Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig PDF

Summary

This document details Araling Panlipunan, a Filipino Social Studies course, covering the history of colonialism. Questions and activities are included.

Full Transcript

8 8 Department of Education National Capital Region SCHOOL S DIVISION OFFICE MARIK INA CITY Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig Ikatlong Markahan – Modyul 2 Unang Yugto ng Kolonyalismo...

8 8 Department of Education National Capital Region SCHOOL S DIVISION OFFICE MARIK INA CITY Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig Ikatlong Markahan – Modyul 2 Unang Yugto ng Kolonyalismo Pangalawang Markahan – Modyul 1 Manunulat: Carolyn P. Belar City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE Aralin 1 Unang Yugto ng Kolonyalismo Alamin Ang Europa ay nagsimulang lumakas hanggang sa makabagong panahong lumawak ang kapangyarihan nito dahil sa eksplorasyon at kolonisasyon ng bagong daigdig. Sa modyul na ito, magkaroon ka ng panibagong kaalaman ukol sa unang yugto ng kolonyalismo. Matapos ang iyong eksplorasyon sa modyul na ito, inaasahan na: 1. nasusuri ang mga dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo 1.1 nalalaman ang kahulugan at konsepto ng kolonyalismo; 1.2 natutukoy ang Unang Yugto ng Kolonyalismo batay sa: a. dahilan ng kolonyalismo; b. mga pangyayari sa Unang Yugto ng Kolonyalismo; c. epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo. Subukin Gawain 1: Pagtapat-tapatin Mo! Pagtapatin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot sa patlang na nasa kaliwa. HANAY A HANAY B ___ 1. Pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. A. Portugal ___ 2. Kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa paggalugad B. Bartolomeu Dias sa karagatan ng Atlantic upang makahanap ng spices at ginto. C. compass ___ 3. Natagpuan niya ang pinakatimog na bahagi ng Africa kilala sa katawagang D. kolonyalismo Cape of Good Hope. ___ 4. Ang namuno ng apat na sasakyang pandagat na naglakbay mula Portugal E. Ferdinand Magellan hanggang India. ___ 5. Instrumentong nagbibigay ng tamang direksiyon na ginagamit ng mga F. Vasco da Gama manlalakbay at mangangalakal. City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 1 Balikan Gawain 2: Tanong Isipin, Sagot Hanapin! Piliin ang letra ng tamang sagot ng mga konsepto sa ibaba at isulat ito sa patlang na nasa kaliwa. A. Renaissance D. Michelangelo Buonarotti B. Greece E. Francesco Petrarch C. Italy F. Humanista _____ 1. Bansang sinilangan ng Renaissance. _____ 2. Salitang nangangahulugan ng “muling pagsilang” o rebirth. _____ 3. Tawag sa iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome. _____ 4. Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance na may obra ng Estatwa ni David. _____ 5. Ang tinaguriang “Ama ng Humanismo” na sumulat ng “songbook” na isang koleksiyon ng mga sonatang pag-ibig sa pinakamamahal niyang si Laura. Tuklasin Gawain 3: Suri-Teksto! Basahin at unawain ang teksto tungkol sa paksa. Pagkatapos, sagutan mo ang Gabay Tanong na makikita sa ibaba. Konsepto at Kahulugan ng Kolonyalismo Noong ika-15 na siglo nag-umpisa ang panahon ng eksplorasyon o paghanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo. Ang eksplorasyon o paghanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo ay nagbigay-daan sa kolonyalismo. Ano nga ba ang kolonyalismo? Ito ay ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa o malalakas na bansa sa mahinang bansa. May tatlong bagay ang sinasabing motibo ng kolonyalismong dulot ng eksplorasyon: 1. Paghahanap ng kayamanan. 2. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo. 3. Paghahangad ng katanyagan at karangalan. Naganap ang unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin noong ika-15 hanggang ika-17 na siglo. Ano ang ibig sabihin ng imperyalismo? Ang salitang ito ay nangangahulugang panghihimasok, pag-impluwensiya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa, tuwiran man ito o di-tuwirang pananakop. City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 2 Mga salik upang mapagtagumpayan ang paglalakbay ng mga Europeo sa malalawak na karagatan noong ika-15 na siglo: 1. Matanong o mausisa dulot ng Renaissance. 