Aralin 1-4 (ARELLANO UNIVERSITY SY 2024-2025) PDF

Summary

These are lesson plans for a Filipino subject, likely covering open-minded thinking, courage, and honesty. The documents are from Arellano University, and are for the SY 2024-2025 school year.

Full Transcript

ARELLANO UNIVERSITY SY 2024 - 2025 **Aralin 1** **BUKAS AT MAPANURING ISIPAN** - Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag --aaral ay inaasahang naipapakita ang pagkakaroon ng bukas at mapanuring isipan, naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkabukas ng isipan sa pakikitungo sa kapwa at...

ARELLANO UNIVERSITY SY 2024 - 2025 **Aralin 1** **BUKAS AT MAPANURING ISIPAN** - Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag --aaral ay inaasahang naipapakita ang pagkakaroon ng bukas at mapanuring isipan, naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkabukas ng isipan sa pakikitungo sa kapwa at naisasabuhay ang pagkakaroon ng bukas ng isipan. - **ARALIN** **Ang pagkakaroon ng bukas at mapanuring isipan ay magiging daan upang maging makabuluhan ang pag aaral at matamo ang tamang gamit ng karunungan. Ito rin ang daan upang ang mga hakbang at pagpapasya ay masiguradong tama at sa ibaubuti ng sarili at ng kapwa.** **Ang bukas at mapanuring kaisipan ay nagbibigay-daan sa pag-unawa sa katwiran at opinyon ng iba. Sa bukas at mapanuring isipan, nauunawaan at lumilinaw ang maraming bagay.** 1. **Paggamit ng social media applications** ![Description: IMG\_256](media/image4.jpeg) - **TANDAAN** **Ang mapanuring kaisipan ang susi sa matalinong pagpapasiya at paggawa ng desisyon para sa ikabubuti ng sarili at ng kapwa.** **Aralin 2** **TATAG NG LOOB AT PANININDIGAN** - Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag --aaral ay inaasahang nakapagbibigay ng tamang desisyon nang may katatagan ng loob at naipapamalas ang kahalagahan ng katatagan ng loob sa anumang sitwasyon. - **ARALIN** Dahil sa madalas tayong nahaharap sa isang pagpapasya na ang bunga ay maaaring ikatuwa o ikagalit ng mga taong tumatanggap nito. Ang araling ito, ay makakatulong upang makagawa tayo ng tamang pagdedesisyon. Sa pagdedesisyon ay kailangan ang mapanuri at bukas na isipan upang ang pagpapasya ay maging tama at mahusay. Mahalagang magkaroon ng tatag ng loob sa ating mga pagpapaasiya upang maging positibo sa pagharap sa mga suliranin sa buhay. **Sa bawat desisyon na ginagawa natin, dapat handa tayo sa anumang mangyayari o kahihinatnan nito. Maaaring mapagalitan o mapuri tayo, hindi lahat ay sasang-ayon sa atin, pero ang mahalaga ay mayroon tayong tatag ng loob at paninindigan sa pagpapasya o pagharap nito.** **Ang tatag ng loob ay tinatawag ding paninindigan. Kung ano ang naging pasya mo, iyon ang iyong paninindigan.** **Ang desisyong pabago -- bago ay hindi mainam. Kaya't bago gawin ang isang desisyon dapat itong pag --isipang mabuti at dapat gamitan ng mapanuring kaisipan upang hindi magkamali. Pagkatapos ng pagsusuri, ang pasya ay dapat na panindigan. Anuman ang mangyari sa naging desisyon, dapat na ito ay iyong matanggap. Tandaan lagi na sa pagdedesisyon ay hindi lamang ang sarili ang naaapektuhan kundi maging ang lahat ng taong sangkot sa nasabing pagpapasya.** 1. Pansinin ang mga larawan sa ibaba? Sa pag-aaral, importanteng magkaroon ng tatag ng loob at paninindigan lalong-lalo na kapag ikaw ay nahihirapang mag-aral. Hindi ibig sabihin na kung hindi mo naipasa ang pagsusulit ay wala ka nang pag-asa. Magkaroon ka nang tapang at lakas ng loob na mag-aral pa nang mabuti para sa susunod ay maipasa mo na ang lahat ng pagsusulit at gawain sa iyong pag-aaral. 