URI NG PANGATNIG AT PANGAKAT PDF
Document Details
Uploaded by BetterIvory
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay nagpapaliwanag ng iba't ibang uri ng pangatnig sa Tagalog, tulad ng panlinaw, panubali, paninsay, pamukod, pananhi, panapos, panimbang, pamanggit, panulad at pantulong. Nagbibigay ito ng mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng bawat uri ng pangatnig.
Full Transcript
Ano ang Pangatnig, Pangatnig Ang pangatnig ay termino o kalipunan ng mga salita na nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay upang makabuo ng diwa ng isang pahayag. Ito ay tinatawag na conjunction sa wikang Ingles. Ito ay bahagi nga pananalita na karaniwang makikita sa simula...
Ano ang Pangatnig, Pangatnig Ang pangatnig ay termino o kalipunan ng mga salita na nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay upang makabuo ng diwa ng isang pahayag. Ito ay tinatawag na conjunction sa wikang Ingles. Ito ay bahagi nga pananalita na karaniwang makikita sa simula o gitna ng isang pangungusap. Maaari ding gamitin ang mga pangatnig upang magbukod, maghambing, magpaliwanag, magsalungat o wakasan ang isang ideya o pahayag. Halimbawa ng Pangatnig sa Pangungusap 1. Mahal ko si ate at kuya. 2. Maglalaro sana ako sa labas ngunit umulan. Uri ng Pangatnig 1. Panlinaw 6. Panapos 2. Panubali 7. Panimbang 3. Paninsay 8. Pamanggit 4. Pamukod 9. Panulad 5. Pananhi 10. Pantulong Panlinaw Ang pangatnig na panglinaw ay ginagamit upang ipaliwanag ang isang bahagi o kabuuan ng isang banggit. Ginagamitan ito ng mga salitang kung kaya, kung gayon, o kaya.` halimbawa ng pangatnig na panlinaw na ginagamit sa pangungusap. 1. Nag-kasundo na kami kung kaya ang aming mga alitan ay wala na. 2. Nagsumikap sa pag-aaral si Juan kaya nakatapos siya sa kolehiyo. Panubali Ang mga pangatnig na ito ay nagsasaad ng pag-aalinlangan. Halimbawa nito ang mga salitang kung, kapag, pag, sakali at disin sana. halimbawa ng pangatnig na panubali na ginagamit sa pangungusap. 1. Mag-aaral kang Mabuti kung ayaw mong bumagsak. 2. Kapag pupunta si Max ay pupunta rin ako. Paninsay Ang pangatnig na paninsay ay ginagamit kapag ang unang bahagi ng pangungusap ay sinasalungat ng pangalawang bahagi nito. Halimbawa nito ang mga salitang subalit, bagaman, datapwat, ngunit, samantala, kahiman o kahit. halimbawa ng pangatnig na paninsay na ginagamit sa pangungusap. 1. Mahal ko siya, subalit hindi ko ito gaanong ipinapakita sa kaniya. 2. Maraming suliranin ang buhay ng tao, bagaman ito’y hindi hadlang para tayo ay madaling susuko. Pamukod Ang pangatnig na pamukod ay ginagamit sa pagbubukod o pagtatangi ng ilang kaisipan. Ang mga halimbawa nito ay ang mga salitang maging, ni, man, at o. halimbawa ng pangatnig na pamukod na ginagamit sa pangungusap. 1. Mahal ka ni Juan maging sino kaman. 2. Walang problema sa akin maging si Jen man mananalo sa patimpalak. Pananhi Ang pangatnig na pananhi ay ginagamit upang magbigay ng dahilan o katwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga halimbawa ng pangatnig na pananhi ay dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari. halimbawa ng pangatnig na pananhi na ginagamit sa pangungusap. 1. Nagkagulo sa bahay nila Juan at perdo dahil sa ag-aaway ng kanilang ama at ina. 2. Sanhi sa mainit na panahon kaya siya ay sinisipon. Panapos Ang pangatnig na panapos ay nagsasaad ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita. Ang mga halimbawa ng pangatnig na panapos ay sa lahat ng ito, sa wakas, sa di-kawasa, upang at sa bagay na ito. halimbawa ng pangatnig na panapos na ginagamit sa pangungusap. 1. Sa lahat na ito, ang mabuting gawin ay maghanda. 2. Sa wakas, uuwi na rin si mama. Panimbang Ang pangatnig na panimbang ay ginagamit sa paghahayahag ng karagdagang impormasyon at kaisipan. Ang mga halimbawa ng panagatnig na panimbang ay at, saka, pati, kaya o anupa’t. halimbawa ng pangatnig na panimbang na ginagamit sa pangunugusap. 1. Si Juan at Pedro ay nagtungo sa paaralan. 2. Kumain siya ng manga at bagoong. Pamanggit Ang pangatnig na pamanggit ay nagsasabi o gumagaya lamang sa pananaw ng iba. Ang mga halimbawa ng pangatnig na pamanggit ay daw, raw, sa ganang akin/iyo, at di umano. halimbawa ng pangatnig na pamanggit na ginagamit sa pangungusap. 1. Magagaling daw kumanta ang mga taga Cebu. 2. Siya raw ay mahusay maglaro ng chess. Panulad Ang pangatnig na panulad ay tumutulad sa mga pangyayari, kilos at gawa. Ang mga halimbawa ng pangatnig na panulad ay kung sino..siyang, kung ano..siya rin, kung gaano..siya rin. halimbawa ng pangatnig na panulad na ginagamit sa pangungusap. 1. Kung sino ang nag-umpisa ay siya rin ang tatapos. 2. Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin. Pantulong Ang pangatnig na pantulong ay nag-uugnay ng nakapag-iisa at hindi nakapag iisang mga salita, parirala o sugnay. Ang mga halimbawa ng pangatnig na pantulong ay ang mga salitang kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat o dahil sa. halimbawa ng pangatnig na pantulong na ginagamit sa pangungusap. 1.Makakakain lang ako kapag tapos na akong nagluto. 2. Kumain ng gulay upang ang buhay ay maging makulay. Pangkat ng Pangatnig 1. Pangatnig na Nag-uugnay sa Magkatimbang na Yunit 2. Pangatnig na Nag-uugnay sa Di-Magkatimbang na Yunit Pangkat ng Pangatnig Ang pangatnig ay nahahati sa dalawang pangkat. Ito ay ang mga pangatnig na nag-uugnay sa magkatimbang na yunit at ang mga pangatnig na nag-uugnay sa di-magkatimbang na yunit. Pangatnig na Nag-uugnay sa Magkatimbang na Yunit Ito ay pangkat na nagbubuklod ng kaisipang pinag-uugnay. Ito ay ginagamitan ng mga salitang o, ni, maging, at, ‘t, at kundi. Ang pangkat na ito ay maaari rin pasalungat. Sinasalungat ng pangalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna. Mga Halimbawa sa Pangungusap Bumili ako ng ube at kamote. Maging ang bahay na iyan ay sa aming angkan. Ano ang makakatalo sa bato, gunting o papel? Matalino sana si Alden ngunit tamad mag-aral. Maliligo sana kami bukas sa dagat subalit hindi ako pinayagan ni tatay. Pangatnig na Nag-uugnay sa Di-Magkatimbang na Yunit Ito ay pangkat ng pangatnig na nagpapakila ng sanhi o dahilan gaya ng mga salitang dahil sa, sapagkat, o palibhasa. Maaari rin itong gamitan ng mga salitang kung, kapag, pag, at mga pangatnig na panlinaw gaya ng kaya, kung gayon, o sana. Mga Halimbawa sa Pangungusap Dahil sa bagyo kaya nagkandasira ang pananim nila. Matinding gumastos si Juan palibhasa maraming pera ang mga magulang niya. Dadalo lang ako sa kasal nila kung may imbitasyon ako. Mahirap ang buhay kaya nagsumikap siyang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Bibilhin ko ‘yan kapag may per ana ako. Ano ang Alamat? Ang alamat o legend at folklore sa wikang Ingles ay isang uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Kung minsan nagsasalaysay ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook. Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Ito ay kadalasang mga kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno. ng Maikling Kwento at mga Pabula, ang mga alamat ay kinapupulutan din ng aral na sumasalamin sa kultura ng isang bayang pinagmulan. Mga Elemento ng Alamat Ito ay may pitong elemento. Basahin ang mga sumusunod: 1. Tauhan Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa. 2. Tagpuan Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari. 3. Saglit na kasiglahan Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. 4. Tunggalian Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. 5. Kasukdulan Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. 6. Kakalasan Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. 7. Katapusan Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. Mga Bahagi ng Alamat Dito ay may tatlong mga bahagi: ang Simula, Gitna, at Wakas. 1. Simula Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang mga gumaganap sa kwento at ano ang papel na kanilang ginagampanan. Maging ang tagpuan o lugar at panahon ng pinangyayarihan ng insidente ay inilalarawan din sa simula. 2. Gitna Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng kwento. Ang saglit na kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. Ang tunggalian ay nagsasaad ng pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan. Samantalang ang kasukdulan ay ang bahaging nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang tauhan. 3. Wakas Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kwento. Mga Halimbawa ng Alamat Alamat ng Pinya Alamat ng Pilipinas Alamat ng Saging Alamat ng Ampalaya Alamat ng Mangga Alamat ng Sampaguita Alamat ng Lansones Alamat ng Rosas Alamat ng Bayabas Alamat ng Butiki