Araling Panlipunan 8 PDF
Document Details
![PrincipledShofar](https://assets.quizgecko.com/cdn-cgi/image/width=100,height=100,quality=75,format=webp/profile-images/ail6o7oFcHKDZ5b3TIj24bR7eDAmKiBGINDaqWrS.jpg)
Uploaded by PrincipledShofar
Bb. Mariel
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga tala at impormasyon tungkol sa araling panlipunan. Sakop nito ang mga aralin tungkol sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Europa, himagsikang Ruso, at iba pa.
Full Transcript
# Araling Panlipunan 8 ## Bb. Mariel ### Life Performance Outcome Ako ay mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at aktibong kasapi ng pamayanan at bumubuo ng pamayanang may pagkakaisa sa pamamagitan ng aking aktibong pakikilahok. ### Essential Performance Outcome Pinag-ii...
# Araling Panlipunan 8 ## Bb. Mariel ### Life Performance Outcome Ako ay mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at aktibong kasapi ng pamayanan at bumubuo ng pamayanang may pagkakaisa sa pamamagitan ng aking aktibong pakikilahok. ### Essential Performance Outcome Pinag-iisipan kong mabuti ang pahayag pasalita man o pasulat upang matasa ang kawastuan, pagkamakatotohanan at kalinawan sa mga bagay na ibabahagi maging ang tono nito at kung paano ito dapat tanggapin at bigyang kahulugan ng iba. ### Intended Learning Outcome Pinag-iisipan kong mabuti ang aking pahayag sa pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at iba't ibang bahagi ng daigdig. # Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa Isang proseso ang paglinang at pag-unlad ng Nasyonalismo, hindi maaring biglaan. Kailangan itong madama, paghirapan ng mga tao upang mahalin nila ang kanilang bansa. Sa iba, ang kahulugan nito ay damdamin ng pagiging matapat at mapagmahal sa bansa. Sa iba, kailangang isakripisyo pati ang buhay. Kakambal ng Nasyonalismo ang kawalan ng kasiyahan ng mamamayan. Hangad ng mga tao ba may ipagmalaki sila bilang isang bansa. Habang tumitindi ang kanilang paghahangad, higit nilang nararamdaman ang pagiging makabayan. Dumaraan ang lahat ng bansa sa iba't ibang pamamamaraan kung paano nadama ng mga tao ang pagiging makabayan. Habang ipinaglalaban nila ang kanilang bansa, may mga pangyayari na kung minsan ay nagpapasidhi ng kanilang damdamin na humahantong sa digmaan. # Pinagmulan ng Nasyonalismo Ang Nasyonalismo ay pag-ibig sa bayan o damdaming makabayan. Lisa ang paniniwala, wika at karaniwang pagkakakilanlan sa mga taong sama-sama sa iisang kalinangan at lahi. Ang nalinang sa Europe at sa mga kolonya ay magkakatulad. Bunga ito ng mga kaisipang lumalaganap sa Panahong Enlightenment. Kaisipan na ang lahat ng tao ay ipinanganak na malaya, may karapatang mabuhay at karapatang magkaroon ng ari-arian. Karapatan din nila na magkaroon ng pamahalaan na may mabuting pinuno. Ang mga ito ang pinaglaban ng mga mamamayan. Ang mga kaisipang ito ay nabuo sa himagsikan sa Pransiya at Russia. Ang mga salik na ito ang nagpa-usbong, nagpasiklab ng damdaming Nasyonalismo sa Europe at sa mga kolonya. Isa sa mga reaksyon ng halos lahat ng mga bansang sakop, ang pagsibol ng Nasyonalismo. Nagbunga ng matinding galit at pagkagising ng damdamin at mithiing lumaya sa mga mananakop sa ginawang paninikil ng mga ito. Maaari lamang itong matupad sa pamamagitan ng pagkakaisa at paggamit ng lakas kung kinakailangan at pagbubuwis ng buhay para sa