Oryentasyong Sekswal at Pangkasariang Pagkakakilanlan (Tagalog)

Document Details

ExquisiteJasper2002

Uploaded by ExquisiteJasper2002

Bauan Technical Integrated High School

Tags

sexual orientation gender identity gender expression LGBTQ+

Summary

The document discusses sexual orientation, gender identity, and gender expression, providing definitions and some historical context. It includes various cultural viewpoints and examples, and details the history of these terms in the Philippines.

Full Transcript

# Oryentasyong Sekswal (Sexual Orientation) * tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong apeksyonal, emosyonal atsekswal. * malalim na relasyon sa taong ang kasarian ay maaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya o kasariang higit sa isa. # Pangkasariang Pagkakalinlan...

# Oryentasyong Sekswal (Sexual Orientation) * tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong apeksyonal, emosyonal atsekswal. * malalim na relasyon sa taong ang kasarian ay maaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya o kasariang higit sa isa. # Pangkasariang Pagkakalinlan (Gender Identity) * ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya'y ipanganak * Kabilang dito ang personal na pagtuturing sa sariling katawan (na maaaring mauwi sa pagbabago ng anyo o katawan sa pamamagitan ng pagpapa-opera, gamot o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit pagsasalita at pagkilos # Pagpapahayag ng Kasarian (Gender Expression) * Ang hayagang pagpapakita ng pagkakakilanlan ng kasarian sa pamamagitan ng pangalan, pananamit, istilo ng buhok, pag-uugali, boses, o pisikal na katangian. * Kinikilala ng Lipunan ang mga ito bilang pagkalalaki at pagkababae ngunit ang mga ito ay nagbabago sa paglipas ng panahon at nag-iiba ayon sa kultura. # Mga Uri ng Seksuwalidad at Gender * Sex: mauri lamang sa dalawa – lalaki at babae * Seksuwalidad - komplikado at maraming uri ## Mga pangunahing kategorya ng seksuwalidad: 1. Atraksiyon sa isang uri ng kasarian * Heterosexuality * Homosexuality 2. Atraksiyon sa iba't-ibang uri ng kasarian * Bisexuality * Pansexuality o omnisexuality 3. Walang seksuwal na atraksiyon sa kaninuman * Asexuality # Iba pang uri ng sekswalidad: * **Transgender** - Tawag sa mga taong may naiibang pagkakakilanlan o galaw mula sa kung ano man ang inaasahan ng karamihan sa isang kultura; nakadarama na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang pag-iisip at katawan ay hindi magkatugma. * **Intersex** - kalagayan ng isang tao na ipinanganak na may biyolohikal na bahaging pambabae at panlalaki; kilala rin bilang hermaphroditism. * **Queer** - katawagang ginagamit ng ilang tao para ilarawan ang kanilang kasarian, sila ay hindi ekslusibong heterosexual o hindi maaaring ikategorya ang sarili bilang lesbian, gay o bisexual. # LGBT Community * Mapapansin na ang itinalagang sex ng genetika sa isang indibidwal ay maaaring hindi kalinya ng kanyang gender identity, gaya ng mga taong nagpapakilalang transgender, non-binary, o gender-nonconforming. * Kaugnay nito, may isang uri ng samahan o komunidad na matatagpuan hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang mga bansa - ang tinatawag na LGBT community. * Ang LGBT ay pagdaglat sa Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender. * Dumating ang panahon na ang simpleng LGBT ay nagging LGBTQ - ang Q ay idinagdag para kumatawan sa uring "queer." * Hindi naglaon ay naging LGBTQIA+ pa - para ang komunidad ay maging inklusibo rin sa iba pang mga uri o kategorya. # The SOGIE Bill The SOGIE bill. House Bill No. 4982, or the SOGIE bill, is an anti-discrimination bill that seeks to prohibit discrimination based on a person's expression of sexual orientation or gender identity. Isang panukalang batas na naglalayong isulong ang pantay na Karapatan ng mga tao anuman ang sexual orientation at gender identity nito. # SOGIE Equality Bill Ang mga sumusunod ang ipinaglalaban ng SOGIE Equality Bill: * Pantay na access sa mga serbisyo publiko * Pantay na oportunidad sa trabaho, promotion, sahod at benepisyo * Pantay na karapatang makapag-aral * Pantay na access sa pampubliko at pribadong serbisyo medical * Pantay na access sa pabahay, pasilidad, utilities at iba pa * Pantay na proteksyon sa ilalim ng batas * Pantay na pagtrato ng mga tao # Gender Role Ang Gender Role ay ang