Buwan ng Wika 2023: Filipino at Katutubong Wika (PDF)

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa Buwan ng Wika 2023, na may paksa na "Filipino at mga Katutubong Wika", pati na rin ang mga detalye hinggil sa mga sistema ng pagmamarka ng Filipino sa antas ng Sekundarya, mga paglalarawan ng mga kurso, at mga pamantayan sa pagganap. Kasama rin sa mga nilalaman ang mga tanong tungkol sa konsepto ng wika.

Full Transcript

Tema ng Buwan ng Wika 2023: “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” Kom...

Tema ng Buwan ng Wika 2023: “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Kahulugan , kalikasan at katangian ng Wika Grading System : SHS - Filipino Written Work - 25 % Performance Task - 50 % Quarterly Assessment - 25 % Diskripsyon ng Kurso : Pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad at paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino. 4 Pamantayang Pangnilalaman : Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural,kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino. 5 Pamantayan sa Pagganap : Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o linggwistiko ng napiling komunidad 6 Pagkuha ng Dating Kaalaman Sagutin ng Tama o Mali ang mga pahayag ukol sa konsepto ng wika. 1. Sa pagsasalita gumagamit tayo ng wika at ito’y patuloy na umuunlad at nagbabago. 7 2. Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas , ang Filipino ay isa sa mga opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. 3. Kabilang sa pormal na uri ng wika ang Pampanitikan. 8 4. May dalawang uri ang Impormal na wika, ang lalawiganin at kolokyal. 5. Tinatawag na unang wika ang dayalektong kinamulatan ng isang indibidwal. 6. Ang keribels, ganern,waley ay isang mahusay na halimbawa ng Idyolek. 9 7. Monolinggwal ang tawag sa taong may kakayahang gumamit at umunawa sa dalawang magkaibang- wika 8. Mother tongue ang tawag sa wikang iyong kinamulatan at unang sinalita noong ikaw ay bata pa. 9. Masasabing dinamiko ang wika kung ito’y patuloy na nagbabago. 10 Halimbawa ng Pidgin ang pahayag na “ Suki, ikaw bili akin bigay ako diskawnt” 10 Panuto: Punan ang radial circle sa ibaba at magbigay ng mga salita o parirala na maaaring maiugnay sa wika. Instrumento ng tao ang wika sa pagpapahayag ng kanyang sarili para makamit ang mithiin at adhikain niya sa buhay. Sa pamamagitan ng wika ay naipararating ng tao ang mga impormasyon na gusto niyang maibahagi sa iba. Tandaan : Ang kahulugan ng wika bilang representasyon ng karanasan ay nag-iiba sa bawat tao. Ito’y umuunlad at patuloy na nagbabago. Kailanman ang wika ay hindi istatik. Sa kasalukuyan, Ingles ang pangunahing wika ng globalisasyon. > linggwa franka ng mundo > WIKA-kasama sa pag-unlad ng teknolohiya at komunikasyon - kasangkapan para sa materyal na pag-unlad sa kultura, edukasyon, sining at humanidades Sa Pilipinas, ano ang linggwa franka? Ibat-ibang Kahulugan ng Wika mula sa mga dalubhasa Caroll – ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap sa lipunan. Gleason – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo. Hoebel - maaaring ang tao noon ay nakipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pag-iyak, paghiyaw, pagkilos hanggat ang mga senyales ay nabigyan ng mga simbolo at kahulugan Kahulugan ng Wika 1. Isang Sistema ( may sinusunod na patern) 2. Binubuo ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog 3. Ginagamit sa komunikasyon ng tao - para sa epektibong pagpapahayag ng iniisip, nadarama, at anumang nakikita sa paligid Tandaan: Ang Wika ay Arbitraryo -nangangahulugan na ang mga binibigkas sa wika ay pinili para sa layunin ng mga gumagamit. - ito’y isinaayos na mga tunog sa paraang pinagkasunduan ng pangkat ng mga taong gumagamit nito. Kaya huwag nang pagtakhan kung bakit may mga salitang binibigkas ay tila nakatutuwa o magkaminsan pa nga ay nakakainis sa ibang tao. Kalikasan ng Wika 1. Pinagsama-samang tunog. Ang mga wika ay pagsasama-sama ng mga tunog na nauunawaan ng mga tagagamit na kapag tinuhog ay nakakabuo ng salita. ( T-S – K) 2. May dalang kahulugan ( ginagamit sa pangungusap) 3. May ispeling. Bawat salita sa iba’t ibang wika ay may speling o baybay. Sa wikang Filiipino, masasabing Madali lamang ang espiling ng mga salita dahil sa katangian ng wikang ito na kung ano ang bigkas ay siya ring baybay. 4. Sistemang (oral-awral) – Sistemang sensura sa paraang (oral), at pakikinig (awral). 5. Pagkawala o ekstinsyon ng wika. 6. Iba-iba, dibersipikado at pangkatutubo o indehinus. KATANGIAN NG WIKA 1. Dinamiko/ Buhay. Dahil dinamiko ang wika, ang bokabularyo nito ay patuloy na dumarami, nadaragdagan at umuunlad. Aktibo itong ginagamit sa iba’t ibang larangan. Hindi lamang ito pang-akademya kundi pangmasa rin. 2. May lebel o antas. May wikang batay sa gamit ay tinatawag na pormal at di-pormal, pang- edukado, balbal, kolokyal, lalawiganin, pansiyensya at pampanitikan. KATANGIAN NG WIKA 3. Ang wika ay komunikasyon- Sa pagsasama- sama ng salita, nabubuo ang pangungusap. Ginagamit ang wika bilang instrumento ng pagkakaintindihan, pagkakaisa at pagpapalawak ng kaalaman. 4. Ang wika ay natatangi- bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika. KATANGIAN NG WIKA 5. Magkabuhol ang wika at kultura. Hindi maaaring papaghiwalayin ang wika at kultura. 6. Gamit ang wika sa lahat ng uri ng disiplina/ propesyon. Bawat disiplina/propesyon ay may partikular na wikang ginagamit, kung kaya may mga partikular na register na lumalabas o nabubuo.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser