Ang Mundo ng Komunikasyon sa mga Pilipino PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay isang pangkalahatang-ideya ng mga konsepto ng komunikasyon. Tinatalakay ang mga prinsipyo, uri, at aspeto nito.

Full Transcript

ANG MUNDO NG KOMUNIKASYON SA MGA PILIPINO Ang Kalikasan at Kahulugan ng Komunikasyon Ang bawat nagaganap sa atin araw-araw ay isang komunikasyon. MGA PRINSIPYO NG KOMUNIKASYON 1. Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili. Kung paano tinitingnan ang iyong sarili ay malaking bagay ku...

ANG MUNDO NG KOMUNIKASYON SA MGA PILIPINO Ang Kalikasan at Kahulugan ng Komunikasyon Ang bawat nagaganap sa atin araw-araw ay isang komunikasyon. MGA PRINSIPYO NG KOMUNIKASYON 1. Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili. Kung paano tinitingnan ang iyong sarili ay malaking bagay kung paano ka makikipagtalastasan o makipagkomunikasyon. 2. Ang komunikasyon ay nangangailangan ng ibang tao. Ipinapakita rito na ang bawat isa sa atin ay kumikilos sa ating mga tungkulin (roles) ayon sa inaasahan o ekspektasyon ng iba. 3. Ang komunikasyon ay binubuo ng dimensyon. Ang komunikasyon ay binubuo ng pangnilalaman (content) at relasyonal na dimensyon (relational). 4. Ang komunikasyon ay komplikado. Nakapaloob dito ang iba’t ibang aspeto ng mensahe- ang berbal, di-berbal at pag-uugali nito; ang pagpili ng lugar at tsanel na gagamitin gayundin ang perspektiba o relasyon sa pagitan ng tagapagpadala (sender) at ng awdyens; ang mga katangian ng awdyens; at ang sitwasyon kung saan nagaganap ang komunikasyon. 5. Ang komunikasyon ay gumagamit ng simbolo Ang simbolo ay isang bagay o ideya na ang kahulugan ay mas komplikado sa kung paano ito tingnan. kilos, tunog, larawan logo, marka at iba pang kumakatawan maliban sa sarili Sa komunikasyon, ang simbolo at tanda (sign) ay magkaiba. Ang tanda ay teknikal na nagpapakita ng sanhi ng ugnayan sa isang bagay 6. Ang komunikasyon ay nangangailangan ng kahulugan Lahat ng komunikasyon ay may kalakip na kahulugan. Mahalaga ang gamit ng mga simbolo para makabuo ng kahulugan subalit ang isang simbolo ay maaaring magbago pa ulit ng panibagong kahulugan kung isasama ito sa iba pang simbolo. 6. Ang komunikasyon ay isang proseso Isang proseso dahil ito ay isang aktibidad, pagpapalitan ng mga set na pag-uugali o behavior na hindi nagbabago ang produkto. Ito rin binubuo ng hindi lamang isang proseso na kinasasangkutan ng tagapagpadala (sender) at tagatanggap (receiver). KOMPONENT NG KOMUNIKASYON Mga Tao- Tagapagpadala at tagatanggap Mensahe- berbal o di berbal na porma ng ideya, naiisip o nararamdaman ng isang tao na nais makipagtalastasan o makipag-ugnayan sa isang tao o pangkat ng tao. Midyum/Tsanel Instrumento o midyum Pidbak Berbal o di berbal na sagot Tugon o sagot sa tinanggap na mensahe Ingay Sagabal sa pagpapadala o enkowd at pagbibigay kahulugan o dekowd ng mensahe. Pisikal o sikolohikal A. Pisikal na Ingay Suliranin sa pandinig Malalakas na tunog sa kapaligiran Gambala sa paningin tulad ng dumi sa ngipin Espasyo kung gaano kalapit ang kausap B. Sikolohikal na Ingay Gumagambala na nagaganap sa isipan ng tao Wala sa katinuan sa pag-iisip o may dala-dalang problema Koda Sistematikong pagkakaayos ng mga simbolong ginagamit upang makabuo ng mga kahulugan sa kaisipan ng tao o pangkat ng tao. Kodang berbal Kodang di-berbal A. Kodang Berbal Simbolong gamit sa wika - pagkakaayos ng mga pangungusap B. Kodang Di-berbal Kilos ng katawan, espasyo, oras, pananamit Punto, haba, intonasyon, bilis, antala TATLONG PARAAN NG KOMUNIKASYON 1. Komunikasyon bilang Aksyon Sa paraang ito, ang pinagmulan ng mensahe (sender) ay naghahatid ng mensahe na maaaring natanggap ng tagatanggap (receiver) 2. Komunikasyon bilang Interaksyon Sa paarang ito, nagkakaroon ng pagpapalitan ng impormasyon sa dalawang indibidwal. 3. Komunikasyon bilang Transaksyon Naisagawa ang paraang pagbabahaginan ng kahulugan at unawaan sa pagitan ng isa o maraming indibidwal. URI NG KOMUNIKASYON AYON SA KONTEKSTO Komunikasyong intrapersonal Nabubuo o nagaganap sa sariling isip o ideya Komunikasyong interpersonal Paggamit ng mensahe upang makabuo ng kahulugan sa pagitan ng hindi bababa sa dalawang tao sa iang sitawasyon Komunikasyong Pampubliko Ang simpleng pinagmulan ay nagpapadala ng mensahe sa iba’t ibang bilang ng tagatanggap na nagbibigay ng di-berbal at minsan ay tanong-sagot na pidbak. Komunikasyong pang-masa (Mass Communication) Ang mensahe ay naililimbag sa mga pahayagan, napanonood sa telebisyon o napakikinggan sa radio. Komunikasyong Computer Mediated Nakabilang dito ang komunikasyong pantao at impormasyon ibinabahagi sa pamamagitan ng communication networks. KOMUNIKASYON AYON SA INTENSYON 1. Tagumpay na Komunikasyon Maayos na naipadala at nabigyang- kahulugan ang mensahe ayon sa inaasahang kahulugan at layunin nito KOMUNIKASYON AYON SA INTENSYON 2. Miskomunikasyon Intensyonal na naipadala ang mensahe sa tagatanggap subalit nagkaroon ng suliranin o problema sa pagkakaunawa o interpretasyon KOMUNIKASYON AYON SA INTENSYON 3. Aksidental na Komunikasyon Walang intensyong ipadala ang mensahe ng tagapagpadala subalit nabigyang interpretasyon ito ayon sa nararamdaman nito. KOMUNIKASYON AYON SA INTENSYON 4. Tinangkang Komunikasyon Intensyonal na ipinapadala ang mensahe subalit hindi ito nabigyang-kahulugan ng tagatanggap. KOMUNIKASYON AYON SA INTENSYON 5. Walang Tangkang Komunikasyon Hindi intensyonal na ipadala ang mensahe subalit nabigyang- kahulugan ito nang di-wasto.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser