Sta. Clara Situationer PDF
Document Details
Santa Clara
Tags
Summary
This document provides a detailed chronology of events surrounding a demolition in Sta. Clara, including the period before the demolition, the demands of those affected, and relevant interactions with the authorities. It also covers the reactions of the public and community groups, media, and court actions. Keywords: historical accounts, demolition, Sta. Clara, Philippines
Full Transcript
**Kronolohiya:** **Kalagayan bago ang demolisyon:** Panahon pa ng kolonyalistang Espanyol ay mayroon ng piyer sa STC (1800). Mula sa pagbagsak ng paghahari ng Espanya at pagpasok ng bagong mananakop na Amerikano, nadamay ang piyer ng Sta Clara sa kaguluhan dahil isa ito sa binomba ng mga Amerikano...
**Kronolohiya:** **Kalagayan bago ang demolisyon:** Panahon pa ng kolonyalistang Espanyol ay mayroon ng piyer sa STC (1800). Mula sa pagbagsak ng paghahari ng Espanya at pagpasok ng bagong mananakop na Amerikano, nadamay ang piyer ng Sta Clara sa kaguluhan dahil isa ito sa binomba ng mga Amerikano noong 1898. Hindi lamang isang beses nakaranas ng pambobomba ang Sta Clara, sa pagpasok naman ng mananakop na Hapones ay muli na namang binomba ang piyer noong1945. Ang piyer ay iisa pa lamang at isang derecho ito, 3 beses lamang nagkakaroon ng biyahe sa loob ng 1 araw at mayroong 2 kompanya ng barko na nagbi-biyahe rito. Batangas Liner bago ang 1950's at \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 1957 naman ng dumating ang Princess Lines at Juvillana shipping lines. Dito na nagumpisa na maging araw-araw na ang biyahe. 1961 or 64 dumating ang Viva shipping lines na pagaari ng mga Reyes. Habang naguusap ang inter agency committee at iniakyat ang kaso sa rtc at ito ay nasa preliminary pa lamang ay nagpapadala na ang ppa ng notice to vacate (4x). Pinagpalipat lipat ang kaso sa ibat ibang korte (branch 3, 4, 83, 84...). Mga pinuntahan: - Marso at Abril 1994 umabot sa walang barko na dumadaong sa piyer, nagpaabot na ibabalik ang operasyon ng barko sa buwan ng mayo Nakapagtayo ng 3 PC; ghq, kanto ng barangay hall, purok uno. Walang makapasok sa mga iskinita na hindi kilala, may planong sunugin sa pamamagitan ng pagpapakawala ng pusa na may nakataling apoy. Dito na nagumpisa ang batingaw. June 26, 1994 ay nakapaglunsad pa ng papulong na umabot ng libo. May nakapagbigay ng info na maghanda dahil naka ready na ang Air Force sa bahagi ng Lipa. Gabi pa lamang ay may mga harang ng ginawa ang mga tao, nagsunog ng mga gulong... ang mga pulis ay namamaril na. Kakatapos pa lamang ng bagyo noong Hunyo 27 1994 nang isinagawa ang iligal na demolisyon kahit may pending case sa korte. Nagamit ang RA 7279 (Urban Development and Housing Act) Sec 27 (pagaari ng estado ang lupa ng ppa kaya eskwater ang mga tao). Sec 28 (ang demolition ay pwedeng maganap kung ang mga tao ay nasa danger zone/area). Ginamit ito dahil hindi na kaya ang pwersa ng mga tao. Ginamitan ito ng pwersa ng 2 batalyong sundalo, special forces, 553 demolition crew ng ppa may kalahok pa itong mga preso. Nagkaroon ng hatian ng pagharap, manggagaling sa bayan, sa diversion at ibaba... sa unang attempt ay napaatras ang mga demolisyon crew (9am), ng bumalik ito ay may kasama ng mga pulis at ito ang humarap sa mga tao, may nagmula sa dagat na hindi inasahan ng mga tao. Ang sinakyan ng mga magdedemolis ay VIVA Sta Maria galing sa Bauan. Matapos ang demolisyon ay maraming nawala sa mga gamit ng mga tao (kinukuha ng mga demolition crew ang mga pagkain sa loob ng ref, kinuha ang mga pera, alahas at mahahalagang bagay). marami ang nasaktan dahil sa tama ng bala, at marami rin ang na-suffocate gawa ng tear gas. 1994 nang maging kapitan si iliang, Kakaupong pangulo pa lamang niya sa barangay ng maganap ang demolisyon, lumanding sa lahat halos na media (lahat ng dyaryo, tv, radio, japan media na narito