MODYUL 2: Ang Proseso ng Pagsulat (PDF)

Document Details

Uploaded by Deleted User

St. Bridget College Alitagtag, Inc.

Tags

pag-sulat komposisyon akademikong sulatin edukasyon

Summary

Ang modyul na ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa proseso ng pagsulat para sa mag-aaral sa sekundarya sa St. Bridget College Alitagtag. Ang modyul ay naglalaman ng mga hakbang sa pagsulat, prewriting, aktuwal na pagsusulat, at pagkatapos ng pagsusulat.

Full Transcript

St. Bridget College Alitagtag, Inc. Brgy. Dominador East Alitagtag, Batangas INTEGRATED BASIC EDUCATION MODYUL 2 ANG PROSESO NG PAGSULAT Bakit maraming mag...

St. Bridget College Alitagtag, Inc. Brgy. Dominador East Alitagtag, Batangas INTEGRATED BASIC EDUCATION MODYUL 2 ANG PROSESO NG PAGSULAT Bakit maraming mag-aaral ang natatakot sumulat ng komposisyon? Sadya nga bang mas mahirap magsulat kaysa magsalita? Kung minsan, nagsasalita ang tao nang hindi gaanong nabibigyangpansin ang kawastuhan sa gramatika sapagkat walang tala o dokumentong pagbabatayan ng kanyang sinabi kung kaya wala siyang masyadong pananagutan dahil ito ay lumipas na. Hindi gaya sa pagsulat, isang dokumento ang nalilikha na nagpapatunay ng kaalaman, opinyon, at kahusayan o di kahusayan sa paggamit ng wika ng manunulat. Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paglinang ng damdamin at isipan ng manunulat sapagkat naipahahayag niya ang kanyang damdamin at mithiin tungo Sa maayos na pakikipag-ugnayan sa. kanyang mambabasa. Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema, o mga tanong na bibigyangkasagutan ng mag-aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes, at pananaw. Ang kabuoan ng katawan ng sulatin ay magiging depende rin sa kung gaano kabisa bumuo ng pahayag ang manunulat na mag-aaral at kung gaano rin kalawak ang kanyang kaalaman sa kanyang isinusulat. Ang prosesong ito ay mahigpit na nangangailangan ng kaalamang teknikal sa paggsulat, pamamaraan sa pagsusuri at pananaliksik, at ideyang sarili na nais Sabihin sa mambabasa. Ang pagbasa at ang pagsulat ay resiprokal na proseso sa pagbuo ng kahulugan, pag-aanalisa, pagbibigay-interpretasyon, at pagtatalastasan ng mga ideya. Sa mga gawaing ito, kailangan ang karanasan, kaalaman, sariling paniniwala, at saloobin ng mga mag-aaral sapagkat tulad ng nabanggit na sa simula ng modyul na ito, ang paksa, tema, o katanungang bibigyang-sagot ng manunulat ay magmumula sa kanyang kaligiran, interes, at pananaw. Ito ay sa kadahilanang ginagamit ng tao ang kanyang sariling kaalaman at karanasan upang maunawaan ang mga bagay sa kanyang paligid at maipaliwanag ito sa iba. Sa tradisyonal na pagpapakahulugan, ang pagsulat ay isang sistema ng komunikasyong interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinasalin gamit ang papel at panulat. Ito rin ay isang continuum process ng mga gawain sa pagitan ng mekanikal o pormal na aspekto ng pagsulat bilang masalimuot na gawain sapagkat nangangailangan ng kasanayan (skill). Proseso sa Pagsulat 1. Bago Sumulat (Prewriting) Sa bahaging ito, ang mga mag-aaral ay dumaraan muna sa brainstorming. Dito ay malaya silang mag-isip at magtala ng kanilang mga kaalaman at karanasan na may kinalaman sa paksa. Dito rin mapagpapasiyahan kung ano ang susulatin ng mag- aaral, ano ang layunin sa pagsulat, at ang estilong kanyang gagamitin. 2.Habang Sumusulat (Actual Writing) Sa bahaging ito, naisusulat ang unang borador na ihaharap ng bawat mag-aaral sa isang maliit na grupo upang magkaroon ng interaksiyon kung saan tatalakayin ang mga mungkahing pagbabago o mga puna. Karaniwang tuon ng bahaging ito ang halaga ng paksa, kabuluhan ng pag-aaral, at lohika sa loob ng sulatin. Email: [email protected] Contact numbers: 0968 300 5629/ 09266466857 Website: www. sbcalitagtag.edu.ph St. Bridget College Alitagtag, Inc. Brgy. Dominador East Alitagtag, Batangas INTEGRATED BASIC EDUCATION Sa puntong ay hindi matatawaran ang halaga ng ibang taong makababasa ng sulatin dahil mayroon silang nakikita na kadalasan ay nakaligtaan ng manunulat o hindi lamang naiayos dahil alam na niya ang aralin. 3. Pagkatapos Sumulat (Post-writing) Sa bahaging ito, ginagawa ang mga pagbabago sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagkakaltas, at paglilipat-lipat ng mga salita, pangungusap, o talata. Bilang pangwakas na hakbang, pagtutuonan na ang mekaniks ng gulatin tulad ng baybay, bantas, at gramatika. Sa proseso ng pagsulat, mahalaga ring bigyang-pansin ang mga bahagi ng teksto ayon sa Sumusunod: 1. Panimula Dapat bigyan ng kaukulang pansin ang panimula ng tekstong isusulat. Ang bahaging ito ay nararapat na maging kawili-wili upang sa simula pa lamang ay mahikayat ang mambabasa na tapusing basahin ang teksto. 2. Katawan Sa pagsulat ng bahaging ito, matatagpuan ang wastong paglalahad ng mga detalye at kaisipang nais ipahayag sa akda. Mahalagang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang mambabasa dahil ito ang pinakamalaking bahagi ng teksto. May tatlong hakbang para maisagawa ang panggitnang bahagi ng sulatin. Pagpili ng organisasyon Pagbabalangkas ng nilalaman Paghahanda sa transisyon ng talataan 3. Wakas Dapat isaalang-alang ng manunulat ang pagsulat ng bahaging Ito upang makapag- iwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa na maaaring magbigay buod sa paksang tinalakay o mag-iiwan, ng isang makabuluhang pag-iisip at repleksiyon. Email: [email protected] Contact numbers: 0968 300 5629/ 09266466857 Website: www. sbcalitagtag.edu.ph St. Bridget College Alitagtag, Inc. Brgy. Dominador East Alitagtag, Batangas INTEGRATED BASIC EDUCATION MODYUL 3 PAGSULAT NG ABSTRAK Alam mo ba kung saan nagmula ang salitang abstrak (abstract) at kung ano ang ibig sabihin nito? Ang abstrak ay mula sa salitang Latin na abstractus na nangangahulugang drawn away o extract from (Harper 2016). Sa modernong panahon at pag-aaral, ginagamit ang abstrak bilang buod ng mga akademikong sulatin na kadalasang makikita sa panimula o introduksiyon ng pag-aaral. Ito ay naglalaman ng kaligiran ng pag-aaral, saklaw, pamamaraang ginamit, resulta, at kongklusyon (Koopman 1997). Mahalagang tandaan na sa pamamagitan ng abstrak, malalaman na Ng mambabasa ang kabuoang nilalaman ng teksto. Kinakailangan lamang ang maingat na pag-extract o pagkuha ng mahahalagang impormasyon sa teksto upang makabuo ng buod na siyang magiging abstrak. Mauuri bilang deskriptibo o impormatibo ang abstrak. Sa uring deskriptibo nilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya ng teksto. Binibigyang-pansin ang kaligiran, layunin, at paksa ng papel at hindi pa an pamamaraan, resulta, at kongklusyon (The University of Adelaide 2014). Nauukol ang uring ito sa mga kuwalitatibong pananaliksik at karaniwang ginagamit sa mga disiplinang agham panlipunan, mga sanaysay sa sikolohiya, at humanidades. Sa uring impormatibo, ipinahahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang punto ng teksto, nilalagom dito ang kaligiran, layunin, paksa, metodolohiya, resulta, at kongklusyon ng papel (The University of Adelaide 2014). Karaniwan itong ginagamit sa larangan ng inhenyeriya, ulat sa sikolohiya, at agham. Ang impormatibong abstrak ay nauukol sa kuwantitatibong pananaliksik. Narirriton ang ilang mga hakbang na dapat sundin sa pagsulat ng isang abstrak. 1. Magtungo sa silid-aklatang panggradwado o dili kaya’y manaliksik sa Internet ng mga papel-pananaliksik ayon sa kinawiwilihan mong mga paksa. 2. Basahin nang may lubos na pag-unawa ang buong papel. Bigyang-tuon ang mahalagang sinasabi ng layunin, sakop at delimitasyon ng pag-aaral, pamamaraan, resulta, kongklusyon, at rekomendasyon, at iba pang mga bahagi. 3. Siyasatin kung ang lahat ng mga bahaging binanggit ay nakaugnay sa tema ng paksa (pamagat) ng pag-aaral. Kung nagkakaisa ang ayos ng mga pahayag at ideya nito, ibig sabihin, mahusay na naisulat ang pagaaral. 4. Siyasatin din kung ang mga nakalagay na pangalan sa bibliyograpiya ay nagamit sa pagpapatibay ng mga pahayag. 5. Sa pagsulat ng abstrak ng papel-pananaliksik, mahalagang lagumin lamang ang pinakapaksa nito mula sa naging kahalagahan at naging implikasyon ng pag-aaral. 6. Kailangan na ang abstrak na isusulat ay binubuo lamang ng 200 hanggang 500 salita. 7. Isunod sa proseso ng pagsulat ang paggawa ng abstrak upang mapadali ang gawain. Email: [email protected] Contact numbers: 0968 300 5629/ 09266466857 Website: www. sbcalitagtag.edu.ph

Use Quizgecko on...
Browser
Browser