2. Suporta ng mga monarkiya o mayayaman. 3. Pagtuklas at pagpapahusay sa mga instrumentong pangnabigasyon. 4. Katapangan sa pagharap sa mga pagsubok sa kanilang paglalakbay sa karagatan. Sa katunayan, ang eksplorasyon ang naging sanhi upang maging daan ang karagatan sa pagpapalawak ng mga imperyong Europeo A. Gabay na Tanong: (Isulat ang sagot sa isang papel). 1. Bigyang kahulugan ang salitang kolonyalismo ayon sa sarili mong pagkakaintindi. 2. Ano ang kaibahan ng kolonyalismo sa imperyalismo? Motibo at Salik ng Eksplorasyon Ninanais ng mga Europeo na maghanap ng mga bagong ruta patungo sa kayamanan ng Asya. Sa panahong ito ang rutang dinaraanan sa Kanlurang Asya ay kontrolado ng mga Muslim. Ang kaalaman ng Europeo tungkol sa Asya na isang kaakit-akit at mayayamang lugar ay nanggagaling sa mga tala ng mga manlalakbay na sina Marco Polo at Ibn Batuta na pumukaw sa mga Euopeong marating ang Asya. “The Travels of Marco Polo” (circa 1298), ay isang mahalagang aklat kung saan ipinagbigay-alam sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng bansang China sa Asya. Si Ibn Batuta ay isang manlalakbay na Muslim, itinala niya ang kanyang paglalakbay sa Asya at Africa na lalong nagpasidhi ng pagnanais ng Europeong marating ang Asya. Napukaw ang paghahangad ng mga Europeo matapos nilang mabasa ang tala nina Marco Polo at Ibn Batuta. Mapalad ang mga manlalayag at mangangalakal sapagkat sa panahong iyon natuklasan nila ang instrumentong astrolabe at compass na ginamit sa kanilang paglalayag. Astrolabe- ginamit ng mga manlalayag at manlalakbay sa pagsukat ng taas ng bituin. Pinagkunan: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Islamic_Astrolabe_Doha.jpg City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 3 Compass- nagbibigay ng tiyak na direksiyon habang ang mga manlalakbay at mangangalakal ay naglalakbay. Pinagkunan: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Compass_Rose_English_North.svg Ang Portugal at Spain ay ang dalawang bansang Europeo na nagpa-umpisa ng paglalakbay- dagat at pagdiskubre ng bagong lupain. Sa mga bansang ito, nanguna ang Portugal dahil kay Prinsipe Henry the navigator na inspirasyon ng mga manlalayag. Si Prinsipe Henry ang nag-imbita sa mga magagaling na mandaragat na magturo ng wastong paglalayag sa mga tao dala ang isang pangarap na makadiskubre ng bagong lupain para sa karangalan ng Diyos at ng bansang Portugal. Noong ika-16 na siglo, limitado lamang ang paglalayag para sa Spain at Portugal na sa panahong iyon ay naitatag ang unang pinakamalaking imperyong Europeo na nagpasimula ng mga di malilimutang pagdiskubre ng mga lupain. Noong ika-1469, nagpasimula rin ang Espanyol ng hangaring magdiskubre ng bagong lupain pagkatapos na makasal si Isabella kay Ferdinand ng Aragon. Sinuportahan ng bagong mag-asawa ang pamamalagi ng kapangyarihan ng mga maharlika sa Castille. Pagsapit ng ika-17 na siglo, naitayo na ang mga bagong imperyo sa hilagang Europeo, Great Britain, France, at Netherlands na nagbigay lakas sa mga Europeong pasiglahin at palaganapin ang pakikipagkalakalan sa mga produktong galing sa Silangan. Gabay na Tanong: (Isulat ang sagot sa isang papel). Magbanggit ng dalawang motibo ng eksplorasyon batay sa pagkakaintindi mo sa tekstong binasa. Ang Pagtuklas ng Rekado o Spices Ang spices o rekado ay ginamit na pampalasa at pangpreserba ng pagkain. Ginamit din ito bilang isa sa sangkap ng pabango, kosmetiks, at medisina. Pinagkunan: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Gingerbread_spices.jpg City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 4 Noong ika-13 siglo, simulang umaasa ang mga Europeo ng spices o rekado na makikita lamang sa Asya at India. Ang halimbawa ng rekado ay paminta, cinnamon, at nutmeg na kailangan nila ng maramihang suplay. Kontrolado ng mga Muslim, taga-Venice, at Italy ang kalakalan ng rekado. Ang negosyanteng Tsino at Indian ay bumibili ng rekado sa negosyanteng Arabe na ipinagbibli naman ng mga ito sa mga taga-Venice. Ang kalakarang ito ay nagbibigay ng malaking kita para sa negosyanteng Arabe at Venetian. Ang pagmomonopolyong ito ay ang nagpupursige sa mga Europeong negosyante na magkaroon ng direktang kalakalan sa Asya ng spices na kailangan nila. Minabuti ng mga Europeo na gamitin ang katubigang kalakalan kaysa panlupang kalakalan na hindi sila protektado upang makaiwas sa pag-atake na ginagawa ng mga Mongol. Gabay na Tanong: (Ilagay ang sagot sa isang papel) 1. Ano ang kahalagahan ng spices para sa mga taga-Europeo? 2. Sa ating tahanan, mahalaga ba ang pagkakaroon ng spices? Magbanggit ng dalawang kahalagahan nito. Suriin Gawain 4: Pagsusuri Gawin, Kaalaman Palawakin! Pagkatapos mong suriin ang nilalaman ng teksto, sasagutan mo ngayon ang ilang katanungan na matatagpuan sa ibaba. Bansang Portugal Nanguna sa Paggalugad Ang kauna-unahang bansang Europeo na nagnanais ng paggagalugad sa karagatan ng Atlantic ay ang Portugal upang makatagpo ng spices at ginto. Nakapaglayag ang mga mandaragat na Portuges hanggang sa kanlurang bahagi ng Africa upang tuklasin ang rutang katubigan patungo sa Asya sa pagitan ng taong 1420 hanggang 1528. Si Bartolomeu Dias - Ang nakatagpo ng pinakatimog na bahagi ng Africa na kilala bilang Cape of Good Hope noong Agosto, 1488. Ang paglalakbay na ito ang nagbigay-kaalaman na maaaring marating ang Silangan sa paraang pag-ikot sa Africa. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Bartolomeu-Dias-217x300.jpg City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 5 Pinamunuan ni Vasco da Gama ang apat na sasakyang pandagat na naglakbay mula Portugal hanggang India noong 1497. Umikot siya sa Cape of Good Hope, huminto sa ilang trade post sa Africa upang makipagkalakalan at narating niya ang Calicut, India sa loob ng sampung buwan. Sa India, nakita ni Vasco Da Gama ang mga Hindu at Muslim na nakikipagkalakalan ng magagandang uri ng seda, porselana, at rekado na siyang pangunahing kailangan ng bansang Portuges. Hinikayat ni Vasco da Gama ang Asyanong mangangalakal na direktang makipagkalakalan sa kanila ngunit bigo siya. Nakilala siyang isang bayani ng bansang Portugal dahil sa ibinahagi nitong kaalaman tungkol sa yaman at maunlad na kalakalan sa Silangan. Si Vasco da Gama at ang ruta ng kanyang paglalakbay. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Vasco_de_Gama_map-fr.svg Siya si Prinsipe Henry ang anak ni Haring Juan ng Portugal, ang pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag, tagagawa ng mapa, matimatisyan, astrologo, at mag-aaral ng siyensiya ng nabigasyon sa bansa. Siya ay patron ng mga manlalakbay kaya ikinabit sa pangalan niya ang katawagang “The navigator” sapagkat itinaguyod niya ang paglalakbay kung saan narating niya ang Azores, isla ng Maderia, at sa mga isla ng Cape Verde. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Statue_Of_Prince_Henry_The_Navigator- A. Gabay na Tanong: (Isulat ang sagot sa isang papel) Ibigay mo ang ilang nagawa ng mga sumusunod na manlalakbay: a. Vasco da Gama - b. Prinsipe Henry - c. Bartholomeu Dias - Ang Pagnanais ng Spain ng Kayamanan mula sa Silangan Noong 1469, ikinasal sina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille na naging dahilan upang ang bansang Spain ay nagnais ng kayamanan sa Silangan. Ang kanilang kaharian ay nagpapadala ng mga ekspedisyon sa Silangan na unang pinamunuan ni Christopher Columbus, isang Italyanong mandaragat. City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 6 Si Christopher Columbus ang nakatagpo ng Bagong Mundo na tinawag na America. