ARALIN 1: PAGMAMAHAL SA DIYOS - 3RD QUARTER

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga aralin tungkol sa pagmamahal sa Diyos at sa kapwa, gamit ang mga kasabihan mula sa Bibliya, at mga halimbawa tulad ni Mother Teresa. Ang mga araling ito ay tungkol sa pagpapahalaga sa mga taong nakapaligid sa atin. May mga tanong at isyu tungkol sa Pananampalataya at Pagninilay.

Full Transcript

ARALIN 1: PAGMAMAHAL SA DIYOS “Paano niyo minamahal ang Diyos at ang iyong kapwa? “ibigin mo ang diyos ng buong puso, isip, at kaluluwa at ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili” JUAN 4:20 “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kanyang kapatid...

ARALIN 1: PAGMAMAHAL SA DIYOS “Paano niyo minamahal ang Diyos at ang iyong kapwa? “ibigin mo ang diyos ng buong puso, isip, at kaluluwa at ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili” JUAN 4:20 “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?” Mother Teresa Isang pagmamahal na ang hinahanap ay makita ang Diyos sa piling ng kapwang pinaglilingkuran. Apat na Uri ng Pagmamahal affection philia Ito ay ang pagmamahal Ito ay pagmamahal ng bilang magkakapatid, lalo magkakaibigan na sa mga magkakapamilya eros aga Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng pe Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito isang tao. Kung ano ang ang pagmamahal na makapagdudulot ng walang kapalit kasiyahan sa kanyang sarili Espiritwalidad at Pananampalataya: Daan sa pakikipag-ugnayan sa Diyos at Kapwa Ang tao ang pinaka-espesyal sa lahat ng nilikha dahil hindi lamang katawan ang ibinigay sa kanya ng Diyos kundi pinagkalooban din siya ng espiritu na nagpapabukod- tangi at nagpapakawangis sa kanya sa Diyos. Ngunit ang nagpapakatao sa tao ay ang kanyang espiritu na kinaroroonan ng persona. PERSONA Ayon kay Scheler, ang PERSONA ay “ang pagka- ako” ng bawat tao na nagpapabukod-tangi sa kanya. Kaya’t ang espirituwalidad ng tao ay galing sa kanyang pagkatao. Kaya’t ang tunay na diwa ng espirituwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos na may kasamang kapayapaan at kapanatagan sa kalooban. PERSONA Ang espirituwalidad ay nagkakaroon ng diwa kung ang espiritu ng tao ay sumasalamin sa kaibuturan ng kanyang buhay kasama - ang kanyang kilos, damdamin, at kaisipan. Ang tao ay naghahanap ng kahulugan ng kanyang buhay. Mula sa kanyang pagtatanong kung bakit siya umiiral. Pananampalataya ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang pasya na alamin at tanggapin ang katotohanan ng presensiya ng Diyos sa kanyang buhay at sa pagkatao niya. Isa itong biyaya na maaaring malaya niyang tanggapin o tanggihan. HEBREO 11:1 “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita” Pagpapalawak ng pananampalataya PANALANGIN Ito ay paraan ng pakikipag- ugnayan ng tao sa Diyos. Sa panalangin, ang tao ay nakapagbibigay ng papuri, pasasalamat, paghingi ng tawad, at paghiling sa kanya. PANAHON NG PANANAHIMIK O PAGNINILAY Sa buhay ng tao, napakahalaga ang pananahimik. Ito ay makatutulong upang ang tao ay makapag-isip at makapagnilay. Mula rito, mauunawaan ng tao ang tunay na mensahe ng Diyos sa kanyang buhay. PAGSISIMBA Ano man ang pinaniniwalaan ng tao, mahalaga ang pagsisimba saan man siya kasaping relihiyon. Ito ang makatutulong sa tao upang lalo pang lumawak ang kanyang kaalaman sa salita ng Diyos at maibahagi ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kaalaman na napulot sa pagsisimba. PAG-AARAL NG SALITA NG DIYOS Upang lubos na makilala ng tao ang Diyos, nararapat na malaman ang kanyang turo o aral. PAGMAMAHA L SA KAPWA Hindi maaaring ihiwalay sa tao ang kanyang ugnayan sa kapwa. Ito ang isang dahilan ng pag-iral ng tao, ang mamuhay kasama ang kapwa. SALAMAT SA PAKIKINIG! TAKDANG ARALIN Pumili ng limang (5) kwento mula sa Bibliya na ang hatid na aral ay malapit sa iyo, sa pamilya mo, o sa mga kaibigan at kaklase mo. I-sumite ang iyong kwento na nakalagay sa short folder. Submission is on January 13, 2025 (Monday)

Use Quizgecko on...
Browser
Browser