Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay isang akademikong papel na tinatalakay ang pagsasaling siyentipiko at teknikal. Inilalarawan nito ang mga aspekto, suliranin at pamamaraan sa pagsasaling siyentipiko at teknikal. Tinalakay din ang iba't ibang aspekto sa pagsasaling teknikal sa Filipino.

Full Transcript

C. Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal: Kalikasan, Mga Teorya, at Metodo Lilia F. Antonio at Florentino A. Iniego, Jr. Hindi matatawaran ang kahalagahan ng pagsasaling siyentipiko at teknikal ST) sa pagpapalaganap ng impormasyon sa ibat ibang sangay at institusyon ng bansa. Ito rin ang pinakamahalag...

C. Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal: Kalikasan, Mga Teorya, at Metodo Lilia F. Antonio at Florentino A. Iniego, Jr. Hindi matatawaran ang kahalagahan ng pagsasaling siyentipiko at teknikal ST) sa pagpapalaganap ng impormasyon sa ibat ibang sangay at institusyon ng bansa. Ito rin ang pinakamahalagang sangkap sa paglilipat, pag-iimbak, at muling pagpapanumbalik ng mga karunungan sa lahat ng panig ng daigdig. Isa rin ito sa uri ng mga akdang isinasalin na nangangailang nang higit pang pansin kaugnay sa pananaliksik, pagsasateorya, at pagsasapraktika lalo na dito sa Pilipinas. Layunin ng aming papel na takalayin ang iba't ibang aspekto sa pagsasaling ST at ang pahapyaw na paghahambing sa mga wika; ang wikang siyentipiko at teknikal; mga uri ng dokumentong siyentipiko-teknikal; at ang kalikasan, suliranin, at pamamaraan sa pagsasaling ST. Tatalakayin din ang mga paraan sa pagpapaunlad ng teknikal na wika sa karanasang Filipino. Bukod dito, ipapakita rin ang ilang halimbawa ng serbisyo sa pagsasaling-siyentipiko at teknikal sa internet at ang kabuluhan ng mga ito sa ating pag-aaral sa kasalukuyan. Paghahambing sa mga wika: daan sa pagsasalin Bawat wika ay mga sariling Sistema, kakayahan, at istruktura na ikinatiba nito sa iba pang mga wika. Kaya nga, kailanma'y imposibleng magkaroon ng ganap na paralelismo ang dalawang wika kahit malapit ang mga ito sa isa't isa. Upang mapaghambing ang dalawang wika, kailangang maging malinaw sa tagasalin ang kanilang pagkakatulad at pagkakasanib sa iba't ibang lebel- maging sa kategorya, elemento, gamit at iba pa. Sa ganitong paraan nabubuo ang siyensya ng wika at nagaganap ang proseso ng pagsasalin. Naibabatay ang disiplinang ito sa unibersal na wika, kung saan, ang lahat ng wika ay may istruktura o alituntuning panggramatia atsumusunod sa mga partikular na disenyo ng bokabularyo. Ikinategorya ni Isadore Pinchuck sa pito ang malawakang panglingguwistika-leksikal-sitwasyonal na lebel ng wika sa sumusunod: 1. Gramatikal - Tumutukoy sa imbentaryo ng mga anyo sa isang wika at ang nga tuntunin kung papaano mapagsasama-sama ang mga ito. Sumasaklaw sa kategoryang panahunan, pamilang at kasarian; mga klase ng salita gaya ng pangalan, pandiwa, pang-uri, atbp., mga istruktura gaya ng koordinasyon at modipikasyon, at antas ng ekspresyon gaya ng salita, parirala, sugnay at pangungusap. 2. Morpolohikal - May kinalaman sa pagkakatulad at pagkakalba sa pagbuo ng mga tumbasan. Ibinigay na halimbawa ang German: Atom bombe/ Ingles: Atom bomb. Kadalasang nagdurugtong ng dalawang salita ang German para makabuo ng isang salita, ang Ingles naman ay tinitingnan ito na magkahiwalay. Sa Pilipinas, sa pagpapayaman sa wikang Filipino, ang pagtutumbas batay sa siyentipikong gamit ng funnel ay dapat isaalang-alang sa halip na gamitin ang katumbas nito sa salitang Tagalog na balisunsong. 