2. Ano ang nakikita mo sa larawan sa ibaba? Ito ay napapanahon dahil sa kasalukuyang hinaharap natin na krisis sa kalusugan. Sa panahong ito nararapat lamang na pag-isipan natin ang mga ginagawa nating pagpapasiya. Pairalin ang mapanuring kaisipan upang magkaroon tayo ng mga tamang desisyon na nauukol sa ating kalusugan. Maging responsible sa mga kilos at gawain upang mapanatiling ligtas at nasa magandang kalusugan ang mga taong kasama mo. Lahat tayo ay may iba't-ibang sitwasyon na kinakaharap at ang mga ito ay mahirap at napakalaking balakid sa ating pag-unlad. Pero magpakatatag at magkaroon tayo ng paninindigan na malalampasan natin ito. Description: See the source image![Description: See the source image](media/image8.jpeg) [[sick people clipart - Bing images]](https://www.bing.com/images/search?q=sick%20people%20%20clipart&qs=n&form=QBIR&sp=-1&pq=sick%20people%20clipart&sc=8-19&cvid=DA6523775A1A45F0B28CB2C98D729F8A&ghsh=0&ghacc=0&first=1&tsc=ImageHoverTitle) - **TANDAAN** Tandaan: Tatag ng kalooban, mapanuri, at bukas na kaisipan, sa pagdedesisyon ay dapat na isaalang -- alang. **Aralin 3** **PAGMAMAHAL SA KATOTOHANAN** - Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang naisasabuhay ang pagmamahal sa katotohanan at nauunawaan ang kahalagahan ng pagiging matapat. - **ARALIN** Naranasan mo na bang magsinungaling at itago ang totoo? Pinahahalagahan mo ba ang pagsasabi nang totoo? Minsan mahirap magsabi ng totoo dahil sa kahirapan ng sitwasyon o sensitibong mga paksa. May mga nagsisinungaling para maiwasang masaktan o mapahamak. Ngunit ito ay masama at hindi makatutulong sa taong pinagsisinungalingan mo at sa iyo mismo. Kung kayat napakahalaga ang pagsasabi ng katotohanan dahil ang **pagsasabi at paggawa ng totoo at tama ang siyang nagpapalaya sa atin. Kung ikaw ay laging nagsasabi ng totoo at malaya kang sabihin kung ano ang nasasaloob mo, hindi ka matatakot na may magalit sa iyo dahil totoo ang sinasabi mo. May kasabihan din na kung nagsasabi ka nang tapat, wala kang dapat ipaliwanag. Subalit kung ito ay mali, marami kang ipaliliwanag. Maraming natutuwa sa taong laging nagsasabi ng totoo, samantalang ang taong sinungaling ay iniiwasan at hindi pinagkakatiwalaan.** **Ang pagmamahal sa katotohanan o ang paggiging makatotohanan ay dapat maisabuhay at mapagsikapang mapairal sa lahat ng pagkakataon. Ito ang hamon sa bawat tao -- maging instrumento tungo sa katotohanan at magsikap na mapaninindigan nang may katuwiran ang piniling pasiya at mga pagpapahalaga.** **Ang pagmamahal sa katotohanan ay dapat lagi nating isapuso, isaisip, at isagawa. Gawin nating panuntunan ito sa pagiging mabuting tao. Tandaan at isapuso, na ang pagmamahal sa katotohanan ay tanda ng katatagan ng isip at damdamin. Napahahalagahan din ang katotohanan ng mga naririnig, nababasa o napapanood sa pamamagitan ng matamang pagsusuri sa mga ito at ang pagtanggap kung anuman ang totoo pra sa kabutihan ng sarili at ng iba pang maapektuhan nito.** Lagi nating pakatatandaan na ang taong nagmamahal sa katotohanan ay may mabuting kalooban at napapanatili nito ang kabutihan sa kanyang puso. Ang pagmamahal sa katotohanan ay naisasabuhay sa pamamagitan ng pagsasalita. Hindi ka nagsisinungaling sa lahat ng sinasabi mo sa kapwa mo. Tingnan ang larawan. Ano kaya ang ipinakikita nito? - **Pagsasabi ng totoo sa magulang kung may nagawang kasalanan.** - **Pagsasabi ng tunay na pangyayari o inaamin ang nagawang pagkakamali.** - **Hindi ka nagsisinungaling sa mga sinasabi mo sa ibang tao.** Ang pagmamahal sa katotohanan ay naisasabuhay sa pamamagitan ng paggawa. Ginagawa natin ito sa araw- araw nating pamumuhay. Ang lahat ng ginagawa natin ay pawang totoo at mabuti. - **Hindi mo niloloko ang kaklase mo sa mga bagay na hindi totoo.** - **Hindi pangongopya sa pagsusulit** - **Hindi tayo gagawa sa ating kapwa ng masama.** - **Pagpili at pagboto ng mga opisyales ng klase ayon sa kanilang kakayahan hindi dahil mga kaibigan mo sila.** - **Maging mapanuri sa mga nababasa at nakikita sa social media. Tingnang mabuti kung totoo ang mga nakukuhang impormasyon dito pati na rin ang ibinabahagi mo sa ibang tao.** - **TANDAAN** Ang pagmamahal sa katotohan ang dapat nating panghawakan upang ating pamumuhay ay malayo sa kasinungalingan. **Aralin 4** **PAGKAMATIYAGA** - - **ARALIN** - **Ang pagtitiyaga ay hindi pagsuko sa mga sitwasyon.** - **Ang pagtitiyaga ay kakambal ng kasipagan.** - **Ang pagtitiyaga ay pagkakaroon ng mahabang pasensiya.** - **Ang pagtitiyaga ay ang pagkakaroon ng pokus sa lahat ng ginagawa.** ![](media/image10.jpeg) - **TANDAAN** **Ang pagtitiyaga ay hindi pagsuko sa anumang ginagawa tungo sa pagpaunlad ng sarili. Tandaan na ang lahat ng problemang dumarating ay may solusyon, maging metatag lamang at gumawa ng tamang pagpapasya.**

Use Quizgecko on...
Browser
Browser