagiging maalam rin ang netizens sa paggamit ng wika sa pagpapahayag, pormal man o impormal. Sitwasyon Pangwika sa internet Maraming salita ang naglitawan nang lumaganap ang social media gaya ng mga salitang follow, like, share, unfriend, status. Pati na rin ang mga acronym na LOL, GTG, LMAO, at ibp. Maraming salamat! Inihanda ni: Bb. Rachelle Mapor