Uri ng mga Talino ayon kay Howard Gardner PDF
Document Details
Uploaded by GuiltlessAgate4438
Cabangan National High School
Tags
Summary
This document details the nine different types of intelligence, according to Howard Gardner's theory of multiple intelligences. It gives examples of abilities associated with each type of intelligence, and potential careers.
Full Transcript
Uri ng mga Talino ayon kay Howard Gardner Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard Gardner noong 1983, ang teorya ng Multiple Intelligences. Ito ay nagbigay-daan sa panibagong perspektibo tungkol sa talino na kakaiba sa tradisyonal na kahulugan ng katalinuhan. Ayon sa teoryang ito, ang m...
Uri ng mga Talino ayon kay Howard Gardner Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard Gardner noong 1983, ang teorya ng Multiple Intelligences. Ito ay nagbigay-daan sa panibagong perspektibo tungkol sa talino na kakaiba sa tradisyonal na kahulugan ng katalinuhan. Ayon sa teoryang ito, ang mas angkop na tanong ay "Ano ang iyong talino?" at hindi, "Gaano ka katalino?" Ayon kay Gardner, bagama't lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba't iba ang talino o talento. Ang mga ito ay: Uri ng Talino Kakayahan/Palatandaan Posibleng Trabaho/ Ginagawa 1\. **Visual/ Spatial** Ang taong mabilis matututo sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya. Nakagagawa siya nang mahusay na paglalarawan ng mga ideya na kailangan din niyang makita ang paglalarawan upang maunawaan ito. May kakayahan siya na makita sa kaniyang isip ang mga bagay upang makalikha ng isang produkto o makalutas ng suliranin. May kaugnayan din ang talinong ito sa kakayahan sa matematika. sining, arkitektura, at inhinyero 2\. **Verbal** Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng pagsulat, Uri ng mga Talino Maaaring ipresenta ang aralin gamit ang grapikong pantulong. Para maging interaktibo ang pagtuturo, puwedeng makalap ang iba pang mga kaugnayan na konsepto sa mga mag-aaral. Linguistic salita. Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukuwento, at pagmememorya ng mga salita at mahahalagang petsa. Mas madali siyang matuto kung nagbabasa, nagsusulat, nakikinig, o nakikipagdebate. Mahusay siya sa pagpapaliwanag, pagtuturo, pagtatalumpati, o pagganyak sa pamamagitan ng pananalita. Madali para sa kaniya ang matuto ng ibang wika. abogasya, pamamahayag (journalism), politika, pagtula, at pagtuturo 3\. **Bodily/ Kinesthetic** Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang katawan, tulad halimbawa sa pagsasayaw o paglalaro. Sa kabuoan, mahusay siya sa pagbubuo at paggawa ng mga bagay gaya ng pagkakarpintero. Mataas ang tinatawag na muscle memory ng taong may ganitong talino. pagsasayaw, isports, pagiging musikero, pagaartista, pagiging doktor (lalo na sa pagoopera), konstruksiyon, pagpupulis, at pagsusundalo 4\. **Mathematical/ Logical** Taglay ng taong may talino nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong kaugnay ng lohika, paghahalaw, at numero. mathematician, chess player, computer programming 5\. **Musical/ Rhythmic** Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang karanasan. Likas na nagtatagumpay sa larangan ng musika ang taong may ganitong talino. musician, kompositor, o disk jockey 6\. **Intrapersonal** Sa talinong ito, natututo ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw. Ito ay talino na kaugnay ng kakayahan na magnilay at masalamin ang kalooban. Karaniwang ang taong may ganitong talino ay malihim at mapag-isa o introvert. Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan ang kaniyang nararamdaman at motibasyon. Malalim ang pagkilala niya sa kaniyang angking mga talento, kakayahan, at kahinaan. researcher, manunulat ng mga nobela, o negosyante 7\. **Interpersonal** Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipagugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat. Ang taong may mataas na interpersonal intelligence ay kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapuwa o extrovert. Siya ay sensitibo at mabilis na nakatutugon sa pagbabago ng damdamin, motibasyon, at disposisyon ng kapuwa. Mahusay siya sa pakikipag-ugnayan nang may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba. Siya ay epektibo bilang pinuno o tagasunod man. kalakalan, politika, pamamahala, pagtuturo o edukasyon, at social work 8\. **Naturalist** Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat, at pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan. Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan. environmentalis t, magsasaka, o botanist 9\. **Existential** Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. "Bakit ako nilikha?" "Ano ang papel na gagampanan ko sa mundo?" "Saan ang lugar ko sa aking pamilya, sa paaralan, sa lipunan?" Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating ginagalawan. philosopher, theorist, religious life (hal.: pari, madre, pastor, atbp.