3. Sintaktikal - Ang pagkakaiba dito ay sa pagtian ng mga uri ng pangungusap, pagbubuo ng mga sugnay at pangungusap at ang ayos ng mga salita sa loob ng pangungusap. Halimbawa, Subject-Verb-Object (S-V-O) ang karaniwang ayos sa Ingles na taliwas sa V-S- O na karaniwang ayos ng pangungusap sa Filipino. 4. Leksikal - Bawat salita sa isang wika ay posibleng magkaroon ng ilang kahulugan sa ibang wika, at isa lamang sa mga ito ang angkop at tiyak na maitutumbas sa isang partikular na konteksto. Halimbawa, ang terminong "power" ay posibleng mangahulugan ng "lakas", "kapangyarihan" o "bisa" subalit sa tekstong teknikal, isa sa posibleng katumbas nito ay "koryente" o elektrisidad". Bukod sa larangang leksikal, mahalaga rin ang larangang kolokasyon o co-occurrence range ng mga salita. May mga salitang hindi maaaring magamit kaugnay ng ibang salita. Halimbawa sa Ingles, hindi maaaring magamit kaugnay ng ibang salita. Halimbawa sa Ingles, hindi maiuugnay ang "meat' (karne) sa "wound" (sugat). Sa halip, tinatanggap ang "flesh wound" (laman). Ang limitasyon sa kolokasyon ay kitang-kita rin sa mga pagbati. Halimbawa, ang "Good morning" sa Ingles ay isinasalin sa Filipino ng "Magandang umaga" at hindi 'Mabuting umaga". Ang ganitong mga restriksyon sa paggamit ng wika ay nag-iiba-iba sa bawat wika at nangangailangan ng kadalubhasaan ng tagasalin upang maisalin nang tapat. 5. Denotatibo - Posible na ang isang wika ay may kakaibang pagsusuri o pagtingin sa panlabas na mundo kung ihahambing sa isa pang wika. Maaari ring ang mga bagay na kinakatawan ng bawat isa na magkatumbas ay hindi pala identikal. Maaaring walang taguri ang isang wika para sa isang bagay dahil hindi naman umiiral sa wika at sa speech community nito. 6. Konotatibo - May mga ekspresyon na maaaring isalinng isa-sa-isang salita: subalit mali pa rin ang salin at di na angkop ang salita dahil hindi naisaalang- alang ang pangkasaysayang pinagmulan ng taguri. Sa sikolohiya, sa simula ay ginamit ang salin na paghuhugas-utak para sa brainwashing. Ngunit nang maglaon upang maging katanggap-tanggap sa disiplina, mas ginagamit ang salitang paghuhugas ng isipan. Maging ang katumbas ng microscope na miksipat ay naghahanap na ng angkop na termino sa kasalukuyan. 7. Kultural - Bawat grupo ng mga tao ay may mga historikal na ugnayan at institusyong pekulyar sa mga ito. Sa loob ng komunidad na ito ay mayroon pa ring mga sub-group na may natatanging pakahulugan at paraan ng paggamit sa wika. Ang konseptong freddom, hegemony, independence, justice, peace, at maging ang science; kung tutuusin ay higit na nabibigyan ng kultural na kahulugan sa mga terminong kalayaan, kapangyarihan/ gahum, kasarinlan, katarungan, kapayapaan/kalinaw at agham. Ang siyentipiko at teknikal na wika Ayon kay Pinchuck, tinutukoy na teknikal na wika ang "isang varayti ng pangkalahatang lengguwahe na nagtataglay ng tiyak at partikular na mga katangian ng bokabularyo at sa higit na limitadong saklaw ng gramatika." Maiuuri muli ang wika sa sub-varieties alinsunod sa paksa o larangan at sa tatlong pangunahing pangkat: (1) wikang pangsiyentipiko (laboratory); (2) wikang pangkasanayan (workshop at wikang pangnegosyo (sales). Kung minsan, inilalarawan ang teknikal na wika bilang dayalektong panghanapbuhay. Halimbawa, wika ng mga mangingisda, magsasaka, karpintero, atbp. Subalit ang mismong teknikal na bokabularyo ay higit na malawak kaysa sa alinmang espesyal na teknikal na bokabularyong bumubuo dito na patuloy na lumalago sa paglikhang mga bagong termino. Masasabing ito ang pinakamahalagang pinagmumulan ng mga espesyalisadong ang teknikal na wika. Hindi ito ginagamit sa karaniwang usapan at may pekyulyar na bokabularyo at gramatikal na katangian Maihahambing ang teknikal na wika sa isang estilo-bagama't nag iba-iba pa rin depende sa kung anong material ang isinasalin. Ginagamit ang wikang pangsiyentipiko sa mga pananaliksik at paglalahad ng mga teorya at haypotesis. Karaniwang napakapormal ng estilo nito, nasa anyong pasibo at lubhang istandarisado ang bokabularyo. Binubuo ang siyentipikong bokabularyo ng mga salitang may tiyak na kahulugan at hindi matatagpuan sa pang-araw-araw na usapan. Bukod dito, malimit din itong gumamit ng mga panlapi at terminong mula sa Griyego at Latin. Ang puntong ito ay nakadaragdag sa internasyonalismo ng bokabularyo ng agham. Gayunman, bagama't tigib ng mga banyagang elemento at termino ang wikang siyentipiko, karamihan sa mga salita rito ay nagmumula pa rin sa inang wika. Ang wikang pangkasaysayan ay nasa pagitan ng wikang pangsiyentipiko at pangkalahatan, higit na malapit ito sa pang-araw-araw na wika bagama' t mas pormal at abstrakto. Samantala, ang wikang pangnegosyo ay may pagka-kolokyal. Kung ihahambing sa payak na pagpapakahulugan ng siyentipikong pakikipagtalastasan, ang wikang pangkasanayan ay tigib ng mga metapora at ispontanyong katawagan. Ang iba pang uri ng akda na gumagamit ng teknikal na wika gaya ng instruction sheets, manwal, adbertisment o patents ay di-gaanong istrikto sa mga depinisyon at nagingibabaw ang anyong imperatibo. Isang patuloy na proseso ang pagpapakadalubhasa sa mga teknikal na wika, at ito'y bunga na rin ng patuloy na pagbuo at paglago ng mga bagong disiplina. Ang ilang espesyalisasyon ay nalikha sa pamamagitan ng paglalangkap ng magkakaibang disiplina. Halimbawa, Sociolinguistics, Biophysics, Cybernetics, Medical, Engineering, at iba pa. Sa kabilang dako, ang wikang pangnegosyo ay naglalayong makahikayat ng mambabasa upang bilhin ang produkto o serbisyo. Sa gayon, ginagamit ang mga siyentipikong termino hindi lamang upang magbigay ng impormasyon kundi upang makatawag-pansin din. Higit ding makulay ang nalilikhang mga salita na maaaring dagli ring maglaho o di kaya'y maging bahagi ng lenggwahe ng sambayanan. Mga uri ng dokumentong siyentiko-teknikal kaugnay sa pagsasaling S-T: Ayon kay Pinchuck, mauri sa tatlong pangunahing tipo ang mga dokumentong 1. Resulta ng purong agham (pure science) na naglalayong magbahagi ng kaalaman na hindi nagsasaalang-alang sa posibleng praktikal na aplikasyon nito; 2. Resultang aplikasyon ng siyentipokong pananaliksik (applied Scientific research) na isinagawa upang makalutas sa mga partikular na problema; at 3. Gawain ng teknolohista na may intensyong magresulta sa paglikha ng produkto o prosesong industriyal na maibebenta sa pamilihan. Magkakaugnay ang tatlong uring ito. Posible na purong agham ngayon ay maging tenolohiya sa malapit na hinaharap. Ayon nga kay Pinchuck, ano ang mangyayari sa astronomiya kung walang teleskopyo, o, maging biyolohiya kung walang mikroskopyo- na parehong, produkto ng aplikasyon ng siyentipikong pananaliksik? Gayunman, malinaw na magkakaibang tipo ng dokumento ang nalilikha ng bawat uring ito- mayroong disertasyon, tesis, polyeto, katalog, manwal, sales brochure, patalastas, at iba pa na may iba't ibang katangian alinsunod sa lenggwahe at nilalaman. Kalikasan ng pagsasaling siyentipiko at teknikal Mahalagang matukoy ang kalikasan ng pagsasaling siyentipiko at teknikal. May malaking pagkakaiba ang kontekstong siyentipiko at pampanitikan batay sa hambingang isinagawa ni Al- Hassnawi: Sa kabuuan, binibigyang-prayoridad sa pagsasalin ng mga siyentipiko at teknikal na dokumento ang paksa-nilalaman na nagpapahayag ng mga resulta ng eksperimento, haypotesis, atbp, sa halip na ang masining na paggamit ng wika. Ang hanap ng mambabasa sa isang siyentipikong akda ay impormasyon at hindi upang maantig o maaliw ang damdamin na siyang layunin ng isang akdang pampantikan. Mga suliranin ng pagsasaling siyentipiko at teknikal neyi gnoteleT saiv Maraming suliraning kaakibat ang mga pagsasaling ST sa kasalukuyan. Kabilang dito ang paparaming bilang ng mga dayuhang publikasyon na kailangang maisalin sa lalong madaling panahon.31616W ГБАБУДеЙ Lumalaki rin ang bilang ng mga wikang ginagamit para sa mga teknikal na pagpapahayag. Kabilang na rito ang Ruso, Nihonggo, German, at Intsik. At kakaunti rin ang bilang ng mga tagasaling may sapat na kadalubhasaan para sa ganitons gawain. Sa isang pag-aaral na isinagawa ng UNESCO noon pang 1957, tinatayang nasa pagitan ng isa hanggang dalawang milyong siyentipiko at teknikal na mga artikulo, ulat, at libro ang nalathala bawat taon. Sa isang libong peryodikal, 44% ang nasa Ingles, 14% ang German, 13% ang Pranses, 5% ang Italian, 8% ang Ruso at Nihonggo; at 1% ang iba pang wika. Iminumungkahi bilang solusyon ang isang komon na internasyonal na wika mula sa mga umiiral na wika sa daigdig sa kasalukuyan. O kaya nama'y ang paglikha ng isang artipisyal na wika-Esperanto. O kaya nama'y ang pagpapaunlad sa machine translation, electronic computer para sad at-processing, at iba pang mga katulad na makagabong teknolohiya. Gayunman, ang lahat ng mga ito'y nasa yugto ng paglilinang at pagpapaunlad. Ngunit bilang mga material na daluyan ng kaalaman, hindi pa rin nito mahihigitan ang kadalubhasaan ng indibidwal na tagasalin. Sa kaso ng Pilipinas, noong 1964 inilabas ng UNESCO at National Science Development Board (NSDB) ang proyektong Maugnaying Talasalitang Pang-agham: Ingles-Pilipino. Naglalaman ito ng mga batayang terminong pang-agham at teknikal sa matematika, kemistri, pisika, biyolohiya, at agham panlipunan. Isang tampok na paraan sa pagsasalin na naging tampulan ng reaksyon ay ang puristang paraan ng pagsasalin at paglikha ng mga salita. Halimbawa, ang katumbas ng chemistry ày kapnayam (mula sa sangkap at hanayan) at sa biology ay haynayan (mula sa buhay at hanayan). Bagama't isang bersyon ito ng pagsasalin, sa paglipas ng panahon ay matutunghayan kung angkop pa ito sa kasalukuyan. Sa Unibersidad ng Pilipinas, kapuri-puri ang UP Sentro ng Wikang Filipino sa paglilimbag ng mga teksbuk sa kimika, pisika, biyolohiya, matematika, atbp. Subalit maoobserbahan ang hindi