sa pilipinas). During demolition ay pinutol ang lahat ng linya ng kuryente, telepono (isang linggo ito tumagal). Dumating ang mga suporta dahil napakinggan sa radio ng dzrh. Sumali rin dito ang ateneo; institute for church and social issue (icsi), nakatulong sila sa media projection. Ang naging opisina ng kapitan ay sa chapel, naitayo ang medical action group dito. Masasabing mali ang nai-advice ng abogado na nakuha ng STC; Motion for holding indirect contempt ang naifile (atty. Dimayuga ng lipa) sa korte imbes na TRO kaya natuloy ang demolisyon. Isa itong kahinaan sa legal. Nagkaroon ng mga malakihang pagkilos upang kondenahin ang marahas at iligal na demolisyon, sa mga mobilisasyon ay umaabot sa 3000 at napapataas pa ito ng 7000. Nagalok ang PPA/gubyerno ng relokasyon una ay sa balete (sharer at renter at 15K), may mga amenities, sa sico naman ay 15k na halaga. kukuhanin sila ng trak, may 2 jip sa service ng mga lilipat sa relokasyon. Ang alok na pinasya ay 5k-35K bilang suportang pinansya sa mga tao. Ang laban sa villa anita ay ikondena ang marahas at iligal na demolisyon. Ang mga tutol sa relocation ay sa villa anita nagtayo ng mga pansamantalang kabahayan at cunag property. Maraming beses na nagtangkang bumalik (reoccupation), takot na ang mga tao. After ng demolition ay binakuran na agad ng ppa ang lupang kinatitirikan ng bahay ng nademolis. Hulyo 1, 1994 dumating si Atty. Feliseo, matinding harassment ang inabot ng abogado, pagat ng mga sundalo at nakailang lipat ng jip bago nakausap. Hinawakan ni atty feliseo ang kaso ng Sta. Clara, nagpalipat lipat ito ng korte. Agosto 1994 nagkaroon ng unang dayalogo sa PPA para ibalik ang operation ng barko. Marso 1995 kinuha na ng mga sharer, renter at structure owner ang kanilang pera sa ppa pambili ng lupa, Ang kabuuang halaga nito ay more or less Php. 11M inilagak muna ito sa bangko (BPI) sa pangalan ng kasama. Naging 12.6M dahil tumubo na ito, sa tulong ni Cardinal Rosales ay nanghingi ng pera kay Gov Mandanas at nakakuha ng ng 2M na idinagdag sa pambili ng lupa na lilipatan ng mga natirang lumalaban. May 14 1996 nabili ang lupa na pinagtirikan ng mga bahay ng nademolis, Ang pumirma sa bilihan ng lupa ay si Eugenia Ragot, sa BPI ginawa ang bayaran, witness dito ang mga lider, dahil sa pakikibaka ng mamamayan ay nag-donate si mayor Eduardo Dimacuha ng isang ektaryang lupa mula kay Carmela Puyo, ito ang isa sa taumpay o produkto ng laban ng stc, ginamit nila si Honesto upang maging legal ang proseso at binili ng city government. Nov 26-dec 3, 1998 tuloy pa rin ang laban at isinara ang piyer ng 3 araw, nagkaroon ng Camp out at dialogo sa PPA, government at mga tao. Natakot at lumuhod ang manager ng custom kay \*\* dahil ang akala ay papatayin na sila doon. Jica ang nagaral (feasibility study) Oecf ang nagpondo (Php 1.7B) Mitsubishi ang contractor Hanjin ang sub con Sa pagtatapos ng phase 1 noong 1998, pinapaindorso ng Hanjin ito ke iliang kapalit ng back filling materials, hindi ito tinanggap. 1998 nagsimulang magtambak ng lupa sa Puyo, ang nagtambak dito ay 51st Engineering brigade ng PA. 2002 nakipagusap muli si Gov Mandanas at may ipakikitang plano sa atin, may ipapa endorse ke kapitana, kaya naghanap ng ilalaban kay iliang at ang ipinangtapat ay si Conrado Lacsamana. Hindi dapat payagan ang pagtatayo ng BPLC dahil ito ay may joint venture sa MOU Marso 2002 nagkaroon ng bayaran ang halaga ay Php 34.9M para sa 398 families 2005 nakapag mobilisa ng 3000 deligasyon sa Supreme Court (SC). 2008 nagkaroon ng camp out sa piyer dahil ipinasok na ang mga buses sa loob ng phase 1 galing sa bplc, dahan dahang tumamlay ang negosyo sa vendors plaza. Umabot sa may harap ng puyo ang barikada. Nakapasok sa puyo ang banda ng mga air force noong panahon ng piyesta. 2013 nag-file tayo ng motion to refer the case to the court en banc. 2013 ang pinakahuling pagkilos ng claimants sa SC na umabot ng 50 jeepney December 13 2013 nagtirik tayo ng kampuhan sa harap ng BPLC na tumagal ito hanggang kasalukuyan. Naging isyu dito ang septem adamas, ocean view park, 3f (nailagay ito sa ground floor ng bplc) umalis dahil ito ay nalugi. July 18, 2018 nai-grant ng provincial government ang isang negotiated contract sa Fastrana (phil ports archipelago). June 2019 pumunta sa opisina ng ppa kay Atty. Biscocho (port manager ng ppa), nagpakita ng isang lease agreement between Gov. Mandanas at PPA (25 years). Ang susunod na gagamit ng 2 ektarya ay si TL. Ang buong 2 ektarya ay sa atin, ang joint venture pagkatapos ng lease agreement ay papalitan lamang ito ng panibagong leaser (TL ang susunod). Kaya lahat ng offer ni gov mandanas ay pwedeng mabago ulit. Kaya babalik na naman sa dating problema o kalagayan ang mga manininda. Kaya kailangang mawala ang lease agreement. Ang tindigan natin ay ang nilalaman ng kautusan ng korte... 1. 2. 3. 4. 5. Nakakaligtas sa pananagutan ang PPA habang si Mandanas ay gumagalaw at patuloy sa pagpapasok joint venture. Ang hanapbuhay ng mga taga sta clara ay pagkakargador at pagtitinda sa piyer. Malakas ang kita dito, sa una ay kanya kanya at walang sentralisado. Malaya ang pagtitinda at nakakasakay sa mga barko ang mga manininda. Nakakaubos ng 10 kaing na sentroris, bulldozer na chico. Ang mga mangingisda ay sagana sa huli, ang piyesta ng barrio ay sagana at minsan pa nga ay 8 ang banda na umiikot sa barrio. Sa piyesta ng bayan sa kinabukasan ay naibibigay pa ang banda na inarkila ng Sta Clara. Dahil sa maganda ang pasok ng kabuhayan ay may kakayang mapagpaaral ng mga manininda ng kanilang mga anak mula elementarya hanggang kolehiyo. Ang ibang anak ng mga manininda ay nakakapagaral sa Maynila. 1974 ipinagbawal ang pagtitinda sa piyer, may nilalabag na batas sa costums ang tariff code sec. 2201. Nagkaroon na rin ng inception report (panimula) na ang pantalan ay palalakihin. Dito na rin nagumpisa ang demolition sa 16 or 17 na kabahayan. Ang mga inalis na kabahayan ay hindi binayaran. Agosto 1976 itinayo ang samahan sa piyer (Santiago Bello unang pangulo, Teodoro Garing pangalawang pangulo, kalihim, eduard gupit auditor) Taong 1974, mayroong 17 kabahayan ang giniba ng mga militar sa pinagtayuan ngayon ng Philippine Coast Guard. Mayroon ding nakitang isang Inception report (panimula ng port). Mayroong 2 institusyong nagplano para sa port development -- New York base company. Panahon ding ito ay pinatigil ang pagtatrabaho ng mga manggagawa (pulahan -- celestial arrastre), ipinalit ang Aries Arrastre (stevedors -- overseas, kargador). Taong 1975 may mga taga-Sta. Clara na dinala ni Leviste sa Maynila dahil lalakarin ang lupa sa Malacañang pero sa Philippine President Lines dinala. Mayroon ng mga panimulang mga pulong tungkol sa pagdedevelop ng Sta. Clara - Ibaba. Taong 1976 dumating ang PPA at pinagbawal na rin ang pagtitinda sa piyer. Mayroong 3 kumpanyang nagdesign ng piyer; new york base. Samahan ng Nagtitinda sa Daungan ng Batangas (SNDB) ang unang organisasyon. Mayroon na ring mga manggagawa (Pulahan kung tawagin) Moda ng pagtitinda: tuwing pasko lamang nakakapasok sa loob ng piyer para makapagtinda (Dec 16 -- Jan 6). Grupo grupo ang pagpasok dito. Taong 1978 maraming nabuong organisasyon: samahan ng magkakapitbahay, pinagisang damdamin, balanggutan, kabataan (Sta. Clara Youth Council -- SCYC), samahan sa pipisikan, samahan ng mga mangingisda sa ibaba. Taong 1980 umingay na ang isyung pagpapagawa ng pantalan, gumawa ang mga kasama ng isang grupo sa batangas; Batangas Ecumenical Council (BEC). Taong 1978-1980 ay kumikilos na ang mga tao sa Sta. Clara at naglulunsad na ng mga mobilisasyon sa Maynila, libo ang napapadalo rito. Taong 1980's nagsimula ng pagtatayo ng mga grupo grupo na ang pangalan ay mga bulaklak (ilang ilang, kamya,.. 