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Portrait_of_Christopher_Columbus._Wellcome_M0007952.jpg Inilunsad ang una niyang ekspedisyon patungong India na dumaan pakanluran ng Atlantiko noong 1492. Dumanas ng maraming paghihirap ang kanyang ekspedisyon katulad ng walang kasiguraduhan na marating nila ang Silangan, pagod at gutom sa kanilang paglalayag, at sa tagal ng panahong inilagi nila sa karagatan. Sa wakas narating niya ang isla ng Bahamas na sa akala niya ay India dahil sa kulay ng balat ng mga taong makikita dito kaya tinawag niya itong Indians. Gumugol ng tatlong buwan ang kanilang paglalakbay bago nila narating ang Hispaniola (Ito ang bansang Haiti at Dominican Republic sa ngayon) at ang Cuba. Nagtagumpay siyang makatagpo ng ginto sa bansang ito na nakasasapat sa pangangailangan ng Spain. Sa kanyang pagbalik sa Spain ay ipinagbunyi ang tagumpay ng kanyang ekspedisyon at ginawaran siya ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang nadiskubre niya sa Indies. Pinamunuan pa niya ang tatlong ekspedisyon bago siya nasawi taong 1506. Hindi siya nagtagumpay sa paghahanap ng bagong ruta patungo sa Silangan. Narating niya ang isla ng Caribbean at South America. Mapapansin natin na kulang pa sa mga makabagong gamit ang mga manlalakbay katulad ng mapa na hindi pa maunlad noon. Si Amerigo Vespucci, isang Italyanong nabigador ay nagpaliwanag na si Christopher Columbus ay nakatagpo ng bagong mundo na tinawag na America na kinalaunan ay isinunod sa pangalan ni Amerigo na naitala sa mapa ng Europa kasama ang iba pang bagong tuklas na mga isla. B. Gabay na Tanong: (Isulat ang sagot sa isang papel) Nagtagumpay ba si Christopher Columbus na makatagpo ng bagong ruta pasilangan? Patunayan ang iyong sagot. Ang Paghahati ng Mundo Ang bansang Portugal at Spain ay humingi ng tulong sa Papa ng Rome upang mamagitan sa kanilang paglalaban sanhi ng lumalalang paligsahan nito sa pagpapadala ng mga ekspedisyon. Gumuhit ang Papa ng Line of Demarcation, isang hindi makikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola hanggang Timugang Pola noong 1493. Lahat ng makikitang kalupaan at City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 7 katubigan sa Kanlurang bahagi ng linya ay sa Spain at sa Silangang bahagi ng linya ay mapupunta naman sa Portugal sabi ni Papa Alexander VI. Si Pope Alexander VI ang nagpalabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng bansang Portugal at Spain. Nagpetisyon ang mga Portuguese na baguhin ang naunang linya. Bunga ng kanilang pagdududa na baka lumawak ang paggalugad ng Spain sa kanluran at maaaring maapektuhan ang kanilang kalakalan sa silangan. Noong 1494, nagkasundo sila na ang Line of Demarcation ay baguhin at ilayo ito pakanluran sa pamamagitan ng Kasunduan sa Tordesillas. Sa panahong iyon, mapapansin na lubusang pinaghatian ng bansang Portugal at Spain ang bahagi ng mundo na hindi pa napupuntahan ng mga taga-Europeo. C. Gabay na Tanong: (Isulat ang sagot sa isang papel). Ano ang ginampanang papel ni Pope Alexander VI? Ang Paglalayag ni Ferdinand Magellan Isang Portuges na manlalakbay ang pinondohan ng Spain upang magsimula ng ekspedisyon taong 1519, siya ay si Ferdinand Magellan. Ang kanyang ekspedisyon ay naglakbay gamit ang rutang pakanluran patungong silangan. Dito natagpuan nila ang silangang baybayin ng South America o bansang Brazil sa ngayon. Dumaan sila sa makitid na daanan ng tubig, ang Strait of Magellan, pumasok sa malawak na Karagatang Pasipiko hanggang marating nito ang bansang Pilipinas. Si Ferdinand Magellan ay isinilang noong 1480 sa Sabrosa, Portugal. Ang kanyang ama ay si Rui de Magallanes at ang kanyang ina ay si Alda de Mesquita. Nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga kasamahan dahil sa haba ng kanilang paglalakbay. Nalagpasan nila ang mga suliraning ito at nakatagpo sila ng malaking kayaman katulad ng ginto at pampalasa. Nagtagumpay din silang maipakilala ang relihiyong Katolisismo sa mga katutubo. Sa kabuoan, ang ekspedisyong isinagawa ay nagpapatunay lamang na maaaring ikutin ang mundo at muling makababalik sa pinanggalingan. Isang patunay nito ay ang pagbalik ng barkong Victoria sa Spain kahit pa nasawi si Magellan ng isa sa tauhan ni Lapu-lapu. Ito ang unang pag-ikot sa mundo o circumnavigation at itinuwid din nito ang lumang kaalaman na ang mundo ay patag ayon sa mga Europeo. D. Gabay na Tanong: (Gumamit ng isang papel para sa kasagutan). Ano ang mahalagang bunga ng paglalakbay ni Ferdinand Magellan? Ang Pag-aangkin ng mga Dutch sa Moluccas Napalitan ng mga Dutch ang mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya sa pagpasok ng ika-17 siglo. Inangkin ng Dutch ang Moluccas (Spice Island), o isang isla na matatagpuan sa Indonesia mula sa Portugal at nagtayo sila ng bagong sistemang plantasyon kung saan City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 8 ang mga lupain dito ay pinatataniman ng mga pananim na mabili sa pamilihan. Ang epekto nito ay ang sapilitang pagtrabaho ng mga mamamayan na naging patakaran din ng mga Espanyol dito sa Pilipinas. May mga kolonya din ang mga Dutch sa North America na pinangungunahan ng isang English na manlalayag na si Henry Hudson na naglayag para sa mga mangangalakal na Dutch. Sa kanya ipinangalan ang Ilog ng Hudson sa Manhattan, USA. Nagtayo ng pamayanan sa Africa ang mga Dutch sa pamamagitan ng Boers, mga magsasakang nanirahan sa Cape of Good Hope. Noong 1609, narating ni Hudson ang New York Bay at pinangalanan niya itong New Netherland. Isang trade outpost o himpilang pangkalakalan ang itinatag sa rehiyon na pinangalanang New Amsterdam noong 1624 na sa kasalukuyan ay kilala na bilang New York Cty. Mas matagal ang kapangyarihan ng Dutch sa Asya dahil sa pagtatag nito ng Dutch East India Company o Vereenigde Oostindische Compagnie (VOC) noong 1602 kung ikukumpara ito sa pananakop nila sa America. Ang nagbigay ng proteksiyon sa pagmonopolyo ng mga Dutch sa paminta at iba pang rekado ay ang pagkakaroon nito ng mga daungan. Humina ang kapangyarihang pangkomersiyo ng Dutch noong ika-17 na siglo at sila’y pinalitan ng England bilang pinakamalakas na imperyong pangkatubigan ng Europe. E. Gabay na Tanong: (Gumamit ng isang papel para sa kasagutan). Paano pinalitan ng mga Dutch ang mga Portuguese bilang pangunahing bansang nanakop sa Asya? Kahalagahan ng mga Paglalakbay at Pagdiskubre ng mga Lupain Pansinin mo ang ilan sa mga kahalagahan ng paglalakbay at pagdiskubre ng mga lupain. A. Noong ika-15 at ika-16 ba siglo, ang pagdiskubre at paglalayag ay nagbunga ng pagbabago ng mga rutang pangkalakalan. B. Ang Italya ay nawala sa dating kinalalagyan nito sa kalakalan na kanilang pinangungunahan sa Medieval Period. C. Ang mga pantalan sa baybay-dagat ng Atlantic mula sa Spain, Portugal, France, Flanders, Netherlands, at England ay naging sentro ng kalakalan. D. Higit na dumagsa ang mga kalakal ng spices mula sa Asya; kape, ginto at pilak mula sa North America; asukal at molasses mula sa South America; at Indigo mula sa Kanlurang Indies. Ang nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping ginto at pilak na galing sa Mexico, Peru, at Chile ay ang mga produktong nabanggit na nagpasimula rin ng pagkakaroon ng mga bangko. Bunga ng pagdami ng salapi ng mga negosyante, kinakailangang may paglagakan ang kanilang salaping barya. Ang kanilang ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal ay ang salaping papel. Ang nagbigay-daan sa pagtatag ng kapitalismo, o sistema kung saan mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng interest o tubo ay ang salapi. Hindi alam ng mga tao ang pag-iipon ng salapi noong Medieval Period. Nakokontento na lamang sila na sapat ang kanilang kinikita para sa kanilang ikinabubuhay. Sa pag-unlad ng kalakalan, dumami ang naiipon nilang salapi na ipinuhunan pa para lumago. City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 9 E. Gabay na Tanong:(Gumamit ng papel para sa kasagutan.) 