pagkakapareho ng mga terminolohiya laluna sa disiplinang matematika at pisika. Halimbawa sa terminong acceleration, iminumungkahing mas mainam na samitin nang malawakan sa mga teksbuk bilang opisyal na salin ng akselerasyon. Bagama't madaling maunawaan ang salitang arangkada, mas malapit ang akselerasyon bilang siyentipiko at teknikal na salin. Mga pamamaraan sa pagsasaling siyentipiko-teknikal Sa pangkalahatan, inilahad ni Peter Newmark ang patnubay sa ibát ibang pamamaraan ng pagsasaling ST: In an informative technical text, the translation's function is to give the information clearly, neatly and elegantly (that is its literary' quality), preferably in professional language (technical and ordinary). It need not give all the information explicit in the original, provided it is implicit in the translation, and that the reader is likely to grasp it. Sa artikulong "Sci-tech Translation and Its Research in China," inilahad naman ni Fang Mengzhi ang mga pamamaraan ng pagsasaling ST sa mga sumusunod: 1. Complete translation. Isinasalin ang buong teksto, maging napakahabang siyentipikong ulat o mailing abstrak, ng salita sa salita at walang anumang intensyonal na paglalaktaw. Tapat sa orihinal at lubusang nagpapahayag ng nilalaman nito. 2. Selective translation. Bahagi lang ng orihinal na teksto ang pinipili at isinasalin. Halimbawa, posibleng ang proseso at resulta lang ng eksperimento ang isinasalin o kung sa patent specification naman, ang buod at deskripsyon lamang ng imbensyon ang isinasalin. 3. Condensed translation. Sistematikong pagpapaikli ng isang orihinal na teksto sa pinagsalinang wika. Kasama ang mga batayang impormasyon at inalis ang mga datos na walang kabuluhan para sa mag siyentipiko at teknisyan. Sa ganitong pagsasalin, posibleng ang mga pangungusap o talata ay magkaiba o magpanibago ng ayos. 4. Summary translation. Salin ng lagong ng orihinal na teksto. Pinananatili ang mga susing salita at ilang pangungusap na lumalagom sa mga pangunahing idea ng isinasaling teksto. Pamuling isinasaayos ng tagasalin ang mga datos ng orihinal na teksto. 5. Composite translation. Uri ng pagsasalin na kaugnay sa dalawa o higit pans orihinal na teksto sa parehong paksa. Posibleng makumpleto ng dalawa o higit pang mga wika. pang tagasalin kung ang teksto sa orihinal na wika ay naisula sa dalawa higit Batay sa mga pamatayang ito, buo ang pagsisikap ng mga edukador sa Pilipinas na paunlarin ang pagtuturo at pagsasalin sa siyensya at teknolohiya. Nagsarbey ang U.P Science Education Center noong dekada 80 upang alamin ang preperensya at teknolohiya. Lumitaw na sa kaso ng panghihiram ng wika mas pinli ng mga guro ang salitang kastla kaysa sa Ingles (hal Likido, solido, kaysa liquid, solid), May malaking bilang ang pumili sa mga salitang katutubo, pero ang lahat ng ito ay parte na ng bokabularyong Pilipino halimbawa. Katangian = characteristics; kusog (Bisaya) = energy; balisunsong = funnel; tatsulok = triangle). Ngunit ang sarbey na ito ay ginawa sa panahong hindi pa narereporma ang alpabetong Filipino batay sa probisyon ng Saligang Batas ng 1987. Sa patuloy na pagsulong ng panahon, iginigit na dapat pagkasunduan ang opisyal na salin ng mga terminong gravity, theory, philosophy, atbp. Bilang ambag sa pagsisikap na malutas ang isyung ito, ang De La Salle University ay nagbalangkas ng mga pangkalahatang funtunin sa panghihiram at pagsasalin ng mga salitang banyaga. 