Aralin 1 & 2: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas PDF
Document Details
Uploaded by EndearingUtopia
Our Lady of Lourdes College
Tags
Summary
This document details lesson plans in Filipino, discussing topics such as mass media categories, its impact on society, culture, and communication skills. The lessons cover definitions, examples, and concepts relevant to Filipino language and culture studies.
Full Transcript
Aralin 1: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas Ang Kategorya ng Mass Media ayon kay Rodman, 2007: 1. Print Media: mga aklat, magasin, dyaryo at iba pang uri ng lathalain. 2. Broadcast Media: ang radyo at telebisyon. 3. Digital Media: paggamit ng computer o internet. 4. Entertainment Med...
Aralin 1: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas Ang Kategorya ng Mass Media ayon kay Rodman, 2007: 1. Print Media: mga aklat, magasin, dyaryo at iba pang uri ng lathalain. 2. Broadcast Media: ang radyo at telebisyon. 3. Digital Media: paggamit ng computer o internet. 4. Entertainment Media: mga pelikula, recording at mga larong pang-video. Ayon kay Reyes noong 1997… “Karaniwang iniuugnay ang kulturang popular sa paglawak ng impluwensya ng teknolohiya, sa matinding komersyalisasyon at madaling reproduksiyon ng mga manipestasyon ng kultura tulad ng mga magasin, komiks, radyo, telebisyon, pelikula, at kahit na ang mga moda sa damit, mga grapiti, mga kanta, mga patalastas (advertisements), mga bagay sa isang maunlad na lipunan.” Impak na dulot ng Mass Media - paghubog ng mga kamalayang panlipunan. Mga Halimbawa ng Kulturang Popular: 1. Komiks: Print media, nauso noong dekada ‘20 at unti-unting nawala sa sirkulasyon noong dekada ‘90. 2. Teleserye: Teknolohiya at mass media, naging popular ang mga teleserye na dati ay pinakikinggan lamang sa radio bilang radio drama. 3. Pelikula: Dekada ‘50, mga artista at director ang kinilala maging sa ibang bansa. Dahil dito umusbong ang independent films o Indie Film na gawa ng mga independent producers, direktor, artista, at iba pa. 4. Fliptop Battle: Tunggalian o tagisan ng talino. May ilang nagsasabi na ito ay panibagong mukha ng rap at balagtasan. Ayon kay Reyes, ang anomang bago sa ating kultura ay niyayakap at tinatangkilik ng mga tao dahil sa mga sumusunod na kadahilanan: 1. Ekspresyon o pagpapahayag ng mga saloobin, ideyal, pangarap, ligaya o maging takot, at marami pang damdamin ng mga mamamayan. 2. Ang iba’t ibang anyo ng kultura ay mga simplikasyon, mga pagtatangkang maunawaan ang mga masasalimuot na karanasan at pangyayari sa loob at labas ng buhay ng indibidwal sa isang lipunan. 3. Sa simplikasyon ito rin rin matatagpuan ang papel ng kultura bilang isang mekanismo upang kayanin ng tao na batahin ang komplikadong buhay. 4. May aral na makukuha. 5. May aliw na mahahango. Aralin 2: Kakayahang Pangkomunikatibo ng Pilipino Komunikasyon: mula sa saling Latin na communicare = “upang maibahagi”. Sistematikong paraan ng pagbabahagi ng impormasyon sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig. Naisasakatuparan sa tulong ng mga sagisag, simbolo at kumpas. Sa paggamit ng midyum, ang isang tao ay maaaring makipag palitan sa iba ng kanyang ideya ng mabisa. Kakayahang Pangkomunikatibo: Kakayahan ng mag-aaral na maunawaan at magamit ang wika ng naaayon sa pakikipagtalastasan sa loob at labas ng paaralan. “” (Dell Hymes, 1966) Ang kakayahang pangkomunikatibo ay terminong nilikha ni Dell Hymes noong 2996 sa reaksyon sa paniniwala ng lingguwistikang si Noam Chomsky noong 1965. Foundations of Sociolinguistics: Ethnographic Approach ni Hymes, (1972, 277): ang isang karaniwang bata ay nagkakamit ng kaalaman sa pangungusap hindi lamang panggramatika kundi sa pagiging naaayon nito. Kaalaman sa mga gampanin kumokontrol sa mga prinsipyo ng paggamit ng wika. 4 na element ng kakayahang komunikatibo: Kakayahang lingguwistiko, sosyolingguwistiko, diskorsal at estratedyik. Kakayahang Linggwistiko/ Estraktural/ Gramatikal: Binibigyang pansin sa pag-aaral ng wika ang paglalaan ng kasanayan tungo sa mabisang pakikipagtalastasan. Sa terminolohiyang panlingguwistika, ang pagtuturo ng wika ay hindi lamang kakayahang lingguwistiko kundi kakayahang pangkomunikatibo sa pangkalahatan. Kakayahang Lingguwistiko: kaalaman sa mga tuntunin ng wika, gaya ng balarila, talasalitaan, at ang mga kombensyon ng pasulat na representasyon (pasulat at ortograpiya). Balarila: - Bala + dila o bala ng dila (Lope K. Santos) - Sining ng wastong paggamit ng salita at pagsulat batay sa mga tuntunin ng isang wika. (UP Diksiyonaryong Pilipino, p 116) - Hal: raw:daw, rin:din, roon:doon Mga Bumubuo sa Balarila: 1. Ponetika: kaalaman sa mga tunog at pagbigkas. 2. Ponolohiya:Mga tuntunin sa pagbuo ng mga tunog at pagbuo nito. 3. Morpolohiya: Pagbuo ng mga salita ayon sa pagbabago sa tono at ugat ng mga ito. 4. Sintaks: Tuntunin sa pagsasama-sama ng mga salita at pahayag tungo sa pagbuo ng pangungusap. 5. Semantika: Paraan sa pagtukoy sa kahulugan sa pamamagitan ng wika. Ortograpiya: - Kombensyon ng pasulat na representasyon. - Nagmula sa salitang griyego na “orthos” = “tama”, at “graphein” = “isulat”. Kakayahang Sosyolingwistiko: kaalaman sa mga tuntuning pansosyokultural, gaya ng mga paraan sa paggamit at pagtugon ng naaangkop sa wikang gamit ng kausap. Pagiging mulat sa paraan ng paggamit ang wika nang naaayon sa lugar ng pangungusap, paksa at relasyong namamagitan sa mga taong nag-uusap. Aralin 3: Kakayahang Pangkomunikatibo ng Pilipino: Ang Modelong SPEAKING Dell Hymes: Modelong magtataguyod sa pagsusuri ng diskurso bilang isang serye sa pagsasalita ayon sa mga sitwasyon at akto ng pagsasalita na nakapaloob sa kontekstong kultural. Modelong SPEAKING: - Setting/scene (saan nag-uusap?): oras at lugar kung saan naganap ang komunikasyon, pangkalahatan, sa isang kaganapan. - Participants (sino ang kausap?): ang ispiker at awdyens. Ang awdiyens ay maaaring ituring bilang binibigyang-tuon ng pakikipagtalastasan at ang iba naman ay tagapakinig lamang. - Ends (ano ang layunin?): tumutukoy sa parehong layunin at kalalabasan ng isang komunikasyon. Inaasahang bunga ng isang gawain ng mga indibidwal na kalahok dito. - Act sequence (takbo ng usapan): takbo o daloy ng usapan at iba’t ibang bahagi ng isang sitwasyong pangkomunikasyon. - Key (pormal o impormal): nagtataguyod ng tono at paraan ng pakikipag-usap. - Instrumentalities (ano ang midyum ng usapan): ang anyo at estilo ng pagsasalita. Isa sa mga aspekto nito ang daluyan ng komunikasyon. - Norms (ano ang paksa ng usapan?): dapat isaalang-alang dito ang mga tuntuning pansosyal ng isang kaganapan at ang aksyon at reaksyon ng mga kalahok dito. - Genre: mga paraan ng pakikipag-usap na masasalamin din sa paksa ng usapan. Aralin 4: Kakayahang Pangkomunikatibo ng Pilipino: Linyar, Interaktibo, at Transaksyonal na modelo Ang mga Modelo ng Komunikasyon: Layunin ng isang “modelo” na maglaan ng representasyong biswal at may intensyong magbigay ng kabatiran tungkol sa isang konsepto. LINYAR na Modelo ng Komunikasyon: Ang tagapagpadala ng mensahe ang nag-eenkowd ng mensahe sa pamamagitan ng isang tsanel at ang mensahe ay dinedekowd ng tumatanggap nito. Sina Shannon at Weaver (1949) ang mga unang nagpakilala ng Linyar na Modelo ng Komunikasyon na nakaangkla sa Teoryang Matematikal ng Komunikasyon. Interaktibong Modelo ng Komunikasyon: Maenkowd ang mensahe at maipadala sa tagatanggap nito, magkakapalit ng gawain ang dalawang sangkot sa komunikasyon kung ito ay magbibigay ng tugon o feedback. Transaksyonal na Modelo ng Komunikasyon: nagaganap sa pamamagitan ng harapan o face-to-face na interaksyon, o transaksyon bilang isang dinamiko at nagbabagong proseso na hindi limitado sa payak na kahulugan. Ang mensahe ay maaaring ipdala nang magkasabay. PAGLALAHAT: 3 modelo ng proseso ng komunikasyon: Linyar, Interaktibo at Transaksyonal, ang bawat isa ay naglalaan ng kanya-kanyang perspektibo sa proseso ng komunikasyon.