Araling Panlipunan 8: Pagsusulit sa Ikatlong Markahan
Document Details
![PurposefulUvite1176](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-6.webp)
Uploaded by PurposefulUvite1176
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga katanungan at impormasyon tungkol sa Araling Panlipunan 8, Ikatlong Markahan. May mga impormasyon ukol sa Gitnang Panahon, mga pangyayari sa Europa, impluwensiya ng simbahan, at ang mga Krusada. Ito ay sumasaklaw sa mga pangyayari, konsepto at ideya ng panahong ito sa kasaysayan.
Full Transcript
REBYUWER PARA SA PORMATIBO AT LAGUMANG PAGSUSULIT (FORMATIVE & SUMMATIVE ASSESSMENT) ARALING PANLIPUNAN 8 ARALIN 7 Ang mga pangyayari noong Gitnang Panahon sa Europa ay kinilala bilang Dark Ages dahil sa inakal...
REBYUWER PARA SA PORMATIBO AT LAGUMANG PAGSUSULIT (FORMATIVE & SUMMATIVE ASSESSMENT) ARALING PANLIPUNAN 8 ARALIN 7 Ang mga pangyayari noong Gitnang Panahon sa Europa ay kinilala bilang Dark Ages dahil sa inakala ng mga mananalaysay na walang pangyayaring kailangang tandaan o bigyang halaga sa panahong ito. Ngunit masasabi nga ba na Dark Ages ang panahong ito? Treaty of Verdun - Kasunduan na nilagdaan upang hatiin ang imperyo sa tatlong kaharian at nang hindi na magkagulo ang tatlong anak ni Louis the Pious na sina Lothair, Charles the Bald, at Louis the German. Santo Papa - Sila ang itinuturing na kinatawan ng Diyos at may tungkulin na mag desisyon kung ano ang kinakailangang ituro ng simbahan. Piyudalismo - Ito ay tumutugon sa kabuuang sistema ng pangako at pagkakaloob ng lupain na namagitan sa relasyon ng maharlika (nobles) at basalyo. Pepin the Short – Anak ni Charles Martel na ginawaran ng Papa ng titulong King by the Grace of God dahil sa pagka-panalo niya laban sa mga Lombard. Otto the Great - Siya ang hari ng Germany na nakipag-alyansa sa simbahan upang pagtibayin ang kanyang kaharian subalit ng mabigyan ng labis na kapangyarihan ay nagawang kontrolin ang simbahang Katoliko. Obispo – Siya ang nangangasiwa ng isang dayoses na binubuo ng ilang Parokya at ang kanyang tungkulin ay magbigay ng kumpil at ordinasyon sa mga pari. Ikatlong Krusada - Ito ang itinuring na krusada ng mga hari dahil maraming Hari ang namuno o nanguna sa Krusadang ito. Ikaapat na Krusada – Pinaka-naging kontrobersyal sa lahat ng krusadang inilunsad dahil nagkaroon ng labanan sa pagitan mga kabalyerong Pranses na Kristiyano laban sa lungsod ng Zara at Constantinople na pawang mga kristiyanong lungsod din. Fief - Ito ang tawag sa kapirasong lupain na ipinagkakaloob ng Lord sa isang kabalyero kapalit ng kaniyang serbisyo sa panahon ng pakikipaglaban. Curia - Ito ay kinikilalang korte ng kapapahan at ang may pinakamahalagang myembro dito ay ang mga cardinal. Sila ang nagsisilbing tagapayo ng mga Papa sa mga legal at ispiritwal na bagay. Clovis - Kinilala bilang kauna-unahang kristiyanong hari ng mga Frank. Charles Martel – Mayor ng palasyo noon na pumalit o humalili kay Clovis sa trono bilang hari upang maiwasan ang labis na kaguluhan ng mga kamag-anak ni Clovis. Charlemagne - Siya ang hari na kinoronahan ni Papa Leo III bilang Emperador ng Rome sa mismong araw ng pasko dahil winakasan niya na ang pag-aalsa ng isang pangkat laban sa mga Papa. Charlemagne – Anak ni Pepin the Short na naiwan upang mamuno bilang hari sa kaharian. Pinalaganap niya ang Kristiyanismo at muling pinag-isa ang Kanlurang Europa. Batas Canon – Ito ang tawag sa batas na binuo ng simbahang katoliko upang maipalaganap ang katarunungan sa lipunan noong mga panahong humihina na ang pamahalaan ng Roma. Maaaring ang isang haring patuloy na sumusuway sa simbahan noong Gitnang Panahon ay patigilin ang anumang sakramento at ritwal ng simbahan mula sa teritoryo. Epekto ng rebolusyong komersiyal: ✓ Umusbong ang mga lungsod-estado ✓ Umunlad ang sistema ng pagbabangko ✓ Naitatag ang samahan ng mga manggagawa Itinuturing na mahalagang pagtatagumpay ng Kristiyanismo sa Europa ang nangyaring labanan sa Tours sapagkat napigilan nito ang paglaganap ng Islam sa Europa dahil kung hindi nanalo ang hukbo ni Charles Martel maaaring masakop ng mga Muslim ang Kanlurang Europa. Guild – Ito naman ang tawag sa kilalang samahan ng mga indibidwal na may magkakatulad na negosyo o trabaho na nagsikap mapaunlad ang kalagayang pang-ekonomiya at lipunan ng mga kasapi nito noong Gitnang Panahon. Interdict - tawag sa kaparusahang nagbabawal sa pagtanggap ng anumang sakramento ng simbahang Katoliko sa teritoryo ng isang nagkasalang hari. Krusada - Ito ay isang napakahabang serye ng banal na pakikipaglaban ng mga Kristiyano sa mga Muslim upang mabawi ang banal na lupain. Manoryalismo - Ito ang kilalang kaayusang pang-ekonomiya noong panahong Midyibal na nakabatay sa nakatakdang karapatan at obligasyon sa pagitan ng isang panginoon at mga pesante o alipin. Piyudalismo - tawag sa kabuuang sistema ng pangako at pagkakaloob ng lupain na namamagitan sa relasyon ng lord at basalyo. Ang sistemang piyudalismo ay napapalooban ng pagpapahalagang katapatan at pananagutan. Ito ay dahil sa mahalaga sa sistemang ito ang pagtupad sa tungkulin ng magkabilang panig ng panginoon at basalyo. Pangangailangan ng sistema ng pagbabangko noong rebolusyong komersiyal: ✓ Kinakailangan ng mga negosyanteng magbayad ng buwis ✓ Kinakailangan ng mga negosyanteng magbayad sa mga trabahador ✓ Kinakailangan ng mga negosyanteng magpapalit ng iba’t-ibang uri ng salapi Layunin ng krusada na bawiin ang banal na lupain mula sa kamay ng mga Muslim at mapag- isa ang buong Kristiyano na nahati sa Silangan at Kanlurang sangay. Upang matiyak ang katuparan ng kautusan ni Charlemagne, nagtalaga siya ng missi dominici sa bawat lalawigan na kaniyang nasasakupan. Ang mga santo papa ang itinuturing na nasa pinakamataas na antas ng organisasyon ng simbahan. Ang Lay Investiture ay proseso na kung saan ay ang mga hari ang magtatalaga o magtatakda ng magiging obispo ng simbahan. Hindi nagtagumpay ang mga inilunsad na krusada at hindi nila natupad ang kanilang layunin o hangarin na mabawi ang banal na lupain sa mga turkong Muslim. Ang mga pesante ang nasa pinakamababang antas at ang gawain nila ay magbungkal at mangalaga sa lupain ng mga basalyo. Hindi nakaranas ang mga kababaihan ng pantay na karapatan noong unang Gitnang Panahon. Sapagkat sa unang Gitnang Panahon, limitado lamang ang kanilang mga tungkulin sa tahanan at simbahan, at bihira silang mabigyan ng pagkakataong makibahagi sa politika at edukasyon. Letters of credit ang tawag sa kasulatang ipinagkakaloob ng bangko na nagbibigay ng karapatan sa taong may dala nito na mag withdraw ng karampatang salaping nakasulat dito sa bangko o saan mang sangay nito. Sa kabila ng mga krisis at pagbabagong naganap sa Rome, hindi maitatangging naging mahalaga at malawak ang naging impluwensiya ng mga Romano sa daigdig lalo na sa larangan ng pamamahala, pagbuo ng batas, at pagkamamamayan. Ekskomunikasyon at Interdict – Dalawang kaparusahan na maaaring ipataw o ibigay sa taong hindi susunod sa batas Canon o batas ng simbahang katoliko. Manor – Ito ang tawag sa lupain ng isang panginoon. Papacy - Tanggapan ng Papa kasama ang kabuuang katungkulang kailangang gampanan ng isang Papa bilang pinuno ng Vatican. Pari - Nasa pinakamababang antas ng simbahan ngunit itinuturing na pinakamahalagang opisyal ng simbahang katoliko. Dahil sila ang nangangasiwa ng mga serbisyong ibinibigay ng simbahan sa mga parokya. Rebolusyong Komersiyal - Ito ang tawag sa kabuuang paglawak ng kalakalan at negosyo sa Europa.