1. Magbigay ng isa sa mga kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga lupain. Ipaliwanag mo ito ayon sa iyong pagkakaintindi. Mga Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo 1. Ang eksplorasyon ay nagpalakas ng ugnayang silangan at kanluran. 2. Ang eksplorasyon ay nagbigay-daan sa malawakang pagkakadiskubre sa mga lupaing hindi pa nagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natuklasan na pinangungunahan ng mga Espanyol at Portuguese. 3. Ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan ay sumigla. 4. Nagbigay ng maraming problema sa mga bansang nasakop kagaya ng pagkawala ng kalayaan, paninikil, at pagsasamantala sa likas na yaman. 5. Nakapukaw-interes sa mga makabagong pamamaraan ng teknolohiya sa heograpiya at paglalayag. 6. Nagresulta sa pagpapalitan ng mga hayop, organismo, halaman, pati na sa mga sakit sa pagitan ng Old World at New World dahil sa pagkakaroon ng pagbabago sa ecosystem. G. Gabay na Tanong: (Gumamit ng papel para sa kasagutan.) Nakakabuti o nakasasama ba ang naging epekto ng unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo? Ipaliwanag ang iyong sagot. Pagyamanin Gawain 5: Mga Manlalakbay Ihanay, Mahalagang Impormasyon Ibigay! Punan ang talahanayan ng hinihinging mga impormasyon tungkol sa mga Personalidad na nanguna sa eksplorasyon. Mga Manlalakbay na Personalidad Bansang Taon ng una siyang Lugar na Pinagsilbihan Naglakbay Narating/Kontribusyon 1. Ferdinand Magellan 2. Christopher Columbus 3. Vasco da Gama 4. Bartolomeu Dias 4. Prinsipe Henry City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 10 Isaisip Gawain 6: Konsepto’y Punan, Kaisipa’y Wakasan! Sa bahaging ito, ang mag-aaral ay gagawa ng paglalahat hinggil sa paksang tinalakay sa pamamagitan ng pagwawakas ng nasimulang konsepto. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang kolonyalismo ay ang ____________________________________________________________ 2. Ang astrolabe at compass ay ang______________________________________________________ 3. Ang bansang Portugal ang kauna-unahang _______________ _______________________________ 4. Si Ferdinand Magellan ay nakarating sa bansang _____ ____________________________________ 5. Ang eksplorasyon ay nagresulta sa ________________________________________ Isagawa Gawain 7: MahalagangTaon Wag Kalimutan, Nagawa’y Panatilihing Nasa Isipan! Punan ng mahahalagang pangyayari o kaganapan ang nakatalang taon sa ibaba. 1. 1488 2. 1469 3. 1492 4. 1497 5. 1609 Tayahin Isaayos ang magulong mga letra upang makabuo ng salitang may kaugnayan sa konseptong nabanggit. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ipinangalan sa kanya ang Ilog ng Hudson sa Manhattan, USA. ONSDUH EYNHR 2. Nagtayo ng pamayanan sa Africa ang mga Dutch sa pamamagitan ng ____, o mga magsasakang nanirahan sa Cape of Good Hope. SEROB 3. Inangkin ng Dutch ang _____, o isang isla na matatagpuan sa Indonesia mula sa Portugal. CACSLUMO 4. Isang manlalayag na nakarating sa Pilipinas at nagtagumpay sa pagpapakilala ng katolisismo sa mga katutubo. EDNIANDFR GEANLLAM 5. Noong 1493, gumuhit ang Papa ng _____, isang hindi makikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola hanggang Timugang Pola. INEL FO CARAMTIEDON 6. Salitang nangangahulugang panghihimasok, pag-impluwensiya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. EISALMOYRIMP City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 11 7. Bumalik siya sa Spain upang ipagdiwang ang natamong tagumpay ng kanyang ekspedisyon at ginawaran siya ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang nadiskubre niya sa Indies. OPTSRIHHREC SUMOCUBL 8. Instrumento na nagbibigay ng tiyak na direksiyon. ASSMOPC 9. Ito ang kauna-unahang bansang Europeo na nagnanais ng paggagalugad sa karagatan ng Atlantic upang makatagpo ng spices at ginto. UTROALGP 10. Ito ay ginamit na pampalasa at pangpreserba ng pagkain na kinakailangan ng mga Europeo. ICEPSS Karagdagang Gawain Gumawa ng poster na naglalarawan sa naging epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo. Gumamit ng isang malinis na papel, pangkulay at iba pang kagamitan. Rubrik sa Pagmamarka ng slogan Pamantayan Indikador Puntos Nakuhang Puntos Nilalaman Naipaliwanag at naipakita ang maayos na ugnayan 10 ng konsepto sa nabuong poster. Kaangkupan ng konsepto Malinaw at angkop ang mensahe sa Paglalarawan 10 ng konsepto. Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa pagbuo ng poster. 10 (Originality) Kabuoang Presentasyon Maayos at malinis ang kabuoang presentasyon. 10 Pagkamalikhain (Creativity) Gumamit ng angkop na kombinasyon ng kulay 10 upang maipahayag ang nilalaman, konsepto, at mensahe. Kabuoang Puntos 50 Sanggunian Vivar, Teofista L., Ed.D., Discipulo, Nieva J., Rillo, Priscilla H., de Leon, Zenaida M. Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon, SD Publications, Inc. Metro Manila. Cebu Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 17 City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 12 13 DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE City of Good Character Gawain 4: Pagsusuri Gawin, Subukin Gawain 6: Konsepto’y Punan, Kaisipa’y wakasan! Kaalaman Palawakin! Gawain 1: Pagtapat-Tapatin Mo! 1. pagsakop ng isang makapangyarihang A1. a) Vasco da Gama- Namuno sa bansa sa mahihinang bansa. apat na sasakyang pandagat na 1. D 2. Ang astrolabe at compass ay ang naglakbay mula Portugal hanggang dalawang instrumentong natuklasan ng India noong 1497. b) Prinsipe Henry- 2. A mga manlalayag at mangangalakal. Siya ang pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalakbay, tagagawa ng 3. B 3. Ang bansang Portugal ang kauna- unahang bansang Europeo na mapa, matimatisyan, astrologo, at 4. F naghahangad ng paggalugad sa karagatan mag-aaral ng siyensiya ng nabigasyon ng Atlantic upang makahanap ng spicies sa bansa. c.) Bartolomeu Dias- Siya 5. C at ginto. ang nakarating sa pinakatimog na bahagi ng Africa na kilala bilang Cape Balikan 4. Si Ferdinand Magellan ay nakarating of Good Hope noong Agosto, 1488; Gawain 2: Tanong Isipin, Sagot sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng Hanapin! paglakbay gamit ang rutang pakanluran Kinikilala ring bayani ng Portugal. B. 1. Hindi, dahil sa kakulangan ng 1. C patungong silangan. 2. A makabagong kagamitan at technolohiya. (at 5. Ang eksplorasyon ay nagresulta sa iba pang sagot). 3. F malawakang pagdiskubre sa mga lupaing C. 1. Siya ang nagpalabas ng papal bull na 4. D hindi pa nagalugad at mga sibilisasyong naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng 5. E hindi pa natuklasan. bansang Portugal at Spain upang maiwasan Tuklasin ISAGAWA; Gawain 7: Mahalagang Taon ang nakaambang sigalot. Gawain 3: Suri-Teksto! Wag Kalimutan, Nagawa’y Panatilihing Nasa A. 1. (answer may vary) D. 1. Narating niya ang bansang Isipan! 2. Ang kolonyalismo ay ang Pilipinas gamit ang rutang pakanluran 1. 1488- Taon nang natagpuan ni Bartholomeu pagsakop ng isang patungong silangan; Nakatagpo ng Dias ang pinakatimog na bahagi ng Africa na makapangyarihang bansa sa kilala bilang Cape of Good Hope. malaking kayamanan katulad ng ginto malalakas na bansa habang ang 2. 1469- Taon nang nag-umpisa ang Espanyol at pampalasa.; Nagtagumpay siyang imperyalismo ay ang sa pagdiskubre ng bagong lupain. ipakilala ang relihiyong katolisismo sa paghihimasok, pag-impluwensiya, 3. 1492- Taon ng unang ilunsad ang mga katutubo.; Napatunayan na o pagkontrol ng isang ekspedisyon ni Christopher Columbus maaaring ikutin ang mund at muling patungong India. makapangyarihang bansa sa isang makabalik sa pinanggalingan. 4. 1497- Pinamumunuan ni Vasco da Gama E. 1. Sa pamamagitan ng pag-agaw ng mahinang bansa. ang apat na sasakyang pandagat na naglakbay Moluccas mula sa kamay ng Portugal at B.1. makahanap ng bagong ruta, mula Portugal hanggang India. pagtayo ng bagong sistemang plantasyon. makadiskubre ng bagong lupain at 5. 