bayan. # Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Soviet Union The image is of a map of the Russian Empire overlaid with the words: "The Russian Empire", "Frozen Oceans". It has the words: "MAPA NG SOVIET UNION (U.S.S.R)" at the bottom. ## Ang Soviet Union o Russia Ang Soviet Union o kilala bilang Russia ang pinakamalaking bansa sa daigdig. Isa itong malawak na lupain na sumasakop sa dalawang lupalop ng Asia at Europe. Halos doble ang laki nito sa Estados Unidos. Nuong 988, ipinalaganap ni Vladimir I sa Russia ang Kristiyanimong Griyego (Orthodox) kaya tinawag siyang Vladimir the Saint. Nuong 13 siglo, dumating ang mga Tartar o Mongol mula sa Asia at sinakop ang mga mamamayan ng Russia nang mahigit sa 200 taon. Mula sila sa bansang Mongolia. Nag-iwan ng mga bakas sa pananalita, pananamit at kaugalian ng Ruso ang nasabing Panahon ng Pananakop. Naging tagapagligtas ng Russia si "Ivan The Great" na tumalo at nakapagpabagsak sa mga Tartar sa labanan ng Oka. # Himagsikang Ruso Ang bansang Russia ay pinamumunuan ng pamamahala ng Czar, kontrolado nila ang maharlika at pulisya, maging ang industriya. Bago nagkaroon ng himagsikan, ang Russia ang pinakamalaking burukrasya sa mundo. Ang himagsikang Ruso ay naganap noong unang bahagi ng ika-20 Siglo, isang himagsikang nakagimbal sa buong mundo. The image shown is of a group of people in a line. There is a man in uniform standing with a rifle. Another man stands behind him with his hand resting on a cane. The next man is a woman. She has her hair pulled back in a bun and is wearing a dark jacket. The back of her dress is pulled up so you can see the inside of it. Ang mga magsasaka nuon ay nakatali sa lupa, apat sa bawat limang Ruso ay walang karapatan at laging nakabaon sa utang. Napilitan ang mga manggagawa na magtayo ng mga pagawaan upang pumunta sa mga bayan at lungsod. The image on the page is of a line of people walking. There is a man in uniform standing at the front of the line. Dito sila nagkaroon ng pagkakataon makapag-aral, ngunit sa paghihigpit ng pulisya lumikas ang mga intelektwal na Ruso patungong Kanlurang Europe. Duon nila nakilala ang mga disipulo na sila Karl Marx at Friedrich Engels. The image on the page is of a classroom setting with people seated or standing in front of a blackboard. Lumitaw ang dalawang tauhan na may magkaibang layunin. Nagkaroon ng alitan sina Joseph Stalin at Leon Trotay na kahalili ni Lenin. The image on the page is of a man with a beard. He is wearing a suit and glasses. Si Leon Trosky ay may paniniwalang dapat ikalat agad ang Komunismo sa pamamagitan ng Rebolusyon Pandaigdig. Samantala, ayon kay Stalin di ito napapanahon dahil mahina pa ang Russia. Nanguna at nagtagumpay si Stalin, sinimulan ang October Revolution ng mga Komunistang Soviet. Sa unang pagkakataon, nagkaisa ang mga Ruso na magapi nila ang Czar at nagwakas ang Aristokrasya sa bansa. The image on the page is of a group of people standing in front of a building. They are all facing a flag that is raised on a pole. ## Vladimir Lenin * 1870-1924 * Russian Communist Revolutionary * Founded the Bolshevik Party which came to power in Russia in 1917 ## Joseph Stalin * 1878-1953 * Preserved some revolutionary goals * No hereditary Czar, no privileged class, improved standard of living * New upper class - professionals, factory managers # Nasyonalismo sa Latin America The image is of a map of South America overlaid with the words: "MAPA NG TIMOG AMERICA NA NASAKOP NG SPAIN AT PORTUGAL" and the word "BRAZIL" Nag-alsa ang mga lalawigan sa Latin America laban sa Spain. Nagkaisa sila sa kanilang pagkamuhi sa Awtokrasyang Espanol dahil sa katiwalian sa pamahalaan, walang kalayaang magpahayag ng mga batas na naghihigpit sa pangangalakal. ## Pagkakaiba ng Lahi Bilang Salik sa Nasyonalismo The image is a drawing of mother and child who appear to be of mixed raced with dark skin. It also shows another young person in a shirt of lighter coloring standing next to her. Ang populasyon ng mga bansa sa Latin America ay halos lahing Europe tulad ng Argentina, Uruguay, Costa Rica at Chile. Mula sa lahing Indian ang mga bansang Ecuador, Peru, Bolivia at Paraguay. Ang Republica ng Dominican ay mababang lahi. Ang Brazil ay pinaghalong lahi ng Africano, Indian at mga lahing galing ng Portugal, France, Spain, Germany at Italy. Nagkaroon ng pag-aasawahan ang iba't ibang lahi at Nasyonalidad. The image is a drawing of a couple with a female who appears to be European and a male who appears to be native American. Creole ang tawag sa mga ipinanganak sa bagong Daigdig o America na may lahing Europeo. Minamaliit ang ilang bansang Latin America tulad ng Argentina na may poulasyong Indian at ibat ibang lahi. Meztiso (Espanol at Indian) Zambo (Indian at ibang lahi) at Mulatto (Puti at ibang lahi). Sa wika, halos lahat ng bansa sa Latin America ay nagsasalita ng Espanol. Ngunit sa Brazil ang salita ay Portuges. Sa Haiti naman ay nagsasalita ng Pranses at Wikang katutubo. ## Mga Taong Nanguna sa Nasyonalismo sa Latin America The image is of a man in a suit. He is bald and has facial hair. Francisco de Miranda - isang Venezuelan, unang lumaban sa mga Espanol noong 1811 ngunit di siya nagtagumpay na matamo ang kalayaan ng Venezuela mula sa Spain. The image is of a man in a suit. He has dark, straight hair and a mustache. Simon Bolivar - kilala bilang "Bolivar ang Tagapagpalaya", isang Creole. Ipinagpatuloy niya ang sinimulan ni Miranda. Namuno sa Kilusan para sa Kalayaan sa Hilagang Timog n Latin America. Noong 1819 napalaya niya ang Venezuela, ginulat niya ang mga Espanol nang magdaan sa Bundok Andes ang kanyang hukbo. Nagtagumpay siya, itinatag niya ang Great Colombia at naging Pangulo. Itinuring siya na bayani ng South America. The image is of a man in uniform. He is wearing a military hat and has a mustache. Heneral Antonio Jose Sucre - kasama ni Bolivar, tinalo niya ang mga Espanol sa labanan ng Ayacucho sa Peruvian, Mt. Andes. The image is of a man in uniform. He has a dark mustache. Jose de Martin - namuno at nagtaboy ng Espanol sa Argentina (1778-1850). Tumulong din siya sa liberasyon ng Chile at Peru. The image is of a man in uniform with dark hair and a mustache. He is holding a piece of paper in his hand. Heneral Bernard O' Higgins - kasama siya ni Martin. Isang Chileno. # Ang Pag-Unlad ng Nasyonalismo sa Africa Ang lupain ng Africa ay tinitirhan ng 98% na bahagdan populasyon ng naghihirap na lahing Itim. Samantala ang puting minorya na may dalawang bahagdan ng populasyon ay nagtatamasa sa kayamanan ng Africa. Binubuo ang mga lahing puti ng mga mangangalakal na Arabe, Asya at Europe. Pinaghati-hatian nila ang Kontinente depende sa kanilang pangangailangan. Nagtayo ng mga daang bakal at industriya upang mapangalagaan ang kanilang kapangyarihan. Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng mga mananakop ang naging dahilan ng magkakaibang pag-unlad. Bago nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malayang bansa sa Africa - Ethiopia, Liberia at Republic of South Africa. Ikalawa, noong 1810 sa tulong ng America, naging pangalang ng Pangulo ng America si James Monroe, ang kabisera ng Monrovi. Naging kasapi ng British Commonwealth of Nations, ang Ikatlo noong 1910. Lumaganap ang Nasyonalismo ng Africa pagkaraan ng Ikalawang Digmaan Pandaigdig. Maraming bansa ang naging malaya ng walang karahasan. Pero may mga bansang dumanak ng dugo bago nakamtan ang Kalayaan tulad ng Congo (Zaire) at Algeria. Ang Rhodesia at Nyasaland ang naging Zimbabwe at Malawi. Lumaya ang Angola, Mozambique at Guinea Bissau noong 1975. Kakaibang kilusang Nasyonalismo ang Biafra at Namibia, dahil sa karaniwan sa ibang bansa nakikipaglaban sa mga dayuhang puti na sumakop sa kanila samantalang sila nakikipaglaban para sa kanilang kalayaan sa kapwa kalahing Itim. Tinutulan ng mga mamamayan ang uri ng pamahalaang umiiral. Nakikipaglaban ang bansang ito sa kanilang Kalayaan sa Nigeria. Dahil gustong magsarili ng Biafra na tinutulan ng Nigeria. Umabot sila sa digmaan, naging madugo ang labanan, maraming namatay sa gutom at sakit. Nagwakas ang digmaan noong 1970 pero nanatili pa rin silang hawak ng Nigeria kahit nanawagan na sila sa mga kalapit na bansa sa Africa at United Nations. The image shown is of a group of people in uniform. They are standing behind a fence. There is a banner that is rolled up and has “THE NAMIBIAN REVOLUTION” written on it. SWAPO is written below in bold with a “Solidarity Freedom Justice" statement under it. The word "ONE NAMIBIA-ONE NATION" is written in bold lettering at the bottom. Namibia matagpuan ito sa timog-kanluran ng Africa. Dating sakop ito ng South Africa, Noong 1960, tinanggihan sila ng United Nations na magkaroon ng pagkakaisa upang tulungan sila makiusap sa South Africa na bigyan ng kalayaan ang kanilang estado. Tutol ang pamahalaang umiiral sa South Africa, nag-alsa ang mga mamamayan. Nagkaisa ang United Nation, Great Britain at France huwag pagbigyan ang South Africa sa kanyang mga kahilingan. Ilwasan nila na magkaroon ng ugnayan sa kalakalan, turismo at kasunduan himpapawid hanggat di nila ipinagkakaloob ang kalayaang hinihiling ng Namibia. Kaya noong Marso 21, 1990 ibinigay ang kalayaan ng Namibia. # Tandaan: The image on the page is of a book that is open. Ang Nasyonalismo ay pagmamahal sa bansa. Ito ay isang kamalayan sa lahi na nag-uugat sa pagkakaroon ng isang relihiyon, wika, kultura, kasaysayan, at pagpapahalaga. ### Young Nationalists ILO: Pinag-iisipan kong mabuti ang aking pahayag sa pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at iba't ibang bahagi ng daigdig. * Bumuo ng isang kilusang Nasyonalismo. (Mag-isip ng malikhaing pangalan ng kilusan. Magtalaga ng lider, miyembro, at mga katungkulan nito) * Ipahayag sa klase kung ano ang mga adhikain ng inyong kilusan upang mapahalagahan ang pag-usbong ng Nasyonalismo. ### SDL The image of the page shows a cup of coffee, a stack of books, and a pair of glasses. Bumuo ng simbolo o disenyo na nagpapakita sa halaga ng paglawak ng nasyonalismo at demokrasya. Lagyan ito ng maikling paliwanag. # Maraming salamat sa pakikinig.