1. Sikapin munang ihanap ng katumbas ang salitang banyaga sa wikang Filipino. 2. Kapag walang makitang katumbas ang hinihiram na salitang banayaga sa Filipino, ihanap ito ng katumbas sa alinamng wikang rehiyunal. 3. Kapag hindi maihanap ng katumbas ang salitang banyaga ayon sa (1) at (2), hanap ito ng katumbas sa wikang Kastila. 4. Kapag walang makitang katumbas ang hinihiram na salita ayon sa (1), (2), at (3), hiramin ang tung sa Ingles at baybayin sa Filipino ang salia kung ito'y Ingles, o ihanap ng katumbas ang salitang hinihiram sa Ingles kung ang salita ay galing sa iba pang wikang banyaga. Mga paraan sa pagpapaunlad ng teknikal na wika Sa polyetong Neo-colonial Politics and Language Struggle in the Philippines" nina Enriquez at Marcelino, naglahad sila ng mga sumusunod na pamamaraan sa Pagpapaunld ng wika na may kaugnayan sa malisa at angkop na pagsasalin ng mga salita. Kalakip ng kanilang karanasan ang mga halimbawa ng: 1. Saling-angkat (direct borrowing) Dapat maparating ng tuwiran at simpleng paraan ang mga siyentipiko at teknikal na termino. Sa pangkalahatan ang salitang-angkat ay ang panghihiram ng mga idea o salita mula sa ibang wika at ang paggamit sa mga idea at saliang ayon sa orihinal nitong kahulugan at ispeling. Sa saling-angkat ang Kahulugan at ispeling ay hindi nagbabago. Maaaring magkaroon ng pagkakaiba sa ispeling kapag madalas nang gamitin ang salita. Kaya madalas tayong makakita ng mga terminong sikolohikal na hindi naiiba o kakaunti lang ang pagkakaiba sa orihinal nitong pangangailangan katulad ng mga salitang Latin sa "persepsyon" mula sa "perception" at amnesia" mula "amnesia." Ang mga salitang Griyego na "moron" mula sa "moron" at "katarsis" mula sa "catharsis." 2. Saling -paimbabaw (surface assimilation) Ang paraan ng saling-paimbabaw ay ginagamit ayon sa orihinal nitong teknikal na gamit batay sa isang papanaw at ayon sa bago pa nitong kahulugan kapag nelagyan na ng mga panlapi. Halimbawa, ginagamit ang "reimporsement" para sa "reinforcement" ayon sa pananaw beheyvyurist. Maaari rin namang intensyunal na ibahin ang ispeling, pagbigkas at kahulugan ng orihinal na salitang banyaga bilang isang anyo ng protestang linggwistik-gaya ng pagmamali sa isang tamang bigkas- "suggestment" para sa suggestion," its depend" para "it depends," "chamberlain" para sa "chandelier," at "rendebus" para sa "rendezvous." 3. Saling-panggramatika (gramamatical translation) Nang naging interesado ang mga Filipinong sikolohista sa salitang "social. interaction," tuwirang ang salitang ito sa Ingles. Pagkatapos ng maraming taong paggamit sa salitang ito sa pagtuturo ng sikolohiya, ang "social interaction" ay nasalin sa "sosyal inter-aksyon" o sosyal interaksyon." Maging ang pagbigkas ay halos sa orihinal na pagbigkas sa Ingles, kaya ang haba o istres ay nasa "ak" sa halip na nasa "syon." Ngunit pagkatapos ng mga bandang 1969, madalas nang maririnig na ang istres ay nasa huling pantig, at ang karawinang nakikitang pagsasalin dito ay ang "interaksyong sosyal." 