Modyul 2-Kasaysayan ng Panitikang Filipino PDF
Document Details
Uploaded by CohesiveHarpsichord
Manuel S. Enverga University Foundation
Tags
Summary
This module details the history of Filipino literature, covering different periods and key elements. It explores how literature reflects societal changes specific to various eras in the Philippines. It includes discussion points from different periods.
Full Transcript
1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES NAME OF THE General Education PROGRAM COURSE TITLE Panitikang Filipino COURSE CODE FILI101 PREREQUISITE/ None COURSE UNIT 3 units COREQUIS...
1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES NAME OF THE General Education PROGRAM COURSE TITLE Panitikang Filipino COURSE CODE FILI101 PREREQUISITE/ None COURSE UNIT 3 units COREQUISITE COURSE OUTCOME CO1: Makapagsuri ng akdang pampanitikan na may malaking impluwensiya sa buhay, kaisipan at ugali ng tao gamit ang pagbasa, pagsulat, pakikinig, at panonood. MODULE 2 Kasaysayan ng Panitikang Filipino LESSON LEARNING After successful completion of this module, you should be able OUTCOME/S to: a. Natutukoy ang kahalagahan sa kahulugan at kasaysayan ng panitikang Filipino. TOPICS Kasaysayan ng Panitikang Filipino WEEK / INCLUSIVE 2 -3 DATE MODALITY Asynchronous (MS Teams, Zoom, or RingCentral) ▪ LESSON PROPER Pangkalahatang Ideya Hindi maitatawa na may malaking aral na makikita sa pagbalangkas ng Panitikan ng bansa sa bawat panahon. Dahil sa sinasabing ang panitikan ay salamin ng lipunan, maaari nating masalamin o makita ang kalagayan ng bansa batay sa panahong umiiral ang panitikan. ________________________________________________________________________ PAGTALAKAY KASAYSAYAN NG PANITIKANG FILIPINO Panahon ng mga Katutubo Ang ating mga ninuno ay may sarili nang panitikan bago pa man dumating sina Magallanes sa Pilipinas. Nagtataglay ng kasaysayan ng ating lahi, mga kuwentong-bayan, salawikain, kasabihan, bugtong, palaisipan, atbp. Nag-aangkin din ang ating mga ninunong sariling baybayin o alpabeto na kaiba sa kasalukuyang alpabetong Romano na dala ng mga Kastila. Ang ginagamit na sulatan ng ating mga ninuno ay mga biyas ng kawayan, talukap ng bunga o niyog at sa mga dahon at balat ng mga punungkahoy, dulo ng lanseta o anumang patalim, matutulis na bato o bakal, atbp. Ngunit di nasunog ang mga kantahing-bayan, mga bugtong, mga salawikain at kasabihan, at iba pa sapagkat ang mga ito’y nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao. 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES Mga Saling-Bibig ng Panitikan Hindi naitala ang karamihan sa mga ito dahil ang mga panitikang ito ay pasalita lamang. Bago dumating ang mga Kastila, may mga buhay na akdang unti-unti pa lamang natitipon at nalalathala. Ito’y mga akdang limitado na ang kumatha. Nagpasalin-salin sa mga bibig ng bawat salinlahi. Nagkaroon man ng pagbabago, pagbawas at karagdagan, nalangkapan man ng mga makabagong kabihasnan, paraan ng pagsasalaysay at mga salitang angkop sa panahon, sa kabuuan ay nagpapakilala pa ring mula ito sa panahon ng ating mga ninuno bago sila masakop ng mga Kastila. Karunungang Bayan Salawikain Sawikain Kasabihan Bugtong Palaisipan Awiting-Bayan ______________________________________________________________________ Panahon ng mga Kastila Kristiyanismo ang mga naging paksain ng panitikan. Pinilit pairalin ng mga prayle sa lahat ng mga akdang pampanitikan ang tatak ng relihiyong Kristiyanismo. Ang dating alpabeto ng mga Pilipino, ang baybayin, ay pinalitan ng kanilang alpabetong Romano. Pagpapalaganap ng pananampalatayang Katoliko ay sinunog ng mga prayle ang mga manuskritong Tagalog na nasulat sa matandang baybayin sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Nagtatag sila ng mga simbahan upang madaling mapalaganap ang relihiyong Katoliko. Nagkaroon ng pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino, maging sa pananamit, gawa, diwa, at kaisipan ng mga tao. Ang mga palimbagan ay naging gawaan ng mga aklat na karaniwang isinusulat ng mga prayle. Mga Katangian ng Panitikan noong Panahon ng Kastila 1. Panrelihiyong mga karaniwang paksain. 2. Nagtataglay ng sari-saring kaanyuan at pamamaraan gaya ng panalangin. 3. Ang lalong marami sa mga paksa ay gaya, huwad o kaya’y halaw sa anyo, paksa o tradisyong Kastila. Walang orihinalidad. Halimbawa: tulang liriko at korido, awit, pasyon, senakulo, karagatan, duplo, komedya o moro-moro, talambuhay at mga pagsasaling-wika. 4. Bukod sa mga akdang panrehiyon ay marami ring mga akdang hinggil sa wika. Ito’y binubuo ng gramatika at bokabularyo, mga tula at mga akdang ukol sa tula. 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES Mga Unang Akdang Panrelihiyon sa Tagalog Ang Doctrina Cristiana (1593) Ang kauna-unahang aklat na may kinalaman sa ating kapuluan. Nailimbag ito sa pamamagitan ng silograpiya na sa Kastila at Tagalog. May-akda nito ay sina P. Domingo Nieva at P. Juan de Plasencia. Nuestra Senora Del Rosario (1602 Ang ikalawang aklat, ito ay akda ni Pari Blanca de San Juan na sinulat at inilimbag sa imprentahan ng Santo Tomas. Barlaan at Josaphat (1708) Umiikot sa nabigong pagsisikap ng isang hari na mailayo sa Kristiyano ang anak na Prinsipe. 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES Pasyon (1704) Ang kanyang salin ay makikita sa Mga Pananalangin Nagtatagubilin sa Calolowa Nang Taong Naghihingalo. Dahil sa binigyan ng permiso mula sa simbahan ni Padre Antonio del Pueblo si de Belen, napahihintulutan na ilimbag niya ang Pasyon sa Maynila noong 1704. Urbana at Feliza Isang serye ng pagliliham, sa liham ni Urbana sa kanyang mga kapatid na sina Felisa at Honesto, isinasaad niya ang pangangailang sumunod sa kahalagahan at aral ng Kristiyano, habang isinasaloob ang tumpak na asal sa pakikipagkapwa-tao. ______________________________________________________________________ Panahon ng Propaganda Sa ganitong kalagayan, ang mga Pilipinong may isip at mulat sa katotohanan ay hindi matanggap ang kawalan ng karapatan at kalayaan ng kanyang mga kalahi. Matatag at maingat na ginagamit nila ang sandata ng panulat sa unti-unting paggising, pagmumulat at paglalantad ng makabuluhang impormasyon at kalagayan ng mga Pilipino sa sariling bansa. Sinilang sa mga panitikan ang damdamin ng pagtutol at ang diwang makabayan ang nangingibabaw. Hindi lamang sa panulat nagsikap ang mga propagandista, bagkus gumagamit din sila ng mga dulang panlansangan at pantanghalan tulad ng aninong 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES gumagalaw, karilyo, sarsuwela at balagtasan, ang tanging paksa’y pagkamabansa at pagpapahalaga sa kalagayan sa sariling bansa. Mga Babasahing Propaganda Diariong Tagalog (Maynila) La Solidaridad (Espanya) La Liga Filipina Mga Propagandista at mga Akdang Pampanitikan