🡪 rotation sa pagtitinda at sa loob nito ay may mga grupo/gulugod). 30 lamang sa isang grupo ang magtitinda sa loob ng piyer. Sa panahon ding ito ay nakikibaka rin ang mga manggagawa (KAMADA). Nagkaroon ng resolution: survey under sa panunungkulan ni Mayor Atienza (BTC) Taong 1984 -- 1986 yari na ang report ng proyektong BIP, JICA na ang magpi-finance sa porma ng Official Development Assistant (ODA-Japan). 1986 na-expose na ito sa mga tao (final report). Naglulunsad na ng mga rally sa opisina ng JICA sa Makati. Ang bangko na magpopondo dito ay Overseas Economic Cooperation Fund (OECF) Nagtayo ng AdHoc Committee para sa Sta. Clara noong 1985. Taong 1986 nabuo ang CLARA ang chair ay si Edie Macaraig. Nagkaroon din dito ng Tripartite Committee (city government, NGO at simbahan). Taong 1986 din nagkaroon ng unang barikada na tumagal ng 9 na oras, dahil tuwing pasko at bagong taon lamang nakakapasok sa piyer ang manininda. Demands: 1. 2. Nagkaroon ng mungkahing balangkas para sa permanenteng solusyon sa Sta. Clara. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. Taong 1987, nagkaroon ng paksyon ang mga manininda sa piyer dahil sa pagbibigay ng pahintulot ang PPA sa isang grupo na makapasok sa loob, ang 2 grupo ng manininda na nahati sa Pepsi at Coke; Naapektuhan ang mga manininda. Inakusahan ang matandang Helen na tumatanggap ng incentibo sa coke at pepsi. Kaya naman nai-appoint si santa na maging pangulo ng kooperatiba, Isang taon nanungkulan lamang at nagkaroon ng eleksyon at ang nahalal ay si chato. Taong 1987, isinagawa ang pangalawang barikada na tumagal ng 16 na oras. Naparalisa ang byahi ng lahat ng barko. Taong 1989, nagkaroon ng biyakan sa ibaba (organisasyon), ang KLARA ay naging TOP Level Committee. Ang kapitan ay hawak ng military (captain Cacam, halos nakabase na sa barangay. July 2, 1992 nabasa sa Manila Bulletin na magkakaroon ng demolisyon, 50 bahay kada linggo ang idedemolis. Naitayo ang prep com against demolition si iliang ang naging pangulo at Helen ang pangalawang pangulo. November 4, 1993 Nakapagpa mob ng 50 jip sa malakanyang sa panahon ng rehimeng Ramos, gamit si Sony Leviste at si Serge Osmiña. Ang layunin ay upang kumuha ng audience sa pangulo, pero ito pala ay Peoples Day ng pangulong ramos. Nakaharap dito sina Sec Renato Devilla, PPA, DOTC, nabuo rin dito ang Inter Agency Committee (12 Government Agency) PPA, Presidential Management Staff (PMS), PCUP, DND, DOTC, DAR, DSWD National, NHA, DENR, Regional Development Council, LGU, Provincial Government, City Government, Batangas City Electric (BCEL), Batangas City Water District (BCWD), Sa inter agency ay pinaguusapan na ang Sico(City Government ang bumili at nagdevelop, 10 ektarya, 18 kilometro ang layo sa kabayanan), Balete (PPA ang bumili 6.5 ektarya, 7 ektaraya ang layo) Mayor Eduardo Dimacuha, Governor Vicente Mayo, Cong Nanie Perez at Dr. Alejadro Diaz nagusap/gumawa ng recomendation para sa Relocation site na paglilipat sa mga nademolis. Sa Balete ang naging relocation site. May offer na relocation sa din sa Sico. Ang pagpili ng relocation ay kasama ang kapitan na si Dr. Alejandro Diaz Feb 17, 1993 idinemanda ng PPA ng ejectment case sa rtc; unalawful detainer at forcible entry ang mga taga Sta Clara. Dahil sa banta ng demolisyon ay ipinagbawal ang pagpapaputok sa loob ng 2 bagong taon dahil sa may banta na susunugin ang STC. Nagkaroon ng mga lider by purok. Nadiskubre na ang proyekto ng BIP ay napakalaki. Prof. Agerico De villa sa UP ang nagbigay ng libro ng final report ng Batangas Port Extension (naka archive sa national library). February 21, 1993 isasara ang piyer at ililipat ito sa (AG&P); inilipat ng PPA sa Bauan at Mabini ang operation upang gutumin ang mga tao para mag-volunteers ang mga vendors sa na pumunta na lamang relocation. Mapanlinlang at may pwersa ang pamamaraan na ginamit ng PPA.