Mga Uri ng Diskurso: Naratib (PDF)
Document Details
University of Rizal System
2001
Tags
Summary
This document discusses the various types of narrative discourse. It includes examples and characteristics associated with different narrative forms, like fables, parables, and travel narratives. This is a lecture/presentation from the University of Rizal System.
Full Transcript
Naratib na Diskurso Naratib Diskurso/Pagsasalaysay Naratib Pangkaraniwang naririnig sa silid-aralan, tahanan, korte, sa kanto, sa simbahan at iba pang dako upang maibahagi ang karanasan o mga pangyayari. Pagsasalaysay Kaakibat nang ating buhay. Ginagamit sa pang-ara...
Naratib na Diskurso Naratib Diskurso/Pagsasalaysay Naratib Pangkaraniwang naririnig sa silid-aralan, tahanan, korte, sa kanto, sa simbahan at iba pang dako upang maibahagi ang karanasan o mga pangyayari. Pagsasalaysay Kaakibat nang ating buhay. Ginagamit sa pang-araw-araw. May layuning magkuwento o maglahad ng pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari batay sa mga nararanasan sa ating kapaligiran. Diskursong Naratib Isang paraan ng paglalahad sa mahahalagang pangyayari ng nakalipas na nakapukaw sa interes ng manunulat at inaasahang magiging makabuluhan din sa mga mambabasa. Karaniwang mayroon itong tagapagsalaysay tulad ng mga maiikling kwento, nobela, at iba pang uri ng panitikan. Maaring itanghal bilang isang sining. Tumutukoy sa tekstong naglalahad ng katotohanan o impormasyon tungkol sa mga pangyayaring naganap, nagaganap o magaganap pa lamang. Naratib Isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig o nagbabasa ang kawil ng mga pangyayari, naaring pasulat o pasalita.(Gonzales, 2006) Isang anyo ng diskurso na isinasagawa batay sa narinig, nabasa, naobserbahan at nakita. Sumasagot sa tanong na ano, sino, alin, bakit, saan at paano. Isang diskursong dapat na napagtutuunan ng pansin ng isang mag-aaral upang magkaroon ng kasanayan sa pag- iisip ng mga pangyayari. Layunin Ipabatid ang mga pangyayaring may kaugnayan mula sa pananaw ng nagsasalaysay; Makapag-ambag ng isang makatotohanang pangyayari; Makapagbigay aliw at magpalipas oras; Makapagpahayag ng saloobin at makapagpalitan-kuro; at Makapagbigay ng aral sa mambabasa at tagapakinig. Katangian ng Epektibong Naratib Diskurso 1. May makabuluhang pandiwa. 2. May orihinal na pamagat. Katangian ng Pamagat a. Maikli. b. Angkop na pamagat. c. Sinaliksik. 3. May wastong pagkakasunodsunod ng pangyayari. 4. May mapangganyak na simula. Uri ng Panimula a. Pagbuo ng makatawag-pansing pangungusap. b. Dayalogo. c. Paglalarawan ng tauhan at tagpuan. d. Pagtatanong. e. Sipi o Kasabihan. 5. Kapana-panabik o kasiya-siyang wakas. Iba't-ibang Uri ng Naratib Diskurs (Pagsasalaysay) 1. Salaysay na nagpapaliwanag (Expository Narrative) » makapag-iwan ng mga importanteng pangyayari (hal. Balita, Liham). 2. Salaysay na Pangkasaysayan (Historical Narration) » marapat na tumpak at may katiyakan ang isinasalaysay (hal. Kasaysayan ng Tirad Pass). 3. Salaysayin at Alamat (Tale & Legend) » Ang salaysayin ay inuusal ng bibig at ang alamat ay nakalimbag na simbolong salaysay tungkol sa mga bagay na pangkaluluwa at buhay ng mga santo (hal. Alamat ng Saging). 4. Pabula at Parabula (Fable & Parable) » Ang pabula ay nagbibigay diin sa mga aral na makukuha ng mga mambabasa. Ang parabula ay isang salaysayin na matatagpuan sa Bibliya (Hal. Pabula: Ang lobo at ang kambing, Parabula: Ang Talinhaga ng Nawawalang Tupa). 5. Salaysay na Patalambuhay (Biographical Narrative) » Nakapokus ang pagsasalaysay sa buhay ng isang taong may katangiang hindi maikukumpara sa iba (Hal. Talambuhay ni Antonio Luna). 6. Salaysay ng Nakaraan (Reminiscent Narrative) » Pagsasalaysay sa bahagi ng buhay ng isang tao na matagal nang nangyari (Hal. Kasaysayan ng Kalayaan ng Bansang Pilipinas). 7. Salaysay ng Pakikipagsapalaran (Narrative of Adventure). » Sa lahat ng mga nabananggit, itinuturing na pinakamatandang uri ng salaysay ito. Bago pa man daw dumating si Kristo ay ginamit na ito ng mga taga-Ehipto. Ginamit Ang wikang Tagalog at iba pang wika Kaya naging palasak ito at kinagiliwan ng mga mambabasa. Binubuo ang mga detalye kaugnay sa pakikipagsapalaran ng Isang tauhan sa anumang bagay na kanyang tinatahak. (Hal. Cory ng Edsa , Kambas ng Lipunan) 8. Salaysay ng Paglalakbay (Travel Narrative). » Ang ganitong uri ng salaysay ay isinusulat din ng Isang taong may karanasan sa paglalakbay. Ito at halos kahawig ng Salaysay sa Pakikipagsapalaran. Ang karanasan Nina Marco Polo, Columbus at Magallanes sa paglalakbay ay maaring ikumpara sa mga karanasan sa pakikipagdigmaan sa ibang lupain na masasabing Isang uri ng pakikipagsapalaran. » (Hal. Paglalakbay ni Rizal, Paglalakbay ni Marco Polo) 9. Maikling Kuwento ( Short Story). » Isang maikling Katha na maaaring hango sa tunay na buhay o maaari namang likha lamang ng mayamang guni-guni ng may-akda. Ito ay nag-iiwan ng Isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig. (Hal. Ang kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute) 10. Nobela (Novel) » Isang mahabang salaysayin na nahahati sa kabanata.Ito ay nagmula sa salitang Latin na "NOVELOS" at itinuturing na supling o kaugnay ng kasaysayan.Isang kathambuhay dahil ito ay likha ng panulat ng may-akda ayon sa kanyang guni-guni na hinango sa kawil-kawil ng mga pangyayaring tunay na naghahanap sa buhay ng mga Tao na umiikot sa kanyang karanasang pansarili at sa kapaligiran. (Hal. Canal de la Reina ni Liwayway A. Acreo) 11. Salaysay ng mga Pangyayari (Narrative of Incidents) » Pagsasalaysay ito ng mga pangyayaring maliliit at kahanga- hangang nagawa ng Isang Tao na binigyan ng kulay ng manunulat upang lumutang ito. Mga Elemento ng Isang Naratib Diskurs Tauhan Ang dami o bilang ng tauhan at dapat umaayon sa pangangailangan. Ito ang mga nagsisikilos sa kwento at nagbibigay buhay sa mga bawat pangyayari. Dalawang Paraan ng Pagpapakilala ng Tauhan A. Ekspositori. Tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan. B. Dramatiko. Kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos or pagpapahayag. Mga Karaniwang Tauhan A. Pangunahing Tauhan Kung tawagin ay Bida, sa kanya umiikot ang mga pangyayari, sa simula hanggang sa katapusang ng salaysay. B. Katunggaling Tauhan Kung tawagin ay Kontrabida, sumasalungat o kalaban ng bida. C. Kasamang Tauhan Karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. D. Ang May- Akda Laging kasama ng pangunahing tauhan, Siya Ang kumukontrol sa buong pangyayari. Ayon kay Edward Morgan Forters (2003), Isang Ingles na manunulat, may dalawang uri ng tauhan A. Tauhang Bilog (Round Character) Isang tauhang may multi- dimensional o maraming saklaw ang personalidad. B. Tauhang Lapad (Flat Character). Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dalawang katangiang madaling matukoy o "predictable" 2. Banghay Ito ang tawag sa maayos na daloy ng pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa mga tesktong naratibo. Karaniwang Banghay A. Simula ( Introduction ) Dito makikita ang mga tauhan, tagpuan, tema. B. Suliranin ( Problem ) Dito maipakikilala ang suliraning kakaharapin ng mga tauhan. C. Saglit na Kasiglahan ( Rising Action ) Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksyong gagawin ng mga tauhan tungo sa paglutas sa suliranin. D. Kasukdulan ( Climax ) Pagtaas ng mga pangyayari na humahantong sa Isang kasukdulan. E. Kakalasan ( Falling Action ). Dito nalutas o nahanapan ng solusyon ang mga suliranin. F. Wakas ( Ending ) Pagkakaroon ng Isang makabuluhang wakas. 3. Pananaw. Ito ang anggulo ng pagpapahayag ng manunulat. Uri ng Pananaw A. Unang Panauhang Pananaw Ginagamit ng panghalip na AKO. B. Ikalawang Panauhang Pananaw ( limited point of view ) C. Ikatlong Panauhang Pananaw ( omniscient point of view ) Pangunahing tauhan sa pagsasalaysay at ginagamit ng panghalip ng siya, nila, kanila. 4. Tagpuan at Panahon. Ay tumutukoy Hindi lamang sa lugar Kung saan nahanap kundi gayundin sa Panahon. 5. Paksa o Tema Ito ang sentral na ideya, dito umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo. Nagpapakita rin ng mga malalalim na katotohanan tungkol sa kalikasan ng tao. Maraming Salamat!