EsP 2_Lesson 1 (3rd Quarter) PDF
Document Details
Uploaded by FlatterIrrational9867
Tags
Summary
This document contains lesson plans for the 3rd quarter of the Filipino subject. It discusses the rights and responsibilities of children, in the context of educational materials, providing examples and activities.
Full Transcript
Ikatlong Markahan Edukasyon sa Pagpapakatao 2 Mag-isang naglalakad si Sunshine sa daan habang nagbabasa. Napansin siya ng kanyang mga kaibigan... Joaquin: Kamusta, Sunshine! Mukhang abala ka sa iyong binabasa. Marvi: Mahalaga ba ang iyong binabasa, Sunshine? Sunshine: Kumust...
Ikatlong Markahan Edukasyon sa Pagpapakatao 2 Mag-isang naglalakad si Sunshine sa daan habang nagbabasa. Napansin siya ng kanyang mga kaibigan... Joaquin: Kamusta, Sunshine! Mukhang abala ka sa iyong binabasa. Marvi: Mahalaga ba ang iyong binabasa, Sunshine? Sunshine: Kumusta sa inyong lahat! Oo, Mahalaga itong aking binabasa. Matt: Tungkol ba saan iyan? Sunshine: Hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang kuwento ng isang batang lalaki... Ang Kuwento Ni Reynold Si Reynold ay sampung taong gulang at nakatira kasama ang kanyang pamilya sa lumang kariton sa labas ng bayan. Walang permanenteng hanapbuhay ang tatay ni Reynold at ang kanyang nanay naman ang siyang nag-aalaga sa kanyang dalawang nakababatang kapatid. Naghahanapbuhay si Reynold upang makatulong sa pamilya sa pamamagitan ng pangongolekta ng mga patapong gulay mula sa Divisoria- ang pinakamalaking palengke sa Maynila. Anuman ang kanyang makolekta ay ibinebenta, at iniuuwi ang matitira para sa kanilang tanghalian o hapunan. “Sa tuwing ako ay nagigising, nagluluto na ang aking nanay ng kanin, at pagkatapos naming kumain, nagtitinda na ako ng mga gulay upang may ipangkain kami sa tanghalian at hapunan. Ipinambibili namin ng pagkain ang aking kinikita. Kung may sosobra sa aking kinita, bumibili kami ng bigas kahit walang ulam,” kuwento ni Reynold. Tulad ng mga kaibigan ni Reynold, kinakailangan nilang maghanapbuhay upang makakain araw-araw. Hindi nila alintana ang mga panganib na maaaring matamo bunga ng pamumuhay sa maruming kapaligiran. Pangarap ni Reynold na kumita nang malaki ang kanyang tatay upang makabalik muli ang kanilang pamilya sa kanilang tahanan sa Cavite. Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais din ni Reynold na makabalik sa pag-aaral, makatapos at maging isang doktor balang araw. Ngunit dahil sa kahirapan, kinakailangang mag-aral ni Reynold sa mga mobile education van na naglilibot upang turuan ang mga batang nasa lansangan. Ikatlong Markahan ALAM KO ANG AKING MGA KARAPATAN BILANG BATA Ang mga nasabing mga karapatan ay nahahati sa mga sumusunod: 1. KARAPATANG MASUPORTAHAN ANG MGA PANGANGAILANGAN May karapatan ang mga bata na mamuhay nang maayos. Dapat na isaalang-alang ng mga magulang, pamayanan, at pamahalaan ang pangangailangan ng mga bata upang mabuhay at lumaki sa maayos na kapaligiran. Ang sumusunod ay tiyak na mga halimbawa: 1. KARAPATANG MASUPORTAHAN ANG MGA PANGANGAILANGAN may makakain at matitirahan 1. KARAPATANG MASUPORTAHAN ANG MGA PANGANGAILANGAN oras sa paglalaro 1. KARAPATANG MASUPORTAHAN ANG MGA PANGANGAILANGAN mga damit 1. KARAPATANG MASUPORTAHAN ANG MGA PANGANGAILANGAN sapat na edukasyon 1. KARAPATANG MASUPORTAHAN ANG MGA PANGANGAILANGAN pangangalaga sa kalusugan 2. KARAPATANG MAPANGALAGAAN Lahat ng bata ay may karapatang lumaki nang masaya at malusog. Ang lahat ng mga karapatan ay may karampatang mga hakbang at pagkilos upang mapangalagaan ang mga batang tulad mo laban sa pang-aabuso at pagpapabaya. 2. KARAPATANG MAPANGALAGAAN Ang pang-aabuso at kawalang pagkalinga o atensiyon ay maaaring magdulot ng masama at panghabambuhay na epekto sa mga bata. Mahigpit na ipinatutupad ng batas ang pagtulong sa mga naaabuso at pinahirapang mga bata. 2. KARAPATANG MAPANGALAGAAN Ang mga karapatang ito ay nagbibigay ng seguridad upang mapangalagaan ang mga bata mula sa pang-aabuso ng masasamang tao. Marapat na isumbong sa kinauukulan ang mga abusado at masamang tao upang mapagbayaran ng mga ito ang kanilang mga kasalanan. 2. KARAPATANG MAPANGALAGAAN Halimbawa ng mga pang-aabuso: 2. KARAPATANG MAPANGALAGAAN Mga naidudulot nito: 2. KARAPATANG MAPANGALAGAAN Dapat gawin sa mga umaabuso: 3. KARAPATANG MAKILAHOK Tinitiyak ng mga karapatang ito ang iyong pagkakataon upang makilahok sa mga pagpapasya sa mga bagay na makakaapekto at may kinalaman sa iyong buhay. 3. KARAPATANG MAKILAHOK Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mga tamang paggabay at mga halimbawa kung saan at paano isinasabuhay ng mga batang katulad mo ang pakikilahok: 3. KARAPATANG MAKILAHOK pagpili ng kaibigan 3. KARAPATANG MAKILAHOK pagpapasya kung ano ang makakatulong sa iyo tulad ng pagpili ng pagkain 3. KARAPATANG MAKILAHOK pakikilahok at paghingi ng payo sa pagpili ng gamit