Fili 101: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Past Paper PDF

Summary

This document is a lecture or presentation on Filipino 101: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. The presentation appears to be from Batangas State University, discussing topics like national language support, educational systems (K-12), and labor mobility related to Filipino education.

Full Transcript

Fili 101: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino YUNIT I: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo Bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas ang pagbabagong bihis n...

Fili 101: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino YUNIT I: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo Bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas ang pagbabagong bihis ng sistema ng edukasyon ng Pilipinas. Ito ay naka-angkla sa ideya ng: 1. international standards 2. labor mobility 3. ASEAN integration Batid ng mga nagpanukala ng nasabing pagbabago ang kahingian na sumabay sa tinatawag na international standards dahil ang Pilipinas ay kabilang sa iilan na lamang na mga bansa na may sampung taon lamang na basic education at ang karagdagang dalawang taon ay mabubukas ng pinto sa mas maraming oportunidad para sa mga mag-aaral. Ang ideya ng labor mobility ay alinsunod sa pagtatangkang mas mapabilis ang pagkakaroon ng trabaho ng mga mag-aaral na magtatapos sa ilalim ng ngayon ay umiiral na na sistema ng edukasyong K to 12. Dahilan nito ay mas magiging handa ang mga mag-aaral na harapin ang pagiging kabahagi ng lakas paggawa ng bansa. Ang ASEAN integration naman ay kabahagi upang maging tugma ang kalakaran ng mga kasaping bansa ng organisasyon. Ito ay para sa lalong matibay na ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng mga miyembro. Bagaman maraming positibong implikasyon ang K to 12, mayroon din itong mga naging hamon. Tulad na lamang ng tangkang pag-aalis sa mga asignaturang may kaugnayan sa Panitikan at Filipino. Taong 2011 pa lamang nang magsimula ang usap-usapan ukol dito. -ang alyansang nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo. -Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na grupong nagtataguyod naman ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul. -Nabuo sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). -Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok. Dr. Bienvenido Lumbera “Pambansang Alagad ng Sining” Noong 2015, pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema. Agad na naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo, bunsod ng kasong isinampa ng Tanggol Wika. Bagamat tuluyang binawi ng Korte Suprema ang TRO noong 2019, tuloy ang pakikipaglaban ng Tanggol Wika sa iba pang arena. Marami-rami pang kolehiyo at unibersidad ang mayroon pa ring Filipino at Panitikan, at nakahain na sa Kongreso ang House Bill 223 upang muling ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga mandatoring asignatura sa kolehiyo. Maraming tulad ng Tanggol Wika ang nagpahayag ng kani-kanilang saloobin sa pamamagitan ng posisyong papel. Ano ang posisyong papel? -isang pasulat na gawaing akademiko kung saan inilalahad ang paninindigan sa isang napapanahong isyu na tumutukoy sa iba’t ibang larangan. Agosto, 2014 “Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano” Departamento ng Filipino “nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran.” “Sa pamamagitan ng asignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa iba’t ibang pangangailangan o kontekstong pang komunikasyon pang-akademiko man o pang kultura, tulad ng nililinang sa ibang pamantasan” -mapanatili ang ugnayan ng paaralan at ng komunidad lalo at higit yaong mga nabibilang sa laylayan. Higit kanino man ay sila ang mas nangangailangang marinig at mabigyang atensyon. -magiging mabisa ang pagpapahayag ng mga saloobin at pangangailangan ng mga mamamayan. Ito ang nagbibigay boses sa mga ordinaryong tao at kung mawawala ito ay tuluyan nang hindi malilinang ang ugat na sanay magdudugtong sa malayong agwat ng karaniwan at mga edukadong tao. Mas magiging malabo na maging pantay ang mga mamayan mula sa iba’t ibang estado sa buhay at mananatiling pinid ang mga labi kung dayuhang wika ang kailangan upang makapagpahayag ng saloobin at pangangailangan. “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuugat sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013” “hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino isa itong displina. Lumilikha ito ng sariling larangan ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Pilipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas ng tersiyaryo at gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong propesyonal… ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng pag-aaral ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng bayan.” Bilang mga Pilipino tungkulin nating pagyabungin ang bawat butil ng ating pagkakakilanlan. Kaakibat ito ng ating pagiging malaya at ng lahat ng sakripisyo ng ating mga ninuno. Kaya naman ang tahasang pagtatanggal sa asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ay isang paraan ng pagkitil sa ating identidad at pagsasawalang bahala ng lahat ng buhay na binuwis para makamit ito. Departamento ng Filipino at Panitikan sa ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura - ang kahalagahan ng Filipino sa komunikasyong panloob, bilang wikang “susi ng kaalamang-bayan”. “nasa wika rin ang pagtatanyag ng kaalamang lokal-mga kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong-bayan at kaalamang pinanday ng akademya. Layunin dapat ng edukasyon ang humubog ng mag-aaral na tutuklas ng dunong-bayan na pakikinabangan ng bayan” “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan” noong 2014. “umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Pilipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng wikang Filipino, tinanggal na rin natin ang identidad natin bilang Pilipino.” “isang moog na sandigan ang wikang Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunugan na pakikinabanagan ng mga mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay mahalagang domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasanayan ng bawat mamamayan ng bansa. Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos na maunawaan at mailapat sa paaralan ng buhay ang mga araling hindi lamang natatapos sa apat na sulok ng silid aralan.” Patuloy na magiging mapanghamon ang pagyakap sa globalisasyon at kaalinsabay nito ay mas humigpit ang pagyakap sa sariling pagkakakilanlan at identidad. Sa kabila ng pagbabago sa napakaraming aspekto ay manatili sana ang pagmamahal sa Filipino at Panitikan. Inaasahang dadami ang mga propesyonal na magmamahal at magpapaunlad sa sariling wika matapos ang pagtatalakay sa mga posisyong papel na ito upang maibalik ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Ilan pang unibersidad na nagpahayag ng pagsuporta sa adbokasiya ng Tanggol Wika: ▪NTC, MSU-IIT na noo'y SBC-Manila ▪Technological University of the Philippines (TUP)Manila ▪Dela Salle College of St. Benilde (DLS-CSB) ▪Xavier University ▪Pamantasang Lungsod ng Marikina Iba pang organisasyon: Dalubhasaan ng mga Umuusbong na Mag-aaral ng Araling Filipino (DANUM) League of Filipino Students (LFS) University Student Government (USG) ng DLSU Sa isang bansa na pinagdedebatehan pa rin ang pambansang identidad, hindi matatawaran ang ambag ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon, tungo sa pagpapatibay ng kolektibong kaakuhan ng ating sambayanan” - DANUM (2014) Ang pagpapanatili ng mga asignaturang Filipino at Ingles sa General Education Curriculum ay umaangkop sa ninanais ninyong (CHED) pagkakaroon ng holistic growth sa mga mag-aaral, upang mas mahasa at maging bihasa pa lalo ang mga Pilipino sa dalawang wika na ito. Samakatuwid, nais naming idagdag sa GEC ang asignaturang Filipino na hindi lamang basic Filipino ngunit magtuturo rin ng mas malalim na pang-unawa at pagpapahalaga sa wika. -USG ng DLSU-MANILA (2014) Nagiging bukal ng karunungan ang paggamit ng wikang Filipino sa iba't ibang disiplina. Dahil dito, nakalilikha ito ng mga rehistrong nagpapayaman sa korpus ng wikang pambansa. Sa madaling salita, itinataas ng paggamit ng Filipino ang antas ng talastasan sa akademikong larangan. Bilang disiplina, ito ang nagbubukas sa isip ng mga Pilipino dahil ito ang wika na nakadarama ng tunay na pulso ng bayan. -DLS-CSB (2014)

Use Quizgecko on...
Browser
Browser