1609- Taon nang narating ni Henry Hudson F. 1. (Anser may vary.) iba pang posibleng kasagutan. ang New York Bay na pinangalanang New G. 1. (Answer may vary.) C.1 Ginamit na pampalasa at Netherland. Gawain 5: Mga Manlalakbay Ihanay, TAYAHIN pangreserba ng pagkain. Mahalagang Impormasyon Ibigay! 1. Henry Hudson 2. Boers 3. Molluccas 1. Ferdinand Magellan (Portuguese)- Ginamit din bilang sangkap sa 4. Ferdinand Magellan 5. Line of nanguna sa eksplorasyon ng Spain- paggawa ng pabango, demarcation 6. imperyalismo 7. 1519-Brazil, Pilipinas 2. Christopher kosmetiks, at medisina. Christopher Columbus 8. compass 9. Columbus(Italyano) nanguna sa 2.Ginagamit sa pagluluto, Portugal 10. spices eksplorasyon ng Spain -1492-isla ng sangkap sa paggawa ng Bahamas, Haiti, Dominican Republic, medisina at iba pang posibleng Cuba 3. Vasco da Gama- Portugal- kasagutan. 1497-Calicut, India 4. Bartholomeu Dias-Portugal-1478-Bahagi ng Africa na kilala bilang Cape of Good Hope 5. Prinsipe Henry-Portugal-1415-Azores, isla ng Maderia, isla ng Cape Verde Susi sa Pagwawasto MAIKLING PAGSUSULIT I. Pagtapat-tapatin Mo! Panuto: Iugnay ang mga salita ng Hanay A sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang na nasa kaliwa. (Isulat ang sagot sa sagutang papel. Hanay A Hanay B ___ 1. Tawag sa pagsakop ng makapangyarihang bansa sa mahihinang bansa. A. compass ___ 2. Instrumentong natuklasan ng mga manlalakbay at mangangalakal na nagbibigay ng tamang direksiyon B. Kolonyalismo habang naglalakbay. C. astrolabe ___ 3. Ang kauna-unahang bansang Europeo na nagnanais D. Spices na makapaglakbay sa karagatan ng Atlantic upang makatagpo ng ginto at rekado. E. Spain ___ 4. Ito ay ginagamit bilang pampalasa ng mga pagkain, pangpreserba ng mga karne, pabango, kosmetiks at medisina. F. Portugal ___ 5. Mga bansang nanguna sa eksplorasyon na nagbigay-daan sa malawakang pagkadiskubre sa mga lupaing hindi pa narating at mga sibilisasyong hindi pa natuklasan. G. Espanya at Portugal H. Portugal at France II. Sino Ako? Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang Personalidad na nay kinalaman o kaya’y nagtagumpay sa pagsasagawa ng Unang Yugto ng Kolonyalismo. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. Bartolomeu Dias Ferdinand Magellan Prinsipe Henry Christopher Columbus Pope Alexander VI Vasco da Gama ____ 1. Ako ang anak ni Haring Juan ng Portugal, tagagawa ng mapa, matematisyan, astrologo, at nag-aaral sa siyensya ng nabigasyon sa bansa. ____ 2. Narating ko ang pinakatimog ng Africa na kilala bilang Cape of Good Hope noong Agosto, 1488. ____ 3. Isa akong Portuges na umpisang naglakbay noong 1519 na pinunduhan ng Spain ang paglalayag. ____4. Ako ang namuno sa apat na sasakyang pandagat na naglakbay mula sa Portugal hanggang India noong 1497. ____ 5. Isa akong Italyanong manlalayag na nakatagpo ng Bagong Mundo na kilala bilang America. City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 14 Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Carolyn P. Belar Editor: Aaron S. Enano Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano Tagaguhit: Gwendelene Corañez Tagapamahala: Sheryll T. Gayola Pangalawang Tagapamanihala Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala Elisa O. Cerveza Hepe – Curriculum Implementation Division Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala Aaron S. Enano Superbisor sa Araling Panlipunan Ivy Coney A. Gamatero Superbisor sa Learning Resource Management System Catherine Paningbatan Learning Resource, Librarian Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Schools Division Office- Marikina City Email Address: [email protected] 191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989 City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 15

Use Quizgecko on...
Browser
Browser