Jose Rizal (1861-1896) Noli Me Tangere Mi Ultimo Adios (Ang Huling Paalam, 1896) Sobre La Indolencia de Los Filipinos (Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino) Marcelo H. del Pilar (1850-1896) Pag-ibig sa Tinubuan Lupa Cag-iigat kayo Dasalan at Tocsuan Graciano Lopez- Jaena (1856-1896) El Bandolerismo en Pilipinas Mga Kahirapan sa Pilipinas 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES Fray Botod Pedro Paterno (1857 Ninay El Cristianismo y La Antigua Civilization Tagala Sampaguita y Poesias Varias -1991) Pascual Poblete (1858 Mga isinaling akda: Buhay ni San Isidro Labrador Francisco Butina Ang Conde ni Monte Cristo ni Alejandro Dumas Ang Kagila-gilalas na Buhay ni Juan Soldado -1921) Mariano Ponce (1863-1918) Ang Pagpugot kay Longinos Alamat ng Bulkan Ang Mga Pilipino sa Indo-Tsina 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES Mga bituin ng aking lahi Dos Cuerpos Importantes de la Quemecas Noche Buena Antonio Luna (1868-1890) ____________________________________________________________ Panahon ng Himagsikan May Dalawang Katangian ang Panitikan ng Himagsikan 1. Ang naging maalab na pambansang damdamin makabayan na nangingibabaw sa lahat ng mga akdang pampanitikan. 2. Ang panunuligsang pampulitika ng karamihan sa mga inakda. Mga Manunulat at kanilang akda Andre Bonifacio (1863-1897) Ang dapat mabatid ng mga Tagalog Pag-ibig sa Tinubuang Lupa (katulad na tula ni del Pilar ng may gayon ding pamagat.) Huling Paalam (salin sa Tagalog) Emilio Jacinto (1875- 1899) Ang Kartilla ng Katipunan Ang Liwanag at Dilim 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES A Mi Madre (“Sa Aking Ina”) A la Patria (“Sa Bayang Tinubuan”) Apolinario Mabini (1864- 1903) El Desarollo y Caida de la Republika Filipinas (Ang Pagtaas at Pagbagsak ng Republika Filipino) El Verdadero Decalogo (Ang Tunay na Sampung Utos) Verdadero Decalogo Jose Palma (1876- 1903) Kundiman Himno Nacional Filipino ______________________________________________________________________ Panahon ng Hapon Ito ang “Gintong Panahon” ng panitikan Pilipino, ang mga manunulat sa Ingles at Tagalog ay nagkaisa sa pagtatampok ng panulaang Tagalog na nagpapataas sa uri ng pamunuang pampanitikan. Kinikilala sa mga pamunuang pampanitikan ng tula sina: 1. Alejandro Abadilla 2. Iigo Ed Regalado 3. Ildefonso Santos Sa mga sanaysay nakilala sina: 1. Gloria Villarasa 2. Lina Flor 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES 3. Tarrosa Sabido Sa pamunuang-panlipunan na nakapag-ambag nang malaki sa sariling panitikan ay natampok sina: 1. Pura Santillan Castrence 2. Maria Luna Lopez 3. Emilio A. Cruz Ang mga kuwentong nagkamit ng gantimpala noong panahon ng mga Hapones ay sina: Unang Gantimpala- Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes Ikalawang Gantimpala- Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo Ikatlong Gantimpala- Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan ni N.V.M. Gonzales ______________________________________________________________________ Panahon ng mga Amerikano Ginanyak na mag-aral at ginamit panturo ang wikang Ingles. Pinabuti ang kalusugang pambayan, kalinisan, at unti-unting pinahawak ng mga mahalagang tungkulin sa pamahalaan ang mga may talion at Kakayahang mamamayan. Ang mga manunulat sa wikang katutubo ay naging masigla lalo na sa wikang Tagalog. Nagsipagsulat sila sa larangan ng panitikan, tula, maikling kuwento, nobela, dula, sanaysay, pahayagan at iba pa. Pag-ibig sa bayan at nasyonalismo ang nangingibabaw sa paksa. May apat na Kalayaan ipinalabas para sa mga mamamayang Pilipino ang mga Amerikano: 1. kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag, pagtitipon, at pagpupulong; 2. Kalayaan sa pagpili ng relihiyon; 3. Karapatan sa wastong paggamit ng batas; at 4. karapatang idulog sa pamahalaan ang mga karaingan at dinggin ang mga ito ng mga makapangyarihan. Mga Manunulat noong Panahon ng Amerikano Cecillio Apostol (1877- 1938) Ginawang kaanib sa Academia Español dahil sa kanyang dikaraniwang kagalingan sa wikang Español. 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES May isang tula rin siyang handog sa lahat ng mga bayaning Pilipino ngunit ang tulang handog niya kay Dr. Jose Rizal ang ipinalagay na pinakamainam na papuri na sinulat niya. Fernando Maria Guerrero (1873- 1929) Natanyag siya sa pagkamakata bilang mahigpit na kaagaw sa karangalan ni Cecillo Apostol. Katulad ng kilalang makata noong panahong iyon ay sumalok din siya ng inspirasyon sa pagtula sa bayaning si Dr. Jose Rizal. Ang salin ng kanyang tulang, “A Rizal”, (del Rosario et.al.) Jesus Balmori (1887- 1948) Pinarangalan sa Madrid, Espana at tinanghal na Makatang Pandaigdig sa wikang Espanyol. Nakalaban sa balagtasan si Manuel Bernabe sa paksang, “El Recuerdo y El Olvido” (Ang gunita at ang limot). Ang salin ng tula niyang “Filipinas”, (del Rosario et.al) Manuel Bernabe (1890- 1960) Makatang liriko noong 1929. Mga tulang itinipon sa isang aklat na pinamagatang “Cantos del Tropico: (mga awit ng tropic) Ang salin sa kanyang akda “No Mass Amos Que El Tuyo”, (del Rosario, et.al) 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES Claro M. Recto (1890- 1960) Pangulo ng lupon sa Saligang Batas Naging kagawad siya ng Kataastaasang Hukuman, Manananggol, matalinong mambabatas, makata at maraming aklat na isinulat tungkol sa batas at gawaing pampulitiko. Salin ng tulang “Mi Choza De Nipa” (Ang Dampa Kong Pawid) ______________________________________________________________________ Panahon ng Bagong Kalayaan Hanggang sa Kasalukuyang Panahon Bagong Lipunan Bagaman maraming kathang nailathala sa panahon mula 1972-1986 na nauukol sa pagtataguyod ng mga layunin ng Bagong Lipunan, may mga lathalain ding naglalarawan ng tunay na nadarama ng marami sa mga Pilipinong nang panahong iyon. Ang mga nasabing mga akda ay nagpapahiwatig ng mapanghimagsik na damdaming namayani at pagtutol sa nadaramang pagsupil sa ilang karapatangpantao katulad ng kalayaan sa pagpapahayag at pamamahayag. Palihim o pailalim na nalathala ang mga naturang akda. Kasalukuyang Panahon Muling nanumbalik ang ganap na Kalayaan ng mga mamamayang Pilipino. Unti-unting pagkamulat ng sambayanang Pilipino sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang Pambansa. Maraming manunulat ang nagtangkang sumulat ng sariling wika. Nagkaroon ng mayamang makapagkukunan ng paksang isusulat ng ating mga manunulat. Karaniwang layunin sa pagsulat ay pagbabago, panghihikayat at pagpapaunlad sa iba’t ibang larangan ng buhay-Pilipino. Narito tayo sa dekada ng elektroniko na nagsisilbing daan patungo sa ganap na pagbabago ng ating mga pagpapahalaga, saloobin, kaisipan at paniniwala. 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES Malayo na ang narating ng midya na siyang pinakamabisang daluyan ng panitikang pasulat at pasalita. Maging ang antas ng wikang ginamit sa midya ay nagbago na rin. Kasama na rito ang mga pahayagan, magasin, telebisyon, radyo at pulitika. Hindi lamang ang wikang pampanitikan ang ginagamit ng mga manunulat kundi pati na rin ang antas balbal, kolonyal at lalawiganin, kung ito ang hinihingi ng pagkakataon at naaangkop sa sitwasyon. Hindi lamang sa paggamit ng wika na naging malaya ang mga manunulat kundi pati sa paksa at estilo ng pagsulat. Nanalasak sa panahong ito ang mga kathang nanunuligsa, pumupuri at naghihikayat. Walang gaanong sensurang ginawa ang pamahalaan sa kasalukuyan. Malayang naipapahayag ng mga manunulat ang kanilang kaisipan at damdamin. Mga Manunulat at Maikling Kuwento 1. Madilim Ang Langit Sa Akin ni Consolacion P. Sauco 2. Kuwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute (Unang Gantimpala 1950-1951) 3. Impong Sela ni Epifanio G. Matute 4. Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes 5. Di Mo Masilip Ang Langit ni Benjamin P. Pascual 6. Lunduyan ni Jeffrey B. Villena Ang Pelikula, Radyo at Telebisyon Nakatulong ng pagpapaunlad ng pelikula ang tamang pagdaraos ng Manila Film Festival. Nakatutulong din nang Malaki ang pagsibol sa bansa ng mga dakilang director na ang kakayahan ay kinikilala hindi lamang sa bansa kundi maging sa ibayong dagat. Kabilang sa mga magagandang pelikulang ipinalabas ng panahon ng Batas Militar: 1. Maynila sa Kuko ng Liwanag, isang nobelang ni Edgardo Reyes 2. Minsa’y Isang Gamu-gamo 3. Ganito Kami Noon… Paano kayo Ngayon? 4. Insiang 5. Aguila Sa radyo at telebsiyon, sinubaybayan ang mga dugtungang dula. Kabilang sa mga naging tanyag sa radyo ang: 1. Si Matar 2. Mr. Lonely 3. Ito ang Palad Ko Sa telebisyon, naman ay tinangkilik ang: 1. Gulong ng Palad 2. Yagit 3. Flor de Luna 4. Anna Liza 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES Pahayagan at magasin Nangapinid ang mga pahayagan at lingguhang babasahin sa simula ng pag-iral ng Batas Militar. Sa simula ay pinayagang malathala ang Bulletin Today, ngunit ito ay nasa mahigpit na pamamahala ng Ministri ng kabatirang pangmadla. Nagpatuloy sa paglathala ang Liwayway. Sa mga pahayagang nasa sirkulasyon noong panahong iyon ay kabilang ang mga sumusunod: 1. Philippine Daily Inquirer 2. Times Journal 3. Balita 4. Pilipino Express Higit na dumarami ang mga babasahing magasin hanggang sa kasalukuyan tulad ng: Tabloid, Abante, at iba pang mga magasin na sumulpot sa panahong ito. ▪ ACTIVITY/ EXERCISE/ ASSIGNMENT Pangalan: Petsa: Taon at Kurs o Iskor: Panuto: Mula sa mga tinalakay hinggil sa iba’t ibang panahon ng Panitikang Pilipino ay mapapansing nagbabago ang paksa at anyo ng mga panitikan depende sa pangangailangan ng sambayanan. Halimbawang ikaw ay nabuhay sa isa sa mga panahong ito (maliban sa kasalukuyan), sumulat ng isang akda (maaring nasa anyong patula o tuluyan) na aakma sa pangangailangan ng panahong iyon. ______________________________ (Pamagat) ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 1 COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ SUPPLEMENTARY LEARNING MAT___ ▪ REFERENCES Aglasi, M.A. et.al. (2014). Panitikang Filipino. Bulacan: St. Andrew Publishing House. Reyes, J.J.S. and Sanchez, R.A. (2019). Panitikan ng Pilipinas. Manila: Unlimited Books Library Services & Publishing Inc. Online Modyul sa Panitikang Filipino, Kagawaran ng Filipinolohiya