itinakdang mga pamantayan na tinatanggap ng karamihan bilang basehan ng pagiging babae o lalaki. Ito ay batay sa panlipunan o interpersonal na ugnayan. # Gender Roles sa Pilipinas ## Pre Kolonyal * Ang kababaihan sa Pilipinas noon maging ito man ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa uring timawa ay pagmamay-ari ng mga lalaki. * Patunay nito ang pagkakaroon ng mga binukot at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. * **Binukot** - isang babae na itinago sa mata ng publiko. * Itinuturing silang prinsesa. * Kultural na kasanayan sa Panay. * Ang katagang "binukot" ay nanggaling sa salitang "bukot" na ang ibig sabihin ay "itago o ikubli". * Maaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. * Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa ayon sa Boxer Codex ## Panahon ng mga Amerikano * Ang pagdating ng mga Amerikano ang nagbigay ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. * Dito nagsimula ang pagbubukas ng paaralan para sa kalalakihan at kababaihan, maging mayaman o mahirap. ## Panahon ng mga Hapon * Ang mga kababaihan ay naging katuwang ng mga kalalakihan sa pakikipaglaban. * Ang ilan sa mga kababaihan ay nakaranas ng pang-aabuso mula sa mga Hapones at tinawag sila bilang comfort women. ## Kasalukuyang Panahon * Nagpatuloy ang mga kababaihan na tahakin ang kanilang landas sa iba't ibang karera sa pagnanais na magkaroon ng pantay na karapatan katulad ng mga kalalakihan sa larangan ng politika, edukasyon at trabaho upang magkaroon din ng malaking ambag sa pagbabago ng lipunan # Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas Sa pagtalakay ng kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas, mababanggit ang mga babaylan noong ika-16 hanggang ika-17 siglo. Ang babaylan ay isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman. Ang salitang babaylan ay sinasabing tumutukoy sa babae, mayroon ding lalaking babaylan - halimbawa ay ang mga asog sa Visayas noong ika-17 siglo - na hindi lamang nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo ring babae upang ang kanilang mga panalangin umano ay pakinggan ng mga espiritu. Ang mga lalaking ito, gayunman, ay hindi lamang nagsusuot ng kaugaliang kasuotan ng mga babae, ginagaya rin nila ang mismong kilos ng mga babae, sila rin ay pinagkakalooban ng panlipunang pagkilalang simboliko bilang "tila-babae." Ilan din sa mga babaylang ito ay kasal sa lalaki, kung saan sila ay may relasyong seksuwal. Habang sila ay tinatanggap at iginagalang sa lipunang pre-kolonyal, para sa mga Espanyol, ang mga babaylan ay hindi lamang nakalilito, sila rin ay kinatatakutan dahil sa kanilang makapangyarihang posisyon. Sa panahon ng mga Espanyol, ilan sa mga babaylang ito ay nag-iba ng gampanin dahil sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Mula noon, ang lipunang Pilipino ay higit sa lahat tahimik sa mga Pilipinong hindi tumatalima sa kombensiyunal na oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. ## Dekada 60 * pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine gay culture sa bansa. * Sa mga panahong ito, maraming akda ang nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad. * Sa Pilipinas, ang umiiral na mga konsepto tungkol sa LGBT ay mula sa magkasamang impluwensiya ng international media at ng lokal na interpretasyon ng mga taong LGBT na nakaranas mangibang-bansa. ## Dekada 70 * Ginamit ang salitang "gay" at "lesbian" para magkaroon pa ng isang pagkakakilanlan. * Sinundn ito ng pag usbong ng "bisexual" at "transgender" ## Dekada 80 * Sa mga huling bahagi ng dekada 80 * Maraming pagsulong ang inilunsad na naging daan sa pag-usbong ng kamalayan ng Pilipinong LGBT. * Maibibigay na halimbawa nito ang paglabas 'ng Ladlad, * Maidaragdag din ang sinulat ni Margarita Go-Singco Holmes na A Different Love: Being Gay in the Philippines noong 1994. ## Dekada 90 * Sa mga huling bahagi ng dekada 80 at unang bahagi ng dekada 90 * Isang malaking yugto para sa lesbian activism sa Pilipinas ang naganap nang sumali ang di-kilalang samahan na Lesbian Collective sa martsa ng International Women's Day noong Marso 1992. * kauna-unahang demonstrasyon na nilahukan ng isang organisadong sektor ng LGBT sa Pilipinas. * 1992, Metropolitan Community Church at UP Babaylan * 1993 Itinatag ang ProGay Philippines * Ilang kilalang lesbian organization ang sumulpot gaya ng CLIC (Cannot Live in a Closet) at Lesbian Advocates Philippines (LeAP). * Unang partidong politikal na kumonsulta sa LGBT community ang partidong Akbayan Citizen's Action Party. * Ang konsultasyong ito ang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng unang LGBT lobby group - ang Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network o LAGABLAB. ## Millennial, 2000 * Setyembre 21, 2003, itinatag ni Danton Remoto, propesor sa Ateneo de Manila University, ang politikal na partido na Ang Ladlad. * Noong 2004 naman, ginanap sa Maynila ang ika-10 anibersaryo ng LGBT pride sa Pilipinas bilang bahagi ng Gay Pride March. Ang pagdiriwang na ito ay dinaluhan ng mga indibidwal na kinikilala ang sarili bilang bahagi ng pamayanan ng LGBT. * Noong Abril 2010, ang partidong ito ay ganap nang pinayagan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na sila ay lumahok sa halalan. * Ang ilan sa mga samahan na naitatag para sa LBGT ay Coalition for the Liberation of Reassigned Sex (COLORS), Gay Achievers Club (GAYAC), Lesbian Activism Project Inc. (LEAP!) at KABARO- PUP Santy Layno # Gender Roles sa iba't ibang Lipunan Sa Mundo ## 1. Africa at Kanlurang Asya Sa mga rehiyong ito ng mundo, mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo na sa mga miyembro ng komunidad ng LGBT. Matagal ang panahong hinintay ng mga babae upang mabigyan sila ng pagkakataong makalahok sa proseso ng pagboto. Bukod sa hindi pagboto, may pagbabawal din sa mga babae na magmaneho ng sasakyan nang walang pahintulot sa kamag-anak na lalaki (asawa, magulang, o kapatid). | Region | Countries | Year of Voting Rights| |---|---|---| | Kanlurang Asya | Lebanon |1952 | | Kanlurang Asya | Syria | 1949, 1953 | | Kanlurang Asya | Yemen | 1967 | | Kanlurang Asya | Iraq | 1980 | | Kanlurang Asya | Oman | 1994 | | Kanlurang Asya| Kuwait| 1985, 2005 | | Africa | Egypt | 1956 | | Africa | Tunisia | 1959 | | Africa | Mauritania | 1961 | | Africa | Algeria | 1962| | Africa | Morocco | 1963| | Africa| Libya | 1964 | | Africa| Sudan | 1964 | *Binawi ng Kuwait ang karapatang bumoto ng mga babae at muling naibalik noong 2005.* ## Female Genital Mutilation o FGM Female Genital Mutilation or FGM is a process of altering the genitalia of women (girls or adults) without any medical benefit. * It is done in the belief that it will keep the woman pure until she is married. * This belief has no religious basis and the procedure can lead to infection, bleeding, difficulty urinating, and even death. Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa and Kanlurang Asya. Napatunayan ng WHO na walang benepisyong-medikal ang FGM sa mga babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan Ayon sa mga pangkat etniko, ang FGM is a mark of ethnicity . It can involve the removal of the clitoris and clitoral hood, or the clitoris and inner labia. The inner and outer labia can also be removed and the vulva sewn up for more complex procedures. This leaves a small opening for urination and menstruation, and to open the vagina for sexual intercourse and childbirth. The effects depend on the procedure, but can include: * infection * pain * cysts * infertility * complications during childbirth * bleeding ## 2. Pangkulturang Pangkat sa New Guinea * At sa huling pangkat, ang **Tchambuli** or **Chambri**, the women and men have different roles in their society. * Women are described by Mead and Fortune as being dominant over men. * They are also the ones who provide food for the family, while men spend their time being concerned with their appearance and gossiping. * In 1931, anthropologist Margaret Mead and her husband, Reo Fortune, traveled to the Sepik region of Papua New Guinea to study the different cultures in the region. * During their time there, they encountered three different cultures: Arapesh, Mundugumur, and **Tchambuli**. * They studied the roles of men and women in each culture and discovered both similarities and differences between them, as well as how different they were from the United States. * In **Mundugumur** (or **Biwat**), both women and men are considered brave, aggressive, violent, and power-hungry. * When Mead and Fortune visited the **Arapesh**, they found both women and men were nurturing and caring for their children, cooperative, and peaceful.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser