3rd Quarter Reviewer in Filipino Grade 7 PDF
Document Details
![GlisteningBromeliad](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-16.webp)
Uploaded by GlisteningBromeliad
Tags
Summary
This document is a reviewer for Filipino Grade 7, covering the 3rd quarter. It discusses historical context of Filipino literature in the Spanish colonial era, literary works such as *Doctrina Christiana*, *Nuestra Señora del Rosario*, *Barlaan at Josaphat*, and *Urbana at Feliza.* It also touches on various aspects of Filipino culture.
Full Transcript
3rd Quarter Reviewer in Filipino Grade 7 ➤ Kaligirang Pangkasaysayan ng Panitikan sa Panahon ng Pananakop ng Espanyol - Ang panahon ng Espanyol ay isang yugto sa kasaysayan ng Pilipinas na nagbigay-daan sa malalim at makulay na bahagi ng panitikan. Ang ugnayang Espanyol ay nagsimula noong ika-16 da...
3rd Quarter Reviewer in Filipino Grade 7 ➤ Kaligirang Pangkasaysayan ng Panitikan sa Panahon ng Pananakop ng Espanyol - Ang panahon ng Espanyol ay isang yugto sa kasaysayan ng Pilipinas na nagbigay-daan sa malalim at makulay na bahagi ng panitikan. Ang ugnayang Espanyol ay nagsimula noong ika-16 dantaon nang ang Portuges na si Fernando Magallanes ay dumating sa ating kapuluan noong 1521. ➤ Akda sa Panahon ng Espanyol - Doctrina Christiana: kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593, sa pamamagitan ng silograpiko. Aklat ito nina Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva. Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila. Naglalaman ito ng mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, pangungumpisal at katesimo. May 87 pahina lamang. - Nuestra Señora del Rosario: ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito nina Padre Blancas de San Jose noong 1602 at nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa tulong ni Juan de Vera, isang mestisong intsek. Naglalaman ito ng mga talambuhay ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot sa relihiyon. - Barlaan at Josaphat - ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito sa tagalog ni Padre Antonio de Borja, Orihinal na nasa wikang griyego. Ipinalalagay itong kauna- unahang nobelang nalimbag sa Pilipinas. - Pasyon - aklat na nauukol sa buhay at pagpapakasakit ni kristo. Binabasa ito tuwing mahal na araw. Nagkaroon ito ng apat (4) na bersyon sa Tagalog ang akdang ito. at ang bawat bersyon ay ayon na rin sa pangalan ng mga nagsulat. - Urbana at Feliza - aklat na sinulat ni Modesto de Castro, ang tinaguriang “Ama ng Klasikong Tuluyan sa Tagalog”. Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na Urbana at Felisa. Pawang nauukol sa kabutihang-asal ang nilalaman ng aklat na ito, kaya’t malaki ang nagawang impluwensiya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino. ➤ Dula sa Panahon ng Espanyol - Senakulo - Panunuluyan - Moro-Moro - Tibag - Sarsuwela - Panunuluyan - Flores de Mayo - Santacruzan ➤Tesktong Pampahayagan - Balita: Tumutukoy sa napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na, kasalukuyang nagaganap at magaganap pa lamang. Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat, at pampaningin. - Radyo: Ito ay isang midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng kaganapan sa mundo sa mas malawak na sakop nito. - Komentaryong Panradyo: Ito ay isang uri ng salaysay na naglalaman ng mga opinyon sa mga kasalukuyang isyu sa lipunan. Ito ay dapat na angkop at sumusunod sa pamantayan ng radio broadcasting. - Telebisyon: itinuturing na pinaka makapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito. - Dokyumentaryong Pantelebisyon: Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan. - Dyaryo/Pahayagan: Uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon, at patalastas. ➤ Mga Elemento ng Kultura - Paniniwala - Pagpapahalaga - Norms - Simbolo - Artepiko ➤ Elemento ng Tesktong Biswal - Etnisidad - Diaspora - Uri ng Pamumuhay - Antas ng pamumuhay ➤ Esteriotipo o Stereotype Mabilisang panghuhusga. Mabilis napag-uuri-uri ng isang kaisipan o imahen sa pag- iisip. ➤ Bayograpikal - Layunin nitong ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. ➤ Sanaysay - Isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. ➤ Bahagi ng Bayograpikal na Sanaysay - Simula - Gitna - Wakas ➤ Epiko -Ito ay uri ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan, pakikipagsapalaran, at pakikilagtunggali ng pangunahing tauhan. May angking galing ang pangunahing tauhan na wala ang isang ordinaryong tao. ➤ Halimbawa ng Epiko - Labaw Donggon - Biag ni Lam-Ang - Hudhud at Alim - Maragtas - Agyu - Hinilawod - Darangan ➤ Mga elemento ng epiko - Sukat at Indayog - Tugma - Taludturan - Matatalinghagang salita - Tagpuan - Banghay ➤ Komiks -Isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. ➤Elemento ng Komiks - Pamagat ng Kuwento - Kuwadrado - Kahon ng salaysay - Larawang guhit - Lobo ng Usapan ➤ Mga halimbawa ng lobo ng usapan - Caption box - Speech bubble - Scream bubble - Radio bubble - Thought bubble - Whisper bubble ➤ Brochure - isang dokumento na papel na nagbibigay kaalaman na maaaring nakatiklop bilang isang template, pamphlet o leaflet. - Ito ay dokumento na pang-promosyon, pangunahin na ginagamit upang ipakilala ang isang kumpanya, Samahan, produkto o serbisyo at ipaalam sa publiko ang maaaring benepisyo. ➤Uri ng Pagtupi ng Papel - Half-fold - Tri-fold - Z-fold - Gate Fold - Roll-Fold - Accordion Fold ➤ Pagbuo ng Story Board - Pag-aaral ng Epiko - Pagsasaayos ng pangunahing tala - Pagbuo ng outline - Pagpili ng mga pangyayari - Pagsasaayos ng eksena - Pagguhit ng thumbnail o sketches - Pagsulat ng teksto - Pagsasaayos ng pagganap - Pagsusuri at pag-aayos ng burador ➤ Netiquette sa paggamit ng Sosyal Midya - Makipag-ugnayan sa target na awdyens - Maging konsistent sa branding - Maingat sa paggamit ng mga larawan o imahe - Maingat sa paggamit ng wika - Magbigay ng tamang credit - Gumamit ng hashtag - Makipag-ugnayan sa awdyens - Maging transparent at mapanagot - Maging magalang ➤ GAD - Gender and Development