Mga Hamong Pangkapaligiran PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document discusses environmental challenges in the Philippines, including solid waste management, deforestation, and the impact of climate change. It also covers various programs for environmental protection and the role of different organizations.
Full Transcript
Mga Hamong Pangkapaligiran Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran Natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas Nasusuri ang epekto ng mga suliraning pangkapaligiran Natatalakay ang mga programa at pagkilos ng iba’t ibang sektor upang pangalagaan ang kapaligiran Natataya an...
Mga Hamong Pangkapaligiran Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran Natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas Nasusuri ang epekto ng mga suliraning pangkapaligiran Natatalakay ang mga programa at pagkilos ng iba’t ibang sektor upang pangalagaan ang kapaligiran Natataya ang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas batay sa epekto at pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran Suliranin sa Solid Waste Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura kada araw noong taong 2015. Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila kung saan ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw. Mas mataas ito ng 130% kaysa sa world average Ang malaking bahagdan ng itinatapong basura ng mga Pilipino ay mula sa mga tahanan na mayroong 56.7%. Samantalang pinakamalaki naman sa uri ng tinatapong basura ay iyong tinatawag na bio- degradable na may 52.31% Suliranin sa Solid Waste Management Isa na rito ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura ◦ Tinatayang 1500 tonelada ng basura ang itinatapon sa mga ilog, estero, kalsada, bakanteng lote, at sa Manila Bay na lalong nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga insekto na nagdudulot naman ng iba’t ibang sakit Bagama’t ipinagbabawal, madami pa rin ang nagsusunog ng basura na nakadaragdag sa polusyon sa hangin Mga Dumpsite sa Metro Manila ◦ Panganib sa mga Ilog (Pasig River, Marikina River) ◦ Panganib sa kalusugan at buhay ng mga waste pickers Suliranin sa Pagtatapon ng Electronic Waste ◦ Pagsusunog makuha ang tanso, at pagbabaklas ng e-waste ay nagdudulot ng panganib dahil pinagmumulan ito ng mga delikadong kemikal tulad ng lead, cadmium, barium, mercury, at polyvinyl chloride na nakalalason ng lupa at maging ng tubig Solid Waste Management Republic Act 9003 o kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa Isa sa mga naging resulta ng batas ay ang pagtatayo ng mga Materials Recovery Facility (MRF) kung saan isasagawa ang waste segregation bago dalhin ang nakolektang basura sa mga dumpsite. Maraming barangay ang tumugon sa kautusang ito, sa katanuyan mula sa 2,438 noong 2008 ay tumaas ang bilang ng MRF sa 8,656 noong 2014 LGUs Practice of Solid Waste Management Sto. Tomas Davao del Norte No Segregation, No Collection No Orientation & Implementation of Ecological Solid Waste Management (ESWM), No Issuance of Municipal Permits Municipal-wide composting & livelihood projects LGUs Practice of Solid Waste Management Bago City, Negros Occidental ◦ Takakura Waste Market Composting Teresa, Rizal - Residual Waste Management Quezon City - Pioneering LGU in Dumpsite Conversion with Methane Recovery for Power Generation Non - Government Organization Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga barangay. Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium and Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig, at Trees for Life Philippines Bantay Kalikasan – paggamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La Mesa Watershed at sa Pasig River Rehabilitation Project. Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan Pagkasira ng mga Likas na Yaman Yamang Lupa - pagkasira ng halos 50% ng matabang lupain sa huling sampung taon Yamang Tubig - pagbaba ng kabuuang timbang ng mga nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw mula sa dating 10 kilo Yamang Gubat - mabilis at patuloy na pagliit ng forest cover mula sa 17 ektarya noong 1934 ay naging 6. 43 milyong ektaraya noong 2003 Mga Gawain ng Tao na Nakasisira sa Likas Yaman Illegal Logging - Ilegal na pagputol sa mga puno sa kagubatan. Ang kawalan ng ngipin sa pagpapatupad ng mga batas sa illegal logging sa Pilipinas ang nagpapalubha sa suliraning ito. ◦ Epekto - Ang walang habas na pagputol ng puno ay nagdudulot ng iba’t ibang suliranin tulad ng pagbaha, soil erosion, at pagkasira ng tahanan ng mga ibon at hayop. Sa katunayan noong 2008 ay mayroong 221 species ng fauna at 526 species ng flora ang naitala sa threatened list Mga Gawain ng Tao na Nakasisira sa Likas Yaman Migration – paglipat ng pook panirahan ◦Epekto - Nagsasagawa ng kaingin (slash-and-burn farming) ang mga lumilipat sa kagubatan at kabundukan na nagiging sanhi ng pagkakalbo ng kagubatan at pagkawala ng sustansya ng lupain dito. Mga Gawain ng Tao na Nakasisira sa Likas Yaman Mabilis na paglaki ng populasyon ◦Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng Pilipinas ay nangangahulugan ng mataas na demand sa mga pangunahing produkto kung kaya’t ang mga dating kagubatan ay ginawang plantasyon, subdivision, paaralan, at iba pang imprastruktura. Mga Gawain ng Tao na Nakasisira sa Likas Yaman Fuel wood harvesting - paggamit ng puno bilang panggatong. Isang halimbawa ay ang paggawa ng uling mula sa puno. ◦ Ayon sa Department of Natural Resources na lumabas sa ulat ng National Economic Development Authority (2011), tinatayang mayroong 8.14 milyong kabahayan at industriya ang gumagamit ng uling at kahoy sa kanilang pagluluto at paggawa ng produkto, ang mataas na demand sa uling at kahoy ay nagiging dahilan ng pagputol ng mga puno sa kagubatan. Mga Gawain ng Tao na Nakasisira sa Likas Yaman Ilegal na Pagmimina ◦ Apektado ang kagubatan sa pagmimina dahil kadalasang dito natatagpuan ang deposito ng mga mineral tulad ng limestone, nickel, copper, at gold. Kinakailangang putulin ang mga puno upang maging maayos ang operasyon ng pagmimina. Nagdudulot din ng panganib sa kalusugan ng tao at ng iba pang nilalang sa kagubatan ang mga kemikal na ginagamit sa pagpoproseso ng mga nahukay na mineral. Ayon sa DENR, mayroong 23 proyekto ng pagmimina ang matatagpuan sa kabundukan ng Sierra Madre, Palawan, at Mindoro. Mga Programa para sa Pangangalaga ng Kagubatan (1910 – 1945) 1910 - Itinayo ang kauna-unahang Forestry School (ngayon ay College of Forestry and Natural Resources) sa Los Baños, Laguna. 1916 - Isinabatas ang Republic Act 2649 kung saan ay naglaan ng sampung libong piso para sa reforestation ng Talisay-Minglanilla Friar Lands Estate sa sa Cebu 1919 - Itinatag ang Magsaysay Reforestation Project sa Arayat, Ilocos, at Zambales. 1927 – 1931 ◦ Itinatag ang Cinchona plantation sa Bukidnon at nagsagawa ng iba pang proyekto para sa reforestation ◦ 1937 – 1941 - Naglaan ng malaking pondo ang pamahalaan para sa mga programang pangkagubatan. Itinatag ang Makiling Reforestation Project. Mga Programa para sa Pangangalaga ng Kagubatan (1946 – 1970) 1948 - Muling sumigla ang mga gawain para sa reforestation sa bisa ng Republic Act 115. 1960 - Itinatag ang Reforestation Administration sa bisa ng Republic Act 2706. Layunin nito na mapasidhi ang mga programa para sa reforestation ng bansa Mga Programa para sa Pangangalaga ng Kagubatan (1970 - Kasalukuyan) 1975 - Nilagdaan ang Presidential Decree 705 kung saan ay ipinag-utos ang pagsasagawa ng reforestation sa buong bansa kasama ang pribadong sektor. Ipinagbawal din ang pagsasagawa ng sistema ng pagkakaingin. 1977 - Sa bisa ng Presidential Decree 1153 ay ipinag-utos sa lahat ng mga mamamayang 10 taong gulang pataas na magtanim ng 12 seedling bawat taon sa loob ng limang taon. Mga Programa para sa Pangangalaga ng Kagubatan (1970 - Kasalukuyan) 1980’s - Sinimulan ng pamahalaan ang mga people-oriented programs tulad ng Integrated Social Forestry Program noong 1982 at Community Forestry Program noong 1987. Tumulong din ang mga NGO tulad ng programang “Sloping Land Agricultural Technology” o SALT sa Mindanao, progama ng World Neighbours sa mga komunidad sa kabundukan 1987 - Ipinagbawal ang illegal logging sa bisa ng Executive Order 277 Mga Programa para sa Pangangalaga ng Kagubatan (1970 - Kasalukuyan) 1987 - Sinimulan ang Forest Sector Projects (FSP) I at II ◦ 1992 - Naisabatas ang Republic Act 7586 o ang “National Integrated Protected Area System” (NIPAS). Layunin nitong mapangalagaan ang mga tinatawag na protected areas mula sa pang-aabuso ◦ 1995 - Sinimulan ang National Forestation Program (NFP). Layunin nito na magsagawa ng rehabilitasyon ng 1.4 milyong ektarya ng kagubatan sa buong bansa ◦ 1997 - Malaki ang naging epekto ng pagsasabatas ng Republic Act 8371 o Indigenous People’s Rights Act” (IPRA) sa pangangalaga ng kagubatan Mga Programa para sa Pangangalaga ng Kagubatan (1970 - Kasalukuyan) 2001 – 2015 - Ipinasa ang sumusunod na batas: RA 9072 - “National Cave and Resources Management and ProtectionAct Proclamation No. 643 Hinikayat ang partisipasyon ng lahat ng ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, paaralan, NGO, at mga mamamayan upang makihalok sa tree planting activities. Mga Programa para sa Pangangalaga ng Kagubatan (1970 - Kasalukuyan) Nilagdaan ang sumusunod: Executive Order No. 23 - nagdelakara ng moratorium (isang legal na kautusan upang ihinto ang isang gawain) sa pagputol ng puno sa natural at residual na kagubatan. Ipinag-utos din ang paglikha ng anti- illegal logging task force Mga Programa para sa Pangangalaga ng Kagubatan (1970 - Kasalukuyan) Mga programa para sa pagpapanumbalik ng kagubatan: National Greening program National Forest Protection Program Forestland Management Project Integrated Natural Resources and Environmental Management Project Climate change Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa sampung bansa na pinakanaapektuhan ng Climate Change. Ito ay dahil mas lumalakas, dumadalas, at nagiging unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural na kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, at malalakas na ulan na nararanasan sa Pilipinas dahil sa climate change. Climate change ay maaaring isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis o napapalala dulot ng gawin ng tao. Isa sa sinasabing dahilan nito ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere. Nanggagaling ito mula sa usok ng pabrika, mga iba’t ibang industriya, at pagsusunog ng mga kagubatan Epekto ng Climate change ang madalas at matagalang kaso ng El Niño at La Niña, pagkakaroon ng malalakas na bagyo, malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, tagtuyot, at forest fires coral bleaching na pumapatay sa mga coral reef na siyang tahanan ng mga isda at iba pang lamang dagat, nagdudulot din ito ng pagbaba sa bilang ng nahuhuling mga isda at pagkawala (extinction) ng ilang mga species patuloy na pagtaas ng sea level bunga ng pagkatunaw ng mga iceberg sa Antartic Epekto ng Climate change Lumiliit ang produksiyon ng sektor ng agrikultura dahil sa pagkasira ng mga kalsda, bodega, mga kagamitan sa pagtatanim at pag-aani, irigasyon, pagkawasak ng mga palaisdaan, at pagkamatay ng mga magsasaka at mangingisda. Nagiging mataas din ang bilang ng mga nagiging biktima ng sakit tulad ng dengue, malaria, cholera dahil sa pabago-bagong panahon at matinding init. ilang mga mamamayan ang napipilitang lumikas sinira ng malakas na bagyo ang kanilang mga tahanan o kaya ay natabunan ng lupa dahil sa landslide, samantalang ang iba naman ay kinain ng dagat ang dating lupa na kinatatayuan ng kanilang mga tahanan Disaster Management ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa sa pamamahala ng pagpaplano, pag- oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol. Kabilang din dito ang iba’t ibang organisasyon na dapat magtulungan at magkaisa upang maiwasan, maging handa, makatugon, at makabangon ang isang komunidad mula sa epekto ng sakuna, kalamidad at hazard tumutukoy sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard. Apat na Yugto ng Disaster Risk Reduction Management Disaster Prevention and Mitigation - isinasagawa ang iba’t ibang pagtataya tulad ng hazard assessment, risk, vulnerability assessment, at capacity assessment Disaster Preparedness - ipinagbibigay-alam sa mga mamamayan ang mga dapat gawin bago at habang nararanasan ang isang kalamidad upang maiwasan ang higit na pinsala sa buhay at ari- arian Disaster Response - inilalahad ang mga dapat gawin na pagtugon habang nararanasan ang kalamidad Disaster Rehabilitation and Recovery - inilalatag ang plano kung paano matutulungan ang mga nasalanta at maging ang komuidad na bumangon mula sa naganap na kalamidad Hazard tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan. Mga Uri ng Hazard Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard - tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao. Ang maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan gaya ng ipinakikita sa larawan ay ilan sa mga halimbawa ng anthropogenic hazard. Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan. Ilan sa halimbawa nito ay ang bagyo, lindol, tsunami, thunderstorms, storm surge, at landslide. Ipinakikita sa kasunod na larawan ang pagbabalita sa pagdating ng isang malakas na bagyo Disaster tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. Maaaring ang disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng digmaan at polusyon. Ang disaster ay sinasabi ding resulta ng hazard, vulnerability at kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang mga hazard. Vulnerability tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan. Halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay na gawa sa hindi matibay na materyales Risk ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad. Resilience tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad. Ang pagiging resilient ay maaaring istruktural, ibig sabihin ay isasaayos ang mga tahanan, tulay o gusali upang maging matibay. Maaari ring ito ay makita sa mga mamamayan, halimbawa ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa hazard ay maaaring makatulong upang sila ay maging ligtas sa panahon ng kalamidad Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad at hazard Binibigyang diin ng National Disaster Risk Reduction Framework ang pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard. Sa pamamagitan nito, ang pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring mapababa o maiwasan Community-Based Disaster and Risk Management Approach Ito ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan. Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at ari-arian napakahalaga ng partisipasyon ng mga mamamayan na siyang may pinakamataas na posibilidad na makaranas ng mga epekto ng hazard at kalamidad. Subalit, higit itong magiging matagumpay kung aktibo ring makikilahok ang mga mamamayan na hindi makararanas ng epekto ng mga hazard at kalamidad Community-Based Disaster and Risk Management Approach isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng tao. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang tao na alamin at suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad sa kanilang pamayanan Kinakailangan ng Aktibong Pakikilahok ng lahat ng Sektor ng Lipunan mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad maligtas ang mas maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano kung paano tutugunan ang kalamidad sa halip na maghintay ng tulong mula sa Pambansang Pamahalaan ang iba’t ibang suliranin na dulot ng hazard at kalamidad ay mas mabibigyan ng karampatang solusyon kung ang lahat ng sektor ng pamayanan ay may organisadong plano kung ano ang gagawin kapag nakararanas ng kalamidad CBDRM Approach Pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF) ay ang pagbuo ng disaster-resilient na mga pamayanan Dalawang approach sa CBDRM Top Down Approach - tumutukoy sa situwasiyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan Bottom Up Approach - batayan ng plano ay ang karanasan at pananaw ng mga mamamayang nakatira sa isang disaster-prone area. Nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan Katangian ng Bottom Up Approach Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang komunidad Bagama’t mahalaga ang tungkulin ng lokal na pamahalaan, pribadong sektor at mga NGOs, nanatiling pangunahing kailangan para sa grassroots development ang pamumuno ng lokal na pamayanan. Ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon para matagumpay na bottom-up strategy Ang responsableng paggamit ng mga tulong-pinansyal ay kailangan Katangian ng Bottom Up Approach Mahalagang salik sa pagpapatuloy ng matagumpay na bottom-up approach ay ang pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad nito Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang naninirahan sa pamayanan. Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay maaaring may magkakaibang pananaw sa mga banta at vulnerabilities na nararanasan sa kanilang lugar “Partnerships for Disaster Reduction- Southeast Asia (PDR – SEA) Layunin ng programang ito na maturuan ang mga lokal na pinuno sa pagbuo ng Community Based Disaster Risk Management Plan binibigyan nito ng sapat nakaalaman at hinahasa ang kakayahan ng mga lokal na pinuno kung paano maisasama ang CBDRM Plan sa mga plano at programa ng lokal na pamahalaan mas masisiguro na ang mabubuong disaster management plan ay nakabatay sa pangangailangan at kakayahanan ng pamayanan na harapin ang iba’t ibang hazard at kalamidad na maaari nilang maranasan Mga Hakbang sa Pagbuo ng Disaster Plan Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran Mula sa mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad. Isinasagawa ang Disaster Risk Assessment kung saan nakapaloob dito ang Hazard Assessment, Vulnerability Assessment, at Risk Assessment Tinataya naman ang kakayahan at kapasidad ng isang komunidad sa pamamagitan ng Capacity Assessment Hazard Assessment Ang Hazard Assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon. Sa pamamagitan ng hazard assessment, natutukoy kung ano-ano ang mga hazard na gawa ng kalikasan o gawa ng tao na maaaring maganap sa isang lugar. Sa pagsasagawa ng hazard assessment, dapat bigyang pansin ang Pisikal at Temporal na katangian nito. Pisikal na Katangian ng Hazard Pagkakilanlan - Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung paano ito umusbong sa isang lugar Katangian - Pag-alam sa uri ng hazard Intensity - Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard Lawak - Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard Saklaw - Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan ng o maapektuhan ng hazard Predictability - Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard Manageability - Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang mabawasan ang malawakang pinsala Temporal na Katangian ng Hazard Frequency - Dalas ng pagdanas ng hazard. Maaaring ang hazard ay nagaganap taon-taon, isang beses sa loob ng lima o sampung taon o kaya ay biglaan lamang. Duration - Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard. Maaaring ito ay panandalian lamang tulad ng lindol; sa loob ng ilang araw tulad ng baha o kaya ay buwan tulad ng digmaang sibil Speed of onset - Bilis ng pagtama ng isang hazard. Maaaring mabilisan o walang babala tulad ng lindol o kaya ay may pagkakataon na magbigay ng babala tulad ng bagyo o baha Temporal na Katangian ng Hazard Forewarning - Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras ng pagtama nito sa isang komunidad Force - Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig tulad ng malakas na pagbuhos ng ulan, baha, pag-apaw ng ilog, flashflood, tidal wave at storm surge, lupa tulad ng landslide at lahar; apoy tulad ng pagkasunog ng kagubatan o kabahayan; seismic tulad ng lindol at tsunami; gawa ng tao tulad ng conflict gaya ng digmaang sibil, rebelyon, at pagaaklas; industrial/technological tulad ng polusyon, pasabog, pagtagas ng nakalalasong kemikal at iba pang hazard tulad ng taggutom, tagtuyot, at pagsalakay ng peste sa mga pananim. Dalawang Hakbang sa Pagbuo ng Hazard Assessment Hazard Mapping - ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng hazard at ang mga elemento tulad ng gusali, taniman, kabahayan na maaaring mapinsala Historical Profiling/Timeline of Events - gumagawa ng historical profile o timeline of events upang makita kung ano-ano ang mga hazard na naranasan sa isang komunidad, gaano kadalas, at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala Vulnerability Capacity Assessment (VCA) masusukat ang kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard na maaaring maranasan sa kanilang lugar tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard Sa Capacity Assessment naman, tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard Tatlong Kategorya ng Vulnerability Pisikal o Materyal - Tumutukoy sa mga materyal na yaman tulad ng suweldo mula sa trabaho, pera sa bangko at mga likas na yaman. Ang kawalan o kakulangan ng mga nabanggit na pinagkukunang- yaman ay nangangahulugan na ang isang komunidad ay vulnerable o maaaring mapinsala kung ito ay makararanas ng hazard Panlipunan - Tumutukoy sa pagiging vulnerable o kawalan ng kakayahan ng grupo ng tao sa isang lipunan ◦ Hal. mga kabataan, mga matatanda, mga may kapansanan, maysakit, kawalan ng pagkakaisa ng mga miyembro ng pamilya, hindi maayos na ugnayan sa pagitan ng mamamayan at pamahalaan, kawalan ng sistema tungkol sa disaster Pag-uugali tungkol sa hazard - May mga paniniwala at gawi ang mga mamamayan na nakahahadlang sa pagiging ligtas ng isang komunidad. Bunga nito, nagiging vulnerable ang isang komunidad. ◦ Hal. Kawalan ng Interes sa mga programa ng pamahalaan, negatibo sa mga pagbabago, Kawalan ng sapat na kaalaman tungkol sa hazard sa kanilang komunidad, Pagiging palaasa sa pamahalaan at sa tulong ng pribadong sektor Vulnerability Assessment Ang pagiging vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroon itong kakulangan sa mga nabanggit na kategorya. Bunga nito, nagiging mas malawak ang pinsala na dulot ng hazard Sa usapin ng vulnerability ng isang komunidad, kailangan na maging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard sa kanilang lugar. Tungkulin nila na magkaroon ng kaalaman sa mga panganib at banta na maaari nilang maranasan Sa panig naman ng pamahalaan, dapat na maging seryoso ito sa pagbuo ng disaster management plan. Hindi dapat kalimutan ng pamahalaan ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga mamamayan sa lahat ng aspekto ng pagbuo ng disaster management plan. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng maayos na ugnayan sa pagitan ng mamamayan at pamahalaan Pagbuo ng Vulnerability Assessment (Tatlong Bagay na dapat suriin) 1. Elements at Risk - tumutukoy ang elements at risk sa tao, hayop, mga pananim, bahay, kasangkapan, imprastruktura, kagamitan para sa transportasyon at komunikasyon, at pag-uugali. Matapos matukoy, alamin kung bakit itinuturing na vulnerable ang mga ito. ◦ Mga bahay na malapit sa mga anyong tubog, paanan ng bundok, mababang bahagi ng pamahalaan at mga bahay na yari sa mga light materials Pagbuo ng Vulnerability Assessment (Tatlong Bagay na dapat suriin) 2. People at Risk - tinutukoy ang mga grupo ng tao na maaaring higit na maapektuhan ng kalamidad ◦ Mga buntis, may kapansanan Pagbuo ng Vulnerability Assessment (Tatlong Bagay na dapat suriin) 3. Location of People at risk - tinutukoy ang lokasyon o tirahan ng mga taong natukoy na vulnerable Risk Assessment tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan Dalawang Uri ng Risk Assessment/Mitigation ◦ Structural Mitigation - Tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na kaayuan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtama ng hazard ◦ Hal. Dikes, sandbags, floodgates, earthquake proof buildings, fire exit ◦ Non – Structural Mitigation – tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard Disaster Preparedness Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard Layunin ng mga gawaing nakapaloob sa yugtong ito na mapababa ang bilang ng mga maapektuhan, maiwasan ang malawakan at malubhang pagkasira ng mga pisikal na istruktura at maging sa kalikasan, at mapadali ang pag-ahon ng mga mamamayan mula sa dinanas na kalamidad 3 Layunin ng Disaster Preparedness 1. To inform - magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na katangian ng komunidad 2. To advise – magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard 3. To instruct–magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tullong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard Disaster Response Tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. Mahalaga ang impormasyong makukuha mula sa gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad. Tatlong Uri ng Pagtataya ng Disaster Response 1. Needs Assessment - tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot 2. Damage Assessment - tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad 3. Loss Assessment - tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng produksyon Disaster Rehabilitation and Recovery ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad ◦ Halimbawa nito ay ang pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon, suplay ng tubig at kuryente, pagkukumpuni ng bahay, sapat na suplay ng pagkain, damit, at gamot. Kabilang din dito ang pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin at pagkakaloob ng psychosocial services upang madaling malampasan ng mga biktima ang kanilang dinanas na trahedya Mga Ahensya na tumutulong sa Disaster Rehabilitation and Recovery Inter-Agency Standing Committee (IASC) - binubuo ng iba’t ibang NGO, Red Cross at Red Crescent Movement, International Organization for Migration (IOM), World Bank National Disaster Coordinating Council (NDCC) Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Cluster Approach naglalayong mapatatag ang ugnayan ng iba’t ibang sektor ng lipunan. Makatutulong ito upang maging mas malawak at ang mabubuong plano at istratehiya at magagamit ng mahusay ang mga pinagkukunang yaman ng isang komunidad Iminungkahi ng NDCC ang pagtatalaga ng mga CLUSTER LEADS sa tatlong antas ng pamahalaan ◦ National ◦ Regional ◦ Provincial Mga Programa para sa Cluster Approach Albay Mabuhay Task Force - ipatupad ang mas komprehensibong programa para sa pagtugon at rehabilitasyon ng lalawigan sa panahon ng kalamidad. ◦ idineklara ng Albay ang zero casualty sa kabila ng pagtama ng malakas na bagyong Glenda noong Hulyo 2014 DepEd Order No. 55 ng taong 2008, binuo ang Disaster Risk Reduction Resource Manual upang magamit sa ng mga konsepto na may kaugnayan sa disaster risk reduction management sa mga pampublikong paaralan