4. Saling-hiram (loan translation) Para sa sikolohiyang Filipino, isa sa pinakamagandang paraan sa pagbuo ng bagong salita ay ang salitang-hiram. Unang iniisip ay hindi ang pinakamagandang pagsasalin, isang patuloy na proseso ang paghahanap ng angkop na salin. Halimbawa, ginagamit noong 1973 ang "paghuhugas-utak" para sa "brain-washing," ngunit hindi ito tanggap ng nakararami, Ginamit ni Tiongson (1975) ang "paghuhugas-isip" at tinaggap ito ng ilang klase sa sikolohiya. Makaraan ang isang taon, ginamit ni Salazar (1976) ang "paghuhugas ng isipan." Sa ngayon, mas tinatanggap na gamitin ang "paghuhugas-isip." 5. Salitang likha (word invention) Hindi tanyag ang sikolohiya sa Pilipinas sa paglikha ng mga bagong salita. Ang mga kakaunting salita na naimbento, gayunpaman, ay naging sanhi pa ng mga biro. Sa pangkalahatan, ang mga teknolohikal na terminolohiyang may kaugnayan sa sexuality ay kailangang ikonsidera ang pagkapino at sensibilidad upang mapaghiwalay ang bastos sa magalang. Natutuhan ito ni Flavier, na isang doktor, nang tinangka niyang isalin sa Filipino ang mge terminong may kinalaman sa pagpaplano ng pamilya. Gayumpaman, hindi dapat na isakripisyo ang kahulugan sa pangangailangang maging magalang. 6. Salitang daglat (abbreviated words) Popular ang paggamit ng kontraksyon, pagpapaikli ng salita at paggamit ng akronim dahil sa ekonomiya. Para sa mga sikolhista, ginagamit ang S-R para sa "stimulus-response." Halimbawa rin ditto ang "IQ'" Ang paggamit ng daglat ay konsistent sa batas (Zipf) na sinasabing mas bihirang gamitin ang mga salitang mahahaba. 7. Salitang-tapat (parallel translation) Ang salitang-tapat ay ang kontekstwalays at katutubong paraan ng pag-iisip at paggawa na nagpapayaman sa ating wika at kultura. Halimbawa, dahil ang "social interaction" ay tumutukoy sa mga relason ng tao at sa halip na mga tao na nakapaloob sa isang relasyon, maaari nating gamitin ang katumbas na "pakikisalamuha' at hindi ang "pakikipagkapwa." Matatanggap natin bilang dagdag sa bokabularyo ng Filipino ang "interaksyong sosyal," ngunit dapat nitong palitan ang "pakikisalamuha, kahit bihirang gamitin ang salitang ito. 8. Salitang-taal (indigenous-concept oriented translation) VOlu/s Mas mahalagang madiskubre ang mga konsepto at teorya na makabuluhan sa Lipunang Filipino kaysa ang paggamit ng mga banyagang konsepto kahit na gaanong kaganda ang magiging salin ng mga ito. Kailangan nating hanapin ang mga tamang salita na tunay na nagpapahiwatig ng sentimento at aspirasyon ng mga Filipino. Dahil sa patuloy na pananaliksik, nakadiskubre ng konsepto ng "kapwa" bilang isang pagpapahalagang Filipino. Ayon kay Enriquez, mayaman ang wikang ito sa pagbibigay ng pagkakaiba sa iba't ibang antas at paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga tao. 9. Salitang- sanib (amalgamated translation) Bihirang ibahin ang anyo ng mga salitang galing sa ibat ibang katutubong wika sa Pilipinas. Kahit na maiiba ang pagbigkas, nananatili pa rin ang ispeling at kahulugan. Ang mga saliang "mahany" (Ares 1971), "pagsinabtanay" (Bajaro 1976) na galing sa Cebuano ay regular nang ginagamit sa sikolohiyang Filipino. "Nagmamahay" ang isang Cebuano kapag binago siya ng kapwa niya Cebuano. Iniisip ng isang taga-Surigao ang "pagsinabtanay" kapag hindi rin tumupad sa isang usapan ang isang kapwa taga-Surigao. Ang tagasalin ng mga dokumentong siyentipiko at teknikal Ayon sa Londo Institute of Linguistics, kinakailangan ang mga sumusunod na katangian upang maging tagasalin ng mga dokumentong siyentipiko at teknikal: 1. Malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin; 2. Mayamang imahinasyon upang mailarawan sa isipan ang mga kasangkapan o prosesong tinatalakay; 3. Kakintalan, upang mapunan ang mga nawawala at/o malabong bahagi sa orihinal na teksto; 4. Kakayahang makapamili at makapagpasiya sa pinakaangkop na terminong katumbas mula sa literature ng mismong larangan o sa diskurso; 5. Kasanayang gamitin ang pinagsasalinang wika ng may kalinawan, katiyakan, at bisa; at 6. Karanasan sa pagsasalin sa mga kaugnay na larangan o disiplina. Sa mga katangiang ito, dapat bigyan ng espesyal na konsiderasyon ang una (1) dahil taglay nito ang mga pagtatangkang makabuo ng teorya ng pagsasalin batay sa parcan ng paggamit ng wika. Sa kabilang banda, dapat isipin ng tagasalin na ang pagsasaling-siyentipiko ay hindi lamang pre-rekisito sa pag-angkin ng teknolohiya. Layunin din nitong ipakilala, ilapat, at i-opereyt ang mga prosesong nakaugnay dito. Mga serbisyo sa pagsasaling siyentipiko at teknikal sa internet Sa pag-surf sa internet, matutunghayan ang palengke ng iba't ibang website para sa mga serbisyo sa pagsasaling ST. Bagama't arbitraryong tinukoy.ng papel, narito ang ilan sa mga ahensya at korporasyong lumitaw sa internet sa dagling pagtipa sa keyboard ng mga susing-salita scientific translation o technical translation: 1. American Translators Association, (www.atanet.org) 2. BioScience Writers/ Survey Translation Bureau (www.biosciencewriters. com) 3. Integraldocs, (www.integraldocs.com) 4. PTI Global (www.ptiglobal.com) 5. Technical Translation Services (www.techtranslations.lu/services) 6. Translation Central (www.translationcentral.com) 7. Vox Translation, Corp. (www.vortranslations.com) 8. Web Translation (www.web-translations.eu.com) Mula- at tungo sa wikang Ingles, Espanyol, Prances, Italyano, Aleman, Ruso, Arabe, Tsino, atbp. Ang wika ng kanilang pagsasalin. Ang mga tagasalin g bawat proyekto ay yaong tagapagsalita lamang ng ina o katutubong wika. Saklaw ng kani-kanilang pagsasalin ang mga artikulo, report, koresponsal, manwal, website, sulating pananaliksik, disertasyon, at aklat. Mga ispesyalista sa kani-kanilang larangan o "subject- qualified translator" at humigit-kumulang ay may limang taong karanasan sa trabaho ang mga tagasalin. May mataas na digri sa bawat disiplina (physics, medicine, economics, atbp.) at nakabase sa akademya o nakapwesto sa mga industriya. At ang iba ay retiradong mga propesyunal o mga "freelancer" na patuloy na tumatanggap ng serbisyo upang manatiling nakaugnay sa kanilang propesyon. Dahil sa pagtaas ng antas ng ispesyalisasyon at sopistikasyon ng teknolohiya sa pagsasalin, pinansin ni Edwin Gentzler ang dramatikong pagbabago at kabuluhan ng aktibidad na ito sa kabuuang larangan ng pagsasalin: What once was primarily a linguist activity has evolved into a complex practice requiring both advanced language and computer skills. While universities supply linguistics training, they often fall short on the technology part. Kaya bukod sa teorya at metodo sa pagsasalin na itinuturo sa mga unibersidad, kailangang matutuhan at gamitin ng mga tagasalin ang teknolohiya ng multilingual word processing, desktop publishing, Internet codes, email, translation dictionaries, at Internet discussion groups.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser